Télécharger l’application
45.31% Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 29: Kabanata 28: Moon God's Lover

Chapitre 29: Kabanata 28: Moon God's Lover

(Hiraya)

Kasalukuyan kong iniisa-isang inspeksyunin ang mga players dito sa amphitheater. Labing dalawa silang survivors sa tatlumput tatlong studyanteng tumakbo papunta rito. All the others were either lying dead or kinain na ng monsters. Oh poor people, kung andito lang sana ako noong mangyari ang disaster, maybe I could've gained more exps.

One of them reported, tatlo sakanila ang pinatay dahil inatake nila ang ibang players dito sa amphitheater. All of them were eventually killed by the group. Sabi ko na nga ba na may ilang baliw na aatakihin ang ibang players, luckily for this group.. nagkasundo sila na lahat sila ay magtutulungan after the incident.

The point is, 1000 exp ang ibinibigay ng ulo ng isang player. And according sa mga past experiences ko, tataas ang bounty habang tumataas ang level nila, maybe level 2 would give 2000 and level 3 would give 3000. Ah.. those exps!

Going back, this twelve right in front of me, ang sabi nila ay kaya nilang patayin ang isang bampira with a joint effort... the basic stuff; tanker sa harap - that guy standing on the very front, isa nalang ang kamay niya kanina but Ma-ay insisted she'll heal the guy, so kumpleto na ulit ang katawan niya.

Then 5 people would attack after pigilan ng tanker ang atake ng monster, sila ang mga main damage dealer.

Dalawang healer sa likod - yung isa, both paramedic ang parents kaya may background siya, meron siyang basic healing spell and the other one, siya yung nakita kong lumapit kay scarface and I kinda like her spell, Cure Wounds. I'll use this girl well.

The rest ay support na attacker, they either punch, kick, claw and everything na maisipan nilang gawin kapag natumba ang kalaban nilang monster. One guy, yeah.. the guy with the fire spell, pinag-iisipan ko kung idodrop niya ang skill book if ever.. you know, pag may aksidenteng nangyari sakanya. I wont kill him of course, not that I am so interested in his speel, well.. kinda.. so sana walang mangyaring aksidente sakanya.

One girl is level 7, five of them are level 5 and the rest are level 4, pretty decent if you ask me. Ginamitan ko sila ng skill na Identify and karamihan sa kanila ay STR and AGI ang pinataas, only those two healer and one mage kept their INT high.

Napatunayan ko na rin na.. my stats are kinda scary. Puwede akong maging boss ng isang spawn point, a high level boss! Kaya naman plinano namin ni Ma-ay na.. actually she did all the planing nakinig lang ako. Na papanoorin namin kung papaano sila makipaglaban then tomorrow night ay pupuntahan namin yung sinasabi nilang pinanggagalingan ng mga bampira.

Tatlo ang drill na gagawin namin. Una ay silang lahat laban sa akin, pangalawa ay kasama ang magkapatid at ang panghuli ay isa-isa nila akong kakalabanin, off titles daw sabi ni Ma-ay so I disagreed, kung hindi nila kayang labanan ang takot... they'll just drop dead sooner or later down the road.

-

Nakita kong lumapit si Ma-ay, "Unang pagsasanay natin ngayong gabi, ahm, try not to shout too much okay?" Nagtaka ang mga mukha nila dahil sa paunang banat ni Ma-ay.

"Isipin niyo din na hindi ito basta-basta pagsasanay lang, itaya niyo ang mga buhay niyo dahil hindi kayo pagbibigyan ni babyboy, maaari kayong mamatay anytime, kaya ang payo ko sainyo ay umatake kayo ng sabay-sabay. At panghuli." Tumingin sa akin si Ma-ay at muling bumalik ang tingin niya sakanila.

"Isipin niyo ang mga isinakripisyo ng mga kaibigan niyo para manatili kayong buhay." Naglakad si Ma-ay papunta sa pintuan ng amphitheater, sumunod sakanya si Ganit at nagbantay silang dalawa doon.

"Handa na ba kayo?" Tanong ni scarface, tumango silang lahat at sumugod.

-----

Limang players ang tumakbo papunta sa harapan ni Hiraya, dalawa naman ang sumugod sa magkabila niyang gilid, nakita niyang umilaw ang kamay ng lalaking kasama ng dalawang healer at tumilapon ang isang bolang apoy papunta sakanya.

"Makaryo, subukan mong.. anong ginagawa mo Tasyo!" Sumigaw si Magdalya dahil kamuntikan na siyang tamaan ng bolang apoy. Pinanood niyang tumama kay Hiraya ang skill matapos niyang iwasan ito.

"Tsansa! Sabay-sabay dali!"

Nagliwanag ang kamao ni Biloy at kasama niyang sumuntok si Makaryo papunta sa katawan ni Hiraya. Sumunod ang sipa nila Kuntapya at Selyo na tumama naman sa mga paa ng kalaban nila. Gamit ang isang bakal na tubo ay inihampas iyon ni Barolyo sa batok ni Hiraya at dalawang punyal ang magkasunod na tumama sa tagiliran ni Hiraya. Isa-isa silang umatras, muling gumawa ng pormasyon at tiningnan ang pinsalang nagawa nila kay Hiraya.

Napaatras sila nang marinig na tumawa ang kalaban nila, "Ooof, you weak ass bitches would really die sooner or later." Binunot ni Hiraya ang dalawang punyal sa magkabilang tagiliran niya at tinitigan ito, sinalo niya ang bawat atake nila para malaman kung gaano kataas ang bawas na magagawa nila sa buhay niya. Natawa siya dahil wala pa sa singkwenta ang nabawas nila sa 1700 na Health points niya.

"Tao ka ba talaga?" Tanong ni Magdalya, tila pare-parehong katanungan ang nasa isipan nilang lahat.

"Syempre, tao ako. One more time, give your best shots. Ang susunod na mga atake niyo ay dapat gamitin niyo na kung ano ang mga skills o title na meron kayo, then after that.. ako naman ang aatake." Nakangiting ginamit ni Hiraya ang punyal sa kamay niya upang patulisin ang kuko sa kanyang mga daliri.

"Go beyond!" Nagliwanag ang katawan ni Makaryo.

"Vampire Transformation!" Pumula ang mata ni Awey, humaba ang pangil at tumulis ang kanyang mga kuko. Ang skill na ito ay nakuha niya matapos nilang mapatay ang isang bampira.

Napatingin si Hiraya sa babae, naisip niyang hugutin sa katawan nito ang skill book pero pinigilan niya ang sarili niya.

Kinuha ni Magdalya ang palakol sa gilid ng baywang niya at hinigpitan ang hawak doon. Hindi pa rin niya maintindihan kung papaanong galos lamang ang natamo ng kalaban nila matapos ang pag-atakeng ginawa nilang lahat.

Muling nagliwanag ang kamao ni Biloy at inihanda niya ang sarili, siya man ay naguguluhan pero ang nasa-isip lamang niya ngayon ay talunin ang kalaban.

Pumorma silang lahat at sabay-sabay na umatake kasama na ang mga back-liner nila; hawak ang mga bakal na parte ng upuan ay tumakbo rin ang tatlo pasugod kay Hiraya.

Tumalsik ang dugo sa lapag nang tamaan ang dibdib ni Hiraya ng Air Cutter ni Magdalya, sinundan niya ito ng pagtaga sa hita at bumaon doon ang palakol niya, pinilit niya itong bawiin ngunit hindi niya nagawa kaya't tumalon siya papalayo para bigyang daan ang pag-atake ng kanyang mga kasamahan.

Tumalsik palikod ang ulo ni Hiraya nang matamaan siya ng suntok ni Biloy, pumutok ang ibabang labi niya. Inatake ni Makaryo ang likuran ni Hiraya at walang hupang pinagsusuntok iyon. Dalawang bakal ang tumama naman sa mga braso ni Hiraya at natupi ang mga iyon dahil sa pwersang dala ng pag-atake.

Tinanggap muli ni Hiraya ang lahat ng atake nila, nakangiti niyang binuksan ang notification ng pag-level up ng kanyang mga passive skills. Matapos ang ilang minutong pag-atake nila ay isa-isa silang napa-upo sa sahig dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang stamina.

Bakas ang pagkamangha sa mga mukha nila at may bahid din ito ng takot. Tinitigan nila ang kalaban nila at ang mga sandatang ginamit nila para subukang patumbahin ang kasalukuyang mala-pader na nilalang sa kanilang isipan. Napalunok sila isa-isa at hinintay kung ano ang gagawin ni Hiraya.

"Tangna ano yan?" Nakita ni Magdalya na may lumitaw na bagay sa kamay ni Hiraya, kinain nito iyon at nagliwanag ang katawan niya, kakulay iyon ng dugo at ilang saglit pa ay nakita niyang naghilom ang ilang sugat ni Hiraya.

"Oh this? Karne to ng tikbalang na pinatay ko.. naalala mo yung sinabi kong hindi pa ako nakakatikim ng karne ng tao diba? Wait lang, try ko sayo." Nalukot ang mukha ni Magdalya at napa-atras ang katawan niya.

Hindi lang siya, lahat silang labing dalawa ay napa-atras. Isa isang silang nagtakbuhan papunta sa pintuan ng amphitheater.

"Hey, come on now. Nagsasanay tayo diba? Huwag kayong tumakbo, ah ano, kikilitiin ko lang naman kayo. Kutsikutsi koooo!" Nawala sa kinatatayuan niya si Hiraya at nang lumitaw siya ay nasa harapan na siya ni Magdalya.

In-activate niya ang dalawang title at hinawakan ng mahigpit ang una niyang biktima. Ibinuka ni Hiraya ang bibig niya at sumigaw ng napakalakas si Magdalya, ilang sigundo lang ay tumirik ang mata nito at nawalan ng malay. Patagong pinunasan ni Hiraya ang leeg ni Magdalya ng dugo at tiningnan ang iba niya pang mga biktima.

"Hey look, nawalan na siya ng malay sa sobrang kiliti, come now, sinong sunod?" Binitawan ni Hiraya si Magdalya at nagkalad papalapit sa mga natumbang players. Dumako ang tingin niya sa pinakamabilis na tumakbo at kinakalampag nito ang pintuan ng amphitheater at sumisigaw ng buksan ang pintuan.

Hindi pinalagpas ni Ma-ay ang pagkakataon at binigkas ang isa sa mga paburito niyang linya sa isang pelikula, "You shall not pass!"

"Ano? Hoy buksan niyo to! Ayoko na dito, may.. may halimaw dito! Kumakain siya ng tao, please pagbuksan niyo ako ng pinto!" Patuloy na kinalampag ni Selyo ang pintuan.

Nauna nang mawalan ng malay ang limang mga babae, matapos maramdaman ang malagim na awra dala ng Malignant at Psycho ay tumirik agad ang mga mata nila sa sobrang takot, mapapansin din ang basang parte ng sahig at maaamoy doon ang panghi.

"Oh my, you really surprise me. Upgrade natin sa medium bravery ang tawag ko sayo. Ano palang sabi mo kanina? Go beyond? Ano yan.. Oh I know, kailangan mong lagpasan ang takot at limitasyon ng katawan mo?" Tumango ang tinanong ni Hiraya at pumorma ito para muling lumaban.

"Maybe I could really help you level up that skill. Marami akong kwentong nakakatakot gusto mong marinig?" Nilapitan ni Hiraya si Makaryo at hindi na nito napigilang bumagsak sa sahig.

Naramdaman ni Makaryo ang sobra-sobrang lebel ng takot matapos siyang hawakan ni Hiraya. Inangat niya ang tingin niya at nakita ang mukha ng isang dyablo, nakangiti ito sakanya at labas ang mapuputi nitong pangil. 'Hindi, kaya ko pa... kaya kong lagpasan kung ano lang ang kaya ko! Gaya ng sinabi niya, kaya ko! KAYA KO!'

Crack!

"Gaaaah! Mmmm gmmmm!"

"Shhh, sabi ni Ma-ay diba wag masyadong sumigaw? Saglit nga, tangina ang ingay nung nasa pinto.. ... now, now, let's help you level up that skill."

Crack!

Tumulo ang luha sa mga mata ni Makaryo, kinagat niya ang kanyang dila dahil pakiramdam niya ay tinatakasan na siya ng malay. Nagising muli ang ulirat niya at muling tinitigan ang dyablo.

"Papaano kung patayin na kita sa puntong ito, you wont be able to avenge your friends anymore right? Or maybe, I could kill this weakass shit right here." Binitawan ni Hiraya ang ulo ni Makaryo at nilapitan si Biloy, pinulot niya ito sa lapag at dinala malapit kay Makaryo.

Nakita ni Makaryo na itinutok ni Hiraya ang isang punyal sa kaliwang dibdib ni Biloy. "Hindi.. wag, parang-awa mo na wag!" Umagos ang luha ni Makaryo, tila nag-playback sa isipan niya lahat ng mga pinagsamahan nila ni Biloy, kasama ang mga kaibigan niya. Inabot niya ang kamay ni Biloy at hahawakan ito.

Crack!

"Ahhhhg!"

Inapakan ni Hiraya ang mga daliri ni Makaryo, "Ang kamay nayan ay walang silbe. Kung hindi kayang protektahan ng kamay nayan ang ipinaglalaban mo ay mas mabuting huwag mo nalang iyang magamit." Nakatulala si Hiraya sa hangin, tila hindi si Makaryo ang kausap niya kundi ang sarili niya. Tinitigan niya ang sarili niyang mga kamay.

Tila napagtanto ni Hiraya na wala siyang kaibahan sa kanyang Sumulat. Pero kung ito ang paraan para malagpasan ni Makaryo ang sarili niya, hindi siya nagdalawang isip na ituloy ang gagawin niya. Ang totoo ay nakikita ni Hiraya ang sarili niya kay Makaryo, kaya naman siya ang pinakagustong tulungan ni Hiraya. Isasama na lamang niya sa proseso ang iba pa.

"Kung hindi mo kayang tanggapin ang nakaraan, ang kamatayan ng mga kaibigan mo, ang pagkawala nila sa tabi mo at hindi magfofocus sa kung ano ang mayroon ka ngayon.. ay hindi mo malalagpasan ang sarili mo. Now, I am here. Pwede kong ibigay sayo ang lakas na hinihiling mo, ang tibay ng loob na kailangan mo para lunukin ang kahit na anong pride na natitira pa dyan sa pagkatao mo, ibibigay ko sayo ang lahat ng kailangan mo para maprotektahan ang pinaka mahalaga sayo."

"Handa ka bang harapin ang panganib? Ang mga sugat? Ang sakit? Ang kabaliwan?"

"Ibigay mo sa akin. Tatanggapin ko kahit na ano ang kapalit. Gagawin ko ang lahat! Poprotektahan ko si Biloy!"

Ding!

[Congratulations]

-A God from the Earth Faction has commended your deeds. She will provide you a blessing only given to those who spread hope.

-You earned a title: Moon God's Lover

-Gain the unique active skill: Mayari's Blessing

'This is getting more insane!' Napatanga si Hiraya sa kanyang natanggap.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C29
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous