Télécharger l’application
50% The One (tagalog) / Chapter 14: First Anniversary

Chapitre 14: First Anniversary

.... Bukas na ang pinakaunang anniversary naming dalawa ni Gel-an....

Isang buwan narin ang lumipas at Bukas na ang araw ng pagkakasagot saakin ni Gel-an...

Hindi ko na nagawang sabihin sakanya ang nakita namin ni Nate sa pamilihan... Dahil Alam ko naman na... Sa... Away Lang nanaman mapupunta ang pagsabi ko sakanya Kung anong nangyare...

Isang buwan naring ang pagmamahalan naming dalawa ni Gel-an ay Tila bay wala ng kabuhaybuhay.. Hindi tulad ng dati na puno ng kabuhayan...

Lahat ay nagbago na... Mga banat ko noon na dati siyang kinikilig, wala na corny na lahat Para sakanya...

Ang lambing ko na lagi siyang  pinapangiti...pero ngayon.. Lalo Lang siyang napapasimangot..

Ang convo namin na napakainit... Ngayon... Wala na akong nararamdaman kundi lamig..

Hindi ko narin nararamdaman ang kilig na dati Kong nararanasan sa tuwing siya ay aking kausap...

Sa tuwing nagaaya ako Para lumabas Kaming dalawa... Dati kapag nagaya ako.. Oo agad ang sagot niya... Pero ngayon... Wala... Puro busy nalang siya...

Kahit na Alam ko na ayaw na niya na akong makita... Makasama... At maging leading man.... Isang buwan Kong tiniis ang pagtrato niya saakin ng sobrang lamig... Hangang sa umabot na nga sa anniversary namin... Nagchat ako sakanya ng,

(Meanwhile sa phone)

Ako: Happy first Anniversary love!!.... Tara kain tayo sa labas, mamasyal tayo... Gawin natin lahat ng gusto mo... I love you.. Kulit..

Hinintay ko ang reply ni Gel-an... Pero wala... Kahit na nakikita ko na nakaactive ang status mo sa messenger....

Naghintay ako... Ng.. Matagal... Hangang sa umabot ito ng ilang oras...

Hangang sa pinansin niya narin ang aking message...

Umaasa ako na mahaba rin ang reply niya saakin.... Pero

"""seen"""

"""pop tiiing"""

Gel-an: OK.

OK. Lang  ang aking natangap mula sakanya...  Hindi ko na inisip pa ito at domeretso na ako sa banyo Para maligo...

Nagpalit... Nagtimpla ng kape... At kinuha ko na ang susi ng motor ko Para pumunta na sa town... Susunduin ko dapat si Gel-an pero... Sabi niya,

""wag na... Magjejeep ako kase kasama ko si mama.. Pupunta rin siya sa town""

Kaya nauna na ako papuntang town... Ng makarating na ako sa town.. Naghanap na muna ako ng pweding mapagparkingan... At chinat ko kay Gel-an na magkikita kami sa SM sa may balcony Para sa SM nalang kami maghahanap ng pweding  makakainan..

Pero bago ako pumunta sa SM bumili na muna ako ng isang bouquet ng asul na Mga Rosas ata sa gitna ay may pulang Rosas... Medyo natagalan na rin ako kakalibot sa pamilihan ng mga bulaklak Para Lamang mahanap ang mga paburito niyang bulaklak.. Kaya baka naghihintay na si Gel-an saakin sa SM..

Dinalian ko ang paglalakad Para makarating na ako sa SM... Dahil ayaw Kong paghintayin si Gel-an.

Nakarating narin ako sa SM, at pumunta na ako sa may balcony at hinanap si Gel-an... Akala ko ako nanaman ang hinihintay pero pero sa unang beses... Ako ang nauna sa meeting place namin.. Dati laging nauuna siya kaysa saakin... Kaya naisip ko na baka natraffic Lang Ata siya...

Kahit na ayaw na ayaw Kong pinaghihintay... Naghintay ako... Mga sigundo.. Minuto.. Hangang sa naging oras... At inisip ko na Kung Saan na siya...

Kahit na nararamdaman ko na... Hindi na siya darating... Hinintay ko  parin si Gel-an...

Gabi na... At wala parin si Gel-an, pilit Kong sinabi sa aking sarili na kunting tiis Lang.. Baka parting na siya... Pero wala... Hanggang sa diko na kayang maghintay pa... Kaya umalis na ako sa SM daladala ang mga bulaklak na imbis na ibibigay ko sakanya...

Pumunta nalang ako sa Park Para maglakadlakad at magpahangin... Tulalang naglalakad... Kung ano ano ang iniisip... Bawat hakbang iniisip ko Kung asan kana.... Bawat yapak ng aking mga paa Iniisip ko Kung anong nangyare na sayo.... Hanggang sa..

... Makita ko si Gel-an....

Lumiwanag ang aking paligid noong makita ko siya....

Nakangiting lumalapit Kay Gel-an...

Nakangiti siya... Sobrang masaya....

Sa sobrang tuwa ko Para makita si Gel-an ay nabulag na ako sa Kung ano ang nangyayare sa aking kapaligiran...

Pero ang ngiting yun ay hindi Pala Para saakin....

Hindi ko na napansin na may kasama siya.... Magkahawak ang kanilang kamay.... Nagtatawanan... At sobrang sobrang masaya silang dalawa...

Familiar ang muka ng taong kasama ni Gel-an na nakaupo sa bench....

Walang iba kundi si Karlo ang kasama ni Gel-an sa bench...

Nandilim ang aking paningin, hindi ko narin alam Kung ano ang gagawin... Kung susuntukin ko na Ata itong animal na ito..

Diko na namalayang nabitawan kona Pala ang aking hawak hawak na bulaklak at bigla nalang akong tumakbo papalapit sakanila at dalidali Kong sinuntok si Karlo sa muka... Hindi naman nagpatinag si Karlo... Sinuntok niya rin ako sa muka Hanggang sa nahulog ang aking eyeglass sa lupa... Sa sobrang galit nakalimutan kona na nasa Park pala kami.. Nagkapalitan Kaming dalawa ng suntok Hanggang sa nagrarambulan na Kaming dalawa ni Karlo... Si Gel-an naman ay pilit na Kaming dalawa ay awatin hangang sa may mga taong tumolong sakanyang umawat... pinaglayo kami sa isatisa...at pinapaalis na sila Gel-an at Karlo.. Habang ako naman ay hawak hawak ng dalawang malalaking lalaki.. Wala na akong magawa... Naibuhos kona lahat ng aking lakas pero hindi parin ako makapiglas sa dalawang lalaki.....hanggang sa sinisigaw ko nalang ang pangalan ni Gel-an... Habang pinapakalma naman ako ng isang lalaki...

Napagod narin ako sa kakasigaw... Hanggang sa napakalma naman na ako ng isang lalaki ..pinaupo ako sa bench at kinuha naman ng isang lalaki ang eyeglass ko at ibinigay ito saakin.. Umupo silang dalawa saakin tabi at nakipagkwentuhan pa silang dalawa saakin,

Lalaki 1: oh iho... Ano ba kaseng nangyare at nagrambulan kayong dalawa?

Ako: anniversary namin ngayon ng jowa ko... Naghintay ako ng napakatagal... Pero napunta Lang sa wala ang lahat... Nakitam ko ang jowa ko na nasa piling na ng isang lalaki...

Lalaki 1: ayy ganun ba? Naku...

Lalaki 2: naku dahil Lang Pala sa I isang babae eh... Sus..

Ako: hindi Lang naman po siya isang babae Lang... Iba siya...

Lalaki 1: oo... Nararamdaman korin yang nararamdaman mo... Nakipagrambulan rin ako noon dahil sa babae... Sa totoo yang Isa Jan Yung kasuntukan ko pangae Diba pre?

Lalaki 2: ah oo... Kaming dalawa ay nag away dahil rin sa babae.. Pero sa huli napunta rin Lang sa wala ang aming pagaaway dahil wala sa Isa saamin ang pinili..

Lalaki 1: hahaha oo grabe.... Good old days..

Nagtatawanan nalang ang dalawa.. Habang ako hindi parin makapaniwala sa nangyare..

Lalaki 2: OK Lang Yan iho.... Babae Lang Yan....

Lalaki 1: oo Tama siya... Hindi mo dapat iniintidi yang mga bagay na Yan... Dapat pagaaral na muna ang inaasekaso mo ngayon

Lalaki 2: Kung siya ang The One Para sayo... Dapat hindi ka niya pinagpalit sa mukang asungot na iyon...

Pinapakomportable ako ng dalawa hanggang sa nawala narin ang sakit sa aking dibdib... At nagpasalamat ako  sa dalawang lalaki..at umuwi narin ako.

( nakamotor ako noon... Diko mapigilang lumuha.. Kaya tumatabi na muna ako at humihinto Para Lang punasan ang aking mga luha...)


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C14
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous