Télécharger l’application
70.58% Breaking the wall between us / Chapter 12: CHAPTER 11

Chapitre 12: CHAPTER 11

KYLINE'S POV

Mag-iisang buwan na since umalis si ate Menggay. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Kung nakakakain pa ba siya ng maayos. Kung enough ba ang tulog niya. Kung okay parin ba siya?

I really have no idea how she's doing in Manila. Kung pupuwede nga lang sundan ko siya dun pero sadly, hindi.. hindi pwede.

24th of June na and still nag-aadjust pa ako sa mga task sa school at sa nararamdaman ko.

I mean, sa katawan ko hehe baka isipin niyo kasi may special someone na 'ko. Pero pwede na rin naman.

"Love nauna ka na sakin pumila dito ah ba't andito ka pa?"

Naka-pouty lips na sabi ko kay Drake este Daisy sabay pulupot ng aking kamay sa braso niya. Nasa pila kami ngayon dito sa canteen dahil lunch time na namin. Sobrang haba na ng pila at nasa kalagitnaan pa si Daisy.

"Hays."

Nilingon niya ako sabay ngiti at kunot ng noo.

"Wala namang bago dito love, 'di ba? So you better find a seat there..."

Turo niya pa sa mga mesa't upuan sa kabilang side gamit din ang nguso niya. Saka bumalik ang tingin sa akin ng naka pout din.

"And just wait for me and the other girls. Okay?"

Ginulo pa niya ang buhok ko.Napangiti na lang ako sa usal niyang 'yon.

"Sige na. Move na love, move!"

Tinulak niya pa ako para tumalikod na sa kaniya. Kaya naman natatawa akong napalingon sa kaniya habang inaayos ang aking buhok.

"Halikan kita diyan eh. Hmmm.."

Napapout pa ako sa harap niya.

"Pumunta ka na nga dun. Kedaming tao ang harot mo love! Hehehe..."

Napatawa na lang din ako habang tinungo ko na ang mga bakanteng mesa na halos lahat ay punuan na.

"Yung kasya tayo love ah!"

Sigaw pa niya. Hindi ko na siya nilingon pa. Dumiretso na ako sa isang parihabang mesa na timing namang tanaw agad ang pila.

Tssh. Kung 'di lang talaga kita love eh. Nakuuuu...

Nakangiti pa rin akong naupo sa medyo mahabang mesa na kasya kaming lahat.

Muling nakuha ang atensyon ko ng lalaking katamtaman lang naman ang laki ng pangangatawan ngunit sapat na iyon upang dumagdag sa makinis at napakaputi niyang balat. Akalain mong may nakakiskis pang linya sa gilid ng buhok niya na animo'y kalsada ng mga kuto.

"Hihi!"

Bahagya pa akong natawa sa naisip kong yun.

Tapos yung clean cut pa niyang buhok na palaging naka-point upward. Parang walang bagyo o lindol ang makapagpapatumba. Plus pa yung mamula-mula pa niyang mga pisngi at mamasa-masang makakapal na mga labi.

"Ghaaddd! Ba't ka kasi ganiyan?"

Bulong ko pa sa sarili habang naka-face palm akong nakatingin sa direksyon niya.

Ilang minuto pa ang lumipas at napaayos ako ng upo nang bigla siyang lumingon sa akin sabay ngiti. Ang hot niya tingnan habang naglalakad papunta sa akin.... NG NAKA-SLOW MOTION.

"Usog besh! Usog!"

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang may umupo sa tabi ko at pilit akong pinauusog sa gilid.

"Watch it girls!"

Inis na sigaw ko.

"Ayyy... Galit ang beshie mo sist! Ayan oh parang angry birds na ang kilay."

Sino na naman kaya ang pinagpapantasyahan nito no?

"Stop it okay? Malalim lang ang iniisip ko."

Lingon ko sa kanila sabay buntong-hininga. Pinakalma ko ang sarili at nakangiting ibinalik ang aking tingin sa kanina ko pa tinititigan.

"Hi looooove!"

Bati pa niya sa akin habang pakembot-kembot siyang naglalakad papunta sa mesa namin.

"Hi besh! Mwah! Mwah!"

Bineso niya muna ang dalawang babaeng nasa tabi ko.

"Usog please! Woy kayong dalawa dun kayo sa kabilang side. Bigyan niyo naman kami ng space oh."

Napatawa na lang ako habang nakatingin lang sa kanilang dalawang mabilis na naupo sa harap namin.

"Love... nagugutom ka na ba?"

Baling niya naman sa akin.

By the way, 'yan si Drake aka Daisy. Siya ang aking ultimate love of my life. Sa mga nagtatanong diyan siya ay isang bakla, beki o kung anupaman ang tawag niyo sa mga tulad niya. Yes you've read it right. Drake is a gay since then pa nang maging close kami sa isa't isa. Mas matatanggap ko pa sana kung bisexual siya kasi may chance pa ako 'di ba... pero hindi eh. At hindi mo talaga mapagkakamalang hindi siya straight kasi yung tindig, itsura at pananalita niya lalaking-lalaki talaga. Sa lakad niya lang talagang ala-Catriona ang clue. Nakaka-sad love life ko di ba? Huhuhu

Actually love ang tawagan namin kasi sa grupo naming magbabarkada kaming dalawa talaga yung unang mag-bestfriend at mga extensions na lang tong dalawa pa naming besh.

"Uyyyy.. Iba na yang tingin mo besh kay Daisy ah. Yiieeeee…"

"Tumigil ka nga diyan besh. Pangkontrabida talaga yang pangalan mo eh no?"

Baling ko kay Margaret para patigilin siya. Hindi ko na ma-take ang pamumula at umiinit kong mga pisngi.

"Ano ba kayo. Ganyan na makatingin 'yan kasi kanina pa 'yan gutom na gutom. 'Di ba love?"

Pang-uuto pa niya sa'kin.

Kung alam mo lang bakla ka! Hmp. Halikan na talaga kita diyan eh nang matahimik ka.

"He..he.. Buti alam mo no Mr. Drake Roces?"

Sarkastikong sagot ko para mabawasan man lang ang pamumula sa mukha ko ngayon.

"Ahh... Nakalimutan ko! May Jr. pa pala yun hehe."

Panunukso ko pa sa kaniya.

Alam ko kasing kapag binabanggit ko ang buo niyang pangalan ay kinaiinis niya 'yon. Agad kong kinuha ang platong para sa akin at nagsimula nang sumubo ng kanin.

Hindi ko na sila tiningala pa ngunit kapansin-pansin ang walang kibong pagsipagkain nila.

Hindi naman nagtagal ay natapos na rin kaming mag-lunch.

"Gumora na tayo mga besh? Para naman di na natin liparin yung next subject natin. Nasa second floor pa naman yun. Natatandaan niyo pa yung ginawa natin last school year? OMG para talaga tayong hinahabol ng asong gala nung ansarap-sarap ng chikahan natin dito sa canteen tapos agad tumunog yung phone mo besh."

Kuwento pa ng isa pa naming kabarkada.

"Si Jonas pala tumatawag kasi magsisimula na 'yung long quiz natin. Kaya 'yun, nag ala-The Flash tayong apat nun mahabol lang natin yung napakahalagang quiz na 'yun. Hahahaha!"

Pagbibiro pa ni Melody habang napapatayo at kinukuha ang shoulder bag niya.

"Alam mo besh, okay na sana 'yung pangalan mong Melody eh. Pero yung bibig mo pang Noisy no? Observe mo din 'yun?"

Sagot naman ni love sa kaniya.

"Besh ohhhh…"

Naka-pout pang sumbong niya sa'kin. Napatawa na lang kaming apat sa inasal niyang 'yun.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa next subject namin nang biglang sumikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. Medyo nandilim na din ang paningin ko kaya napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa gilid ng hagdan. Napansin nila ako agad kaya naman mabilis nila akong inalalayan.

Ngunit.... ngunit maliban pa dun ay wala na akong ibang naalalang sumunod.

Ito na ba ang katapusan ko? Diyos ko poooo! Huwag pa po pleaseeee. Ang taba e-este ang bata ko pa po. Tsaka pakakasalan ko pa 'tong isang sirena dito. Please pooooo.

MAINE'S POV

Busyng-busy na ang lahat. Parito at paroon ang mga tao. Wala ka talagang makikitang ni isang hindi gumagalaw. Ito'y dahil isang oras na lamang ay magsisimula na ang pinaghahandaan ng lahat.

"Oh ito na 'yung sayo."

Abot ko ng bilugang papel sa isang kandidata.

"Ikaw Jess. Anong number ka ulit?"

"16 Meng."

Aniya.

"Pakibilisan mo diyan Menggay. Marami-rami pa yan. Salamat!"

Biglang tapik ni Mama Tey sa akin nang madaanan ako papunta sa mga operators ng lights.

"Yes... Yes po! Keri ko na 'to."

Bahagyang lingon ko pa.

"Ano nga ulit number mo?"

Tanong ko kay Jess habang napakamot na lang ako sa ulo. Sandali pa akong natigil. Pinanood ko ang mga taong busy sa kaniya-kaniyang mga ginagawa.

Siguro dahil na sa gulong-gulo na ang lahat at kahit saan na nagsisitakbuhan papunta't pabalik ang mga tao kaya parang nagslowmo na lahat ng nakikita ko ngayon.

Ang gulo-gulo na. Kelan pa ba 'to tatahimik?!

"Menggay!"

Biglang umugong na naman ang napakaraming boses na hinaluan pa ng malakas na tugtog mula sa mga naglalakihang speakers na nakapalibot sa stadium kung saan gaganapin ang pageant na aming in-organize.

"Natapos ka na bang magdistribute ng candidate numbers?!"

Sigaw pa ni Kassandra sa mismong tenga ko dahil sa lakas na ng tugtug. Umiling-iling ako.

"Hindi pa!"

Sagot ko naman.

"Ako na diyan. Heto ang ballpen at pad paper puntahan mo dun sa judges' tables para lagyan ng judge number ang bawat cover page ng folder nila na nasa mesa. Nasa papel na yan yung list ng mga judges at corresponding numbers nila. Understood?"

Agad kong ibinigay sa kaniya ang nakaplastik na mga numero at kinuha ang inaabot niya, tumango sabay mabilis ng naglakad.

Sa bilis at sobrang focus ko siguro sa paglalakad ay 'di ko na namamalayang may nabunggo na naman pala ako.

"Ouch! Watch your steps dumb!"

Galit niyang sigaw kaya tiningala ko siya. Malamang ay umaapoy at nag-uusok na ang ilong at tenga niya sa galit.

Haharang-harang naman kasi. Alam naman niya sigurong busyng-busy lahat ng tao dito. Tskk! Tskk!

"You?! Look at what you've done to my dress!! It's messed up already!"

Sigaw niya ulit sa mismong mukha ko. Napatingin ako ng bahagya sa part ng damit na itinuro niya. Nasulatan ito ng ballpen na kulay black.

Sasagot na sana ako sa kaniya na hindi ako ang may gawa nun ngunit pagtingin ko ay black din pala ang kulay ng ballpen na bitbit ko. And unfortunately, naka-open ito. Nakalimutan sigurong takpan ni Kassandra nang ibigay 'to sa akin.

"Ikaw na namang babae ka?! Wala ka na talagang ginawang tama sa mundong 'to! You caused a lot to me already! Halika nga dito!"

Galit na galit na galit niyang sigaw. Halos pinagtitinginan na kami ng mga nandoon. Buti na lang at medyo nasa part pa kami ng back stage kaya hindi kami nakita ng mga taong nagsisidatingan na sa venue.

Palalampasin ko na lang sana siya sa mga sinabi niyang yun. Pero ang mas ikinagulat ko pa nung hawakan niya ng sobrang higpit ang kuwelyo ng red na polo shirt ko na uniform naming organizer's team saka hinablot ito papalapit sa kaniya dahilan para mas magkalapit pa ang mga mukha namin.

"Your cheap uniform can't replace the price of my dress. Even you work with your whole life..."

Ramdam ko pa sa mismong mukha ko ang bawat pagsinghot at pagbuga niya ng hangin dahil sa galit na para bang lalamunin na niya ako ng buong-buo. Nabitawan ko na rin ang papel at ballpen na kanina'y hawak ko.

"You can't afford to buy clothes like mine. Kaya sa susunod magdahan-dahan ka na sa binabangga mo. Nang di kita maisangla ng wala sa oras. Itatak mo 'yan sa makitid mong kokote."

Pang-iinsulto pa niya sa akin. Akala ko'y tapos na siya nang bitawan na niya ang aking kuwelyo but I'm wrong. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na lang namalayang halos umabot na pala sa kalahati ng shirt ko ang nasira dahil sa pwersahan niyang paghila nito. Nagsipagtanggalan na rin ang mga butones sa ibabaw.

Wala na akong ibang maramdaman kundi ang lamig na bumabalot ngayon sa buo kong katawan. Medyo naging blurry na rin ang paningin ko at isa-isa ng pumapatak ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito sa'kin ngayon.

Wala pa rin sa sarili kong naramdamang may yumakap sa akin at patakbo akong inilayo mula sa babaeng iyon. At hindi ko na rin magawang lumingon pa dahil sobrang bigat ng mga paa ko sa bawat paghakbang na aking ginagawa.

Pinaupo ako ng mga kasamahan ko sa isang sulok na walang tao at tahimik. Tatlo lang kaming nandito ngayon. Si Kassandra, Mama Tey at ako. Para akong mabibingi sa sobrang tahimik ng paligid. Ngunit biglang umalingawngaw sa tenga ko ang isang napakalakas na boses.

"You can't afford to buy clothes like mine. Kaya sa susunod magdahan-dahan ka na sa binabangga mo. Nang di kita maisangla ng wala sa oras. Itatak mo 'yan sa makitid mong kokote."

Itatak mo 'yan sa makitid mong kokote.

Itatak mo 'yan sa makitid mong kokote.

Napatakip na lamang ako ng tenga habang walang tigil na dumadaloy ang mga luha ko.

Sakit. Sobrang sakit. Inapak-apakan niya ang buong pagkatao ko. Ininsulto niya ang pagiging ako bilang tao. Wala siyang karapatang ipahiya at saktan ako ng ganito. Ang sakit-sakit. Ni isang pagkakataon hindi ako nanakit ng tao pero bakit ganito? Bakit sa isang pagkakamali ko lang ganito na ang matatanggap ko? Do I really deserve this intensity of pain?

Wala na akong ibang magagawa kundi ang magpakumbaba at iiyak ang lahat. Samantalang nasa tabi ko naman si Kassandra na nakaakbay sa akin habang pinapatahan ako. Naipatong ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.

"Excuse me Mama Tey. May tumatawag dito sa phone ni Menggay. Mukhang importante yata kanina pa kasi 'to eh."

Rinig kong usal ng kasama naming kadarating lang. Nakikinig lang ako sa kanila ng hindi man lamang sila tinatapunan ng tingin. Ayokong makita nilang lugmok ako. Hindi na rin ako umimik.

"Pabayaan mo muna 'yan. Maine is still not okay. She has to take a break right now. Siguro naman tatawag at tatawag uli 'yan kung importante nga."

"Sige po Mama Tey."

Muli na namang tumahimik ang paligid. Tanging paghikbi ko na lamang ang aking naririnig.

"Sige. Ilabas mo lang 'yang sakit na nararamdaman mo ngayon Menggay. Nang jumet-out na lahat ng tears of joy mong 'yan."

Napaupo na rin si Mama Tey sa tabi ko.

"We're here for you okay? We know na sobrang sakit ng nangyari sayo kanina.. But baby, the show must go on. Hmm? Sabi nga di ba? If you fall seven times, you should stand on the 8th. Ganern! Ipakita mong you're a strong independent woman and as long as malinis ang konsensya mo, sayo pa rin talaga kami. Because we're a family here. Tsaka 'yung si Mrs. Delubio na 'yun? Naku... ganun talaga 'yung matandang dalagang 'yun. Kaya nga siguro hindi nakapag-asawa at lalong hindi nagka-junakis dahil sa ugali nun. Kung hindi lang talaga 'yun mapera hayst sinasabi ko sa'yo dae mas mayaman ka pa siguro dun."

Pagpapatawa niya pa sa akin. Kaya bahagya naman na akong napangiti kahit mangilid-ngilid pa ang mga luha ko sa mga mata.

Hayss. Iba pa rin talaga 'pag may mga tao kang maaasahan sa anumang panahon. 'Yung mga taong di mo man kadugo pero nandiyan at handa kang ipaglaban.

Napabuntong-hininga muna ako saka tinignan ang sarili. Saka ko lang nakita ang damit kong napunit na. Muli pa akong napasinghot.

"Ayy wetlang. Kunin ko lang yung extra shirt dun sa loob nang magmukhang tao ka ulit ha! Diyan ka lang."

Sabi naman ni Kassandra na iniwan na muna kami dito.

Ilang sandali pa ay bumalik na rin siya ngunit patakbo nitong tinungo ang aming posisyon kasama ang isa pang team member. Sa 'di malamang dahilan ay biglang kumabog ang aking dibdib ng mas malakas.

"Mama Tey! Mama Tey!"

Sigaw pa niya. Habang ang mukha ay di maipinta sa kaba, lungkot at kung anu-ano pang emosyon sa mga mata niya.

"Oh, why oh why? Tinatakot mo ako, baklang tuwoo!"

Mahinahong tanong naman ni Mama Tey.

"Mama... May mas malaki tayong problema. Yung candidate number 45, si Eloisa, hindi pa dumadating. Tinwagan na nila pero hindi daw makontak. May nakapagsabing nakipagtanan na daw dun sa boyfriend niya. Yung lalaking palagi niyang sinasama tuwing rehearsals. Naku.. Pa'no na yan Mama Tey."

Alalang-alala pang aniya. Habang ang kasama din niya ay hindi na nakapagsalita sa takot at kabang nararamdaman.

"This can't be! Nandiyan ang mga big time na sponsors ng pageant at ang mga representatives ng mismong Ms. Millennial team. Nakakahiya ito if ever they'll know about this scandal. Baka i-cancel pa ng iba nating huge clients ang future nating kontratawith them. Knowing na hindi natin na monitor and na control ang ganitong mga problems. No.. No! This shouldn't be happening!"

Napatayo na rin siya sa sobrang tense. Napalitan ng kung anong bad vibes ang hangin dito sa loob.

"You need to find a way! We need to solve this Kassandra!"

Sigaw na niya.

"The only solution Mama Tey is for us to find another woman to represent her number in the group. To replace Eloisa..."

Mungkahi pa nung kasama ni Kassandra.

"But... sino ang pwedeng pumalit sa kaniya?"

Alala pa niyang tanong. Napaisip sila ng ilang saglit nang biglang may parang flashlight na lumiwanag sa ibabaw ng ulo ni Kassandra.

Hahaha! Parang yung nasa movies lang ang peg.

"Si Meng! *turo niya sa'kin* Siya na Mama Tey ang sagot sa ating dasal. Ayyyy!!"

Napatili pa siya sa saya habang napapalakpak.

"Yes. Yes! Tama ka Kassy! What a brilliant idea!"

Napalingon siya sa akin at halos mapahawak pa siya sa mukha ko.

"Ikaw Menggay, ikaw ang magsasakatuparan ng mga pangarap natin. This will be pur biggest break towards more big events to organize this year."

"Te..teka lang no? Ako talaga? As in, ako?"

Hindi makapaniwalang tinuro ko pa ang aking sarili. Kinunotan ko sila ng noo.

"Of course naman! Ikaw ang palaging nakakapanood ng rehearsals nila at sadya namang you really the looks."

Itatak mo yan sa makitid mong kokote!

Itatak mo yan sa makitid mong kokote!

Muling umugong sa tenga ko ang malakas na boses niyon dahilan para mapayuko ako't muling kumawala ang mga luha sa mga mata ko.

"What's wrong Menggay?"

Hinimas-himas ni Mama Tey ang likod ko at nag-aaalalang napatingin sa akin. Napalapit narin sina Kassandra at ang kasama niya.

"I don't know if I can still dare to do it Mama. Nakita niyo naman po di ba yung nangyari sa akin kanina. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko. W-wala na akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat. It hurts me Mama but it's true."

Umiiyak ko pa ring usal. Hindi ko pa rin sila tinatapunan ng tingin.

"You can't be this coward Meng. I didn't expect you to be like this. You see kung ano ang nangyari sa'yo kanina? It's for you to learn and stand on your feet. Sa paraang ito, maaari mong ipakita sa kanila... sa kaniya, na hindi ikaw ang taong pwedeng apak-apakan lang. Kahit di mo na 'to gagawin for the team, but just for yourself. Make this as your spotlight revelation, with your head held high. Hmm?"

Hinawakan niya pa ang baba ko at inangat ito upang magpantay ang aming mga paningin.

Binigyan ko siya ng isang tango pag-a-assure ko na itataas ko ang bandera naming mga ina-under estimate ng ibang tao.

"Okay. I will do it Mama Tey."

Sabay ngiti.

"Yeah, that's my girl!"

Aniya sabay tayo.

"Now, stand and move dahil gagawin na natin ang instant transformation mo in less than an hour. Move!"

Sabay palakpak ng two times.

Mabilis ang mga pangyayari. Parang sa isang iglap lang ay nag-iba ang damit na suot ko, ang ayos ng buhok ko at ang buong pagmumukha ko.

Well... mukhang Menggay pa rin naman, pinaganda nga lang ng konti.

"Girls, position na sa back stage please."

Sabi ng Stage Coordinator sa mga candidates na nasa kaniya-kaniyang upuan.

"This is it Menggay. Give them a very good show."

Nginitian ako ni Mama Tey ng malapad na sobrang nagbigay sa akin ng kompyansa sa sarili. Tinapik pa niya ang ang balikat.

"I can do this! It's my time to shine."

Masiglang sabi ko sabay tayo at nag-unat na para mag-ready.

Nagsi-linya na kami sa backstage based dun sa sequence ng number namin.

Nagsimula nang tumugtog ng napakalakas at nagsilabasan na first 20 sa'min.

Hooo! Kaya ko 'to! You have to prove something Maine. Just for tonight. Lord, guide me please. Thanks...

Bumuga pa ako ng isang napakalalim na paghinga bago tuluyan nang inihakbang ang aking mga paa.

Natapos na ang Production number at casual wear na ang sunod.

Nagkaroon ako ng quick change. Mula sa black jeans at white shirt na suot ko ay suot ko na ang skin tone na fit sa katawan ko.

Hanggang wrist ko ang sleeves nito at halos mula likod ng balikat ko hanggang bewang ko ang expose na expose dahil open space ito.

May mga orange at yellow na mga burda at bulaklak ang naka-design sa harapan nito na maiksi. As in, sobrang above-the-knee.

Plus itong heels ko pa na skin tone din na siguro mga 9-10 inches ang taas.

Gayunpaman, hindi ko masyadong nararamdamang sumasakit at nangangalay ang mga binti ko dahil sa taas nito.

Iba ito sa inaakala ko!

Tinodo ko na ang pagngiti at pagrampa. And take note... Napa-slowmo turn pa ako ng wala sa oras!

Napa-woahhh pa ang mga tao. Hahaha! Di nila inakalang magagawa ko 'yun. Ako din naman ah!

Nag-talent portion din kami. Napasayaw pa ako ng Boom boom ng Momoland. Diyos ko po!

Buti na lang talaga at ilang beses kong napanood ang music video nila nung time na sikat na sikat ang kantang 'yun.

At heto na ang pinakagusto kong part ng pageant, ang Evening gown! Yiieeeee...

Before pa ako tawagin upang rumampa ay naupo na muna ako sa inuupuan ko kanina.

Siyempre, nakakapagod din ano. Yung ilang oras ka ring nakanganga para bigyan sila ng pinakamagandang smile ko at rumampa ng kekembot-kembot. Kaya naman saludo ako sa mga babaeng kinakarir ang pagpa-pageant. Di siya madali sist! At ang kaba-kaba ko pa.

'Yung kaba na baka mapahiya na naman ako sa pinanggagagawa ko ngayon. Kaba na mas mapababa pa ang tingin ng ibang tao sa akin.

Ngunit, hindi ang masasabi nila ang magdidikta ng magiging buhay ko. Masarap mabuhay. At yun ang mahalaga para sa akin.

Dzzzz... Dzzzzz...

Napalingon ako sa bag ko. May naba-vibrate ang phone ko sa loob habang umiilaw. Bubuksan ko na sana ang bag ko upang tingnan kung sino ang tumatawag ngunit siya namang pagtawag sa akin.

"Maine, pangatlo ka na."

"Okay po. Salamat!"

Mabilis akong tumayo, inayos ang sarili at pumunta na sa pila.

Pagkapasok ko ng center stage ay nakatalikod pa akong naghintay na um-exit ang naunang candidate sa'kin.

Binigyan ko sila ng abot-tengang smile pagharap ko. Ibinida ko ang bold black na mermaid gown ko. Medyo turtle neck siya ngunit tulad ng casual ko kanina ay exposed na exposed na naman ang likod ko mga bes!

Di kaya ako tablan ng kabag nito? Hehe..

Nahihirapan man ako minsan maglakad dahil sa natatapakan ko ang tela ng damit ko sa haba ba naman nito. Pero keri lang! Girl power tayo eh.

"Ladies and gentlemen! Please help me welcome, to serenade our gorgeous young ladies, here's the Asia's Multimedia Star, Mr. Alden Richards!"

Pakilala naman ng host sa magse-serenade daw sa amin. Sobrang lakas ng hiyawan na dumagundong sa buong lugar.

Alden Richards? Sobrang pamilyar ng pangalan niya. Isa ba siya sa mga naibabalita? Ah, eh... tunog Hollywood naman ang pangalan.

Iniluwa ng backstage door ang lalaking makisig ang pangangatawan, may katangkaran at maputing-maputi ang balat.

Ayy, hindi naman mukhang taga-Amerika ang isang 'to.

Muli pa akong napatitig sa pagmumukha niya ng may biglang paglaki ng mga mata nang mapag-aralan kong mabuti ang face features niya.

Siya... Siya yung Alden Richards na kinababaliwan ng kapatid ko?!

Napakunot pa ako ng noo habang nakatingin sa kaniyang ngiting-ngiti kakakaway sa mga audience.

Never ko pang nakita ang picture niya. Not even once... Pero hindi naman siguro ganiyan kakinis ang Alden na pinagpapantasyahan ni Kyline.

No! Hindi pwede! May dimple daw yun eh. Walang-wala naman 'tong isang 'to. Hindi siya ang Alde...

Bigla akong natigilan nang makita siyang papaharap sa direksyon ko. Nandun pa rin ang malapad niyang ngiti. Nagsisimula nang tumugtog ang aawitin niya para sa lahat ng candidates at pahakbang na siya paharap sa amin.

Dug-dug..

Dug-dug..

Dug-dug..

Slow motion pa siyang humarap sa direksyon ko at boom!

HINDIIIIII!!! HINDI ITO MAAARI! Napaka-coincidence namang Alden Richards ang pangalan niya at may dimple din siya!

My heart! My heart! Ghaaaad!! Help me. Nakalimutan ko na atang huminga.

"I found a love for me.."

Parang hinaplos at hinimas-himas ang nalilitong puso ko sa unang pagbuga lamang niya ng words na 'yun. Hindi ko alam kung bakit. P-pero... iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito.

Siya nga ba talaga ang Alden na kinahuhumalingan mo Kaykay? Dahil kung siya man talaga, ayaw kong maging karibal pa kita...

Ano? Ano ba 'tong iniisip ko?

Binura ko nalang sa isipan ko ang anumang masamang ideang yun at napatakip ako bigla ng bibig sa gulat nang nakitang nasa harap ko na mismo ang maamo at nakangiti na naman niyang mukha.

"But darling, just kiss me slow... Your heart is all I own.."

Kumindat pa siya sa akin ng nakakaloko bago niyang kantahin ang kasunod na linya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kindat niyang 'yun o kung common na niyang gawin 'yun sa mga girls niyang fans kase sabi nga ni Kaykay na malapit siya sa mga fanney niya, 'di ba?

Pero sa kaloob-looban ko sinasabing he's seducing me.

And I think, he succeeds and it scares me so much..


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C12
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous