Aira POV
"Hahaha! We won! Yuhoooo!"
"Kawawa naman sila hahaha. Walang hapunan!"
"Bleeee!"
-_____-
Sasabihin ko pa ba sa inyo kung sino ang nanalo?
"Aira! Tara kakain na tayo!" Sigaw ni Mia.
Sige na, mukhang alam na ninyo kung sino ang nanalo between me and Kyler eh.
Flashback...
Pumunta na ako sa gitna. Tiningnan ko si Kyler and as usual naka poker face pa rin. Meh! Pa bad boy effect eh?
Kanya-kanyang cheer ang mga audience namin. Tsk
"Go Aira! Talunin mo si Kyler para wala silang hapunan mamaya!!!!" Malakas na sigaw ni Mia.
"Oo nga Kyler! Talunin mo si Aira para wala silang hapunan mamaya!!!!!" Sigaw rin ni Lee.
Pumito si ate Mich at naging hudyat iyon para sumugod ako. Hindi iyon inaasahan ni Kyler kaya nadaplisan pa rin siya ng suntok ko sa pisngi niya ng subukan niyang umiwas. Umatras ako para makabwelo. Hindi na ako nagpaligo'y ligoy pa at muling sumugod sa kanya. Sa pagkakataong iyon nahawakan niya ang kamao ko. He twisted my arm dahilan para mapapikit ako sa sakit. As far as I can ayokong sumigaw dahil sa sakit.
Sinipa ko siya patalikod dahilan upang mabitawan niya ang kamao ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para muling sumugod sa kanya at bigyan siya ng suntok sa panga ngunit agad din siyang nakabawi tinuhod niya ako sa tiyan dahilan upang mapaluhod ako. Hinila ko ang paa kaya lumagapak siya sa sahig. Susugod na sana ako pero bago pa man ako makalapit sa kanya sinipa niya ang tiyan ko at nagmadaling tumayo. Sinapak ko siya ng malakas at sinuntok siya sa kanang mata. Sisipa uli sana siya pero sorry nalang, buong pwersa kong kinuha ang kanyang kanyang paa at sinipa ang kaliwang paa niya. Napadaing naman ito. Tinuhod ko siya sa mukha dahilan ulang dumugo ang kanyang ilong.
Pumito si Ate Mich. Senyales na tapos na ang laban.
End of Flashback....
Heto kami ngayon at nagdidiwang sa aming pagkapanalo #girlpower daw eh.
←_←
"Waaaa!! Andaya nila! Ba't mo pinagbigyan Kyler?! Kaya mo namang talunin si Aira diba?!" Atungal ni Lee ng makabalik kami sa aming tent.
Hindi na namin sila pinansin, sigurado naman akong papakainin din sila ni ate Mich mamaya.
Napahikab nalang ako dahil sa antok. Pansin ko rin sa mga kasama ko ang pagod at pagkaantok.
"Dumeretso na tayo sa tent at magpahinga." Sabi ko.
✖✖✖✖
*bang*
*bang*
*bang*
"Good Job!"
✖✖✖✖
*blag*
*bogsshh*
*blag*
*pak*
*pak*
"Okay! That's enough!"
✖✖✖✖
Sa araw-araw na pananatili namin dito mas lalo pa kaming napalapit sa bawat isa. Mas lalo pa kaming napalapit kina ate Mich, ate Lea at kuya Marcus pati na rin sa iba. Napag-alaman din namin na pamangkin pala ni ate Mich si Xander kahit na ang bata pa ni ate Mich. Well siya raw ang bunso sa kanilang magkakapatid.
Araw-araw kaming nag-eensayo kaya natuto na ang iba saaming gumamit ng baril at natuto na 'ding makipaglaban o kaya na nilang protektahan ang kanilang mga sarili sa ano mang nakaamnang mga panganib.
Kasalukuyan kaming nagpapahinga ng biglang sumulpot bigla sina Ace at Xander. Matagal-tagal din kaming hindi nagkita dahil sabi ni ate Mich meron silang kailangang asikasuhin.
"Yow, bro's tagal nating hindi nagkita ah!" Salubong ni Lee sa Dalawa.
"Hahahaha. Oo nga, may ginawa kasi kami eh." Sabat ni Ace.
Isang linggo yata silang hindi nagpakita saamin. Siguro importante talaga 'yung inasikaso nila.
"Oh, Hi Aira!"
Biglang lapit sakin si Ace at akmang yayakap sakin pero biglang may humigit sa kanya.
"Let's go Ace, we have something to talk about."
"Oo na Kyler napaka possesive mo naman---aray!"
Psh. Problema ng mga 'yon?
"Alis na muna ako guys." Paalam saamin ni Xander at umalis.
"Aira, dito nalang ba tayo habang buhay?" Tanong ni Christine.
I took a deep sigh.
"Ewan ko. Hindi ko alam." Sabi ko at yumuko.
"Tangi! Walang Forever!" Sigaw ni Vans.
"Shut up Vans!" Pangontra naman ni Christine.
"Naalala niyo pa ba 'yung mga traydor?" Tanong ni Abe.
"Aba! Oo naman no! Siguro patay na 'yung mga 'yon. Hahahaha" Biglang singit ni Rico.
I mentally rolled my eyes dahil sa sinabi niya. Sana nga nilapa na sila ng mga zombies. I maybe sound rude but sana nga talaga. Ang laki ng kasalanan nila noh! And they even took someone's life dahil sa pagtatraydor!
Napatingin ako kay Mia.
"Mia, anong problema?" Tanong ko.
"Ewan ko ba Aira, hindi ko talaga alam kung saan tayo patutungo eh."
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Let's trust ate Mich okay? I'm sure tha't she has a better plan for us." Saad ko nalang.
Parang kailan lang. Naalala ko pa na nag-eenjoy pa kami sa pagpasok sa paaralan, nagkakarera. Nagbabatuhan ng kung ano ano, kumakain sa cafeteria, natutulog sa klase, nangongopya ng assignment o di kaya naman ay tuwing exam. Nagtatawanan sa ilalim ng puno. Nakikisali sa mga activities sa school, namamasyal sa park at kung ano pa.
Ang laki yata ng kasalanan ng mga tao at binigyan ng kaparusahang ganito.
Sapat naba ito para makapagbayad sa mga kasalanan o kulang pa ito? Kulang nalang ba na magunaw ang buong mundo?
Marami na ang buhay na nawala. Pag natapos na ba ang kalbaryong ito, maibabalik pa ba ang lahat sa dati?
Siguro tama nga sila. Darating ang panahon na magugunaw ang mundo.
"By the way Aira and Mia, pinapatawag kayo ni ate Mich." Biglanh sabi saamin ni Xander na nakapagbalik sa wisyo ko.
Nagkatinginan kami ni Mia at sumunod naman kami sa kanya.
Pagkarating namin doon. Nakita kaagad namin si ate Mich.
"Aira, your dad wants to talk to you."
Nagulat ako sa kanyang sinabi at nakangiti niyang iniabot ang telepono.
"Da-d?"
Pinipigilan kong 'wag maiyak. Ayokong marinig ni daddy na umiiyak ako.
"I'm fine dad"
"How are you?"
"Susunduin niyo na po ba kami?"
"Really Dad?"
Nakaramdam ako ng excitement at tuwa dahil sa sinabi ni Daddy.
"Yes Dad, Wha't about ate Mich?"
Napalunok ako sa sinabi ni daddy. Sinulyapan ko si Ate Mich.
"Hindi ko-hindi ko maintindihan dad. I don't remember--ahh!"
"Aira!"
Napahawak ako sa ulo ko! Shit!
"Ahhhh!"
Ang sakit!
"Mia!!Ang sakit!Ahhhhh"
Hindi ko na napigilang umiyak. Tila bumubuka ang ulo ko! Tila sasabog ito sa sobrang sakit! Nandidilim na ang paningin ko.
"Shit! Aira! Wake up!"