Hinatid nya ako sa bahay eksaktong alas syete na ng gabi. Pinatuloy sya ni Mama sa loob upang maghapunan sana kaso ang sabi nya, kailangan na raw nyang umuwi. Di na rin sya napilit ni Mama dahil magmamaneho pa ito mag-isa pabalik sa kanila.
"Mag-iingat ka hijo. Text ka kay Kaka kapag nakauwi ka na ha?." dinig ko pang bilin ni Mama sa kanya. Sumilip nalang ako sa may bintana sapagkat naramdaman kong, malapit na akong matagusan.
"Opo Tita. Sige po. Una na po muna ako." humalik ito kay Mama bago umikot at pumasok ng sasakyan. Bumukas ang bintana nya kinausap pa sya ni Mama. "Sige na. Dahan dahan lang ha.."
"Opo Tita. Bye po.." paalam na nito. Si Mama talaga. Ang kulit din. Nakita na ngang mukhang nagmamadali yung tao, kinakausap pa. Hay...
Dinig kong bumusina ito bago tuluyang umalis.
"Kamusta date ha?." after dinner. Pumanhik ako agad sa sariling silid saka duon nagkulong. Umupo ako sa inupuan nya noong pumasok sya rito at kinuha ang gitara saka inistrum iyon.
Kaya lang. Heto bigla si Ate Kendra. Pumasok nang di kumakatok. Tapos pabagsak pang humiga saking kama.
"Anong date?." balik kong tanong sa kanya.
"Psh!. Kunyari ka pang walang alam. Di ba obvious mga swag moves ni Master ha?."
Di ako nakaimik. Anong isasagot ko?. Kukumpirmahin ko ba ang hinala nya?. Tsk. Pag umoo ako, walang katapusang tukso ang gagawin nila ni Ate Kio pero pag di ako nagbigay kumento patungkol dito, ganun naman din. Tukso dito. Tukso doon. Kukulitin ako hanggang sa mapaamin na rin. Kaya, either way, there's no way out.
Nagkibit balikat nalang ako. "Hay nako!. Kahit magdeny ka pa sis. I can feel you. Gusto mo rin sya noh?."
Di na naman ako nakapagsalita. Ano nga kasing sasabihn ko?. Susnako naman..
"O baka naman. Kayo na ha?. Kwento naman dyan girl.."
I just ignore her. Pinagpatuloy ko lang ang pagstrum sa string ng gitara. "Hoy ano ba?. May kasama ba ako rito o wala?." binato na nya ako ngayon ng unan. Yan. Ganyan yan pag di nakakakuha ng kahit na anong sagot sa kanyang tanong.
"Bakit ba kasi andito ka Ate?."
"Ay aba?. What on earth?. Bigla yatang nag-iba ihip ng hangin dito.." pinaypayan nito ang buong mukha saka sinalikop ang mahaba nitong buhok at basta nalang itinali kahit magulo pa ito. "Matanong ko lang. Kayo na ba ha?."
"Hinde noh.." mabilis kong sagot. Tinaasan nya ako ng isang kilay.
"Bat di ka makatingin sakin ng diretso kung ganun?."
"Sa may ginagawa ako eh.." pagdadahilan ko. Isa pang tanong nya Karen. Huli ka na kahit wala ka namang kaso. Wala nga ba?.
"Sige na nga. Bahala ka dyan. Basta wag kang iiyak sakin pag nasaktan ka ah. Pft.." bigla itong nagpaalam at padabog pang isinara ang pintuan.
Ano kaya yun?. Di ko lang naman sya sinagot. Masama na yata ngayon ang di sumagot sa mga tanong. At isa pa. Masama na rin maging ang magtanong. Nakakatakot na minsan. Madalas kasi, takot ang nangunguna kapag binalak mong magtanong palang. Kaya ang nangyayari, buong araw kang lutang kahit lunes na lunes.
"Gurl tawag ka." kinalabit ako ng katabi ko. Kanina pa daw ako tinatawag ng guro. Susnako!. Napagalitan tuloy ako.
"Lutang na lutang. Ano kayang iniisip nito kagabi?." dinig kong tanong ni Winly kay Bamby. Pagkaalis kasi ni Ate noon. Biglang tumunog ang cellphone ko. Di ko sana sasagutin kung di ko lang nabasa yung last number ng caller. I didn't memorize his number pero natandaan ko ang huling tatlong numero na gamit nya. Agad ko iyong sinagot. Inayos ko pa nga mukha ko maging ang suot kong damit kahit alam kong call lang ito at hindi video call. Hay Karen. Asa ka gurl.
"Hello." kabado ako. Nakunaman!.
"Nakauwi na ako Kaka. Pakisabi nalang kay Tita."
"Yep. Sasabihn ko." natigilan ako. Hindi alam kung anong sunod na gagawin. "Ahm. Kumain ka na?."
Kingwa!. Ang clingy ko ba?. Bat ko tinatanong ang ganitong bagay?. Errr....
"Not yet, pero nung narinig ko boses mo, nabusog na ako."
"Hay.. sige lang. Hirit pa. Haha."
"Hahaha.. totoo naman.. Namiss kita agad. Hay.."
Nakiliti naman ako. Kakahiwalay lang namin ay, miss na agad ako. Boy, you make me feel like I'm the most beautiful girl in the world. Eh!?. Ano raw Karen?.
Pagbigyan nyo na ako. Enebe?.
*Magkikita naman tayo bukas. Take note. Monday na naman." paalala ko.
"Oo nga. Hehehe.. Pero kahit na. Dito ka na lang kaya tumira?."
"In your dreams Master." tumirik ang mata ko habang sinasabi ko ito. Natatawa. Nakitawa rin sya. "Kumain ka na. Lumalalim na ang gabi."
"Why?. Matutulog ka na ba?."
"Hmmm.. Lunes kasi bukas. Bawal malate."
"See you then tomorrow?."
"See you tomorrow. Goodnight." ako na ang nagbaba ng tawag sapagkat ayaw nya akong babaan.
Ngunit hetong lunes. Wala akong nakitang bulto nya sa pila habang flag ceremony. Doon palang. Bagsak na nga balikat ko. Bryan approach me pero iniwasan ko agad sya. Di ko alam kung kabastusan ba iyon o hinde. Basta ang tanging nakikita kong tama ay ang sinunod ko ang gusto nyang wag lapitan ito.
"Sinong hanap mo te?." nakisilip din sakin si Winly nang pasimple kong silipin sa bintana ang kabilang classroom. Checking if he's present or not.
"Hmmmpp.. mukhang alam ko." nilagay nito ang kamay sa baba. Sumilip muli sya sa buong room at kumaway pa kila Jaden bago na ako hinila pabalik ng room. "Kian is not there kung sya ang hanap mo." prangka nyang sabi. Agad naghiwalay ang kaninang nagsalubong kong kilay.
"Paano mo alam?."
"Dinig ko si Bryan kanina. Absent daw sya dahil umuwi Mommy nya."
"E ano kung umuwi?." mabilis kong tanong.
Tinignan nya ako ng medyo may awa sa mata. I don't know why. "Why are you looking at me like that?." tanong ko. Kinakabahan sa ginagawa nyang pagtitig.
"Wag kang mabibigla ha." pasuspense pa nyang sabi. Tumango ako kahit sa totoo lang ay, malapit na akong mapaupo na rito sa panginginig ng tuhod ko. "Ang sabi raw kasi sa sulat. Ngayon daw yung engagement party nila nung babae."
Napanganga ako. Literal na bumagsak ang panga't labi ko.
What!?. Engagement party?. What the hell!?. Iyon ba yung dahilan bat sya nagmamadaling umuwi kagabi?. At kung bakit hindi sya nagtext kaninang umaga?.