Télécharger l’application
85.71% The One (tagalog) / Chapter 24: Mj o Tris?

Chapitre 24: Mj o Tris?

Nagtuloy-tuloy ang paglalandian namin ni Mj sa pamamagitan ng chat sa messenger... At.... Ganoon rin kami ni Tris... Napapaisip tuloy ako Kung sino talaga ang pipiliin ko sa kanilang dalawa...

Nagkakataon na may Libreng oras na kaming magkita ni Mj salamat sa Sports fest ng university... Nasa classroom ako ng biglang tinawagan ako ni Nate Para pumunta sa Gym at manood ng laro Nila Mj ng Volleyball... Saktong wala namang ginagawa sa aming silid aralan at wala ang mga guro dahil Busy silang Lahat Para sa ginaganap na Sports Fest... Kaya naman lumabas na ako sa aming silid.... isinara  ko na ang pintuan at pababa na Sana ako sa hagdanan ng biglang may tumawag saakin..

"" PSST... HOYY... ""

Umakyat ako unti at tumingin sa Kung sino ang tumawag saakin... Nagulat ako dahil sa akalang baka ang guro na namin iyon pero noong tinignan Kong mabuti si Tris Pala ang tumawag saakin.. Ng tumingin ako sa kinaroroonan niya.. Sumenyas siya na lumapit raw ako sa kinatatayoan niya... Lumapit ako sa kinatatayoan niya habang nagtataka Kung bakit ako tinatawag ni Tris.. Kung ano-anong namuo sa aking isipan...

"Bakit niya Kaya ako tinawag?... May ginawa ba akong Mali?.... O baka naman nalaman niya na may linalandi pa akong iba maliban sakanya?? .... Paano Kung nalaman niya na nga???... Hala!! ... Anong gagawin ko?!!... Paktay akong Bata neto!!... Baka sasapakin niya ako??!! .. Hala baka oo!! "

Bawat hakbang Kong papalapit sa kinaroroonan ni Tris ay tuloy parin ang aking pagiisip ng Kung anong possibleng mangyare.... Inihanda ko ang aking sarili sa baka sasapakin niya na ako.. Ng nakarating ako sa kinatatayoan niya.. Tumingin ako sa mga Mata niya.. Para bang nagaapoy ang mga Mata nito...

"Mukang nalaman niya na nga na may linalandi akong iba pa..."

Ang naisip ko.. Kaya naman tinanong ko so Tris,

"Ba... Bakit??..may nagawa ba akong ma-"

Hindi ko pa natapos ang aking sinasabi ng biglang gumalaw ang mga kamay nito... Kaya naman pinatigas ko na ang aking pisngi Gaya nalamang Kung akoy sasabak na sa pakikipag bakbakan sa loob ng Ring... Dahil rin sa pagkabigla Napapikit nalamang ako at hinintay ang sampal na inaasahan ko...

Ng Naramdaman ko nanga....

Naramdaman ko na ang mga kamay niya ay pumulupot sa aking mga balikat  at nararamdaman ko ang kanyang ulo sa aking kanang tenga... Naamoy ko rin ang mabangong buhok ni Tris... Kaya naman ay bigla Kong iminulat ang aking mga Mata... Nakita ko nalang Si Tris na nakayakap saakin..

Naramdaman ko ang isang pakiramdam na matagal ko naring hindi nararamdaman.... Ang pakiramdam ng yinayakap... Dahil sa nadala ako sa aking nararamdaman... Biglang gumalaw ang aking mga kamay at ipinulupot ko ito sa Bewang ni Tris... At... Lalo ko pang pinalapit siya saaking katawan.. yinakap ko siya ng mahigpit at muli akong napapikit... Dinama naming dalawa ni Tris ang pangyayare... Bumilis ang tibok ng aking puso sa biglaang pagyakap saakin Tris...

Lumipas ang ilang minuto ay Napaghiwalay kami sa pagkakayakap... Muli akong Nagtaka Kung bakit niya akoy biglang yinakap sa kawalan... Kaya naman ay tinanong ko na si Tris Para malaman na ang mga kasagutan sa aking mga katanungan...

Ako: Uuuuhhmmm.... May.... Problema ba Bhe?

Tris:..... Wala Lang Bhe....

Ako: Eh.... Bat mo ako yinakap?.....

Tris: Bakit..... Bawal ba?

Ako: ah... Eh.... Hindi...

Tris: Hahaha naman Pala....

Ako: pero seryoso... Bakit mo ako yinakap?

Tris: Hahaha naku... Bakit... Nakalimutan mo na ba kahapon?....

Ng sinabi ni Tris saakin ang salitang "Kahapon" ay naalala ko na Kung bakit...

*Flash Back*

Habang akoy nababagot na sa hindi pa ako makatulog ay nag FB na muna ako... Habang nag scro-scroll ako sa aking wall... Ng biglang... Napansin ko ang isang shared post ni Tris na nagsasabing...

Yayakapin ko si Crush Kapag nagkaroon ng 100 comments ang post na ito.

At sa bandang itaas naman ay sinabi ni Tris na,

"Yayakapin ko Lang si Crush Kapag 1k na ang comments hahaha"

Ng mabasa ko iyon.. May biglang namuo saaking isipan at Dali-Dali akong nagcomment sa shared post ni Tris ng,

" Hindi na Kaylangan ang 1k Comments.... Yakapin mo na ako hahaha"

*present *

Hindi ko akalaing seseryosohin ni Tris iyon..... Nagkatinginan kami sa isat-isa ... Ngumiti ako Kay Tris Kaya naman napangiti rin siya at bigla niya akong itinulak papalayo at sinabing,

"Hahaha Baliw!!"

dali-daling pumasok si Tris sa silid aralan namin.... Napatawa nalang ako at parang Baliw na nakangiting bumababa sa Hagdanan papunta sa Gym namin Para manood ng laro ng volleyball...

Nakarating narin ako sawakas sa gym at hinanap ko Kung Saan naroroon si Nate... Dahil sa napakaraming Tao ang nanonood hindi ko makita Kung nasaan si Nate... Kaya naman tinawagan ko siya Kung saang banda siya naroroon... Mayamayay biglang may tumapik saaking balikat.. Ng tinignan ko si Nate na Pala... Pumunta kami sa pwesto Kung Saan nakaupo Sina Mary, Nate, at si Seus...

Nate: Ah eto nga Pala si Mary... Kaibigan siya ni Mj at Kaklase rin namin...

( Mary.... Isang seryosong babae..tapat sa panginoon... Matalino... Maganda... At mabait... Pero hindi ko siya ganoong kaclose... Tuloy sa kwento)

Ako: Hi....

Mary: Hi....

Nagkatinginan kaming dalawa ni Seus...

Ako: Sup...

Seus: Sup....

Umupo na ako sa may tabi ni Nate at nanood na ng laro...mayamayay  Nakita ko na Kung asan si Mj

Si Mj na ang susunod na magspike ng Bola... Tuloy ang cheer ng kaklase ni Mj sa kanya... Sigawan at palakpakan ang buong klase na nanonood sa Laro Nila Mj... Kaya Pati ako nakikisigaw narin sa pangalan ni Mj...

"GO MJ!!!! KAYA MO YAN!!! GO MJ! GO MJ! GO MJ! GO MJ! WOOOOOO!!!"

mayamaya Para akong baliw na tumayo sa a king kinauupuan at sumigaw.... Habang sumisigaw ako at nagchecheer Para Kay Mj.... Napatayo rin Seus... At nagsimula ring nasigaw at nagcheer Para Kay Mj..... Nagkatinginan kami sa isat-isa ni Seus na Para bang mga lion na handa ng maglaban Para sa trono.....

Nagsimula na nga.... Nagsimula na rin ang aming Laban ni Seus sa Kung sino ang masmalakas ang boses at Kung sino ang unang mapapansin ni Mj... Nagtatawanan nalamang Sina Nate at Mary saaming dalawa ni Seus... Mayamayay nagspike na si Mj.... Pamasok sa kabilang panig... Pilit namang pinigilang pumasok ang Bola sa kabilang kupunan pero nabigo silang pigilan ang mahalimaw na pagkapalo ni Mj sa Bola...

Sumigaw ang buong klase Nila Mj... At Pati kami ni Seus.... Todo naman ang sigaw naming dalawa.... Nagtuloy-tuloy ang pagchecheer namin Para sa panig nila Mj hanggang sa matapos na nga ang Laro... At Lalo pang lumakas ang Sigawan namin noong nanalo na ang panig nila Mj... Natapos narin ang Laro... At susunod na ang iba pang manlalaro sa Event.. Hindi na kami nanood pa at kaming apat nila Nate, Mary, at Seus ay pinuntahan Kung Saan si Mj... Hinintay na muna naming nakapagpalit na siya ng damit at dumeretso kami sa cafeteria Para kumain....

Sa tagal narin naming hindi pagkikita ni Mj..... May mga napansin akong kakaiba sakanya.... Hindi na niya ako pinapansin... At parang bang Mas malapit na siya Kay Seus... Hindi ko na ito pinansin at nakipagkwentuhan nalamang Kay Nate... Nakarating narin kami sawakas sa cafeteria... Naghanap Sina Mary, Seus, at Mj ng mauupuan naming Lahat at kami naman ni Nate ay Naghanap ng makakain....

Ng makahanap kami ng pwedeng malamon ni Nate ay pumunta na kami sa Kung naroroon Sina Mary, Seus at Mj...

Malapit na kami sa pinagpwestohan Nila Mj... Ng.... Makita Kong..... Nakasandal si Mj Kay Seus.... At si Seus ay nakaakbay sakanya.... Aaminin ko... Oo nasaktan ako sa aking nasaksihan....pero lumapit parin ako sakanila.... Umupo ako sa harap nilang dalawa... Habang Nasa tabi ko Sina Mary at Nate.... Umupo akong parang isang barumbadong tambay na nagiinuman sa isang tabi... Inayos ko ang upuan ko na ang sandalan nito ay Nasa aking harapan at Umupo ako na naka-kayang habang umiinom ng Sting energy drink.... Mayamayay nagreklamo si Mj saakin na umayos Daw akong umupo... Pero sinabi Kong ayaw ko nga.... Tinapik ko si Nate at sinabing aalis na ako... Kaya naman tumayo na ako at sinabing,

"Una na ako"

tumalikod na ako sakanila.... Aalis na dapat ako noong biglang may nakalimutan akong sabihin Kaya muli akong humarap sakanila at sinabing,

" Seus..... Alagaan mo siya..."

At muling tumalikod at humakbang na ako papalayo sa kinaroroonan Nila Nate... Mary.... Seus.... At..... Si.... Mj...

( Magmula noon... Hindi na kami muling nagkita pa ni Mj o nagkasalubong man sa Daan... Nabalitaan ko nalang Kay Nate na MagJowa na nga silang dalawa ni Seus.... At dito narin nagsimula ang storya naming dalawa ni Tris)


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C24
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous