Télécharger l’application
17.64% Breaking the wall between us / Chapter 3: CHAPTER 2

Chapitre 3: CHAPTER 2

MAINE'S POV

"To give us an inspiring speech, let us all welcome her with a round of applause for the Valencia National High School's Journalist of the Year and Outstanding Academic Achiever of the Year herself, Miss Kyline Fuentes Alcantara!!"

Pagwe-welcome ng Master of Ceremony kay Kaykay na ngayon ay nasa unahang bahagi ng school gym.

April 4, 2018

Maayos lang akong nakaupo sa likurang part ng gym kung saan nakaupo lahat ng mga magulang at kamag-anak ng mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang 9. Nasa unahan kasi lahat ng mga estudyante kaya nasa likuran lang nila kami.

Napuno ng mga palakpakan ang buong lugar habang pinagmamasdan ng lahat ang pag-akyat ni Kaykay sa stage. Pumunta siya sa podium at ibinigay naman ng MC ang microphone sa kaniya.

*Ahem..*

Bahagya pa siyang tumikhim at itinapat na ang mikropono sa kaniyang bibig.

"My due respect to our Guest Speaker, Ms. Leila Santos, equally respected to our active and dashing School Principal, Mr. Drew Soriano..."

Panimulang bati niya.

Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita habang diretso lang akong nakatitig sa kaniya habang taas-noo siyang nagsasalita.

Hindi ako makapaniwalang dalagang-dalaga na talaga ang nakababata kong kapatid. Hindi ko man siya purong kapatid dahil magkaiba kami ng ama ay tinuring ko na siyang tunay na kapatid at pinaramdam sa kaniya ang pagmamahal ng isang buong ate lalo na't pareho kaming babae.

Naalala ko pa noong one year old pa lamang siya nung ako ang pinapabantay ni Mama sa kaniya dahil may inasikaso siyang emergency sa paaralan. Habang inaalis ko ang diaper niya na puno na ng popo niya at nililinis iyon ay napapikit nalang ako nang inihian niya ako bigla.

Naalala ko naman nung naghihiwa ako ng kalamansi sa gilid niya para gawing juice ni Mama. Pilit niya yung inaabot at patawa-tawang tinuturo ang kalamansi na hawak ko. Binibiro ko pa siya habang inilapit-lapit ko sa kaniya ang kalamansi dahil parang gusto niyang tikman. At nung bigla niyang mahuli ang kamay ko at nahila ay natapat ito sa bibig niya kay napakunot ang noo niya at halos di na maipinta ang mukha niya sa asim. Ngunit mas ikinagulat ko naman nung piniga niya ng hawak kong kalamansi at tumalsik ang juice nito sa buong mukha ko. Siya naman ay napahalakhak pa habang pinapanood ako.

Hehe.

Bahagya nalang akong napangiti sa pagbabalik-tanaw kong yun.

"Overcoming even just a single school year is really a super duper difficult for me and my family. The feeling is like riding a roller coaster. Mix of emotions. You don't know what will happen when you're going down and when you're up in those blue sky. It became an obligation to me to surpass all my academic challenges and fight against my personal struggles at the same time..."

Nakita ko pa ang bahagya niyang pagtagilid at bumuntong-hininga.

"My...my father died just last five years. The man of my mother, my sister and I had to go and leave us... forever."

Nagsimula nang gumaralgal ang boses niya.

"But another heartbreaking and life changing moment of our lives had to happen just a month ago. That's the minute when the woman who bared me and my sister for nine long months, the woman who gave birth to us, the... the woman.. *Buntong-hininga* woman who raised us and taught us how beautiful and colorful life was and will be. The light of our family..."

Doon ko na nakitang pumatak ang luha niya.

Doon narin piniga ng sobra-sobra ang puso ko. Naramdaman ko na ang unti-unting pamamasa ng mga pisngi ko. Nararamdaman ko rin ang kirot n nararamdaman ng kapatid ko ngayon.

Alam kong sobrang bigat ng sakit na naranasan ko nang mawala si Papa na sinundan naman ni Mama. Pero alam kong mas hindi niya kinaya dahil napakabata pa niya upang mawalan ng mga magulang. Hindi madaling tanggapin ang mga pangyayaring iyon lalo na sa kaniyang hinahanap-hanap parin ang kalinga ng isang ina.

"...has passed away."

Pause.

"To my ate Menggay!"

Napaayos ako ng upo at pinahid ang mga pisngi ko nang mapatingin siya sa gawi ko habang nakangiti.

"I know it is not easy for you to stand as the sister and the father of my family especially now that it's only you and I. You have done the responsibilities a father must do. You remain humble and kind though my father is not your true father."

Ginantihan ko nalang din siya ng isang ngiti.

"And just last March 3, 2018... it was your 23rd anniversary of living in this world. But it wasn't the typical celebration a person may wish. Another life has to end that day. Ate, I want you to know that I am so proud to be your little sister. You're not only a caring ate but you're now my father and mother all in one. You are the best ate in the world! And if I will give you an award, I will call you as the Best 3-in-1 2018. Three persons in one body. Anyway, thank you so much with a million hearts ate Menggay! Love you po!"

Lumiwanag ang mga mata niyang nakatingin sakin.

Okey na sana yung mga sinabi niya eh kaso tinawag parin akong Menggay sa speech niya. Sana nag-Maine nalang siya. Haha pero oks lang din special mention eh!

Nakita ko namang bumuntong-hininga ulit siya pagkatapos nung pagngiti niya sakin.

"Ma... Pa... This is all for you."

Ngayon! Mas bumuhos ng tuloy-tuloy ang mga luha niya. Hindi niya na napigilan ang emosyon niya kahit pa alam kong pinipilit niyang pigilan yun.

Ilang saglit pa siyang umiyak at huminga-hinga habang inilalayo yung mic sa kaniya.

You can do this little sister! I know you surely can..

"You two are maybe not here to witness me receiving all the awards they have given me..."

Pagpapatuloy pa niya ngunit kapansin-pansin parin ang paghikbi niya.

"Ma... Pa... Here I am.. Kyline, your daughter. This school year isn't that good because of your exits in this world but I promise, I'll do my best to maintain my with Highest Honor awards. If I have to make my nights into day, I will. I and ate Menggay will do our best to lift our family's name in any way we can."

Singhot+Pause

"On the other hand, being a student who's trying to maintain being on top gives me so much pressure to strive harder knowing that I also have to manage my time in my extracurricular activities. I also have to excell in my craft as a journalist. And with great perseverance and determination plus hardwork, I have pushed my Journalism life into the National stage having the chance to represent our Region."

Hindi ko na inalis pa ang paningin ko sa kaniya habang pilit niyang sinasariwa ang mga alalang iyon sa buhay niya.

"And because God is so great in my life, he has showered me a blessing every passionate journalist can ever pray for and I even got the 1st place in my Feature Writing category. But the twin of that achievement is the struggle that I should cope up with my missed lessons and activities to maintain my academic grades. I double my time studying all of my nine subjects."

"And now, all the fruits of me and my family's labor are now at hand. So if you have that doubt within yourself, trust God of what he can do and what you can do to improve what He has given to you. The choice lies on your hand. It's always a now-or-never situation and it's up to you which path you want to go through. That would be all, thank you for listening and God bless us all!"

Pagtatapos naman niya kaya umugong ulit ang malakas na palakpakan ng lahat habang maluha-luha pa ang ilan sa mga naririto.

Lahat ng mga mata ay nasa kaniya parin ang tingin habang dahan-dahan siyang bumaba at bumalik sa upuan niya.

Mabilis namang natapos ang program at umuwi narin agad kami sa bahay pagkatapos ng ilang mga picture-picture na ginawa namin dun pagkatapos.

"Thank you talaga sa lahat-lahat ate Menggay. Ikaw na yung naging Mama, Papa at ate ko kahit pa sobrang pasaway mo. Instant 3-in-1 kape ka na nga eh."

Pagbibiro pa ng kapatid ko sakin habang nasa pintuan na kami papasok ng bahay.

"Alam mo Kaykay.. *buntong-hininga* Responsibilidad kita hindi dahil wala na sina Mama't Papa kundi dahil kapatid kita... at ikaw nalang ang meron ako. Kaya kahit pa mas pasaway ka kesa sakin."

"Haha! I love you ate!"

"I love you rin Kaykay pasaway.."

Napabuntong-hininga nalang ako at niyakap naman niya ako ng patagilid.

"Kahit anong mangyari hindi ako mawawala sa tabi mo. Hanggang sa pagtanda natin, tayo parin at tayo lang talaga ang magkakasama. Tandaan mo yan palagi okey?"

Mahinahong sabi ko sa kaniya habang nakatingala naman siya sakin.

"Talaga? Kahit pa mag-asawa ka na? Yung kahit may asawa ka nang pasasayahin at mga anak na aasikasuhin?"

Paninigurado ulit niya.

"Segurista lang ang peg ah?! Haha. Of course, siyempre naman! At kung ayaw mong may kahati ka sa atensyon ko... Edi mag-asawa't mag-anak ka na rin para may kahati narin ako sayo, yun kwits na tayo. Hahaha! Damihan mo nalang din para mga 1/4 nalang ang share ng atensyon mo para sakin."

Pagbibiro ko na naman sa kaniya. Pero agad siyang humiwalay sa pagkakayakap sakin at padabog na naupo sa kaisa-isang sofa namin sa bahay saka inilapag ang DSLR camera na nakasabit sa leeg niya.

"Kahit kailan bad ka talaga ate Menggay. Nagpa-promise ka na nga lang dinadaan mo pa sa ganyang biro. Hindi yun nakakatuwa ah! Biruin mo sa ganda at liit kong to, paaanakin mo ako ng marami? Anong akala mo sakin factory ng mga bata?"

Nakapout niyang sabi kaya tinabihan ko nalang siya sa sofa. Isinandal ko ang likuran ko sa malambot na sandalan at napatingala sa kisame.

"Pero real talk lang Kaykay ah... Paano kaya kapag nag-asawa't nagkaanak na tayo. Ano kayang magiging mukha nila no? Bilugan parin kaya ang mga mukha... Magaganda at mapupungay ang mga mata... At yung pouty lips parin natin ang mamanahin nila…"

Napangiti nalang ako sa naitanong kong yun. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagtagilid niya at humarap sakin habang nakangiti.

"Siyempre yung sakin... Gwapo.. Magaganda like me! Then, matangkad, matangos ang ilong at matalino. Tapos yung asawa ko... si.. si Alden Richardssss waaaaaah! Kyiiiiieeee!!! Ewan ko nalang sayo ate kung ano ang magiging description ng Wikipedia sa mga magiging anak mo. Haha! Yiieeeeeee! Aldeeeeeeen!! Why so gwapo!?"

Napalingon nalang ako sa kaniya nang animo'y nagwawala na siya habang tumatadyak-tadyak pa sa sahig.

"Uy! Uy, Kyline Fuentes Alcantara! Anong nangyari sayo bigla diyan ha?! Parang maiihi kana diyan sa kilig ah!"

"Ateeee! Si Alden Richards ang asawa ko!! Yiiieeee! Ang gwapo niya grabeee! Napaka-hot saka yung dimple niya... Waaaah! Grabe! Grabe talaga!"

Halos mapunit na yung mukha niya kakangiti sakin habang hinahawakan pa ang mga kamay ko at kunti nalang talaga at halos magpalundag-lundag na siya sa harap ko.

"Baka mapunit na yang bibig mo kakangiti diyan sige ka. Tatahiin ko talaga yan ng nylon kapag nagkataon at yung tahing hindi mo na talaga maibubuka yang bibig mo. O di kaya naman ay kapag nagkataong makita ko yang...yang Alden na yan, nakuu! Itatali ko talaga kayong dalawa at magtitigan kayo hanggang sa magsawa ka na sa pagmumukha nun!"

"Ate naman eh! Super kj mo talaga kahit kelan! Alam mo bang napakasikat niya! Tapos ang gwapo-gwapo pa niya... makalaglag-panty ateee talaga! Tsaka...tsaka yung biceps niya, mayghaaad!! Ang sarap gawing unan! Kyiieeeee! Kaya ka naman ganyan kasi hindi mo pa siya nakikita."

Napatakip nalang ako ng tenga dahil sa lakas ng mga tili niya habang sinasabi niya yun.

"Sige tumili ka nalang ng tumili diyan nang maihi ka na't lahat. Ang ingay-ingay niyang bibig mo Kyline! Juice colored! Tulungan niyo po sanang humiwalay na sa katawan nitong kapatid ko ang kung anumang hindi maganda at kaaya-ayang kaluluwa na pumasok sa kaniya! Parang awa niyo na po!"

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.

"Kahit naman anong gawin mo diyan, hindi ka mapapansin nun. Eh sikat nga diba? Tsh!"

"Hindi kaya snobber si Alden! Tsaka mabait pa yun. Pag nakapunta ako ng Maynila gagawin ko talaga ang aking The Search For Alden Richards Mission! Yaaaaah! I'm so excited!!"

"Yun ay kung makakatapos ka ng college at makapagtrabaho ka sa Maynila."

"Hmp!"

Napangiti na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang kusina.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang marble cake na ginawa ko kagabi. Dinala ko na rin yung mga icing, sprinkles, cherries at iba pang gagamitin para tapusin ang cake saka bumalik sa sala.

"Tadaaaaaaa!"

Sabi ko pa nung mailapag ko na ang lahat sa center table namin.

"Ano yan?"

Walang ganang tanong niya na napakibit-balikat pa.

"Cake! Ano pa ba? I mean... Marble cake yan na ginawa ko kagabi. Gusto ko lang na para magkaroon tayo ng kunting bonding man lang eh hindi ko na muna tinapos. Ito ang chocolate icing na ipapalibot natin sa cake. Ito rin yung mga cherries at sprinkles tapos may chocolate strips pa at M 'n Ms."

"Talagang dinadamay mo pa talaga ako diyan sa pagiging frustrated Chef mo. Wala na ako sa mood makipagtilian sayo. Ang KJ-KJ mo kasi... Hindi man lang marunong makisabay sa feelings ng ibang tao."

Sarkastikong sabi pa rin niya.

Paano ko nga ba to mapapangiti? Hmmm...

Halika na at tulungan mo nalang ako sa paggawa nito. Pinagpuyatan ko kaya to kagabi. Kung ayaw mo edi sige... ako nalang mag-isa ang gagawa nito tapos ako lang din mag-isa ang kakain nito. Kung makaarte ka naman diyan akala mo may magbibigay sayo ng Best Actress award."

Nakangusong pagtatampo ko pa at nagsimula na akong galawin ang mga gamit.

"Sige na nga."

Pahablot naman niyang kinuha yung iba pang gamit at tinulungan na ako sa paglalagay ng icing. Pailalim nalang akong napangiti sa inasal niya.

"Basta sa isang kondisyon!"

Napatingala ako sa kaniya at kunot ang noong hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Na pupunta tayo sa mga mall shows ni Alden kahit saan paman yun dito sa Cebu..."

"Okey. Yun lang naman pala eh."

"At..kapag may fans meet and greet siya ulit dito sa Cebu, pupunta rin tayo."

Nakatitig parin ako ng diretso sa kaniya.

"At last but definitely not the least... manonood tayo ng premier night ng mga upcoming movies niya. Gets? Deal?"

"Uy edi hindi na isang kondisyon yun Kaykay! Tatlo na yun di ba? Unfair naman yun, sobra! Uubusin mo naman yata ang perang natitira para sa atin diyan sa Alden-Alden na yan eh.. sa hindi ka nga mapansin-pansin nun."

"Uy ate hindi ah!"

Pagsaway niya pa sakin ngunit nasa cake parin naman ang tingin ganun din ako.

"In-add friend mo na sa Facebook."

"Uhuh."

"Finollow mo na rin sa Twitter."

"Yes."

"At finollow mo na rin pati sa Instagram."

"Oo nga."

"Sinu-stalk mo pa nga siguro yun sa mga accounts niya."

"Paano mo naman nasabi yan aber?"

"Siguro nga diba? Siguro. Tsh! Di pa maintindihan. Baka nga kapag nalaman mong may Wattpad account yun ay ipa-follow mo na rin yun dun."

"Bakit naman hindi, di ba?"

"Diyan! Diyan ka kasi magaling."

Napahinto pa ako sa ginagawa at inis na tumingin sa kaniya.

"Ginawa mo na lahat pero ni isang Hi hindi man lang niya magawa-gawa sayo dun sa dami ba naman ng social media accounts niya na sinusundan mo."

"Eh sa busy nga yung tao di ba? Sikat na sikat nga siya kaya marami as in napakarami ng pinagkakaabalahan niya. Ikaw lang naman dito sa mundo ang hindi nakakakila sa kaniya dahil manang ka! Manang!"

Nanlaki ang mga mata ko nang pinahiran niya ako ng icing sa pisngi sabay ng pagsabi niya sakin ng Manang.

"Waaaah! Kaykaaaaay!"

Agad siyang napatayo at akmang tatakbo sana pero naharang ko siya at pinahiran narin ng icing sa noo at sa pisngi.

"Wahahahahaha!"

"HAHAHAHAHAHA!"

"Tama na ateee! Hmp! Yan dapat sayo! Wahaha!"

Pinahiran niya ulit ako sa ilong at leeg.

Nang mapuno na ang mga mukha namin ng icing ay dun lang kami bumalik sa pagkakaupo sa harap ng mesa at tatawa-tawa paring ibinaling ang paningin sa cake.

"Basta gagawin natin yun lahat ate Menggay ah! Wala nang bawian. Lahat yun.. LAHAT!"

"Oo na! Oo na nga!"

"Parang napipilitan ka lang naman eh. Promise?"

"Promise! Gumanda ka man! Pramis yan!"

Napataas pa ako ng kamay na parang nakapanatang makabayan.

"So...pangit talaga ako, ganun?? Sige na nga lang tatanggapin ko kahit pa labag sa loob ko. Walang iwanan ha? Pinky swear?"

"Pinky swear."

At after nun ay pinagpatuloy na namin yung paggawa ng cake. Hindi naman nagtagal ay natapos narin namin at sa totoo lang ay maganda din naman ang kinalalabasan ng collaboration naming dalawa.

Agad kaming naghilamos at bumalik na sa mesa.

"Para sa success ni Kaykay!"

Pagto-toast ko pa at gumaya din naman siya.

"Para sa success!"

Pinagtapat namin ang mga naka-can na soft drinks na hawak namin at saka uminom.

"Para sa Journalist of the Year at Outstanding Academic Excellence Awards ni Kaykay!"

Pagtaas ko ulit ng can ko at ganun din siya.

"Para sa Journalist of the Year at Outstanding Academic Excellence Awards!! Cheers!"

At nag-toast pa ulit kami.

"Para sa mall shows, meet and greet at premier night ng movies ni Alden Richards!!"

"Para sa mall show, meet and greet at pre..."

Natigilan ako sa pagsasalita at inis na tinignan siya.

"Haha! Kumain na nga tayo ate Menggay. Baka lumuwa na yang mata mo diyan kakatitig sakin."

At hindi na ako nakasagot pa sa kaniya at kumain nalang din sa isang slice ng cake na inilagay niya sa plato ko.

"Mmmm... Deliciouso! Pwede ka nang maging Chef ate pero frustrated nga lang haha! Bravo! Bravo!"

Sabi na naman niya habang sumusubo. Naglagay ako ng malaking piraso ng cake sa tinidor ko at mabilis na ipinasok yun sa bibig niya.

"Yan! Kumain ka pa ng marami ha?! Masarap diba? Kung ano-ano pa ang pinagsasasabi ng bibig mo diyan eh."

Inis na sabi ko kaya napatawa siya dahilan para tumalsik pa yung mga cake mula sa bibig niya at nagsiliparan iyon.

"Kumain ka na nga rin lang ate!"

Sagot naman niya kahit pa punong-puno na yung bibig niya. Nagulat naman ako nang humiwa siya ng malaki, as in mas malaki pa sa sinubo ko sa kaniya kanina at ipinasok yun sa mismong bibig ko kaya muntikan pa akong mabilaokan.

"Deliciouso, di ba ate Menggay?"

Malambing na tonong sabi niya kaya napainom nalang ako ng soft drink at nakailang lunok pa.

Mga isang oras pa ang inabot namin bago matapos naming ubusin ang buong cake.

Puro kami asaran, inisan at minsan ay nagda-drama pa.

Nung matapos na kami ay kaming dalawa narin ang pumunta ng kusina at naghugas ng lahat ng ginamit namin kanina at dun sa mga pinagkainan namin.

Pagkatapos maglinis ng kalat ay nagsipuntahan na kami sa kaniya-kaniyang kwarto. Nilingon pa namin ang isa't isa, ngumiti at tuluyan nang pumasok sa kwarto.

Pabagsak ko nalang inihiga ang sarili ko sa kama dahil sa pagod. Napakahaba ng araw na ito at napakaraming nangyari kahit pa kami ni Kyline nalang ang nandito sa bahay.

Hinubad ko muna ang suot ko at nagpalit na ng damit pantulog. Hindi ko nalang din namalayang nakatulog na pala ako.

Dzzzzzz... Dzzzzzz..


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous