Télécharger l’application
17.39% Friends For Keep (FILIPINO) / Chapter 8: CHAPTER SIX

Chapitre 8: CHAPTER SIX

Kristan's POV

"Merry Christmas Lola!"sabi ko sa lola ko habang ibinibigay yung regalo ko.

"Merry Christmas apo. Oh heto na rin yung regalo ko sa iyo." Sabi niya at iniabot sa akin ang isang box na nakabalot ng christmas wrap.

"Ano po ito lola?" Tanong ko at dahan dahang binuksan yung regalong natanggap ko.

Pagkatingin ko sa kanya, isang ngiti lamang ang nakuha kong sagot.

Pagkabukas ko ng regalo, isang necklace na may pendant na isang puso ang natanggap ko. Mukhang pangbabae yung necklace kaya nagtaka ako kung para saan ito.

"Lola, what I'm going to do with this?" tanong ko at nilabas mula sa box yung necklace.

"That was the necklace your grandfather gave to me when we're in a date." Sabi ni lola at pinagmasdan ko yun. Kahit na luma na, napakaganda pa rin nito.

"Lola why are you giving this to me? Kung mahalaga ito sa inyo dapat tinatago ito." Sabi ko na labis ang pagtataka.

"Ibinigay ko ito sa iyo dahil gusto kong alagaan mo ito at ibigay sa babaeng makakasama mo habang buhay. Sinubukan ko noong ibigay yan sa dad mo pero para sa kanya hindi daw magugustuhan ng mommy mo kaya hindi niya tinanggap. Kaya itinago ko para sa mga apo ko." Masaya niyang banggit. Pero mababakas mo kay lola yung panghihinayang.

Lumaki kasi kaming mayaman. But hindi sumagi sa isipan ko na ipagyabang kung ano ang meron kami.

All my life dinedicate ko sa lola ko. Ever since my childhood kasi siya na lang yung kasama ko. Siya yung umattend ng graduation ko kasi may business meetings sila mommy at daddy sa ibang lugar.

As per my brother, Kuya Gregory or Greg, hindi kami masyadong close. Kumbaga parang lang akong hangin sa paningin niya. Kaya mas close ko pa yung mga friends ko kaysa sa kanya.

"Sige po lola, makaka-asa po kayo." Sabi ko at ibinalik ko yung necklace sa box. Pero hindi ko alam kung kanino ko ito ibibigay. Wala pa naman kasi akong nagugustuhang babae.

Bigla namang tumunog ang wall clock namin, senyales na alas-dose na ng madaling araw.

"Merry christmas apo." Nakangiting sabi ni lola sa akin. " Masaya sana kung kumpleto tayong macecelebrat ng pasko." Sabi ni lola at tumingin sa malayo. Kita ko ang pagpipigil niya ng luha kaya yinakap ko siya.

"Huwag kayong mag-alala lola, mangyayare rin iyon." Sabi ko at kinuha ang phone ko para batiin ang mga kaibigan ko.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Mikay's POV

Napagpasyahan naming apat na mag-overnight at magsalo-salo sa bahay nila Kristan para magcelebrate ng pasko doon.

Pagkarating namin sa bahay nila, nakahanda na yung mga pagkain sa dining room.

Pero bago kami kumain, ibinaba na muna namin yung mga gamit namin sa isa sa mga guset rooms dito. Si Oliver naman ay sa kwarto ni Kristan matutulog.

Pagkatapos naming mag-ayos ng gamit ay nagpaalam na muna ako kay Cassie na muna ako ng garden nila Kristan.Habang naglalakad ako papuntang garden, hindi ko lubos maisip na bukod akong pinagpala sa mga taong nakapaligid sa akin.

Natutuwa akong nararamdaman ko yung saya sa piling nila.

I wish I can spend more time with them, I wish we can grow up more together. Sana magkakasama pa rin kami hanggang maging successful kami sa sarili naming mga buhay.

"Mikay! Ang lalim na naman ng iniisip mo!"

Bigla naman akong napabalik sa realidad nang tawagin ako ni Cassie.

Nakangiti siyang pumunta sa pwesto ko dala ang dalawang stick ng barbeque.

"Oh eto, kumain ka na muna." Sabi niya at iniabot sa akin yung isang stick ng barbeque na dala niya. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap iyon.

Umupo na rin siya sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain.

"Uhm, Cassie...." banggit ko sa pangalan niya at napatingin naman siya sa akin.

"What if, mayroon akong tinatago sa inyo. Then parang sa isang unexpected na event niyo siya malalaman, mapaptawad mo ba ako na nilihim ko iyon sa inyo?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ko yung barbeque na kinakain namin.

"Bakit? May problema ka ba ngayon Mikay? You know naman na you can say it to me." Sabi ni Cassie at ipinagpatuloy kumain.

"Wala naman, but anong sagot mo sa tanong ko?"

"Well, it depends. Syempre kung tungkol ito sa lovelife mo magtatampo talaga ako." Sabi niya at ngumiti, kaya napangiti na rin ako.

"Pero kidding aside, if hindi mo talaga masabi sa amin I think mapapatawad kita. Kasi kung hindi mo masabi, it only means that serious yung topic. Kaya hindi mo na kailangang problemahin pa iyon okay?" sabi niya at tumayo na. tumayo na rin ako at inubos yung natitirang pagkain.

"Tara na sa loob. Baka naghihintay na sila doon." Sabi ni Cassie at nauna nang naglaad papunta sa loob ng bahay nila Kristan.

Pagkapasok namin sa loob,ay dumiretso kami papunta sa kwarto ni Kristan.

Pagdating namin doon ay naabutan naming nagbabasa ng libro si Oliver habang si Kristan naman ay naglalaro sa phone niya.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C8
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous