Télécharger l’application
40.32% The Virgin Mary / Chapter 25: KABANATA 23

Chapitre 25: KABANATA 23

WARNING SPG:

Kinaumagahan ay hindi ko magawang bumangon. Sobrang bigat ng dibdib ko sabayan mo pa sa katawan kong sobrang pagod na pagod sa trabaho. Naiisip ko lang, mas mahirap ang magtrabaho sa gabi kaysa umaga. Pero ito yung trabaho ko at kailangan ko nalang mag sipag at tiisin ito.

May naiipon narin ako at naisip ko naring umuwi sa lanao. Gusto ko lang bisitahin si Nanay at Tatay. Miss na miss ko na sila at kailangan ko ring ipaayos ang puntod nilang dalawa. Sana lang ay pumayag si Clifford.

Tumagilid ako sa kama. Gising narin ang iba at tila busy sa kanilang ginagawa. Napadpad ang tingin ko kay Erika na bagong ligo. Si Grace at Ivony na naglilinis ng kanila paa at kamay. Dahan-dahan akong bumangon kaya napalingon sila sakin.

"Goodmorning," Bati sakin ni Ivony tska ko sila nginitian. Hinahanap ng mata ko si Jessica.

"Si Jessica bang hinahanap mo? Maagang sinundo ng boyfriend niya." Baling sakin ni Grace. Dahan-dahan akong tumayo sa kama tsaka niligpit ang kumot.

"Hindi kayo aalis ngayon?" Tanong ko sa kanila na ikinakunot ng kanilang noo.

"Bakit aalis ka?" Tanong sakin ni Ivony. Tumango ako bilang sagot. "Saan ka pupunta? Gusto mong samahan ka namin?"

"Okay lang, baka may gagawin pa kayo. Bibili lang ako ng bagong cellphone yung mumurahin lang." Naningkit ang kanilang mata sa sinabi ko.

"Bibili ka? Bakit nasan na ba iyong phone mo?." Nagtatakang tanong ni Grace. Napalingon sakin si Erika na walang ekspresyon ang mukha.

"Nahulog sa sahig!" Iwas tingin kong sagot tsaka inayos ang sarili. Kumuha narin ako ng damit para sa pagligo ko.

"Sasamahan kita. May bibilhin rin kasi ako." Tumayo si Ivony tsaka dali-daling isinuot ang tsinelas nito. "Ikaw? Grace gusto mong sumama?" Umiling si Grace bilang sagot.

"Kayo nalang, sobrang sakit talaga ng likod ko eh. Kailangan kong magpahinga." Simangot nito tska tumango si Ivony.

"Maliligo muna ako saglit." Baling ko kay ivony tska sya tumango ulit.

Dali-dali akong pumasok sa banyo. Hanggang sa pagligo ko ay naiisip ko parin si Matteo. Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya sakin kagabi. Hindi ko alam kong bakit nasabi nya iyon. Alam kong galit sya pero hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Kailangan ko lang talaga sumama kay Rocky. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Sumisikip ang dibdib ko pag iniisip lang iyon. Bakit ko nga ba naiisip ito?Ewan at hindi ko rin alam kong bakit.

Pagkatapos kong maligo ay bumungad sakin si Ivony na nakabihis narin. Dali-dali rin akong nagbihis dahil ayaw ko talagang may pinaghihintay. Napagpasyahan naming sumakay ni Ivony ng taxi para mas madali kaming umabot sa Robinson. Bitbit ko parin ang luma kong cellphone kahit wasak na ito. Masasaktan lang ako pag itatapon ito. Mas mabuti ng itago ito dahil ito ang kauna-unahang phone ko. Hanggang ngayon kasi eh nandidito parin ang mga text namin ni Rocky. Napapikit ako pag naalala iyon. Kahit medyo may pagka jejemon ang mga lumang message namin noon  ay napapangiti ako.

Pagdating namin sa mall ay dumiretso kami sa Jollibee. Nagugutom si Ivony at iyon ay hindi dapat pagutomin. Dahil may nakatirang dambohala sa tyan niya na dapat hindi pinapalisan.

"Anong phone ang gusto mong bilhin?" Tanong sakin ni Ivony habang ngumunguya ng humburger.

"Hahanap pa ako. Pero mas gusto ko kasi yung keypad lang. Hindi ako sanay sa touch screen eh." Sagot ko kaya bahagya syang natawa.

"Sa ganda mong yan? Keypad ang phone mo? Hello Maey, iba na ngayon may mumurahin namang touch screen dyan. Tutulongan kitang maghanap." Taas kilay niya tsaka ako nagkibit ng balikat.

Nasanay na ako sa keypad dahil mas madaling malagay sa bulsa at mas marahan kapang makakapag type.

Pagkatapos naming kumain ay hinila ako ni Ivony palabas ng resto. Nagtungo kami sa isang tenant na may nakahalerang Samsung. Kumunot ang noo ko at sigurado akong mahal dito.

"Ivony baka mahal dito." Hila ko sa kamay niya tska ako tinaasan ng kilay.

"Ilan ba ang budget mo at dadag-dagan ko nalang." ani niya.

"2,500 lang yung dala ko. Doon nalang tayo sa Myphone kasi may mura doon at may nakita akong 1,200 lang."  Hila ko sa kanya pero nag mamatigas ito.

Hindi na sya muling sumagot pa at tuluyan nga kaming nakapasok sa loob.

"Ito Samsung Duos." Turo niya sa puting phone. 2,200? Nakakaingganyo pero nakakabutas ng bulsa.

"Mahal yan Ivony. Doon nalang tayo sa kabila." Saad ko pero tinaasan niya lang ulit ako ng kilay.

"Hindi ako papayag na keypad lang yung phone mo. Papautangin kita ng 500 para mabili mo iyan. Sige na Please. May facebook ka diba?" Sunod-sunod niyang wika.

"Meron akong facebook at hindi ko na iyon na O'open." Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Edi bilhin natin ito. Makakapag facebook ka pa at makakapagselfie." Asar niyang sabi. Hindi ko alam pero naging interesado narin ako sa sinabi ni Ivony.

Hindi na ako muling sumagot pa sa sinabi niyang iyon. Tuluyan naming binili ang phone na gusto niya para sakin.

"Miss kukunin namin ito." Turo ni Ivony sa puting samsung. Pinapanunuod namin ang bawat kilos ng tindera.

"Ilang MP ang front at back camera niyan miss." Malditang saad ni Ivony.

"5Mp AF back + 3Mp Front with flash na po sya maam..Meron na din syang 2Gb Memory at may 1Gb pa po sa Internal Storage nito maam.1.6GHz Octa Core Processor with 139.5 mm (5'5) HD sAMOLED."

Tumaas ang kilay ni ivony sa bawat salaysay ng tindera.

"Hay naku miss. MP ang tinatanong ko at hindi lahat. Marunong naman kaming bumasa noh, kaya huwag monang isalaysay pa." Maldita nitong saad kaya siniko ko sya.

"Trabaho nila yan. Ikaw talaga." Tinaasan niya ako ng kilay tsaka niya kinuha ang phone pagkatapos naming  magbayad. Hinila niya ulit ako palabas tska nagtungo sa may iilang bench dito sa Robinson. Umupo kami ni Ivony tska niya hinalungkat ang phone na binili namin.

"Dali buksan muna para makapagselfie na tayo." Dali-dali niyang saad tska ko kinuha mula sa box ang phone. Kinuha ko narin iyong sim na nasa luma kong Myphone tsaka nilagay sa bago. Marunong akong gumamit nito. Sadyang hindi lang talaga ako na iing-ganyo sa mga ganitong bagay dahil kuntento na ako sa keypad. Mas gusto ko kasi yung nakasanayan ko na.

"Akin na mag selfie na tayo." Inigaw ni Ivony ang phone tsaka niya ito itinaas mula sa gilid niya. "1 2 3 smile!" Pagkatapos ng iilang kuha namin ay isa-isa niyang tinignan ang mga kuha naming larawan.

"Photogenic ka pala noh?" Baling niya sakin tska sinuri ako ng ilang ulit. "Kahit saang banda at anggulo ang ganda-ganda mo. Kaya pala nabighani sayo si Matteo."

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Ivony. Namamanhid ang dibdib ko at hindi ko alam kong bakit ganito ang impact sakin ni Matteo. Nahalata ni Ivony ang pag-iwas ko ng tingin.

"May problema ba Maey?" Lumingon ako sa kanya na may bahid na lungkot.

"Wala, gusto mo ng umuwi?" Iba ko sa usapan tsaka niya binigay sakin ang phone.

"Samahan mo muna ako sa pharmacy." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"May sakit ka?" hinawakan ko pa ang noo niya.

"Wala!" Dahan-dahan syang yumuko sa tanong ko. Kinabahan ako sa pag-iwas tingin ni Ivony at alam kong iba na itong kutob ko.

"Kaibigan mo ako Ivony. Sabihin mo sakin kong may problema ka." Mahina kong saad kaya dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya tsaka ako tinignan.

"Baka kasi buntis ako." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sobrang bilis na tibok ng puso ko dahil hindi ko ma proseso ang huli niyang sinabi. May dalawang kapatid si Ivony at sya lang ang bumubuhay nito. Wala na silang magulang kaya sya nalang ang inaasahan ng kanyang mga kapatid.

Hinila ko sya patayo tsaka nagtungo sa pharmacy. Ako na ang bumili ng pregnancy test. Hinila ko ulit sya patungong restroom.

"Alam ba ito ni Joson?" Umiling sya sa tanong ko kaya napapikit ako.

Ganito pala ang pakiramdam pag ikaw ang unang nakakaalam na buntis ang kaibigan mo. May bahid sakin ang saya pero nalulungkot ako dahil pag ganon ay aalis si Ivony sa bar. Binigay ko sa kanya ang PT tsaka sya itinulak papasok ng girls room. Panay ang hilot ko sa kamay ko dahil sa kaba. Hindi ko naririnig si Ivony sa loob kaya nakakailang katok na ako sa pintuan.

"Ano? Lumabas na ba ang resulta?" Hindi ko parin sya naririnig kaya kinakabahan ako lalo. Kinatok ko ulit ang pintoan sabay ng pagbukas nito.

Bagsak ang magkabilang balikat ni Ivony habang nakatitig sa PT na hawak niya. Dahan-dahan syang lumabas na nakayuko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa itsura niya ngayon.

"Positive ba?" Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya tsaka ako nginitian ng malapad. Kumunot ang noo ko sa inasta niya dahil kanina lang ay malungkot.

"Oh my ghad!" Tumalon sya bigla tsaka ako niyakap ng mahigpit. Sumasabay ako sa talon niya kaya nasasakal ako sa higpit ng yakap niya sakin. Humiwalay sya sa yakap sakin tsaka ako hinarap ng may iilang luha. Dahan-dahan niya iyong pinunasan tska binigay sakin ang PT.

Dumungaw ako mula dun tsaka kinuha mula sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa nakita at literal akong nagulat.

"Negative?" mahina kong tanong kaya ngumiti ulit sya.

"Oo Maey." Malapad niyang ngiti kaya naningkit ang mata ko.

"Negative? Pero masaya ka?" Tanong ko ulit kaya sumimangot sya.

"Hindi naman sa ganon. Okay lang naman sakin kong nabuntis ako. Masaya lang kasi ako dahil makakatulong pa ako sa mga kapatid ko." Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga naman pero hindi ko lang talaga maintidihan.

Umuwi kami pagkatapos gumala. Panay ang ngiti ni Ivony kaya hinahayaan ko nalang iyon. Sobrang tahimik ng bar at paniguradong gumala rin yung ibang kasamahan ko.

Bumungad samin si Grace at Erika na natutulog kaya hindi kami gumawa ng ingay ni Ivony. Bumulagta si Ivony sa kama tsaka ako sumunod. Narinig ko ang munti niyang idlip. Umurong ako tsaka sumandal sa kama. Hinalungkat ko ang bagong cellphone tska binasa ang iilang mensahe na mukhang kahapon pa ito.

From: Matteo

Im waiting you outside..

Where are you?

Mary, why you didn't reponse my message.

Fvck! Im waiting you here for an hour.

Please go outside in the bar. I have something to tell you and this is important.

Hey? Are you asleep?

From: Rocky

Pupuntahan kita sa bar. Ill be there in 5minutes.

Napahawak ako ng mahigpit sa phone. Ito yung mga message na dapat natanggap ko pa kahapon. Napahiga ulit ako sa kama dahil sa pagod. Ngayon ko pa ito nararamdaman sa buong buhay ko. Yung sobrang sakit ng dibdib ko.

Hindi ko alam kong pano ako tuluyang nakatulog. Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Sobrang lakas nito at rinig na rinig ang basag mula sa speaker. Nakalimotan kong hinaan kanina.

Rocky Calling...

Dali-dali ko iyong sinagot tsaka binaling ang tingin sa mga kaibigan kong tulog pa.

"Hello Rocky? Napatawag ka?" Dahan-dahan akong bumangon sa kama tsaka dali-daling lumabas ng silid.

"Pupuntahan kita mamaya sa bar. Babalik na ako sa Dubai nextweek. Gusto ko sanang makasama ka kahit saglit."

Napahawak ako ng mahigpit saking dibdib. Aalis sya ulit? Sa sinabi niyang iyon ay para akong nahulogan ng iilang bato sa likod. Sobrang bigat!

"Mary? andyan ka pa ba?"

Hindi ko magawang sumagot kaya pinikit ko nalang aking mata. Bumaba ako sa hagdanan at nagtungo sa counter bago sumagot.

"Sige Rocky hihintayin kita mamaya. Miss na miss lang talaga kita." Narinig ko ang munti niyang tawa kaya bumalik ang ngiti ko na kanina ay malumanay.

"Miss na miss narin kita. See you tonight. I have to go Mary may client pa akong pupuntahan ngayon."

"Bye Rocky," Dahan-dahan kong binaba ang phone na bagsak ang magkabilang balikat. "Gusto kita Rocky kong alam mo lang sana," Bulong ko tska tinititigan ang numero niyang nakatatak parin screen.

"You dont like him, your just confuse what you really feel." Nanigas ang tuhod ko sa pamilyar na boses mula saking likuran. Dahan-dahan akong lumingon at bumungad sakin si Matteo na naka v-neck shirt at jeans.

*Dug dug dug* Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ang kanyang buhok ngayon ay malinis. Kakagupit lang niya siguro. Sobrang bagay sa kanya dahil kitang-kitang ang kabuohan ng kanyang mukha at hindi narin natatabunan ang kanyang kilay.

Perpekto at walang gasgas. Napakagat ako sa labi ko ng dahan-dahan syang lumapit sakin. Dahan-dahan din akong umatras hanggang sa maramdaman ko nalang ang pader ng counter.

"You dont know what is love, Mary." Bagsak boses niya tska mas lumapit pa sakin. Pinatong niya ang kanyang magkabilang kamay sa magkabilang highchair sa gilid ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mata niyang nag susumamo.

"Ano bang pinagsasabi mo?"  Taas tono kong saad kaya ngumiti sya mula sa gilid ng kanyang labi. Lumingon sya sa kabilang side kaya kita ko ang matangos niyang ilong. Binalik niya ang tingin sakin kaya mas lalo akong nababaliw sa titig niya ngayon. Hawak ko ang phone ko habang yakap ito mula saking dibdib.

"Cheap woman." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin.

Hinawakan niya ang baba ko tska iniharap ang mukha ko ulit sa kanya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga mula sa mukha ko kaya naramdaman ko ang pangangatog ng aking tuhod.

"Cheap ako diba? Alam ko iyon sana naman hindi mo na inulit pa. Cheap ako! Cheap ako dahil mahirap ako." Mahina kong sabi kaya tumawa sya ng bahagya. Tatawanan  niya lang ba ako? Ang sakit lang kasi.

"A cheap one I keep looking at. " Seryoso niyang saad tsaka niya hinaplos ang braso ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko magawang humusdile. Ang haplos niyang nagpapatindig ng balahibo ko.

"Im sorry for being rude. This is the huffed of being getting jealous." Mahina pero basag boses niyang sabi. Hinalikan niya ako sa labi. Isang halik na litaw at tanging sa ibabaw ng labi ko lang iyon naramdaman. Hindi ko magawang gumalaw sa gulat.

Naglaban kami ng titig. Gusto kong tikman ulit kahit isa lang kahit saglit lang. Tumingkayad ako para abotin ang labi niya ngunit inatras niya lang ang kanyang ulo bago ito tumawa. Napayuko ako sa kahihiyan dahil hindi niya ako pinagbigyan.

"Now, tell me Mary. Are you really sure with your feelings for him?" Hamon niyang tanong tsaka ako ngnitian ng nakakaasar.

Hindi ko alam kong bakit niya itinatanong sakin ito ngayon. Pinapagulo niya lang ang isip ko sa tanong na iyon. Naglaban ang puso at isip ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ko si Rocky at alam ko iyon. Pero nawawala ako sa konsentrasyon dahil nakaharang si Matteo saking isipan.

Bakit nakakalito? Walang kami ni Matteo pero pinaparamdam niya sakin ang pagkababae ko.

Nawala ako saking isipan. Bumukas ang main door ng bar at bumungad sakin si Clifford at Robi na may ngiting gulat. Kita ko ang mga ngiti nilang naglalaro mula sa balikat ni Matteo. Binalik ko ang tingin kay Matteo pero hindi niya parin binibitawan ang titig sakin.

"Wrong timing tayo dude."sabay Nagtawanan si Clifford at Robi tsaka sila nag high five. Dahan-dahan naring tumuwid ng tayo si Matteo tsaka humarap sa kanila. Nahihiya na ako sa mag pinsan. Hindi dapat ako nakikihalubilo sa matataas at makapangyarihang tao.

Sobra na ito Mary, lagpas kana sa limitasyon.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C25
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous