Mikay's POV
"Guys! Maglaro naman tayo, nabobored ako." Sabi ni Cassie habang nililibot yung tingin sa amin.
"Eh, ano namang lalaruin natin?" sabi ko at nilabas na yung libro ko.
"Kahit na ano!" sabi niya at pumunta na muna sa labas ng kwarto.
Ilang minuto lang ay lumabas na sa Cassie, may dala-dalang bote ng coke.
"Guys! Laro tayo. Spin the bottle!" sabi niya at masayang umupo sa may floor.
Nagtinginan naman kaming tatlo at we decided na makisabay sa kung anong trip ni Cassie.
"Oh, magstart na tayo!" sabi niya at sinimulan nang paikutin yung bote.
Nung nagstop yung bote ay tumigil kay Kristan yung tip ng bote.
"Yes! So Kristan, Truth or Dare?" sabi ni Cassie kay Kristan.
"Truth." Walang ganang sabi ni Kristan.
"Sinong crush mo?" tanong ni Cassie na nagpabuhay rin ng curiousity ko.
Never pa kasing nagshare si Kristan ng kahit anong details tungkol sa crush niya. Basta ang alam lang namin taga-Kingsley yun kasi nahuli namin siyang nakatitig sa isang tao sa gym.
"I-I don't know. Ipaikot mo na ulit yung bote." Sabi niya at umiwas ng tingin sa amin.
Napasimangot naman si Cassie habang si Oliver naman ay napangisi.
"Ang daya-daya mo talaga Kristan." Sabi ni Cassie at ipinaikot na ulit yung bote.
At kapag minamalas ka nga naman.....
Sa akin natapat yung tip ng bote.
"Yemika Lacson...Truth or Dare?"nakakalokong ngiti sa akin ni Cassie.
Alam ko nang gagawin nito kapag nagdare ako. Eh!!!! Baka kung ano din yung itatanong niya kapag magtruth ako.
Tinignan ko naman si Oliver at nakatingin lang siya sa akin.
Napabuntong hininga siya at tinignan yung phone niya.
"Cassandra stop na tayo. It's already 6 pm. Magdinner na tayo." Sabi niya at tumayo na.
Tumayo na rin si Kristan at nagpagpag ng shorts. "Una na ako baba. Magpapahain na ako kila Manang tapos aayain ko na si Lola." Sabi niya at binuksan na ang pinto.
"Sumunod na kayo ah." Sabi niya at isinara na ang pinto.
Tumayo na rin kami ni Cassie at kita kay Cassie na malungkot siya.
"Ano ba yan! Macocorner ko na sana si Mikay!" sabi niya at pumunta sa comfort room.
Ilang minutes lamang ay lumabas na siya, naka-ayos na. "Mauna na ako sa labas." Sabi niya at lumabas na ng room bitbit yung bote.
Naiwan naman kami ni Oliver sa loob ng room.
"Nakapag-ayos ka na Mikay? Sunod na rin tayo sa labas. Baka naghihintay yung Lola ni Kristan." Sabi niya at pumunta na sa may pintuan at binuksan na yung pinto.
"Tara na." sabi ko at sumunod na sa kanya palabas ng room ni Kristan.
Pagdating namin sa dining room ay naroon na yung Lola ni Kristan.
"Good evening po Lola." Sabi ko at umupo na sa tabi ni Cassie.
Ngumiti naman yung lola ni Kristan. "Good evening. Tara magstart na tayong kumain."
Tumango na lang kami at kumuha na ng mga pagkain at nagsimula nang kumain.
Masasabi kong galing talaga sa mayamang pamilya si Kristan. Lola niya pa lang makikita mo na yung elegance. Pero kwento sa amin ni Kristan ay down to earth raw ito.
"Are you enjoying the meal?" basag sa katahimikan ng Lola ni Kristan.
"Yes po. Kayo po? Are you enjoying your meal po?" tanong pabalik ni Oliver.
"Oo naman. Lalo na't nameet ko na yung mga kaibigan ng apo ko." Nakangiting sabi niya at humarap kay Kristan.
"Kung hindi niyo pa kasi nalalaman, napaka-reserve na tao itong si Kristan." Sabi niya.
Napangiti naman ako at naalala yung mga days na halos hindi kami magka-sundo ni Kristan noong grade 6 kami.
Mayroon pa nga yung time noong Grade 9 kami na nag-away kami dahil lang sa isang chismis.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
December 24, 2015, 10:30 pm
"Merry Christmas Mikay!" Pambungad sakin ni Cassie habang papasok siya ng bahay namin.
Dito niya raw kasi balak na magpasko since nasa abroad raw yung parents niya for a business trip.
"Merry Christmas Mikay." Sabi naman sa akin ni Oliver habang may dalang ilang handa. "Saan ko ito ilalagay?"
"Sa may dining table nalang Oli. Saan na sila tita?"
"Andun pa sa bahay. Ireready pa raw nila yung mga gifts na ireregalo nila sa inyo." Sabi naman ni Oliver saka pumunta sa dining table para ihanda ang mga pang noche buena namin.
Every year na nakikisalo sa amin tuwing pasko sila Oliver at ang family niya.
"Eh si Tito Lance, Mikay? Nasaan?" Tanong sa akin ni Cassie habang palinga linga sa buong bahay.
"Ah nasa room nila. Kausap niya pa si mama."
"First time hindi makakauwi ng pasko si mama mo no Mikay?" Tanong sa akin ni Oliver.
"Oo nga eh. Kaya nagtatampo ako sa kanya." Malungkot kong sagot sa kanya.
"Huwag ka nang malungkot Mikay! Andito naman kami nila Oliver. Di ba Oli?" Sabi ni Mikay with matching ngiting kakaiba kay Oli.
"Yuck! Cassie nakakasuka yang ngiti mo." Pang-aasar sa kanya ni Oliver.
"Nasaan si Kristan?" Tanong ko na nakapagpatahimik sa kanilang dalawa.
Minsan kasi ay pumupunta dito si Kristan, pero feeling ko hindi na yun makakapunta since magkaaway kami.
"Hindi pa rin kayo bati?" tanong ni Oliver at napasimangot naman ako.
Eh hindi naman siya nagsosorry eh. Psh!
"Mikay, hindi ata siya makakapunta dito. Kasama niya kasing magcecelebrate ng pasko yung lola niya eh." Sabi sa akin ni Cassie.
"Ah. I see." Nasabi ko na lang at pumunta na sa dining table namin para ayusin ang mga pagkain.
Di nagtagal, dumating na rin ang pamilya ni Oliver tapos lumabas na rin si papa sa room nila. Nagkwentuhan kami about saan saan.
"Ang Pasko ay sumapit, tayo na't mangag si awit.Ng magagandang himig, dahil sa Diyos ay pag-ibig.Nang si Cristo'y isilang, may tatlong haring nagsidalaw.At ang bawat isa, nagsipaghandog....."
"Sino yung nangangaroling. Boses matanda na." Sabi ni Cassie. Tapos ay hinila niya ako.
"Tara Mikay tignan natin kung sino yung nangangaroling!" Tapos ay lumabas na kami.
"Bagong taon ay magbagong buhay, nang lumigaya ang ating bayan.Tayo'y magsikap upang makamtan natin ang kasaganahan...."
Paglabas namin ay nagulat ako sa nakita ko.