Télécharger l’application
2.59% There is US not You and I / Chapter 4: Ang Atat Nyo!

Chapitre 4: Ang Atat Nyo!

"Hahahahahaha!"

Tawa ni Kate sa sinabi ni Mel.

Mel: "....."

'Grabesya, tinawanan talaga ako!'

Pero okey lang, at least narinig ko na ulit ang halakhak ni Kate MyLabs ko! Masyado kasi syang tensyonado nitong mga nagdaang araw!'

Batid ni Mel, hindi man magsalita si Kate, alam nyang mabigat pa rin ang kalooban nito.

At isa pa, nagaalala rin ito dahil baka ma trace sila ng Daddy nya.

Isang heneral sa army si Jaime, makakagawa ito ng paraan para matrace sila, kaya triple ang ingat nila.

Hindi tuloy masabi ni Mel sa family nya na ikakasal na sya lalo na sa best friend nyang si Eunice.

"Melabs bakit tinitingnan mo ako ng ganyan?"

Tanong ni Kate ng mapansing tinititigan sya ng boyfriend nya.

"Naiinlab kasi ako sa tawa mo!"

Sagot ni Mel.

Nangiti si Kate, kinikilig.

'eeeeeiiii! Melabs naman eh!'

Napakagat labi si Kate pilit pinipigilan ang kilig.

"Melabs, huwag kang magalala, hindi magtatanong ang judge kung sino ang tututol! Wala naman tayong ibang kasama eh! Hehe!"

Sabi ni Kate na puno pa rin ng kilig.

Pakiramdam nya nakatulong ang mga halakhak nyang iyon para marelease ang bigat ng dinadala nya.

"Talaga, Kate MyLabs, sure ka hindi magtatanong yung judge?"

"Oo sure ko, dahil sasapakin ko ang sino mang tututol!"

Sabay agaw halik kay Mel sa pisngi pero hindi inaasahan ni Kate na lilingon bigla si Melabs. Sa lips tuloy tumama yung kiss.

Pero ang nakakatuwa duon, ginantihan sya ni Mel ng isang nagaalab na halik.

Napatingin tuloy sa kanila ang mga naroon.

Pero walang pakialam sa paligid ang dalawa, feeling nila, sila lang ang naroon.

"Ehem! Ehem!"

Napatigil sila Kate at Mel sa paghahalikan ng marinig ang 'Ehem' malapit sa kanila sabay tinging kung kanino nagmula iyon ng hindi inaalis ang pagkakaakap sa isa't isa.

"Kayo ba si Carmelo de Guzman Jr at Katherine Marie Santiago?"

Tanong ng babae sa kanila na naka pamewang ang isang kamay at hawak ang papel na naglalaman ng mga pangalan.

Sabay na napatango ang dalawa.

"Kanina ko pa kayo tinatawag kayo na ang susunod!

Gusto nyo pa bang magpakasal o itutuloy nyo na lang yang lipstulips nyo?"

"Itutuloy po!"

Sabay na sabi ng dalawa.

"Buti naman! Grabe, hindi pa kayo tapos mag 'I Do' nasa 'Kiss the bride' na agad kayo! Ang atat nyo!"

Sabi ng babae habang nagsasalita papalayo.

Dinig tuloy ng lahat ang sinasabi nya habang namumula naman ang dalawa na nakasunod sa babae.

Napapalakpak tuloy ang isa duon at nagsunuran naman lahat.

"Grabe nakakatuwa silang pagmamasdan! Nakakainlove!"

Sabay halik din nito sa partner nya.

***

"Judge andito na po sila Carmelo de Guzman Jr. at Katherine Marie Santiago!"

Sinundan ng tingin ng judge ang pinto, inaantay kung may papasok pang kasunod ang dalawa.

"Kayo lang? Wala kayong kasama?"

"Opo, Judge!"

"Wala kayong kasamang witness?"

Tanong pa rin ng judge.

"Eh, wala po!"

"Bakit? Huwag nyong sabihin nagtanan kayo, sa edad nyong yan?"

Sabi ng judge.

"Eh, parang ganun na nga po! Hehehehe!"

Sabi ni Kate

"Iha, tapatin mo nga ako! Pinuwersa ka ba ng lalaking yan?"

Tanong ng judge at hindi ito nagbibiro.

'Grabe naman 'tong si Judge! Mapupwersa ko ba 'tong si Kate MyLabs ko e mas malakas pa sa akin 'to!'

"Hindi po Judge, kusang loob po akong nagpunta dito!"

Sagot ni Kate.

"Sigurado ka ba Ineng?"

Pangungulit ng Judge.

"Opo Your Honor!

Katunayan .... ako po talaga ang pumwersa sa kanya! Pinikot ko po sya!"

Sabi ni Kate.

Napatingin si Judge kay Mel. Hindi makapaniwala.

"Okey lang po ako Judge! Okey lang po sa akin na pwersahin nya ko!"

Lahat: "..."

"Eh, Your Honor, pwede po bang si Ateng Ganda na lang po ang mag witness sa kasal namin?"

Sabi ni Mel sabay tingin sa babaeng tumawag sa pangalan nila kanina sa labas.

Na conscious tuloy bigla si Ate ng sabihan syang 'Ateng Ganda'.

"Oongapo Ateng Ganda, pwede po bang kayo na lang? Promise ko po ititreat po namin kayo ng lunch!"

Sabi ni Kate.

Natuwa ang mga nakarinig.

"Ako rin gusto ko ring maging witness!"

"Ako din!"

"Ako din!"

"Hoy, magsitigil nga kayo! Nakapili na sila .... at ako yun!"

Sabi ni Ateng

Nakaramdam ng inggit ang mga empleyadong naroon.

"Huwag po kayong magalala, pati po kayo itetreat rin po namin!"

"Talaga ha? Walang bawian ha!"

"Yes! malilibre ang lunch ko!"

Masayang masaya ang lahat at naging successful naman ang 'I DO' nila na walang tumutol.

Tinupad ng dalawa ang pangako nila, may litson pa!

"Pero, Kate MyLabs, hindi kaya mas lalo tayong matrace ng Daddy mo? Tyak na hindi tayo makakalimutan ng mga taong ito, lalo na si Ateng Ganda na binigyan mo pa ng pakimkim! Pati ata yung ulo ng litson, sya din ang itinuturo ng mga kasama nyang nagtago! Biglang nawala eh!"

"Huwag kang mag alala, Melabs ko, kasi, pag dating ng inutusan ni Daddy, wala na tayo dito! Aalis na tayo ngayon!"

"Paano kung maharang ng Daddy mo ang rehistro ng kasal natin?"

"Eh, di magpakasal ulit tayo sa susunod na bayan na pupuntahan natin! At pag nagawa pa ring supilin ni Daddy ang kasal natin, eh di sa ibang bansa tayo magpakasal! Handa kitang pakasalan ng paulit ulit Melabs ko!"

Na touch si Mel sa sinabi ni Kate, hinalikan nya ito ng lipstulips na sinagot ni Kate.

Maya maya huminto si Kate.

"Tara, tara, bilis!"

Sabay hatak ni Kate kay Mel patayo.

"Ha? Bakit saan tayo pupunta?"

Nagtatakang tanong ni Mel habang hatak hatak sya ni Kate

"Mag ha honeymoon!"

Sagot ni Kate.

"Akala ko ba kailangan nating umalis agad?"

"Change of plan! Hehe!"

*****

Gaya ng inasahan nila Kate at Mel, may duming ngang inutusan si Jaime sa munisipyong pinagkasalan nila, limang oras ang nakalipas.

"General, totoo pong nakasal na ang dalawa, pero huwag po kayong magalala, napigilan ko po ang judge na ipa rehistro ang kasal nila!"

"Good, now find my daughter! Tyak na hindi pa nakakaalis yun!"

Na trace sila ni Jaime dahil sa mga pictures ng kasal ng dalawa na kuha mula sa cellphone ng mga empleyado at ni Judge na nagkakasayahan kasama ang ikinasal.

"May pinapunta na po ako sa tinutuluyan nilang resort, naka alis na raw po ang dalawa, wala na duon ang mga gamit. Kakaalis lang daw!"

"Maghahanap po kami sa paligid, baka po hindi pa sila nakakalayo!"

Pero kilala ni Jaime ang anak nyang si Kate.

"Nasaan ka na Kate?

Totoo nga bang nakaalis na kayo o baka naman lumipat lang kayo ng ibang silid para lansiin ang mga naghahanap sa inyo?"


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C4
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous