Télécharger l’application
35.48% When You Love Too Much / Chapter 11: Chapter 10

Chapitre 11: Chapter 10

Carlhei Andrew POV

"Uy congrats Engineer!" Bati sa akin mga pinsan ko

Kaagad ko silang nilapitan kahit nahirapan akong makalapit sa kanila dahil sa dami ng tao ngayon sa bahay namin.

"Ipasok mo ako sa Engineering Firm mo ha?" Saad ng pinsan kong si Moscode

Isa siyang Electrical Engineering student sa ibang bansa. Talagang sinadya niyang umuwi ngayon para lang sa party na ito.

"Kakagraduate ko lang, Moscode. Hindi pa nga ako nakakapag-take ng board exam tapos ipapasok aagad kita sa balak ko palang na Engineering Firm?" Saad ko at bahagyang tumawa

Lumapit naman sa akin ang isa ko pang pinsan na kakambal ni Moscode, si Damiel. Isa naman itong Mechanical Engineer sa ibang bansa rin.

"Ano ka ba! Hindi naman malabong maipasa mo 'yung board exam. Hinay hinay lang ha? Baka mamaya maging top notcher ka rin sa board exam." Saad ni Damiel at tumawa

Narinig iyon ng mga ilan pa naming kaanak kaya naman naging dahilan iyon ng tawanan nila. Habang tinitignan silang lahat na nag tipon ngayon para sa graduation party na ito ay hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na kinaya ko ang lahat ng hirap nitong nag daang buwan.

Hindi ganoon kadali ang daloy ng lahat. Emotionally, mentally, at physically, sobrang nakakapagod. Hanggang ngayon ay may senstibo parin sa aking side patungkol sa nangyari ilang buwan lang ang nakakalipas. Akala ko babagsak ako dahil siya lang naman ang iniisip ko habang ginagawa ko ang lahat ng bagay sa buhay.

Nandoong nakita kong sinusundo na siya pauwi ng boyfriend niya. Ilang linggo kong dinamdam iyon. Ganoon naman kasi siguro talaga ang healing process. Akala mo okay ka na pero kapag nakita mo ulit 'yung katotohanan ay masasaktan ka na naman.

Halos mag iwasan kami sa University ni Ellaine. Malaki nga iyon pero sadya yatang masama ang tadhana. Pilit nitong ipapakita ang ayaw mong makita para imulat ang mata mo sa katotohanan. Ipinag papasalamat ko iyon kasi dahil doon ay natuto akong tumanggap na isang laro lang ang lahat.

Simula noong nag OJT kami ay hindi ko na siya nakita pa. Doon mas nakapag focus ako sa pag aaral ko. Nabawi ko ang ilang subject na pumalya dahil sa kawalan ko ng focus.

Sa kasalukuyan ay ipinagpapasalamat ko ang payo ng mga kaibigan at kapatid ko. Muli, sa pangalawang pagkakataon ay nakaligtas ako. Naisalba ko ang sarili ko kahit papaano.

Pumasok ako sa bahay at naabutan doon ang mga magulang ko pati na rin ang kapatid ko. Tumambad sa akin ang napakaraming regalo na nasisigurado kong galing sa mga kamag anak ko.

"Kainis naman, dami mong regalo." Inis na sabi ni Neomi

Nag bubuklat pa ito ng mga box at inalog ilog iyon. Pinalapit naman ako ni Mama at Papa sa tabi nila kaya lumapit ako. Mula sa likod ni Papa ay inilabas niya ang isang papel.

"May lupa ka na para sa Engineering Firm mo." Saad ni Papa

"Congrats, 'nak. Keep it up. We are so proud of you." Nakangiting sabi ni Mama

Hindi ko napigilan ang akapin silang dalawa. Matagal ko na kasing iniisip kung paano ako mag kakaroon ng lupa gayong wala pa naman akong kinikita.

"Salamat po. Sana hindi na kayo nag abala." Saad ko at kumalas sa pagkakaakap sa kanila

Tinapik ni Papa ang balikat ko at nginitian ako.

"Consider it as a beginners gift. Iyang lupa lang naman ang ibinigay namin ng Mama mo. Ikaw parin ang bahala sa ibang parte ng Firm." Saad ni Papa

Tumango tango ako at ngumiti bilang tugon. Kinuha ko doon ang titulo ng lupa na nakapangalan sa akin. Nakakatuwa iyong pag masdan dahil para bang dahil dito ay mag kakatotoo na ang pangarap ko.

"Napakaduga. Kapag ba ako nag patayo ng clinic, ibibili niyo rin ako ng lupa?" Singit ni Neomi

Sabay na nag kibit balikat si Mama at Papa kaya naman natawa ako dahil doon.

"Ampon ka lang naman so bakit ka bibigyan ng lupa?" Nang aasar na sabi ko

Awtomatikong umikot ang mata nito kaya mas lalo akong natuwang asarin siya.

"At least hindi ako niloko." Saad nito at nag kibit balikat pa

Bahagya akong napahinto dahil doon. Nakita kong ngumisi si Neomi at kumaway na para mag paalam. Masamang tingin lang ang ibinigay ko dito habang umaakyat ito patungo sa taas.

"Pag pasensyahan mo na 'yung kapatid mo na 'yun." Saad ni Mama at kinapitan pa ang braso ko

Bahagya akong ngumiti dito.

"Okay lang, Mama. Ayos na rin naman ako eh." Saad ko

...

Kinabukasan ng hapon ay nag handa ako para sa graduation party naman ng mga batchmate namin. Nang makapag paalam ako kay Mama ay kinuha ko na rin sa kaniya iyony susi ng isa pang kotse.

"Basta 'wag kang mag papaumaga kasi hahanapin ka ng Papa mo after niya sa work. 'Wag masyadong iinom dahil pinayagan lang naman kita kasi last bonding niyo na 'yan ng mga classmate mo." Saad ni Mama

Tumango tango ako dito at ngumiti.

"Opo Mama. Taga-uwi lang po ako ng mga nalasing kong kaibigan kasi hindi naman ako ganoon kahilig sa alak." Nakangiti kong sabi

Nang makapagpaalam kay Mama ay nag punta ako sa garahe para ayusin iyong kotse. Mabuti nalang at nalagyan na iyon ng mga katulong ng cover plastic. Siguradong susuka na naman si Reinest sa sahig ng kotse kaya maigi na ang sigurado. Ayaw ko rin na kakapit iyong suka niya sa mga upuan kaya pinabalutan ko na rin.

Una kong dinaanan ang bahay ni Karl dahil siya ang pinakamalapit. Halos mag pigil ito ng tawa ng makita niya ang cover sa upuan at sa sahig.

"Ready na ready sa suka ni Renren ah?" Natatawang sabi ni Karl

Sumakay na ito kaya naman pinag patuloy ko ang pag mamaneho papunta naman sa bahay ni Steven.

"Delikado talaga kapag si Renren ang sumuka. Alam mo namang minsan ginagamit rin ni Papa itong kotse." Saad ko at tumawa

Nang makarating sa bahay nila Steven ay naabutan namin itong nasa tapat ng bahay niya. Halatang inaasahan ang pag dating namin.

"Hanep. Napakatalino mo talaga." Saad ni Steven at sumakay rin sa back seat

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi ni Steven tyaka muling nag maneho papunta naman sa bahay nila Reinest.

"Muntikan na kayang magalit si Tito noong sinukahan ni Reinest itong kotse na ito. Akala ko nga hindi na pasasamahin sa atin si Carlhei eh." Natatawang sabi ni Karl

"Kasi naman, pulutan palagi ang tinitira eh. Ang ending panay ang suka." Natatawa ring saad ni Steven

Nang makarating sa tapat bahay ng nila Reinest ay naabutan rin namin siyang nag aantay. Kaagad itong sumakay sa passenger seat at nag seatbelt.

"Hindi ako makapaniwala sayo, Carlhei. Kaibigan ba talaga kita?" Saad ni Reinest

Nag tawanan kaming tatlo dahil sa sinabi niya. Halata kasi sa mukha nito ang pagkadismaya ng makita ang mga plastic cover sa paligid.

Naging mabilis lang rin ang byahe papunta sa bar na nirentahan ng batch namin. Ayaw kasi ng mga kabatch ko na may kahalong ibang tao dahil baka raw mag karoon ng gulo.

Pag pasok namin sa loob ay tumambad sa amin ang maingay at dim light na lugar. Samutsari ang kulay sa paligid dahil sa lights. Kung hindi pa kumaway ang kaklase naming si Antony ay hindi namin makikita kung saan ba pwepwesto.

Kaagad namin silang nilapitan at nakipag batian sa iba pa naming classmate.

"Andito na pala si Cum Laude eh. Umpisahan na natin ang party!" Saad ni Joben

Ito talaga ang pinakalasinggero sa batch namin. Kaagad akong inabutan nito ng inumin at nakipag cheers pa sa akin. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang inumin iyon.

Lumipas ang oras na napuno ng kwentuhan at tawanan. May kaniya kaniyang grupo pero hindi parin nawawala ang kasiyahan. Lalo na kapag sumasayaw iyong mga kaklase naming lalaki. Kung hindi ko pa pipigilan si Reinest ay sasayaw pa ito doon sa stage kasama iyong ilan sa mga babae.

"CR lang ako." Paalam ko kay Steven dahil siya nalang ang nasa table namin

Tumango naman ito sa akin kaya naman nag punta na ako sa C.R. Pag balik ko ay nakita kong may nag kukumpulan sa isang table. Puro mga lalaki iyon kaya napatingin ako ng may pag tataka.

"Sige na kasi miss. Malaki naman kami mag bayad kasi mayayaman kaming lahat na nandito." Saad ni Joben na halata naman sa tonong lasing na lasing na

Naalarma ako bigla dahil may tinawag itong "miss," kamuntukan na kasi itong makulong dahil sa sexual harassment. Mabilis akong nag tungo sa kumpulan nila at naabutan na hawak niya ang babae sa pulsuhan nito.

"Sir waitress nga lang ako dito. Hindi ho ako nag tatable!" Sigaw na ng babae

"Hindi kami naniniwala! Inirefer ka nga nung lalaki doon sa counter eh." Saad ni Jeovanni

Nakita ko ang pagkainis sa mukha ng babae.

"Eh ano naman ngayon? Hindi nga kasi ako nag papatable ngayon! Waitress ako ngayon! Okay na? Masaya na kayo?" Inis na sabi ng babae

Medyo nagulat ako dahil sa sinabi ng babae ngunit nakabawi rin ng hawakan ni Joben ang bewang ng babae at hinapit iyon papalapit sa kaniya. Doon kusang gumalaw ang kamay ko at hinila papunta sa akin ang babae.

"Tama na, Joben. Masyado ka nang lasing." Saad ko at nilingon iyong mga kaibigan niya, "Iuwi niyo na 'yan. Baka mamaya mag karoon pa ng kaso 'yan."

Kaagad na nag sikilusan ang mga kaibigan ni Joben ngunit nag pumiglas ito bigla. Lumapit pa ito sa akin at dinuro ako.

"Carlhei naman--eh! Ang KJ mo talaga!" Sigaw ni Joben

Napukaw noon ang atensyon ng lahat kaya naman mas dumami ang nakinig sa usapan namin.

"Ayaw niya nga, Joben. Hindi mo siya pwedeng pilitin dahil sexual harassment iyon." Saad ko.

Tumawa ito ng malakas at halata namang sarkastiko ang tawa na iyon.

"Sexual harassment? Sa bar? Ayos ka lang?" Tanong ni Joben

Pinilit na talagang ilayo sa akin si Joben ng mga kaibigan niya ngunit ayaw pa nitong paawat. Mabilis itong umabante sa akin at binigyan ako ng suntok sa mukha.

"Ayan! Ano bang tawag dyan?" Galit na saad nito

Ngumisi ako at idinura ang dugo galing sa pumutok kong labi.

"Kakitidan ng utak." Malakas na saad ko

Aabante sana itong muli ng hawakan ni Karl ang balikat nito. Akma sana nitong susuntukin si Joben ngunit umiling ako dito.

"Masyado nang late. Umuwi na tayo." Saad ko

Mabuti at hindi na sila nag argumento pa. Sumunod sila sa akin sa parking lot. Akay akay pa nila si Reinest.

"Iyong kamay ko."

Nagulat ako ng makita ang babae na inilayo ko kay Joben. Kaagad kong nabitawan ang kamay niya at naiilang itong tinignan.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadyang bitbitin ka dito." Saad ko

Tumango tango ito sa akin tyaka ngumiti.

"Ayos lang. Ako dapat ang humingi ng pasensya dahil nasapak ka pa dahil sa akin. Hindi ko deserve na ipag tanggol ng tulad mo." Saad niya

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil may mali doon.

"Katulad ko? Bakit ano ka ba? Tao ka rin naman 'diba? All woman deserve a respect. Ibinigay ko lang ang nararapat mong matanggap." Saad ko

Ngumiti ito ng malawak dahil sa sinabi ko. Kaya pala gustong gusto ito ni Joben ay dahil maganda ang itsura niya. Pati na rin iyong katawan niya ay maganda rin.

"Maraming salamat sa respeto mo. Hindi ko kakalimutan ang pangalan mo, Carlhei." Saad niya

Kumaway na ito at muling bumalik sa loob. Napatulala pa ako ng ilang segundo doon bago makabalik sa kotse.

"Delikads ka na naman erp." Saad ni Karl


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C11
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous