And so,pasukan na ulit! Im so excited dahil sabay na kami ni Chance,ngayon ko lang ito mararanasan!
Nakakabugnot lang talaga minsan dito sa PLP,ang haba ng pila sa gate,yung guard akala siguro may dalang bomba lahat ng estudyante! Ka imbey,pinagpapawisan na kili-kili ko ang aga aga pa lang!
"Oh panyo,napaka tanga mo talaga,ilang beses kita sinabihan na magdala lagi ng panyo." ani Chance at iniabot ang panyo,agad ko naman itong tinanggap.
"Ang sweet mo talaga!" sabi kong ganyan na ikinangisi niya. Kinuha nya sa akin ang panyo at siya ang nagpunas ng pawis ko sa mukha at leeg. Napatingin ako sa likod namin,nagbubulungan yung mga kasunod namin sa pila.
Pero hindi iyon pinansin ni Chance,kinuha ko ang panyo at siya naman ang pinunasan ko ng pawis.
"Ang sweet naman!" napalingon kami ni Chance. Si Lux pala kaya nginitian ko.
"Pwede mamaya na yan? Umaandar na ang pila oh?!" biglang sulpot na sabi ni Arloo,tiningnan siya ng masama ni Chance,ako naman ay tumahimik na lang.
Pagkatapos nung nangyari sa Rainforest,naging mas maalaga si Chance,hindi ko alam kung nakokonsensya sya o talagang nag aalala sya. Ayoko na din namang e-open pa yung tungkol sa paghalik niya kay Lux. Nakakamatay ang magselos ng walang rason.
Hinatid ako ni Chance hanggang sa tapat ng room.
"Hindi muna tayo sabay mag lunch,pero hintayin mo ako dito mamayang uwian." aniya at ngumiti.
"Sige,alam ko namang kayo naman ang busy ngayon." sagot ko naman. Yumuko si Chance,alam ko na ang mangyayari kaya pumikit na ako para hintayin ang paglapat ng kanyang malambot at matamis na labi sa aking labi.
"Excuse me." napadilat ako at napakurap. Napahiwalay kami ni Chance dahil sa gitna namin dumaan si Arloo!
"Tarantado--"
"Chance,huwag na. Pumunta ka na sa room niyo. I love you!" pamumutol ko,tumingkayad ako at mabilisan siyang ginawaran ng smack. Napapailing na lang si Chance na naglakad palayo.
Pagpasok sa room ay agad hinanap ng aking mga mata si Arloo,pero sinalubong naman ako nina Ritz at Summer.
"Walang palya talaga sa pagka sweet si fafa Chance." ani Ritz na kinikilig.
"Kamusta naman ang sembreak ng dyosang si Kiji? Masaya ba?" pagsegunda naman ni Summer.
"Ayos lang naman. Quality time with my family and Chance." sabi ko at naupo. Nakita ko pang lumapit si Khyerr kay Arloo,may sinabi at nagtawanan ang dalawa saka nag high five.
Pagbuhulin ko mga bayag ng mga ito mamaya.
Ganado akong mag aral,siyempre Im always inspired. Maya't maya ko nililingon si Arloo at iniirapan. Humanda ka sa akin mamaya,basag trip eh,pumikit na ako kanina tas dadaan siya sa gitna? Nangawit ang nguso ko kaka intay sa labi ni Chance.
Nung nag break na ay hindi ako mapakali na ewan. Pakiramdam ko kailangan kong puntahan si Chance,pero ano naman ang ira-rason ko?
Nagpalinga linga ako sa classroom,wala na si Arloo! Ang walangya,alam ata niyang papatigilin ko na ang pagdagdag niya ng edad! May pagka ninja pala ang gago!
Si Ritz wala na,ang nakita ko na lang ay si Summer na panay ang pagsuklay sa buhok. Wala ba siyang balak kumain? Ipakain ko sa kanya ang suklay niya eh.
Tumayo na ako at lumapit kay Summer. "Teh,samahan mo ako bumili ng pagkain na ihahatid kay Chance,samahan mo na din ako ihatid iyon kay Chance."
"And what makes you think na papayag ako?" aniya at tinaasan ako ng kilay. Napanganga ako,ano daw?
"Pag hindi mo ako sinamahan,bubungiin ko yang suklay mong altangler at ipapalunok sayo! Kaloka ka?! Ini-english mo ako?" pinamewangan ko nga ang bruha.
"Joke lang. Tara na! Anong pagkain ba ang gusto ni Chance ng mabilhan na? Im excited!"
"Gaga! Ako ang bibili hindi ikaw! Tara lets go!"
Lumabas muna kami sa napakalaking PLP at pumunta sa Mcdonalds,burger,fries at coke ang binili ko para kay Chance at bumalik na kami sa PLP.
Nasa third floor ang room nina Chance at ngayon lang ako napadpad dito.
"Ang astig pala dito,Kiji. Mukhang susyal ang mga nandito sa floor na 'to." ani Summer na patingin tingin sa mga room na nadadaanan namin.
"Kung susyal sila,bakit sila nandito sa PLP?" pambabara kong ganyan.
"Ewan! Edi si Arloo ang tanungin natin?" aniya pa. "Teka,san ba ang ang first year dito?"
"Hindi ko din alam eh." sagot ko. Tumigil kami sa paglakad at hinarap ako ni Summer.
"Yan tayo eh! Sumusugod sa gyera ng walang alam?" pinamewangan pa ako ng bruha. Tas parang nagulat siya at nanlaki ang mga mata.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Girl,yuko ka lang. Akin na yang Mcdo mo!"
"Huh? Bakit? Ang PG mo girl! Para kay Chance to!" taka kong sabi at nilingon ang tinitingnan niya.
Natulala ako. Parang tumigil yung oras,tas may parang maliliit na blade na humihiwa sa puso ko.
Totoo ba 'tong nakikita ko?
Naglalakad palapit sina Chance,kasama mga kablockmates niya. Ang matindi pa dun,naka akbay siya kay Lux habang nagtatawanan.
Parang gusto ko tuloy silang sipain ng mahulog sila groundfloor!
"Kiji..." ani Summer.
Napatingin sila sa amin,nagulat si Chance at parang tinakasan ng sariling kaluluwa. Ngumiti ako at hinintay na makalapit sila.
Ipakita mo Kiji ang pagka maldita mo. Sayo si Chance diba? Huwag kang papayag na may ibang magtatangkang ariin ka.
"J-jiko!" ani Chance ng tuluyan na silang nakalapit. Tiningnan ko si Summer,napalunok siya. Alam kong damang dama niya ang pagka awkward ng sitwasyon.
"Hi Kiji!" bati pa ni Lux. Ang kapal lang ng mukha teh?
"Binilhan kita ng lunch. Surprise sana,pero ako pala na surprise." sabay lapag ng Mcdo sa harapan nila. Hinawakan ko agad ang kamay ni Summer. "Tara na! May gagawin pa ako."
"Jikooo!!" tawag ni Chance,hindi ko siya pinansin. Tumakbo lang ako habang hila ko si Summer.
Hingal na hingal kami ni Summer ng makabalik sa room. Nagtataka kaming tiningnan ni Ritz. Ako naman ay naupo sa upuan ko. Kahit papaano,I was hoping na susundan niya ako,pero walang Chance na sumunod.
Panay ang comment ni Summer tungkol kay Lux pero hindi ko na iniintindi. Iniisip ko kasi kung paano haharapin si Chance mamayang uwian,aawayin ko ba siya? O tama bang nagselos agad ako dahil sa akbay niya kay Lux?
Pero bakit ganon si Lux? Alam na niya na kami ni Chance,pero parang nang iinis pa siya? Gust o ba niyang tanggalin ko ang falopian tube niya ng mabaog siya?
Pero sa kakaisip ko,bumagsak ako sa isang desisyon. Kakalimutan ko yung nakita ko,akbay lang naman yun diba? Hindi ko na bibigyan ng malisya.
Kaya nung dissmisal ay agad akong pumunta sa room nina Chance,wala si Chance doon,pero nakita ko yung babaeng nakausap ko sa Pasig Palengke.
"Si Chance ba? Umalis na,nagmamadali." anito kaya laglag balikat ako. Sa bahay ko na lang nga kakausapin si Chance,ang dami ko pa namang panahon at oras.
Naisip ko munang mag Cr dahil sasabog na ang panubigan ko. Puputok na ang aking pantog dahil sa kakainom kanina ng tubig.
Pagpunta ko sa Cr ng boys ay tahimik naman. Hanggang sa may marinig ako sa kabilang cubicle.
"C-chance! Shit! Oohhh.."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Niloloko ba ako ng pandinig ko?
"L-lux... Aaahhh.."
BOSES NI CHANCE!!
Agad akong naghugas ng mga kamay. Huminga ako ng malalim,nilalamon na ako ng galit. Isa lang ang paraan para makasiguro.
Sinipa ko ang pinto ng cubicle,sa nakita ko ay agad na nag unahan ang mga luha ko,parang pinira piraso ang puso ko,napailing ako.
Nakaupo si Chance sa bowl at nakaupo sa kanya si Lux.
Gulat na gulat sila at hindi nakagalaw.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Nagkamali ba ako ng pagtitiwala sa pagmamahal ni Chance? Hindi pa ba ako sapat? O talagang babae ang kailangan niya at hindi isang baklang gaya ko?
"Kiji!/Jiko!" sabay nilang sabi ng maka recover.
"Enjoy na enjoy ah?! Pasensya sa istorbo! Bye!" agad na akong tumalikod at nanakbo palabas ng Cr. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha.
Hindi ako makapaniwala na kayang gawin iyon sa akin ni Chance! Akala ko ba wagas ang pagmamahal niya sa akin? Pero ano itong ginawa niya?
"Aray!" nabunggo ako at napaupo. Pag angat ko ng tingin si Arloo pala. Salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at tumayo.
"Umiiyak ka?"
"Hindi! Napuwing lang ako ng buto ng atis!" agad din akong tumakbo palayo kay Arloo.
"Wait Kiji! Pinaiyak ka ba ni Chance?!" ramdam kong hinabol ako ni Arloo,buti pa siya hinabol ako,si Chance hindi.
Naabutan ako ni Arloo sa may plaza. Wala akong nagawa kundi ang harapin siya.
"Uuwi na ako,Arloo. Huwag mo na akong intindihin." ani ko na nakayuko. Kahit na ang totoo ay ayokong umuwi,hindi din ako pwedeng umuwi sa San Miguel,ayokong malaman nina Mama at Papa ang nangyari.
"Anong ginawa ni Chance?" matigas niyang tanong. Napatingala ako sa kanya,para na namang hinihiwa ang puso ko at napaiyak na naman ako.
"U-uwi na ako." ang sabi ko habang umiiyak. Hinawakan ni Arloo ang mga balikat ko.
"Hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan,Kiji. Lets go to my house,pag usapan natin yan. Maybe,I can help."
Tumango na lamang ako,pumara ng taxi si Arloo at sumakay na kami sa backseat.
Naalala ko na naman yung kanina,kung paano nakaupo si Lux sa pagkalalaki ni Chance at kung paano sila umungol sa sarap.
Mas lalo akong napaiyak at napahagulhol na. Hinapit ni Arloo ang ulo ko papunta sa dibdib niya,doon ako umiyak ng umiyak.
Bakit mo nagawa sa akin ito Chance?