"Anong gusto nyo para sa christmas party? Magdala ng pagkain dito,o exchange gift lang?" tanong sa amin ng aming adviser. Hay! Ang bilis ng panahon,sa December 18 na christmas party namin at December 10 na ngayon.
"Maam! Exchange gift na lang!" sabi ng isa naming kaklase.
"Nakakasawa na ito. Pang anim na taon ko na tong gagawin." bulong ni Chance. Palihim ko syang tiningnan. I must agree with him,nakaka sawa na nga talaga.
"Kiji. Isama kita mamaya sa bahay. May kainan,tas may ibibigay din ako sayo." ang pagkalabit ni Khaim sa akin.
"Sure! Uuwi muna ako." sagot ko at ngumiti.
"Tss." palatak ni Chance. Lihim akong napangisi. Lagi na kasi syang ganyan,pero may times na hindi kaya hindi din ako umaasa. Bahala na ang damdamin ko,mawawala din naman siguro ito pag hindi masyadong pinapansin. Sa katulad ni Chance imposibleng bigyan din nya ng pansin ang damdamin ko.
Nang uwian na ay sumama muna sa bahay si Khaim at ipinagpaalam ako kina Mama at Papa. Nang palabas na kami ng Batis compound ay nakita kong naglalakad si Adz.
"Uy! Adz!" tawag ko dito,agad naman itong lumapit. "San ka pupunta?"
Tiningnan muna nito si Khaim bago bumaling sa akin.
"Sa kapasigan,pupuntahan ko sina Chance,may laro kami ng DoTa eh." anito at ngumiti. "Ikaw?"
"Ay! Nga pala,Khaim sya si Adz,Adz si Khaim." pagpapakilala ko,nagtanguan lang naman sila. "Pupunta kami sa kanila."
"Ganon ba? O sige,enjoy!" at umalis na si Adz. Nagsalubong ang mga kilay ko. Parang ang weird ni Adz ah?
"Tara na." ani Khaim at naglakad na kami papunta sa may Petron,dun kami nag abang ng trycicle papuntang Caniogan.
Pagdating sa kina Khaim ay namangha naman ako. Ang ganda ng bahay nila,parang mga bahay sa subdivision.
Pinakilala nya ako sa pamilya nya at sobrang nakakahiya,kitang kita ang agwat ng pamumuhay namin,halatang isa akong dukha.
Hindi ko maiwasang palihim na kiligin,para lang akong girlfriend na ipinakilala sa pamilya. Okay,ambisyosa lang talaga ako.
Kumain muna kami at pagkatapos ay niyaya nya ako sa kwarto nya.
"Para sayo." ani Khaim at may iniabot na regalo ng maupo ako sa kama nya.
"Wow naman,tapos ako walang regalo sayo." nahihiya kong tinanggap ang regalo. Bakit kaya ganon? Basta crush mo at kahit gaano na kayo kaclose ay mahihiya ka pa din talaga. Does that mean na hindi pa ganon kakapal ang mukha ko? I hope so.
"Okay lang yon. Ang maging kaibigan ka ay regalo na,yung pagiging mabuti mo sa akin ay sapat na." aniya at tumabi sa akin. Parang gusto ko maiyak dahil sa sinabi nya. Kung ganun lang siguro ang tingin sa akin ni Chance baka umiyak na ako ng singkamas. "Buksan mo na."
Napanganga ako ng buksan ko ang regalo. Isang bagong phone. Maluha luha akong napatingin kay Khaim.
"Sobra naman ata ito." ani ko. "Sigurado ka bang para sa akin talaga ito?" Ngumiti si Khaim at umakbay.
"Para sayo talaga yan. Napansin ko kasi na basag na screen ng phone mo. Kaya ayan,binilhan kita." aniya. Hindi ako makapaniwala,bakit ba napaka bait sa akin ni Khaim?
"Salamat! Maraming salamat!" taos puso kong sabi at yumakap sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na niyakap ko sya,ang sarap sa pakiramdam.
"Don't mention it." aniya,kumalas sa yakap at biglang naging seryoso. "May itatanong lang ako."
"Ano naman yon? Basta huwag lang Math ah?"
"Ikaw talaga." aniya at nagkamot ng kilay. "Kung manliligaw ba ako sayo,may pag asa ako?"
Nagdribol ng paulit ulit yung puso ko. Nagpaulit ulit din yung tanong nya sa isipan ko. Alam ko ang sagot pero hindi ko alam kung dapat akong sumagot.
"Ha? Ano..Uhm.." ang parang ewan kong sabi.
"Ganito na lang. Kung si Chance ang manligaw sayo,may pag asa ba sya?"
Ngumiti ako,kasi napaka linaw naman ng sagot dun.
"Never mangyayari yan. Hindi ko pa iniisip ang ganyan. Saka ligaw? Ano ka ba,hindi naman ako babae." ani ko at kunwaring tumawa.
"Okay." at natahimik na si Khaim,pagkatapos nun ay nagkwentuhan kami tungkol sa ibang bagay.
Nang oras na para umuwi ay pinahatid nya ako sa trycicle,special syempre. Habang nasa byahe ay hindi ko maalis ang ngiti ko,hindi ako makapaniwala sa mga usapan namin kanina ni Khaim.
Pagbaba ko sa harap ng Batis compound ay nagulat pa ako. Tanaw ko agad na may nakatambay sa harapan ng bahay. Naglakad na ako palapit,at napagtanto kong sina Chance,Adz at Maroe.
"Anong ginagawa nila dito?" taka ko pang tanong sa sarili.
"Uy Kiji! Nandito ka na pala?" agad na bati ni Adz ng makalapit ako,nginitian ko sila ni Maroe. Tiningnan ko si Chance,nakatingin lang sya,hindi ko mabasa kung anong iniisip nya,o baka naman inaalipusta na nya ako sa isipan nya.
"Anong ginagawa nyo dito? Mag ga-gabi na oh." ani ko naman at sinilip ang loob ng bahay. Mukhang hindi alam nina Mama at Papa na may tao dito sa labas.
"Hindi kami natuloy sa DoTa eh. Saka nabanggit ko kay Chance na pupunta ka dun sa Khaim." sagot ni Adz,napataas ang kilay ko.
"Mukhang pinopormahan ka nun ah? Iba na talaga pag gumaganda ano?" nakangising sabi nung Maroe kaya siniko sya ni Adz. Si Chance naman ay namulsa lang at tumingin tingin sa paligid.
"Kaibigan ko si Khaim. At saka may ibinigay lang sya. Kayo? Anong konek ng pagpunta nyo dito sa hindi natuloy na laro?" sabi kong ganyan.
"Nabadtrip ako at niyaya ko sila dito." biglang sabi ni Chance kaya sya naman ang sinalubungan ko ng kilay.
"Oh ano ngang konek?" ani ko. Baka kasi may masabi na naman sya na hindi ko na naman ikatulog.
"Yayain sana kita bukas after school." ani Chance,pero hindi sa akin nakatingin. Abnormal talaga ang isang ito.
"San naman? Kagaguhan na naman yan." taas kilay kong pambabara.
"Bibili ng exchange gift. Huwag ka ng tumanggi. Kung si Khaim nga sinasamahan mo,ako pa kaya?" this time tumingin na sya sa akin. Magsasalita sana ako pero isinara ko na lang ang bibig ko.
Hindi nga ako nakatanggi,kinabukasan,nung uwian eh umuwi muna ako tas susunduin daw ako ni Chance.
Pagdating namin sa SM Megamall hindi pa din ako kumikibo. Sya naman ay patingin tingin sa paligid,ang gwapo lang talaga ng gago sa porma nya. Kaya syempre,hindi ko maiwasang palihim na kiligin.
Para lang kaming mag jowang nagde-date. Syempre again,pangarap ko lang yun.
"Tara dito." at hinila nya ako sa loob ng isang botique. Mga damit ang paninda,at hindi ko alam kung bakit iyon ang bibilhin nya eh hindi pa nga sya sure sa gender ng makakatanggap ng regalo nya,ako nga hindi pa bumibili eh.
"Kung damit ang pang exchange gift mo,yung unisex na lang. Mahal pa naman mga damit dito." sabi kong ganyan at nilingon nya ako habang pumipili sya ng mga damit.
"You think so? Pero mas okay siguro kung pambabae at panlalaki ang bibilhin ko." aniya. Nagkibit balikat na lang ako,ano nga ba magagawa ko? Pera naman nya ang ipambibili.
"Ikaw bahala." ani ko at tumingin din ng mga damit. Magaganda pero hindi ko afford.
"Ito na,nakapili na ako. Ikaw ba? Hindi ka pa ba bibili?" aniya at naglakad papunta sa counter,sumunod lang ako sa kanya,ng nasa likod na nya ako eh nilingon nya ako. "Ano? Bibili ka na din ba ng pang exchange gift?"
"Ha? Hindi pa,wala pang budget at hindi ko pa nasasabi kina Mama at Papa." ang sagot ko naman.
Tumunog ang phone ko at tiningnan ko ito. Tumatawag si Khaim,napalingon ako kay Chance na nakapagbayad na,kabastusan naman na kasama ko sya pero may kausap akong iba.
"Bago ang phone mo?" aniya at tumingin sa phone ko.
"Oo,regalo kahapon ni Khaim." sagot ko. Nanliit ang mga mata nya at parang biglang nabadtrip.
Problema nya? Sala sa init sala sa lamig talaga ang isang ito. Kainis,kaya ayaw ko talaga syang nakakasama eh.
"Tara,kain muna tayo. O gusto mo mag ikot ikot muna?"
"Ikaw ang bahala. Sabit lang naman ako dito." sagot ko naman. Hinawakan nya ang braso ko at hinila na ako palabas ng botique.
Lakad lang ng lakad. Hanggang sa nakarating kami sa tapat ng Blue corner. Nagtataka tuloy ako kung bakit,pero hindi na ako nagtanong.
Pumasok kami sa loob at tumingin ng kung anu-ano. Hanggang sa may kinuha syang teddy bear na sobrang cute,kasing laki ng unan. Binayaran nya ito at lumabas na ulit kami. At dahil nakakasawa ng manahimik eh nagsalita na ako habang naglalakad kami.
"Bakit kayo nagbreak nung girlfriend mo?" ang tanong ko. Saglit nya akong nilingon pero nagpatuloy pa din kami sa paglalakad.
"Wala lang. Hindi naman magwo-work kung puro sex lang. Wala na din naman akong nararamdaman,ayokong umabot sa punto na magkasakitan pa kami." aniya. Napatango ako sa kawalan.
"Bagay pa naman kayo." sabi ko na lang. Para naman ma encourage sya kahit papaano,ayaw ko din naman magpahalata na gusto ko ang paghihiwalay nila.
"Ewan. Hindi ko nakikita ang sarili ko na makasama sya ng matagal. Alam mo naman ako,sabi ko sayo nung una pa lang,hindi ako ang lalaking a-akto na prince charming." sabi pa nya ulit. Napangiti ako,well atleast may sense ang pinag uusapan namin at hindi kami nagbabangayan. "Kain muna tayo,gabi na din pala,para maihatid na kita."
No choice kami kundi sa foodcourt kumain. Ayos lang naman dahil madami akong matatanaw.
Nang kumakain na kami ay pareho kaming imik. Tinatanya ko kasi sya,baka bigla na namang magbago ang mood.
"Chance." pagtawag pansin ko sa kanya. Iniangat nya ang ulo nya at tiningnan ako. "Gusto ko lang sanang malaman--"
"Nanliligaw ba sayo si Khaim,Kiji?" pamumutol nya sa sasabihin ko.
Teka? At bakit sya nagtatanong aber?
"Hindi. Magkaibigan lang kami. Ano ba namang tanong yan?"
Ngumisi sya at kumain ulit,alam kong may sasabihin pa sya kaya naghintay ako.
"Good. Hindi kasi kayo bagay. Wala kayong chemistry,gwapo sya at mabait at matalino. Ikaw? Alam mo na yon."
Parang may sumabog na bulkan sa tuktok ng ulo ko,at pakiramdam ko eh umuusok na ang mga tenga ko. Nagsisimula na naman sya!
"Dapat pala hindi na kita sinamahan. Nagsisimula ka na naman. Gusto mong dito tayo mag gyera,Chance?!." inis kong sabi. Walangya,sabi ko na nga ba eh,bigla na namang mag iiba ang timpla nya,depungal!
"Gawin mo. Sino lalabas na nakakahiya. At isa pa,nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi kayo bagay,walang babagay sayo kundi ak--"
"Uuwi na ako! Bastos ka talaga!!" pamumutol ko sa sasabihin nya. Tumayo na ako dahil tapos na din naman akong kumain. Agad na akong nag martsa paalis.
Bwisit na yon talaga,hindi na magbabago. Kainis! Hindi ko man lang nainom yung softdrink,uhaw na uhaw pa naman ako.
Pagdating sa labas ng megamall ay naabutan ako ng animal. Agad syang pumara ng taxi at itinulak ako papasok sa loob.
"Ang hilig mo mag inarte." aniya habang umaandar na ang taxi. Hindi ko sya kinibo,kahit pa dikit sya ng dikit. Nakakainis lang lalo kasi kinikilig ako sa bawat pagbangga nya ng hita nya sa hita ko.
Nang nasa may kapasigan na ay pinatigil ko ang taxi.
"Sa kanto na ako sasakay." sabi ko at lalabas na sana pero hinawakan ni Chance ang braso ko kaya nilingon ko sya. "Ano na naman? Ay oo nga pala,salamat sa panglibre. Sabihin mo kung magkano,babayaran kita pag may allowance na ako."
"Tss! Ang tigas ng mukha mo mag inarte,Kiji. Hindi ka naman maganda." aniya,parang gusto ko syang tadyakan sa ngalangala dahil dun. "Oh,eto. Para sayo yan,regalo ko. Salamat sa date."
Nanlaki ang mga mata ko ng iabot nya yung paperbag na naglalaman ng teddybear na binili nya kanina. At saka ano daw? Date? Date namin yon?
"Hindi ko kailangan--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tinulak nya ako palabas ng taxi,bago nya isara ang pinto ay may sinabi pa sya na ikinanganga ko.
"Sige na! Salamat sa date,ingatan mo yang si Chaji. Goodnight!"