Télécharger l’application
18% He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 18: Chapter 18: Unexpected

Chapitre 18: Chapter 18: Unexpected

After lunch. Nagprisinta ang dalawa na ihahatid kami hanggang sa room. Natuwa ako't at the same kinabahan. Naexcite din syempre dahil si Kian Lim to. Ang model ng among school tapos ihahatid ang isang Karen sa room nya?. Naku po! Napakaswerte ko naman pag nangyari yun.

Pero hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. "Wag na. Baka maisyu pa kami." etong si Bamby ang nagsabi nito. Maisyu din kasi ito ngayon sa school. I heard about her na ayaw ng kuya nyang ligawan sya. Iyon lang ang dinig ko mula sa mga lalaking classmate din namin.

Ang higpit ng kuya nya. Una ko nang nakita si kuya Lance. Nakiki-kuya na ako. Paki nyo ba?. Joke lang po. Pero seryoso na, unang kita ko palang kay kuya Lance, halatang istrikto na sya. Mukha palang nyang hindi gaanong ngumingiti at hindi palasalita, halatang cold na. Hindi naman sya as in masungit. Siguro sa mga taong may balak lang sa kapatid nya sya may galit o ay ayaw. Protective kumbaga. Para iwas heartbreak. Subalit sa nakikita ko. Mukhang hindi nya yata maiiwasan ang mga bagay bagay. Lalo na kung ang dalawang tao ay talaga nga namang nakatadhana na pinagtagpo.

Atsu! Kilig ako!

"Hindi yan. Kaming bahala." ani Kian habang sinasabayan ako sa paglalakad. Sinadya kong bagalan ang paghakbang para makasabay ako kay Bamby ngunit hinigit nya ako bigla sa braso para magpauna kami sa dalawa.

"Sa ginagawa mo,. maiisyu talaga si Bamby." siring ko dito. Sininghalan nya lang ako't nagpacute na.

"Psh!. Akala nya na naman, ang gwapo nya. Hmp." bulong ko saking sarili dahil nakakainis ang mukha nya pag nakangiti. Hindi literal na inis ha. Alam mo yung inis na parang kilig sya. Ganun.Sa totoo lang. Kahit saang anggulo. Ang gwapo nya! Shet lang!!

Magtigil ka nga Karen! Marinig ka nyan, lintik ka na!

"May bumulong na naman na gwapo raw ako. Ahahahaha. Iba na talaga kapag gwapo. Habulin.. wahahahahhahaha!."

Umirap ako sa kawalan ng umalingawngaw ang boses nya sa paligid. At sa puntong iyon, parang gusto kong irecord ang boses nya't gawing alarm clock. Pampagising lang ba.

"Bamby, takbo nalang tayo." pinauna kong naglakad si Kian dahil abala pa rin ito sa kabaliwang naiisip. Napahinto sina Jaden at Bamby sa sinabi ko. Nagtinginan silang dalawa.

"Mauna na kami. Salamat kanina." kamuntik pang nautal ang kaibigan kong to. Kapag nga naman inlab ang isang tao, hindi na alam ang gagawin kapag kaharap na ito. Tsk! Tsk!.

"Walang anuman. Basta ikaw." ani Jaden lang. Tinapik ko ang balikat nya't nagpasalamat na rin bago muling nagpaalam na mauuna. Binilin ko na rin na sabihan ang kaibigan nyang kailangan na naming mauna sa kanila. Tumango naman sya't sinabing walang problema. Pagkatapos nun ay hinila ko na ang kamay ni Bamby saka sabay kaming tumakbo palayo sa kanila. May iilan nang mga estudyante na naglalakad pabalik ng kanilang building. Nang lagpasan namin si Kian ay nagulat ito sakin.

"Hey! I thought?." hindi nito naituloy ang gustong sasabihn ng unahan ko sya habang tumatakbo na palayo. "See you around handsome." sabay ko pa ng isang saludo. Laglag ang panga nya.

Alam kong maganda ako Kian pero sana wag mo namang ipahalata na nakakalaglag panga nga talaga ang aking angking kagandahan. Choz!

Asa Karen! In your weirdest dreams!..

Mabilis lang din nagsidatingan ang karamihan sa mga kaklase ko. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang paghapong klase.

Nakakabagot.

Nakakaantok.

Nakakayamot ang afternoon class. Aminin nyo man o hinde. Siguro, depende din sa teacher in every subject. Pero hinde sakin. Inaantok talaga ako pag ganitong hapon na. Humihikab ako kahit nasa harapan ang teacher pero syempre pag nakatalikod lang. Ibang usapan naman na kapag makaharap sya. Heck!

Lalo na ngayong madilim ang paligid at mukhang uulan ng malakas. Parang gusto ko ng magpaalam at tumakbo na pauwi ng bahay. Magkukulong sa silid at malamang matutulog.

"That's all. See you tomorrow." and finally!!! Marami ang naglabas ng malalim na buntong hininga ng magpaalam na ang huling subject teacher namin. Tuwing ganitong malapit na ang uwian ay nakkawalang gana na talaga ang makinig. Ganyan ka rin ba o hinde?. Pwes ako, oo. Sabihan nyo na akong tamad. Oh e di kayo na!. Lol!.

Take note. Kailangan pa kasi naming maglinis at mag-ayos bago umuwi. Kaya ganun nalang kaming kaexcited pag ganitong oras na.

As usual. Maingay ang loob ng klase. Marami ang kumukuha ng panglinis. May iilan ding nagkumpulan, nagkwekwentuhan. Iilan lang din ang naiwan pang nakaupo, kagaya ko. Oh sabihan nyo na akong tamad. Aamin na ako. Tinatamad talaga ako ngayon. Parang parating na ang bisitang nakapula.

"Hay ano ba yan?. Umuulan na. Sinong may payong dyan?." palabas na rin sana ang iba ng biglang bumagkas ang buhos ng ulan. As in ang bawat patak nito ay parang may kasamang yelo.

Walang nagpahiram ng payong dahil nga, literal. Wala ding may dala. Tatayo rin sana ako para makinood sa pagbagsak ng ulan sa mga halaman subalit naisip kong wag nalang. Mamaya nalang kapag tumila na ang ulan.

"Bamby, pwede makisakay nalang ako sa'yo mamaya. Wala kasi akong dalang payong." ani Winly kay Bamby na kasalukuyang nakaupo sa arm rest ng upuan ko. Hawak pa nito ang buhok ko't iniikot ng iniikot.

"Titila din siguro ito mamaya." sagot nya lang dito. Hindi na pinansin ni Winly iyon at inabala na ang sarili kagaya ng iba na nanonood lang sa labas mula sa bintana.

Sa tantya ko. May kinse minutos ang buhos ng malakas na ulan. Nagblock out pa kaya marami ang napatili. Ibilang mo na rin ako sa kanila pero mahina lang naman. Hak!

"May sundo ka?." dinungaw ako ni Bamby. Napabaling din sakin si Winly na abalang nakikipagbiruan sa iba.

"Hindi ko pa alam. Tanungin ko pa si Papa." tinext ko kaagad si Papa at nanlumo ako sa reply nya. Nasa field daw sya at baka late pa kung umuwi na. Nalaman nilang wala akong sundo kaya pinatila pa namin ang ulan.

Sa kahihintay na tumila ito. Mababawasan na rin ang tao sa loob. Ang sabi nila'y pauwi naman na kaya kahit maligo na sila sa ulan. May point naman sila. Pero mahal ang magkasakit ngayon. Ayoko!

"Mauna na rin ako." pahayag din ni Joyce. May dala daw syang payong. Mabilis ding lumapit si bakla sa kanya at nakasilong. Hihiramin nalang daw nya ang payong nito kapag nakarating na si Joyce ng bahay nila. Ang bilis mag-isip diba?. Nakakabilib sya! Iiwan ba naman ako?. Tsk!

Tumakbo kami ni Bamby palabas ng room dahil uuwi na rin daw ang may hawak ng susi. Nang makarating kami gym. Marami pa palang nakatambay duon. Kagaya ko na naghihintay huminto ang ulan.

Sumama ako kay Bamby hanggang sa kumpulan ng kanyang kuya. Andun na rin si Jaden at Kian. Nag-usap ang magkapid na kailangan na raw nilang mauna.

"Sabay ka nalang. Hatid ka namin sa inyo." alok sakin ni Bamby. Binuka ko na ang labi ko para pumayag subalit hindi ko na naman inasahan ang sumunod na nangyari.

"Ako nang bahala sa kanya pare. Mauna na kayo." as much as I don't want to utter his name. Hindi ko mapigilan ang mapahanga sa kanya. Kian naman. Talaga ba?.

Natahimik ang buong kumpulan ng kalalakihan. Matapos magsalita ni Lance at nauna nang umalis. Kinantyawan na sya ng grupo.

"Ano ba yan?. Iba pala umiskor ang intsik."

"Wala rin kaming masakyan bro. Baka pwedeng makisabay?. Hahaha."

"Ayoko ring magkasakit pare. Pasabay na rin ako ha. Hahah.."

"Mga baliw. Dyan na nga kayo." pigil nya sa mga kasama at nilapitan ako. Nahihiya naman akong tumingala sa kanya.

"Hatid na kita."

"Alam mo ba bahay ko?." parang tanga lang Karen!. Ano ba?. Wake up! Lutang pa kasi ako. Di maproseso ang nagaganap.

"Aalamin. Kaya nga kita ihahatid."

"Naks naman!. Aalamin pala ang bahay. Uyyy...."

"Ayiiee.."

"Iba na yan ha.."

"May kotse lang ako, ihahatid din kita." ani Bryle sa likod. Napatingin ako sa kanya. Mabilis naman syang humarang sa tinitignan ko.

"Shut up please.." pigil nito sa kaibigan.

"Wahahahahhahaha. Mukha mo.. Tara na Karen." naglakad si Bryle papunta yata sakin. And damn! His next moves is unexpected. Mabilis nyang hinigit ang kamay ko't hinila na palayo sa kumpulan.

"Pikon!." kantyaw ni Bryle sa kanya na natatawa.

Nagtaas sya ng kamay sa kanila. Hula ko'y sensored iyon. Kaya naman umalingawngaw sa buong gym ang boses ng grupo nya. At paglabas ng gym. May bigla syang binuksan na payong at doon kami parehong sumilong. Hawak nya pa ang balikat ko para hindi ako mabasa.

"I'll take you home. Just tell me your address." hindi na rin ako nagpakipot pa. Sinabi ko ang buong address sa kanya para madali na.

Hay! Ano itong nangyayari?. Dapat bang tignan ko ito bilang puntos o hinde?. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam. Bago sa akin ang ganito at ang masasabi ko lang. Di na yata kailangan ang pagbibilang dahil una palang, tama na sya.

Tay...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C18
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous