"Magandang umaga, Engineer!"
Umagang-umaga, fresh from the farm and fresh from the morning dew, nakangiting mukha ang bumungad sa akin sa site. At dahil maganda rin ang araw ko ngayon, nginitian ko rin sila.
"Magandang umaga rin po, manong," sagot ko sa unang bumati na worker ng site. "Magandang umaga sa inyong lahat," at inisa-isa ko na ang iba pang trabahante.
"Ang ganda yata ng gising niyo, Engineer," puna naman ng head foreman ng site. Hindi na ako sumagot pa pero kinindatan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa opisina para simulan na ang aking trabaho.
"Aba, ang ganda yata ng ngiti mo ngayon, Engineer Osmeña." Pagka-pasok ko pa lang sa opisina ay agad na akong sinalubong na naman ng pagbati at pagpuna ni Elra.
"It's Monday morning and I'm spreading good vibes by sharing my smile to every one! Go back to work and be inspired," sabi ko pa habang naglalakad na papunta sa table ko. Nagtawanan sila sa sinabi ko pero agad din namang sinunod ang aking sinabi.
Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa na umagang-umaga, e, may sumundo sa 'yo at naghatid pa sa trabaho. Nakaka-inspire kaya 'yon kahit na pa-demure pa ako kanina. Ano ba.
Naabutan ko si Engr. Meeton na naka-upo na naman sa edge ng aking table. Tumigil ako sa tapat niya at pinag-ekis ko ang aking kamay habang nakatingin sa kaniya na nakangisi sa akin ngayon.
"You're glowing, did something happened over the weekend?"
"I am glowing every day, Engineer Meeton," sagot ko naman at nagpatuloy na sa pagpunta sa aking table. Sinundan niya ako ng tingin at humarap na sa akin.
"Kumusta na si Kaven? Ano ba ang nangyari sa kaniya no'ng Friday? Muntik na rin akong mapasugod sa hospital, ha." Inaayos ko ang mga files sa table ko nang magpatuloy si Engr. Meeton.
"Nadapa lang, nagka-sugat sa tuhod at siko pero okay na raw siya, strong daw kasi," sabi ko naman.
Tumawa si Engr. Meeton.
"As expected with Kaven Zarel Constance."
"Go back to work, Engineer Meeton," sabi ko naman sa kaniya.
"Site inspection, let's go." Napa-irap ako sa sinabi niya at kinuha na nga ang high vis vest at ang white hard hat ko para isuot na.
Sabay kaming lumabas ni Engr. Meeton at ginawa na ang mga dapat gawin sa site na pagmo-monitor. May mga napag-uusapan din kaming pagbabago at kung anu-ano pa tungkol sa project na ito.
Whole morning ay nandoon lang kami sa site, mino-monitor ang mga workers at gina-guide na rin sila sa iba pang gawain.
"Almost fifty-percent na ang project na ito. Ilang months na lang at matatapos na rin," sabi ko pa habang nakatingin sa malaking infinity pool na ginagawa na ngayon ng ibang workers.
"Yeah, isa ito sa mga pinaka-mabilis na project natin. Filipinos are really hard working," sagot naman ni Engr. Meeton na nasa tabi ko lang. "Um, before I forgot… Kither will be back this Wednesday, gustong humabol sa birthday ng kambal."
Natawa ako sa sinabi ni Engr. Meeton.
"Mabuti naman at babalik na siya, ano?"
"And another thing, Mr. Darry Lizares' secretary notified me earlier na kailangan mo raw pumunta sa opisina niya sa Lizares Sugar Corp mamayang alas tres ng hapon to discuss the things you sent him last Friday."
Really, huh?
Pagod akong tumingin kay Engr. Meeton.
"Sasamahan mo naman ako 'di ba?" Nanghihingi ng back-up sa kaniya.
Tinapik niya ang balikat ko at ngumisi sa akin.
"Kaya mo na 'yan, Engineer MJ, malaki ka na and you knew very well the project, 'di ba?" Nakangisi pa ring sabi ni Engr. Meeton na mas lalong ikinalugmok ng aking mundo. "Balik na tayo sa opisina, malapit na rin mag-lunch break."
Tumango ako kay Engr. Meeton at siya na mismo ang nagsabi sa mga workers na maaari na silang mag-lunch break.
Sabay kaming naglakad ni Engr. Meeton sa opisina. Nang makapasok kami, agad nagkagulo ang nasa loob ng opisina sa malaking lamesa na nasa gitna ng make shift office.
"Anong kaguluhan 'to?" Tanong ko pa kaya naagaw namin ang atensiyon nilang lahat.
"Engineers!" Halos sabay na bati nilang lahat. Nagkatinginan pa kami ni Engr. Meeton na nagkibit lang ng balikat sa akin.
"Nagpadala si Mr. Darry Lizares ng pananghalian natin, Engineer Osmeña," malawak ang ngiting sagot naman ni Sara. "'Yong lunch niyo po, nandoon na sa table niyo, Engineer, mukhang espesyal po," dagdag na sabi pa niya.
Siyempre nagtaka ako pero nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa table ko mismo. Hanggang sa tumumbad nga sa akin ang palumpon ng bulaklak na nasa table ko kasama ang lunch na sinasabi nila.
"Naks naman, Engineer Osmeña, mukhang may gusto si Mr. Lizares sa 'yo, ah?"
Nang maiangat ko ang bulaklak ay nasa sa akin na ang atensiyon ng lahat.
"Matagal nang may gusto si Mr. Lizares sa kaniya, Elra, BBTL lang," sagot naman ni Engr. Belle.
"BBTL?" Nagtataka namang tanong ko, balak takasan ang panunukso nila.
"Bring back the love, ganoon, Engineer. Masiyado ka na kasing matanda na, e, kaya hindi mo alam ang terms ng mga millenials," panunukso pa niya sa akin.
I scowled and just sat down on my swivel chair.
"Kumain na kayo riyan," sabi ko na lang.
Pinagtoonan ko ng pansin ang pagkaing nasa harapan ko na may nakalagay na note.
'Huwag kang magpapayat. Eat well, Eat more. I Love You.'
Teka, sandali…
"Sino nga ulit nagbigay nito?" Tiningnan ko ang mga kasamahan ko at lahat sila natigilan sa pagtatawanan na ginagawa nila o kung ano pa, biglang natahimik ang paligid at parang nagulat pa sa bigla kong pagtatanong.
"Si Mr. Darry Lizares po, Engineer," lakas na loob na sagot ni Sara.
Punyemas.
Kinuha ko ang note na nakapatong sa pagkain at tinitigan ito at saka ko binuksan ang maliit na drawer ng table ko kung saan ko nilagay ang lahat ng note na natanggap ko galing sa isang unknown food sender nitong nakaraang buwan. At kahit saang anggulo ko tingnan, parehong-pareho ang font, papel na ginamit, kulay ng printer ink, at ang shape ng note.
Napasandal ako sa swivel chair at mariing pumikit.
Punyemas.
Bakit ba hindi sumagi sa isip ko na siya ang puwedeng gumawa nito sa akin?
"Okay ka lang, Engineer? Kain na po." Narinig kong sabi nila pero tinanguan ko lang sila dahil pilit ko pang ipinapasok sa utak ko ang mga bagong nalaman.
Tumingala ako sa itaas, iniisip ang lahat. Hindi sa nawalan ako ng ganang kumain dahil sa nalaman, pero parang teka lang, hindi pa rin ako makapaniwala.
Natigil ang pagtitig ko sa itaas nang mag-ring ang phone ko. Kinailangan ko pang halungkatin ang phone ko sa handbag. Hindi ko na kasi inasikaso ito magmula no'ng ibinigay ni Darry ito kaninang umaga, matapos niya akong ihatid sa trabaho.
Nang makita ang notification na natanggap ko galing sa phone, walang gana ko itong inilapag sa lamesa dahil isang message lang pala galing sa network provider ko. Kaya ni-swipe ko na lang ang mensaheng iyon at ila-lock na sana ang phone ko nang makita ko ang display picture ng sarili kong phone. Kinuha ko ulit ang phone ko para makita nang klaro ang DP ng phone ko. Baka namamalikmata lang pala ako.
Pero hindi, e, wedding picture namin ang nasa lock screen ko.
My God, Darry, what are you doing to me?
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Aaminin ko, hindi naman talaga nawala ang nararamdaman ko sa kaniya. Simula pa lang, kahit ako ang nakipaghiwalay, nanatili pa rin sa akin ang lahat ng emosyon na sa kaniya ko lang naramdaman. Mahal ko pa rin siya. Well, siya lang naman talaga ang minahal ko ng ganito. Maaaring may first love nga ako, pero nahigitan niya ang pagmamahal na iyon. Daig ng unang pagmamahal ang totoong pagmamahal.
Alas-tres ng hapon, bago umalis, tinipon ko ang lahat ng notes na natanggap ko galing sa nagpapadala sa akin ng merienda tuwing hapon. There are seventy notes with the same font, paper, size, and came from one person… and that's where I'm going now.
Pagkalabas ko ng site, agad may bumungad sa akin na isang hindi pamilyar na sasakyan na may nakaabang na mga guards. Well, men in black to be exact.
"Magandang hapon po, Engineer Osmeña, pinapasundo po kayo ni Mr. Darry Lizares," anang isa sa mga lalaking naka-black suit ngayon.
"Bakit? Nasaan ba 'yong amo niyo?"
"Nasa isang importanteng pagpupulong po. Maaari na po kayong sumakay, Engineer Osmeña," matigas pa rin na sabi niya sabay giya sa daan papasok sa nakabukas na pinto ng kotse.
Napabuntonghininga na lang ako at walang nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya.
Kaysa naman maghintay pa ako ng masasakyan dito papunta sa bayan o 'di kaya'y sa milling ng mga Lizares, baka abutin ako ng siyam-siyam kakahintay dahil liblib na lugar nga pala itong kinaluluguran namin ngayon. Napabuntonghininga ulit ako sa naisip.
Bitbit ang folder na copy noong ibinigay ko sa opisina niya last week, tinahak ko ang daan papunta sa palapag ng kaniyang opisina. Nakabuntot pa rin sa akin 'yong mga men in black na kaninang sumundo sa akin.
Hindi ako sanay sa ganito dahil never naman talaga kaming nagka-entourage nang ganito. Oo, mayaman kami pero hindi naman kami 'yong tipong may guwardiya na. Mas sanay kami na walang nagbabantay sa amin at hindi talaga ako sanay na may nagbabantay sa akin. Nakaka-conscious kasi talaga, e.
"H-Hi M-Miss MJ."
Lumingon ako sa babaeng mukhang secretary yata ni Darry, siya rin 'yong babaeng pinag-iwanan ko ng mga files last week. Nakangiti siya sa akin at kumakaway pa.
"Hello," bati ko naman sa kaniya bago ako pinagbuksan ng pinto ng mga men in black na kanina pang kasama ko.
Pagpasok ko pa lang sa opisinang iyon, tumumbad agad sa akin si Darry na nakaupo sa kaniyang malaking swivel chair, may hawak na mga papeles at mukhang abala. Ni hindi nga niya ako nilingon nang pumasok ako sa loob, e.
I stood up in front of his table with firm conviction. Hindi niya pa rin ako inaangatan ng tingin kahit kapansin-pansin naman talaga ang aking presensiya.
Habang hawak ang folder, kinuha ko ang mga maliit na notes sa aking handbag and cleared my throat before slamming the small notes above his table. Agad nagkalat ang mga maliit na papel sa kaniyang table.
Ni hindi man lang siya natinag, itinaas lang niya nang bahagya ang kaniyang ulo at itinoon sa akin ang kaniyang tingin. He smirks kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya at muling tumikhim.
"Nagpapa-cute ka ba sa akin, Lizares?"
His face automatically lit up and amusement can be shown on it, he then slowly lean on his chair.
"Nagpapa-cute?" Natatawang sabi niya kahit para sa akin, wala namang nakakatawa. "Why would you think na nagpapa-cute ako, Engineer Osmeña?"
'Yong altapresyon ko mukhang aakyat na yata sa utak ko!
"E, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sending me meriendas with this kind of note?" Kumuha ako ng isa at itinuro pa sa kaniya. "Huwag kang magpapayat? Eat well? Eat more? Tapos—"
Kusa akong tumigil sa pagsasalita dahil sa napagtanto. Ayokong sabihin sa kaniya ang huling nakalagay sa note.
"Anong klaseng pagpapa-cute 'to, Lizares?" Dugtong ko na lang sa naudlot na sasabihin.
Mas lalo siyang napangisi dahil sa narinig niya pero lalo ko namang ikina-inis. Punyemas. Hindi nakakatuwa.
"Tapos ano, Engineer? Why don't you read the last phrase for me?" Panghahamon pa niya sa akin kaya tuluyan na talagang umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko!
One second, he's nice. And the other second, he's giving me real headache.
Pero bago pa man ako tuluyang sumabog, napakalma ko na ang sarili ko. Pumikit muna ako ng mariin bago ko sinalubong ang tingin niyang alam kong may ibig sabihin, hindi ko lang alam kung ano.
"I'm here to entertain your questions about the progress of the Resortel, Mr. Lizares," with formality na sabi ko pa. Trying to compose myself and reminding myself that I am here because of work.
Tumayo siya at dahan-dahang naglakad papunta sa akin. Sinundan ko naman siya ng tingin.
"Why don't you entertain me instead, Engineer?" Nasa harapan ko na siya nang nakatapos siya sa pagsasalita.
At nand'yan na naman ang amoy niyang para akong binabaliw sa tuwing umaabot sa aking ilong.
Hindi ko namalayan na kinuha na pala niya ang folder na aking dala. Masiyado akong nakatitig sa kaniyang mata kaya halos hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko.
His damn tantalizing eyes. Long, curvy eyelashes, that added more to the definition of his almost perfect physical attributes. Ang mga matang sa tuwing aking tititigan ay para akong nakatingin sa malawak na kalawakan kung saan nakapaloob ang mga bituin, planeta, buwan, at kung anu-ano pang nilalang na nakikita lang sa kalawakan. I can see a universe inside his eyes. And it's so ironic that I can see myself inside his eyes, it's like I am his universe.
Unti-unting lumapit at naging klaro sa aking paningin ang kaniyang mga mata hanggang sa maramdaman ko ang malambot at matamis na dumampi sa aking labi. Sa sobrang lambot, kusang pumikit ang aking mga mata at nagpadala sa tamis ng sensasyong hatid nito.
Matagal kong hindi naramdaman ito. Matagal kong iniwas ang sarili ko sa mga ganito. Matagal bago tumibok ng ganito ang aking puso. At ang matagal na iyon, sa parehong tao ko lang naramdaman.
Napalunok ako nang dahil sa sensasyon ay napahawak ako sa kaniyang batok. Naliliyo at nahuhulog sa sarap ng ritmo ng bawat galaw ng kaniyang labi.
I can feel his hands behind my back and it added fuel to the fire I'm feeling inside me. Mas lalong nag-udyok sa akin ang mga haplos na iyon para idiin pa ang sarili ko sa kaniya.
I miss him… so much.
But a memory of him and this particular woman, struck me.
Itinulak ko siya at mabilis na lumayo sa kaniya. Habol-habol ang hininga, kinalma ko ang aking sarili at halos sabunotan ko na ang aking buhok dahil sa kagagahang nagawa ko na naman. D'yan tayo napapahamak, MJ, e, sa kagagahan mo.
"S-Sorry… Shit, I'm sorry," tanging nasabi ko at pinulot ang handbag kong hindi ko man lang namalayan na nabitiwan ko pala.
Lumapit siya sa akin at pinilit niyang iharap ang mukha ko sa kaniya pero hindi ko talaga magawa dahil alam kong gumawa na naman ako ng kagagahan. Pina-iral ko na naman ang aking puso at kapag ito ang naghari, alam nating lahat na gulo ang hatid nito sa akin.
"What's wrong, baby?" Nagtagumpay siyang iharap ang mukha ko sa kaniya pero ang mata ko, hindi na talaga makatingin sa kaniya.
Marahan akong umatras sa kaniya at umiling, nagkaroon ng lakas para matingnan siya sa mata kahit saglit.
"This is wrong, this is wrong, Darry, may girlfriend ka," pa-ulit ulit na sabi ko habang umiiling.
Oo, tama, mali nga ito MJ, maling-mali ka sa kagagahan mo!
"Yes, I do have a girlfriend," sagot pa niya sa paraan na parang siya pa ang nagtaka sa naging tanong ko.
Nagsalubong ang aking noo at hindi makapaniwala sa naging sagot niya. He just admitted na he has a girlfriend tapos ganito?
"See! You just admitted it! Oo, may anak tayong dalawa pero ano na lang ang sasabihin ni Ms. Audree kapag—"
"What? Audree is my girlfriend?" Pinutol niya ang sinabi ko ng isang tanong kaya mas lalo na akong naguluhan sa mga nangyayari ngayon.
"Oo, Ms. Audree is your girlfriend, right?"
"Audree's not my girlfriend. She never was."
"H-Ha? E, sino?"
"Ikaw…"
What?
"Ha?" Gulat na gulat na sabi ko dahil sa sinabi niya. "Ako? Paano mo ako naging girlfriend? Ha? Teka, ano?" Teka, naguguluhan talaga ako, e.
"May anak na tayo. Mahal pa rin kita. Mahal mo ako. Edi girlfriend na kita."
Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito?
Eksaherada ko siyang tinuro ng binalak niyang lapitan ako.
"Hoy! Anong girlfriend mo ako? Hindi por que may anak na tayo, e, automatic na girlfriend mo na ako. That's not how world works, Lizares."
Bumagsak ang mga balikat niya at namumungay ang kaniyang mga matang napatingin sa akin.
"What assurance do you want? I love you, isn't that enough reason? Ikaw na nga ang nagsabing nagpapa-cute ako, 'di ba? Hindi mo ba tatanggapin ang pagpapa-cute ko?"
Humakbang siya palapit sa akin at sa kagustohan ko namang maiwasan 'yon, umatras din ako. Sa bawat hakbang niya, atras din ang naging tugon ko.
Hanggang sa ang malamig na pader na ang huling hantungan ko.
I'm trapped and I'm doomed.
Ikinulong niya ako sa dalawa niyang braso at unti-unting inilapit ang mukha sa akin. Sa sobrang gulat ko, kusa akong napapikit, anticipating another aggressive kiss from him.
Pero isang marahan na dampi ng labi ang naramdaman ko sa aking noo.
"I love you, wife, mula noon hanggang ngayon at habang-buhay kang magiging sapat sa akin."
Pa-simple kong pinalis ang nagbabadyang luha at kusang umiwas ng tingin. Naluluha akong makita ang mga anak ko na makilala nila ang kanilang Lolo at Lola sa mga Lizares.
Sobrang tuwa ng Don at Donya habang mahigpit na niyayakap ang dalawang bata.
Kung sana, noon pa lang inisip ko na ganito kapayapa ang pagpapakilala ko sa pamilya ng kanilang ama, sana noon ko pa 'to ginawa. Sobrang nabulag lang talaga ako ng galit kaya natagalan ng ganito.
May tumapik sa aking balikat kaya laking pasasalamat ko na tuluyan nang nawala ang luhang kanina'y nagbabadya lang. Nilingon ko kung sino ang tumapik sa akin at isang nakangiting Ate Kiara ang bumungad sa akin.
"A-Ate Kiara…"
"Thank you for introducing us the kids," aniya.
Tumango ako sa kaniya at agad nagulat sa biglaan niyang pagyakap sa akin.
Matapos ang emosyonal na pagpapakilala sa kambal, naghapunan kami kasama ang mga Lizares. Hindi sila kumpleto ngayon pero sisikapin daw nilang kumpleto sila sa paparating na kaarawan ng kambal.
"MJ, hija, maaari ka ba naming makausap?" Matapos ang hapunan, agad akong nilapitan ni Donya Felicity, katabi niya si Don Gabriel na nakangiti lang sa akin.
Nilingon ko muna ang mga bata na abala ng makipaglaro sa kanilang mga pinsan. Hindi na bago sa kanila si Calynn, Charvi, at Caelan, kaya madali nilang napaglagayan ng loob ang mga anak ng iba pang Lizares. Nahagip din ng tingin ko si Darry na saktong nakatingin lang sa akin. Tumango siya bilang hudyat na makipag-usap ako sa mga magulang niya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa at magalang na tumango.
Nanatili kami sa hapag-kainan. Si Donya Felicity ay umupo sa puwesto niya sa lamesa, habang si Don Gabriel naman ay nakatayo lang sa likuran ng kaniyang asawa. Ako naman ay umupo na sa katapat na bangko ni Donya Felicity.
Nakapatong ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng lamesa kaya malaya itong nahawakan ni Donya Felicity. Tumingin ako sa kaniya at nakangiti siya sa akin. Isang ngiti na alam kong totoo.
"MJ, first of all, gusto naming ipaalam sa 'yo na hindi kami galit sa pagtatago mo sa amin ng katotohanan," panimula ni Donya with full of grace and etiquette. "Alam namin may malalim kang rason kung bakit mo hindi agad ipinaalam sa amin ang tungkol sa mga apo namin but we do respect it and it's between you and Darry."
"Ang gusto lang namin, MJ, ay magsimula tayong lahat na masaya. Kalimutan na natin kung ano man ang nangyari sa nakaraan, alang-alang sa mga bata," sagot naman ni Don Gabriel kaya naibaling ko sa kaniya ang atensiyon ko.
"S-Sorry po… Sorry po kung hindi ko agad sinabi sa inyo ang tungkol sa mga bata. Sorry po kung inilayo ko sila sa inyo. Kapakanan lang po ng mga bata ang iniisip ko ng mga panahong iyon, Tito, Tita."
"We do understand, hija, kaya nga gusto namin kalimutan na lang ang lahat. Ang importante ay nandito ka na at ipinakilala mo na sa amin ang mga bata, lalong-lalo na sa kanilang Daddy na si Darwin Charles," wika ni Donya Felicity.
"At sana 'wag ka nang umalis pa, hija," ani Don Gabriel.
"Opo, Tito Gabriel," medyo nahihiyang sagot ko naman sa kaniya na bahagya niyang tinawanan.
So, that was suppose to be a joke?
Nang humupa ang panandalian nilang tawanan, naibalik ko ang tingin ko kay Donya Felicity.
"Pero sana, hija, hayaan mo si Darwin na bumawi sa lahat ng pagkukulang niya sa mga bata."
"Opo, hahayaan ko po siya."
Akala ko magiging ma-drama ang pag-uusap naming iyon ng Don at Donya. Akala ko ipapa-explain nila sa akin kung ano ang mga nangyari kung bakit ganito, bakit ganyan. I guess they knew it already? And whatever my reason, they accept it? Mas okay na siguro 'yon, para less drama sa buhay.
Nag-set up si Darry sa malaking TV nila rito sa kanilang living room. Ipapakita raw kasi niya ang video na c-in-ompile ko magmula noong pinagbubuntis ko pa lang ang kambal hanggang sa mailabas ko sila sa mundo pati hanggang sa nag-one-year-old sila. Every year ay may compilation video akong ginagawa para makita ko kung anu-ano ang mga progress ng kambal. Hanggang three years old pa lang ang mga video'ng iyon dahil three years old pa lang naman ang dalawa.
Tuwang-tuwa sila sa pinapanood nila at bibong-bibo namang nag-kuwento ang dalawa habang pinapanood ang video. Nakita na kasi nila iyon at na-kuwento ko na rin kaya sila naman ngayon ang nagku-kuwento sa iba.
Hanga nga ako sa mga anak ko, agad nilang napaglagayan ng loob ang Don at Donya kahit na mga bagong tao ito sa paningin nila. Manang-mana nga sa akin ang dalawa, mahilig sa mga tao.
Habang abala ang lahat sa panonood. I sneak my way out to the right far end of their house, kung saan ang open space terrace nila.
Nang dumampi sa akin ang malamig na gabi, humigpit ang hawak ko sa railings ng terrace at sinalubong ang malamig-lamig na simoy ng hangin.
Now, this is the province life I've missed the most.
Pero ang aking pag-iisa ay naging panandalian lang ng maramdaman ko ang isang yakap galing sa likuran. My body automatically twitch but I eventually gave in when I felt his warm hands encircled my tummy.
Kusa kong iginilid ang aking ulo to give him an access to my neck at hindi naman ako nabigo, ipinahinga niya ang kaniyang baba sa aking balikat and I gave him my full weight.
This is the serenity I've been looking for: me being safe in the hands of the man of my life.
"Are you happy now?" bulong niya sa akin.
Kahit bulong lang, parang niyayanig pa rin ang buong mundo ko sa tuwing boses niya ang naririnig ko. Ganoon yata talaga ang epekto niya sa akin at sana noon pa, sinanay ko na talaga ang sarili ko sa kaniya.
I sighed satisfactorily.
"What more can I ask for? Akala ko dati, mga material na bagay lang ang puwedeng makapagpasaya sa mga tao. Bigyan mo lang sila ng pera, alam mong sasaya na sila. Pagkain? I think that's enough. Laruan sa mga bata? They're satisfied. But as I grew older, the more I realized na maaari palang sumaya ang isang tao sa simpleng pagmamahal lang, sa simpleng gawain lang, sa simpleng aksiyon lang. Ngayon, masaya ako as long as my Kaven and my Keyla are happy, so there's nothing I can ask for," nakangiti ako sa kawalan nang sabihin ko iyon.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin at ang marahan niyang pagbuga ng hangin. Gosh, even his scent is owning me.
"Are. You. Happy?"
I calmly chuckled.
"Sa bisig mo pa lang, masaya na ako."
"Gustong-gusto mo talaga ako, 'no?"
Ha?
"Excuse me?" Patay-malisya na sabi ko pa.
"Gusto mo, sundan na natin ang kambal?"
What?
Agad akong kumalas sa yakap niya at hysterical siyang tiningnan lang na natatawa lang sa akin.
"Biro lang, pero puwede naman kung gusto mo."
Ibabalik na sana niya ang yakap sa akin nang biglang…
"Mommy… Daddy…"
Sabay kaming napalingon sa may pinto nang sabay na sumigaw ang dalawa. Tumakbo sila papalapit sa akin. Lumapit si Kaven kay Darry at si Keyla naman sa akin kaya kinarga namin sila. Nginisihan ko na lang si Darry at pinagtoonan ng pansin ang dalawa.
"I love you Mommy, I love you Daddy," sabay ulit na sabi ng dalawa na isa-isa naman kaming niyakap ng mahigpit at hinalikan pa sa labi. Nagyakapan si Keyla at Kaven kaya mas napalapit pa kaming apat.
If being hurt in the past will lead me with this kind of ending, I will forever rewind that part of my life just to express how thankful I am for having a life like this. Sobrang payapa ng ganitong buhay. Aabot na talaga ako sa puntong wala na talaga akong hihilingin pang iba.
"Gusto ko ang mga food carts ay accessible sa mga bata, ha? At saka 'yong mga play houses and play grounds ay open to all."
Nilingon ko si Mama na sobrang na-s-stress na sa kakadikta ng mga kailangang gawin.
"Ma, ikaw ba o ako ang magulang ng kambal? Relax lang, okay? May organizer ka namang kinuha, ba't ikaw pa rin ang nag-oorganize?" Sabi ko pa.
Umismid si Mama sa akin.
"E, ikaw lang naman 'yong ina na walang pakialam of all times. Pabayaan mo na ako, pabayaan mo na kami ng balae ko. Unang beses na mag-celebrate ang kambal ng birthday nila rito sa Pilipinas kaya dapat bongga," sagot naman niya at agad bumalik sa pagmamando ng kung anu-ano pang palamuti na kakailanganin sa venue ngayon.
Abala na nga ang lahat ng nasa paligid ko. Napailing na lang ako at nilingon naman ang nasa tabi ko.
"O, ano? Magsasalita ka pa?" Panunukso pa niya sa akin. Inambahan ko ng sampal si bakla pero tinawanan lang niya ako. "Pabayaan mo na kasi. Tama naman kasi ang sinabi ni Tita Blake, unang beses ito kaya dapat lang talaga na bongga. Dinaig pa debut sa sobrang bongga."
"Kilala mo naman 'yong mga inaanak mo, 'di ba? Kahit kumain lang sa bahay 'yon, lutuan mo lang ng mga paborito nilang pagkain, masaya na iyon. Mas sanay sa simpleng buhay ang mga anak ko."
"What do you expect? Ang mga anak mo, na inaanak ko, ay mga apo ng dalawang naglalakihang pamilya sa probinsiyang ito and probably sa Pilipinas na rin kaya kung susumahin, frenny, royalty blood 'yang mga anak mo. So they deserve this kind of party!" Eksaheradang sabi niya pa habang inilalahad sa akin ang kabuuan ng venue.
"Ikaw magpakilalang ina mamaya, ha? Ikaw mag-speech."
Tumawa si Genil. Isang nakakalokong tawa.
"Be careful what you wish for, darling. Baka sa isang iglap lang, magkatotoo 'yang mga sinasabi mo at baka hindi lang ako ang maging ina ng kambal kundi ako na ang magiging asa—shit."
Bored na bored ko siyang tiningnan habang tinatakpan niya ang kaniyang bibig at halos hindi na ako matingnan sa mata.
"You wish," maarteng sagot ko naman sa kaniya sabay irap.
Nagpatuloy ang pagtulong namin sa pag-aayos ng venue kahit hindi naman talaga kailangan ang tulong namin dahil sa dami ng supplier na kinuha nina Mama at Donya Felicity. So, in the end, naging useless ang tulong namin ni Genil.
Bumalik na lang ako sa hotel room kung saan kami namamalagi ng aking mga anak. Sa isang sikat na hotel sa kabisera ng probinsiya ang venue ng fourth birthday ng kambal. Hindi na ako nakapalag kasi bukod sa wala akong naging ambag sa birthday na ito, matagal na palang pinaghandaan ni Mama ito, mas naging bongga lang dahil sumali sa last minute preparation si Donya Felicity na kasing excited din ni Mama. Para tuloy akong nawalan ng karapatan bilang ina.
Si Darry naman, hindi ko alam kung nasaan. Hindi na ako nagtanong, malaki na naman 'yon. Mamaya na lang ako maghuhuramentado kapag hindi siya sumipot sa birthday ng sarili niyang anak. Subukan niya lang talagang hindi sumipot, makikita niya talaga agad ang liwanag.
Kahit sanay sa simpleng buhay ang mga bata, mababakas pa rin sa mukha nila ngayon na excited sila sa birthday party nila lalo na't ang paborito nila ang theme ng party. At opo, pareho nilang paborito ang The Avengers. Si Keyla ay si Black Widow at Si Hawk Eye naman si Kaven. Scarlett Johansson at Jeremy Renner, kabahan na kayo, mukhang mapapatalsik kayo sa Marvel Comics Universe nang dahil sa mga anak ko.
Black Widow at Hawk Eye ang costume ng dalawa at ang mga bisita ay may sariling t-shirt na may print ng paborito nilang character sa MCU.
Ang mga batang Osmeña at Lizares naman ay talagang pinagsuot ng costume ng kanilang napiling MCU character except Black Widow and Hawk Eye, siyempre. At kaming mga adults ay t-shirt lang ang suot katulad sa ibang bisita.
Inayos ko ang sarili ko sa malaking salamin dito sa hotel room namin. Mukha ni Ms. Pepper Potts ang naka-printa sa t-shirt na suot ko ngayon.
Natapos ang lahat ng preparation at sabay na kami ng mga anak ko na bumaba sa venue.
Isa-isa kong binati ang mga inaasahan kong bisita. Kompleto ang childhood barkada ko. Jessa, Nicole, Lory, Lorene, Paulla, Ressie, Vad, Maj, and their girlfriends, and the additional na si Genil. Nandito rin ang mga colleagues ko with the special participation of Engr. Kith na kakauwi lang galing Canada. Ilang kakilala ng dalawang pamilya at iba pa. Nakita ko rin sa isang table ang mga kaibigan ni Darry na natatandaan ko pa, 'yong ipinakilala niya sa akin minsan. Hindi ko na kayang isa-isahin pa.
Saktong nagsimula ang party ay siyang pagdating ni Darry. Tumabi siya sa akin at pareho naming pinanood ang aming anak na ipinapakilala na sa lahat.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" Tanong ko na hindi man lang siya tinitingnan.
"May inasikaso lang sandali."
Napabuntonghininga na lang ako at napailing at hindi na siya masiyadong inisip pa.
Nagpatuloy ang party. May games, picture taking, messages from the family and godparents, at marami pang iba.
Papatapos na ang party kaya napagpasiyahan kong mag-unat na para sa mahaba-habang paalaman nang biglang nagsalita si Keyla gamit ang microphone.
"Mommy, Mommy, do you remember when Daddy first laid his eyes on you? It's as if you were just alone and everything else doesn't matter?"
Ano raw?
"Mom, d'you remember when you and Dad first met? I know you didn't but for him, it's the happiest day of his life."
Tapos ngayon si Kaven naman ang nagsalita? Teka, nagugulohan ako.
"MJ, naalala mo 'yong una mo siyang napansin? Siyempre hindi rin kasi wala ka nga'ng pakialam pero that move of yours, once saved his life… from us," ngayon ay boses naman ni Steven Guelle ang hinanap ko dahil siya na naman 'yong nagsalita.
Tumayo na ako para makita ko na siya at nang makita ko na, kumaway lang siya sa akin at may hawak nga siyang mikropono.
"Ano ba ang nangyayari?" Bulong ko.
"Naalala mo na? 'Yong minsang may napag-trip-an kami ni Brey at Serg noong high school? Siya 'yon."
"E, 'yong pangalawang beses mo siyang naipagtanggol?" Boses naman ni Brethren ang narinig ko mula sa speaker ng venue. This time, I am hundred percent sure na pinagti-trip-an na ako ng mga tao. "Siyempre, alam kong hindi mo maaalala dahil hindi ko nga rin maalala dahil wala naman ako ng mga panahong iyon pero pinaalala nila kaya nalaman ko." Dumagundong ang tawanan sa venue dahil sa dinugtong ni Breth. Hindi ko nga rin alam kung matatawa ako o maiinis na.
"Canteen. Nadapa siya. Natapunan ng watermelon shake si Albert. Pinigilan mo si Albert na suntukin siya. Does it ring a bell?"
Napa-isip ako sa sinabi ni Breth.
Teka, parang may nangyari nga'ng ganiyan noong nasa high school ako.
"I know, you are really confused right now, kaya dagdagan natin 'yang confusion mo." This time again, ibang boses naman ang narinig ko.
Automatic na hinanap ng aking mata si Jessa dahil boses nga niya ang narinig ko.
"Noong nagkita kayo ulit matapos niyang umuwi galing States. Fiesta ng Escalante."
Nangunot ang noo ko sa dinagdag ni Jessa. Ilang segundong pakikipagtitigan sa kaniya ay tinuro niya ako.
"Tanga, sabi ko na nga ba, wala ka na namang pakialam at mukhang hindi mo pa rin naaalala."
Ano ba kasi itong mga pinagsasabi nila?
"Baka ito, may maalala na siyang pakiramdam." Boses naman ngayon ni Nicole ang narinig ko kaya siya naman ang nilingon ko na nasa isang table lang with Jessa. "Unang beses ka niyang sinakay sa kotse niya. D'you remember it, bruha?"
Umiwas ako ng tingin kay Nicole dahil may alaalang pumasok sa aking utak. Hindi ko lang ma-describe ng maayos pero alam kong may nangyari nga'ng ganoon dati.
"What about the beer pong night and his birthday?" Boses ni Paulla ang narinig ko pero hindi ko na sila matingnan dahil sunod-sunod na alaala na ang pumasok sa aking isipan.
Yeah, that night, paano ko ba makakalimutan 'yan? Ang daming ganap sa isang gabing iyan.
"Kaonti na lang at may mararamdaman na 'yan."
Bumalik ang tingin ko sa table ng mga kaibigan ko dahil boses naman ngayon ni Atty. Ressie ang narinig ko.
Bigla niya akong tinuro habang hawak ang mikropono.
"'Yong gabi ba na nalaman mong engage ka pala sa kaniya, sumabog ba utak mo no'n?"
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa paraan ng pagtanong ni Ressie sa akin, e. Para kasi akong witness na ini-interrogate niya sa courtroom. Kaya hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti.
"'Yong araw na ikinasal ka sa kaniya? May naramdaman ka na ba no'n?" Hindi pa man nakaka-recover kay Ressie, napalitan na siya agad ni Lory.
Okay, hindi ko na talaga alam kung ano ang relevancy ng mga pinagsasabi nila sa birthday ng kambal. Hindi ko sila magawang patigilin dahil may parte sa aking parang may gusto pang ibang marinig.
This is a trip to memory lane, for sure.
"'Yong mga araw na nakasama mo siya noong kasal pa kayo? Napagtanto mo ba na mahal mo na siya o noon pa lang, alam mo na?" Si Lorene ang nagsabi no'n.
Pa-simple akong napalunok dahil habang tumatagal ang mga tanong, unti-unti ring tumitibok ng mabilis ang aking kalmadong puso.
"Sa mga panahong wala siya sa piling mo at malayo kayo sa isa't-isa, nangulila ka ba sa kaniya?" Tanong ni Genil.
I cleared my throat kahit alam ko namang hindi ko talaga kayang magsalita pa. Sunod-sunod na alaala ang dumagsa na sa aking isipan. Hindi na mapigilan, masasakit man o masasayang alaala. Walang pinipili, hanggang nandoon siya, bumabalik iyon sa aking isipan.
"Kaya ang totoong tanong…" Akala ko tapos na si Genil pero nagsalita pa ang bakla.
"Mommy, do you still love Daddy?" Narinig ko ulit ang boses ng kambal.
This time, sigurado na ako, kaonting ihip na lang ng hangin babagsak na ang luha ko. Punyemas naman, ano ba kasi ang nangyayari?
"If yes, please step into the spotlight and if no, feel free to leave the venue and leave everything behind."
Punyemas.
Tuluyan na nga'ng bumagsak ang luha ko at wala sa sariling napangiti nang marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na iyon.
Tinanaw ko ang spotlight sa gitna at hindi nagdalawang-isip na naglakad papunta roon.
"Do I have a choice?" Reklamo ko pa kahit na hindi ko na nakikita ang nasa paligid ko dahil dumilim na at nanatiling sa akin ang ilaw.
Narinig kong tumawa sila pero agad ding tumahimik nang may nag-spotlight sa harapan ko, ilang metro ang layo mula sa akin.
Isang matipunong lalaki na dati'y kasing height ko lang ito pero ngayon ay mas matangkad na kaysa sa akin. Isang mala-diyos na nilalang na ibinagsak sa lupa. Isang lalaking minsan kong hindi kilala pero nakilala sa hindi inaasahang paraan. Isang lalaki na hindi naman sana siya ang ipapakasal sa akin pero mukhang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para kami ang ikasal. Isang lalaking hindi ko aakalain na mamahalin ko at sasaktan ako sa parehong paraan. Isang lalaki na hindi ko aakalain na mas gugustohin ko pa ring mahalin. Isang ama na handang maging ama sa mga anak namin. Isang ama na handa kong makasama habang-buhay. Minsan man siyang naging akin, minsan man ay nagamit ko ang kaniyang apelyido, gusto ko ngayon sana, siya ulit.
"Sa wakas, napikot din kita," aniya habang papalapit sa akin.
Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa, e, kaya para na siguro akong timang ngayon na tumatawa tapos may luha.
Nagpatuloy ang kaniyang paglalakad hanggang sa nasa mismong harapan ko na siya.
"Lahat ng sinabi nila, lahat ng iyon mga alaala ko sa 'yo na hindi ko makalimutan. Sinabi namin sa 'yo 'yon para malaman mo kung anong progreso ang nangyari pagkalipas ng mga taon. Habang tumatagal ang mga memories, mas lalong lumalim ang nararamdaman mo 'no?"
"Wow, presko mo ha?" Nag-reak ako agad sa sinabi niya. Ang yabang talaga ng lalaking ito.
"And now you're smiling." Matapos akong matawa sa sinabi niya, napatingin ulit ako sa kaniya. "I like that, seeing you smile everyday. And I would love to be the reason why you're smiling everyday." He carefully caress my cheeks.
"Minahal ka ng lahat dahil sa ngiti mo. Minahal ka ng lahat dahil magaan kang kasama," dagdag na sabi niya pa na sa aking mga mata lang talaga nakatingin. 'Yong kaninang pa-unti unting kabog lang ng dibdib, ngayon ay kasing lakas na ng isang daang tambol na sabay-sabay na pinalo. "At minahal kita dahil mahal kita. Mahal kita dahil ikaw si Maria Josephina Constancia Osmeña."
"Oooooh!"
Punyemas. Please slap me. Now!
Lumuhod siya sa harapan ko at ipinakita sa akin ang isang singsing na minsan kong isinuot. Hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa, sa luha ko nailabas ang lahat.
"Will you be my Mrs. Lizares, again?"
Sapo-sapo ang bibig, unti-unti akong tumango.
"Y-Yes, Darry. I will."
The most spoiled girl in town already got the man of her life. This has been Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña. I may left, but I will always come back to the man of my life. She leaves for a pathetic reason but one good reason is enough for her to come back... home.
~