Télécharger l’application
83.76% There is US not You and I / Chapter 129: It Was A Shocking News

Chapitre 129: It Was A Shocking News

It was a shocking news!

Napatanga ang lahat.

Pero hindi nila alam kung paano magrereact.

Maawa ba sila kay Jaime eh sya itong abuso sa katawan nya, kung makalaklak ng alak walang patid.

Mas naawa sila kay Nadine at naiinis kay Jaime.

Sa buong pagsasama kasi ng dalawa, madami ng naisakripisyo si Nadine. Samantalang si Jaime ay puro pasakit naman ang dala.

Tapos ngayon, panibagong sakripisyo na naman ang haharapin nya sa problema ng magaling nyang asawa nakakagigil na.

Pero kahit na masasabing natural lang na ganito ang magiging resulta ng kapabayaan ni Jaime sa katawan nya, still, it is a shocking news.

"Nadine, lakasan mo ang loob mo! Kaya mo yan!"

Si Edmund ang unang bumasag ng katahimikan.

"Oonga Ate! Huwag kang magalala, andito lang kami!"

Dugtong ni Nicole at mangiyak ngiyak pang inakap ang kapatid.

At pagkatapos ni Nicole ay isa isa ng lumapit kay Nadine ang mga bata. Sunod sunod ang pagpapalakas ng loob na ibinibigay nila para kay Nadine.

Napakunot tuloy ang noo ni Jaime.

'Lintek na mga ito, ako ang may sakit bakit hindi man lang ako binibigyan ng moral support?'

Napansin naman ni Edmund ang pagkunot ng noo ni Jaime.

"Kaya ikaw Jaime, pwede ba magtino ka na! Huwag mo ng bigyan ng sama ng loob yang best friend ko!"

"Abat..."

"Jaime, tama na!"

Suway ni Nadine sa asawa.

Ewan ba nya bakit mainit lagi ang dugo ng asawa nya at ng kaibigan nya sa isa't isa!

Naintindihan naman nya itong kaibigan nyang si Edmund. Ganyan lang yang magsalita pero deep inside concern din yan at nagaalala kay Jaime.

Para lang talagang bata itong si Jaime sa mga reaction nya.

"So anong plano nyo ngayon, Ate Nadine, Kuya Jaime?"

Tanong ni Nicole para mabawasan ang tensyon sa pagitan ng mga asawa nila.

"Saka .... alam na ba ito ni Tiyo Gene at ni Tiya Belen?"

"Hindi pa. Kayo muna ang kinausap namin."

Sagot ni Jaime sa tanong ng hipag nyang si Nicole, pero deep inside puno ito ng kaba dahil hindi nito alam kung paano sasabihin sa ama nyang si Gene ang kalagayan nya.

Nakaramdam ng lungkot si Jaime na nahalata ng lahat.

Naramdaman ni Jaime na nangingilid ang luha sa mata nya pero pilit nya itong pinipigilan na pumatak.

"Huwag ka ng magaalala nasabi ko na!"

Biglang sabi ni Edmund na ikinagulat nilang lahat.

Napakunot na naman ang noo ni Jaime.

"Aba, talaga naman!"

Gigil na sabi ni Jaime.

At ang luhang papatak na sana kanina ay biglang tumigil at muling bumalik at nagtago dahil sa inis na naramdaman nya sa ginawa ni Edmund.

'Lintek na 'to inunahan ako!'

"Anong problema? Tinutulungan na nga kita para hindi ka na mahirapan!"

"Sana man lang nagsabi ka muna bago mo ginawa!"

Singhal ni Jaime kay Edmund.

"Magiinarte ka pa kaya hindi ko na sinabi!"

"Grrrrrr....!"

"Jaime! Tumigil ka na dyan! Wala ka ng magagawa nasabi na ni Edmund!"

Suway ni Nadine.

Umuusok ang ilong nitong naupo sa tabi ng asawa.

Pero deep inside nangiti ito nagpapasalamat dahil sa ginawa ni Edmund.

Kahit papaano nabawasan sya iniisip.

Ngunit hindi nya magawang maisatinig ... Hindi kaya ng ego nya.

*****

"Mawalang galang na po Mommy Pretty at Sir Jaime. Gusto ko lang pong magbigay ng suggestion."

Napataas ang kilay ni Jaime.

"At ano naman ang maisasasuggest mo sa ganitong sitwasyon, Aber?"

"Jaime!"

"Bakit may bagay pa bang maganda na masasuggest sa kalagayan ko?"

"Pero pwede ba makinig ka muna sa sasabihin ng manugang mo!"

Walang nagawa si Jaime kundi ang manahimik kahit na iritang irita ito sa manugang nya.

'Hmp! Gusto lang atang magpapansin kaya nagsasuggest!'

"Sige na Melabs, sabihin mo na ang suggestion mo, makikinig kami!"

Sabay tingin ni Nadine sa asawa na sinusuway ito na manahimik.

"Eh, Mommy Pretty, gusto lang naman po sanang isuggest na sa Sinag Island na lang sana magpagaling si Sir Jaime."

"Sinag Island?"

Halos pabulong na usal ni Kate pero dinig ng lahat.

Napakunot ang noo nito na halatang may hinahagilap sa isip.

"At ano naman ang karapatan mong isuggest yan, Mel? Ikaw na ba ang mayari ng Sinag Island para magdesisyon ng ganyan?"

Sarkastikong tanong ni Jaime. Alam nya kung gaano kahirap ang pumasok sa Sinag Island.

'Napakayabang akala mo may binatbat!'

'Bakit close na ba sila ni Don Miguel na kaya nyang diktahan ito?'

"HubbyLabs.... dun ba tayo nakatira sa Sinag Island?"

Inosenteng tanong ni Kate.

Kanina pa ito tahimik simula ng sabihin ni Jaime ang tungkol sa sakit nya. Hindi nya kasi alam kung ano ang magiging reaction nya. Wala pa talaga syang naalala sa lalaking ito na nagpakilalang Daddy nya.

"Naalala mo na WifeyLabs?"

Excited na tanong ni Mel.

"Oo HubbyLabs, naalala ko yung ginawa mong duyan sa may dalawang puno. Duon tayo madalas tumambay!"

Inakap ni Mel sa tuwa ang asawa na ikinatuwa ng lahat maliban kay Jaime.

'Grabe, hindi man lang pinansin ang tanong ko!'

"Ehem! Pwede ba tama na muna yan! Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko Mel!"

"Tito Jaime, ako na po ang sasagot sa tanong nyo. Hayaan nyo na po sila!"

"Bakit Eunice, tutulungan mo ba itong kaibigan mo kay Don Miguel?"

"Hindi na po kailangan Tito Jaime. Ang totoo po nyan si Ate Kate at si Beshy Mel na ang may ari ng isla."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Ganito po kasi yan Tito Jaime. Five years ago, isinalin na ni Lolo Miggs sa name ni Ate Kate ang Sinag Island. Actually, dapat dalawa kami pero mas malaki ang part ng kay Ate Kate kesa sa akin. 80% ang sa kanya at 20% ang sa akin."

"Si Kate .... ang may ari ng Sinag Island?"

"Opo Tito Jaime! Ito po ang kabayaran sa pagtatrabaho namin kay Lolo Miggs."

"N-Nagtrabaho kayo kay Don Miguel?"

"Opo Tito Jaime! Kaya lang po sa nangyayari sa career ko at sa life ko, naisipan kong igive up ang isla at ibinenta ko ang mga shares ko kay Beshy Mel."

Tila naumid ang dila ni Jaime sa nadinig na huling rebelasyon ni Eunice.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C129
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous