Télécharger l’application
96.86% M2M SERIES / Chapter 370: Ang Bastos Sa Kanto II (Last Part)

Chapitre 370: Ang Bastos Sa Kanto II (Last Part)

Nakatulala lang ako dito sa kwarto habang hinihintay si Chance. Iniisip ko yung mga nangyari sa buhay ko. Akalain mo yon? Montik na ako mategi dahil nagpaka Darna ako? But its worth it naman,Mama yon ni Chance at hindi ko naman maaatim na mawalan ng ina si Chance.

Limang buwan na din ang lumipas mula nung aksidente,tumigil ako sa pag aaral pero nagpatuloy si Chance,ayaw ko na dahil sa akin ay maapektuhan ang pag aaral niya.

Maraming nangyari mula ng ma aksidente kami. Isa na dun ang pagkasira ng mukha ko,tumanggi akong magpa plastic surgery,dati na akong pangit kaya walang kaso na pumangit ulit ako,lalo akong minahal ni Chance,napatunayan ko na hindi mababaw ang pagmamahal niya,napakalalim nito.

Isa sa mga nangyari ay ang malaman ko na sina Lux at Arloo ang mga blood donor ko,ako mismo ang lumapit sa kanila para magpasalamat. Humingi sila ulit ng tawad pero sinabi ko na hindi na kailangan,ang pagpapatawad kasi ay madaling ibigay kung bukal sa dibdib,nung nasa bingit ako ng kamatayan marami akong narealize ng magising ako,at yun nga pinatawad ko ang dalawa kahit hindi sang ayon si Chance.

Panigurado naman kasi na makakalimutan ko ang masamang mga nangyari dahil papatungan namin ito ni Chance ng mga bago at masasayang pangyayari.

Pero ang hindi ko makakalimutan ay nung sinadya ako ng mga magulang ni Chance sa bahay,bumalik kasi ako kina Mama at Papa,nagulat kami lahat,lalo na si Chance na nilalaro si Chad at Ioji,dinala niya kasi si Chad.

"Kiji." ani Mrs.Santillan,nasa sala kami at tahimik ang lahat. "I just wanna say thank you for saving my life."

Hinawakan nito ang mga kamay ko. Somehow I felt relieved. Nakangiti si Mr.Santillan,ganon din sina Mama at Papa,si Chance naman ay pasulyap sulyap lang at nakikinig din.

"Kahit sino naman po ay gagawin iyon." ani ko at ngumiti. "Masaya po ako na ligtas ka."

"Youre really amazing,tama si Chance. You know what? Tanggap ko na ang relasyon niyo hindi dahil guilty ako,tinanggap ko dahil nagising ako sa sinabi mo bago tayo madisgrasya." anito,namasa ang mga mata na ipinagtaka ko. "Nung nasa ospital ako,napaisip ako kung gaano niyo kamahal ang isa't isa,parang sobrang sama ko namang ina kung hindi ko susoportahan ang anak ko."

Umiyak siya kaya nagulat ako. Napatingin ako kay Mr.Santillan.

"Ako mula nung makilala kita nung graduation,I know na ikaw ang magpapasaya sa anak ko." ani Mr.Santillan at ngumiti.

"Salamat po!" ani ko at bumaling kay Mrs.Santillan. "Teka po madaam! Huwag kayong umiyak! Wala akong tissue!"

Natawa ito at nagpunas ng mga luha. "Im sorry for everything. Napaka swerte ni Chance sa iyo. Thanks for coming into his life."

"Ako po ang swerte sa kanya,minahal niya po ako na ganito ako." ngumiti ako,ang gaan na ng pakiramdam ko.

"Mister and Missis Santos,salamat sa pag papalaki kay Kiji ng maayos,salamat din sa pagtanggap at aruga kay Chance nung nasa states pa kami." sabi ni Mr.Santillan.

Tumayo si Chance,kalong niya sina Chad at Ioji na mga tulog na,dinala niya ang mga ito sa kwarto nina Mama at Papa.

"We owe you guys a lot." ani Mrs.Santillan.

"Wala iyon,para na naming anak si Chance eh." sabi ni Papa.

"Ang mahal ni Kiji ay mahal din namin." dagdag pa ni Mama na lalo kong ikinangiti.

"Kiji. Dahil sa aksidente nasira ang mukha mo,gusto kong tulungan ka. I'll pay for your plastic surgery." ani Mrs.Santillan.

"Gora na nak! Jusko naman! Maaatim mo bang makita ng mga bata ang mukha mo?" biglang sabi ni Mama.

"At saka anak,baka lagi silang matakot pag nakita ka?" dagdag pa ni Mama at Papa.

Literal na napanganga ako,napangiti sina Mr.And mrs.Santillan.

My gowd?! Kailan ba titino mga magulang ko?! Sakit sa ngidngid eh!

"Naku Madam,huwag na po. Pangit ako ng makilala ni Chance,nasanay akong pangit kaya hindi na kailangan ng plastic surgery." agad kong sabi ng makabawi ako sa pagka shock.

"Anak naman!"

"Ma?! Pa?!"

"Joke lang!" ani Papa na nakangisi.

"Ganon ba? Basta maisipan mong magpa surgery,my offer is always open." ani Mrs.Santillan. Nakabalik na si Chance at naupo na sa tabi ko. "Chance,samahan mo sila mamayang gabi sa bahay."

Nagkatinginan kami ni Chance at kumindat pa ang gago.

"Jiko?! Nakabihis ka na ba?" natigil ako sa pagbabalik tanaw dahil kay Chance. "Nandun na din ang tropa,kainis may iba akong plano this day eh."

Tumayo na ako at binuksan na ang pinto. Napaka gwapo ni Chance,humahalimuyak pa ang bango.

"Birthday yon ni Chad at ni Ioji. Umayos ka nga!"

"Bakit kasi pinagsabay? At ngayong araw pa talaga? Ide-date dapat kita eh!" pikon na sabi ng gago,kinilig ako pero hindi ko pinahalata,kinurugan ko pa. "Aray!"

"Madami pang araw Chance! Ang araw na ito ay para sa anak mo at sa kapatid ko,gets mo na? O gusto mo ulit ng kurog?!"

"Joke lang! Tara na,ikaw ang bida dun sa party,hindi ka dapat magalit!" nakangising sabi ni Chance at mabilisan akong hinalikan sa pisngi.

Parang gusto ko maiyak,kahit puro peklat na mukha ko ay hinahalikan pa din niya ang mukha ko. Hindi siya nandidiri.

Nakakapagod ang birthday party nina Ioji at Chad,nameet ko din dun ang parents ni Vane at masasabi kong mababait silang tao. Mahal na mahal nila si Chad.

Nag enjoy ako kasi nandun din ang tropa,na kahit kailan ay hindi ako iniwan,sinuportahan nila kami ni Chance mula pa sa umpisa.

Pag uwi sa bahay ay bagsak agad kami ni Chance,yakap ko si Chaji,yakap niya si Chaki. Hanggang sa ako na ang yakap niya at dun lang ako nakatulog.

Nagising ako sa mahihinang yugyog. Pag dilat ko ng mga mata ay si Chance pala.

"Chance?! Madaling araw pa lang,tulog ka na lang ulit." sabi ko at pumikit ulit.

"Jiko,gumising ka na. Magbihis ka na! Pag hindi ka pa bumangon gagahasain kita."

"Go!" sagot ko naman.

"Are you sure?"

"Joke lang! Bakit mo ba ako pinagbibihis?" sabi ko at agad na bumangon. Nako hindi pa ako ready,matagal na kaming walang sex ni Chance kaya feeling ko makakawawa ako pag may naganap na himala.

"Edi natakot ka." nakangising sabi ng animal. "Magbihis ka na,hintayin kita sa sala."

At ayun nga ate Charo,nandito na kami ngayon sa bus papuntang Batangas. Panay ang tanong ko kay Chance kung anong meron pero ngumingisi lang ang gago,ayun at naisipan ko na lang na matulog,tutal ay antok pa ako talaga.

"Dito tayo nag swimming dati ng tropa diba?" ani ko ng makarating kami.

"Yup. Pero this time,walang tropa. Just you and me." ani Chance na nakangiti.

"Ano ngang meron?" ani ko ng naglalakad na kami papunta sa cottage.

"Wala lang. Diba sabi ko gusto kitang e-date? Ito na yun! Tara na sa loob!" ani Chance at pumasok sa cottage.

Nanatili akong nakatayo at hindi na maalis ang ngiti. Ang bilis ng tibok ng puso ko,alam na alam ni Chance kung paano ako pakiligin.

Nang mailagay namin sa kwarto ang bag ay nagpaalam si Chance na bibili ng pagkain. Ako naman ay tinanaw ang dagat,ang ganda talaga dito,gusto ko na sanang maglangoy,kaso ang init pa,alas diyes na kasi ng umaga,masakit na sa balat ang init.

Nang makabalik si Chance ay kumain agad kami. Gutom na gutom ako eh! At ng matapos ay saka kami naglangoy ni Chance.

Nag snorkling kami,nag jetski na talaga namang halos matanggal ang kaluluwa ko sa takot pero enjoy naman. Ang huli ay nag banana boat kami,nakakapagod pero worth it,mag e-enjoy ka pala talaga ng sobra kahit dalawa lang kayo.

Ang dami naming pictures! Panigurado maiinggit ang tropa nito haha!

Palubog na ang araw at kulay kahel na ang langit. Naupo ako sa buhangin at tinitingnan lang ang araw,napaka gandang view ng sunset.

Naramdaman kong naupo sa likod ko si Chance,niyakap niya ako. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Ito ang matagal ko ng gusto,ang panoorin ang sunset na yakap yakap ka." ang sabi ni Chance,parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"Ako din." sabi ko naman. "Chance,maraming salamat sa pagmamahal mo."

"Ako ang dapat magpasalamat dahil minahal mo ako. Words are not enough kaya ginagawa ko na lang. Mahal na mahal kita Jiko,salamat sa Diyos at nakita kita dati sa kanto,naalala mo pa ba?"

Napangiti ako. Sakto na lumubog na ang araw kaya tinagilid ko ang ulo ko,hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya.

"Tandang tanda ko pa yon no? First time kong masabihan ng linis tubo,at ikaw alam mong may nakalagay na bawal ang umihi ay dun ka pa talaga umihi? Bastos kang tunay." ani ko at natawa.

"Salamat sa kanto." aniya na tumatawa din.

"Oo,dahil sa kanto nakilala kita,naka away kita,naging kaibigan kita at minahal kita."

"Sarap naman pakinggan." nakangiting sabi ni Chance.

"Ikaw ang bastos sa kanto na mahal na mahal ko."

Mas lumapad ang ngiti ni Chance,parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaligayahan.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C370
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous