"Hindi ko nga pala maigalaw ang dalawa kong kamay,pwedeng ikaw na ang maglabas? Humawak at magpagpag?" ang parang nagmamaka awa nyang sabi.
Oh my gowd! Totoo ba ito?
Agad ko syang tiningnan ng masama. Gago to ah? Ang bastos talaga!
"Hoy! Nananamantala ka na naman! Dinadamay mo na naman ako sa kabastusan mo!" asik kong ganyan sa kanya. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
"Ano ba Kiji? Uunahin mo pa yang mga iniisip mo? Naiihi na ako! Ayaw kong maihi sa pantalon,tang ina naman!" galit nyang sabi na halos ikalundag ko.
Bumuntong hininga ako,isa itong kawang gawa na susubok sa pagkabading ko. Juicecolored naman?! Bakit kasi dalawang kamay nya ang na injured? Shemay!
"Sige! Punta ka na sa cubicle." walang magawa kong sabi. Pumasok na sya sa cubicle,sumunod ako at ini lock ito,ayaw kong may ibang makakita.
Yumuko ako ng bahagya,ibinaba ko ang zipper nya. Tumama na ang daliri ko sa pagkalalaki nya kaya napalunok ako.
♪ A moment like this
some people wait a lifetime.
For a moment like this,
some people search forever.. Oh I can't believe its happening to me..
Some people wait a lifetime,
for a moment like this.♪
HUH? Bakit parang nadidinig ko si Kelly Clarkson?
"Pakidalian. Sasabog na ang pantog ko,Kiji." ang bulong nya. Pikit matang hinawakan ko ang kanya at inilabas. Parang matigas sya? Pagmulat ko ng mga mata ko ay matigas nga.
"Bakit matigas yan? Nag iisip ka na naman ng bastos!" agad kong binitawan ito sa inis. Ang bastos talaga ng kumag na to.
"Ganyan talaga pag ihing ihi na. Parang hindi ka nagkakaganyan ah?" aniya. " pakihawakan ulit at pakitapat sa bowl,ayokong maihian ang sahig."
"Hoy! Sobra ka na? Abuso na yan!"
"Aarte pa? Huwag kang umarte,hindi ka maganda! Dali lalabas na ihi ko."
Wala na naman akong nagawa kundi hawakan ito at itapat sa bowl. Second time ko na pala itong nahahawakan. And my gowd! Parang sasabog ang dibdib ko,pinipigilan ko nga ang manginig eh,sabihin pa nya eh gustong gusto ko ang nagaganap.
"Bwisit talaga." ani ko. Tapos na syang umihi ng hindi ko napapansin.
"Tapos na. Pakipagpag,masyado ka ng nag e-enjoy sa paghawak nyan." aniya. Kaya inis ko itong pinagpag.
Hayup lang,para akong caregiver na nag alaga ng matandang baldado,bwisit.
"Pakyu!" binitawan ko ito at lumabas ako ng cubicle. Diretso sa sink at naghugas ng mga kamay!
"Hoy! Kiji! Pakibalik to sa loob ng brief ko!!" sigaw ni Chance.
"Bahala ka dyan!!"
Buong linggo na absent si Chance pagkatapos ng aksidente,may excuse naman sya kaya ayos lang. Hindi ko sya nakikita at hindi ako nangangamba. Ito naman talaga ang gusto ko,ang mawala sya sa paningin ko. Ang resulta,laging si Khaim at Teban ang kasama ko,sina Karissa at Aiko kasi ay sumali sa choir ng RHS,ewan ko ba at bakit yun ang trip nilang salihan.
"Kamusta na kaya ang tukmol?" ani Teban habang nagyoyosi. Nandito kami sa likod ng IR bldg as usual.
"Buhay pa naman yon. Feeling nya siguro sya si Edward Cullen at sinalag nya ng dalawang kamay ang jeep." ani ko habang nakatingin sa ilog pasig.
"Mukhang matatagalan sya maka recover. Dapat nga mag try out daw sya para sa basketball." sabi naman ni Khaim na nakatingin din sa ilog.
"Malas talaga nya. Pero ayos lang yon no? Atleast lagi syang pinupuntahan ng girlfriend nya." ani ko. Panigurado,kahit may injury si Chance gumagawa pa din sila ng milagro.
"Nga pala,anong ginawa mo? Wala ka ng tigidig ah? At parang pumuti ka." pagpansin ni Teban,humithit at itinapon sa ilog ang sigarilyo. Pati si Khaim ay tinitigan ako.
"Oo nga no? Maganda ka na lalo. Pero mas gaganda ka pa kung maayos ang buhok mo." ang pag sang ayon ni Khaim. Kinilig naman daw ako ng bahagya.
"Talaga? Balak ko nga magpagupit mamaya. Mahaba na bangs at patilya ko,ayaw kong si Sir Salamat ang mag gupit sa akin." ani ko na ikinatawa nila.
Adik kasi yun si sir Salamat,laging may dalang gunting at nag lilibot,inuukaan yung mga lalaking mahahaba na ang buhok. Ayaw kong mabiktima nya,masisira ang image ng buhok ko.
"Saka,ginagamit ko kasi yung mga binigay ni Adz. Effective pala. Ngayon hindi na mukhang hundred Islands ang mukha ko,hindi na din sya pwedeng connect the dots." sabi ko pa na mas ikinatawa nila.
Kaya nung uwian na ay dumaan muna ako sa Candy Salon sa may Rotonda para magpa gupit.
"Anong gupit ang gusto mo ganda?" ani Jenny,ang beki na taga Orchids compound.
"Ikaw na bahala,basta yung babagay sa akin." ani ko. At yun na,nagsimula na syang gupitan ako.
Naisip ko na personal na magpasalamat kay Adz. Ang tagal ko na din syang hindi nakikita. Pupuntahan ko na lang sya mamaya kung walang gawain sa bahay.
Nang matapos ang gupit ay hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam ang tawag sa gupit pero bagay sa akin kahit maikli na ang bangs ko.
"Napansin kong nawala na mga pimples mo neng. Alagaan mo lang ang mukha mo. Mga ganyang ganda ang trip ng mga lalaki sa bakla. Huwag magpatalo sa mga gwapong bakla okay? Hindi dapat matalo ang mga sirena." ani Jenny ng magbayad na ako. Hindi ko man maintindihan ay ngumiti at tumango na lamang ako.
Pagdating sa bahay ay nagulat pa sina Mama at Papa.
"Hoy Kiji! Anong magic ang ginamit mo anak?" ani Mama,lumapit at sinipat pa talaga ako.
"Ngayon nyo lang napansin? Ipinanganak na akong ganito 'Ma." nakangisi kong sagot dito.
"May boyfriend ka na siguro kaya nagpapaganda ka na?" ang sabi naman ni Papa na ikinalingon ko. "Kailangan ma check ang butas ng pwet mo kung okay pa,pati kung hindi ba namamaga ang tonsil mo."
Nalaglag ang bagang ko sa sahig at lumuwa ang mga mata ko sa sinabi ni Papa.
Ano daw? Oh my! Bakit ganun?
"Pa! Ano ka ba? Hindi mo na nirespeto ang virginity ko! Wala pa yan sa plano ko. Pero kinakabahan ako dahil hindi pa ako nagkakaroon." ang sabi ko naman. "Aray!"
Binatukan ako ni Mama!
"Napaka ambisyosa mo Kiji. Binibiro ka lang eh. Landi mo ah? Bawas bawasan yan." ani Mama na ikina hagalpak ng tawa ni Papa.
"Ma naman eh! Why you gotta be so rude?" ang sakit ng pagkaka batok sa akin ah?
"Oh sya. May meryenda dyan. Aalis pa kami ng mama mo,baka gabihin kami." ani Papa na nagpupunas ng luha ng kaligayahan.
Bakit ganun mga tao sa paligid ko? Para silang mga alien.
Matapos ko mag meryenda ay nagpunta na ako sa Maxville, third floor ang bahay ni Adz,nakakamangha. Kaso lang pudpod na hintuturo ko kaka doorbell eh wala pa ding nagbubukas ng gate.
Baka nga naman umalis si Adz? Next time na lang ako magpapasalamat,magkikita pa naman kami dahil napaka liit ng San Miguel.
Kaya ang ginawa ko ay nagpasya na lang na pumunta sa kapasigan,nag iwan din kasi ng pera sina Mama at Papa,bumili na lang daw ako ng ulam,kaya barbeque na manok ang bibilhin ko.
Amoy pa lang nagugutom na ako. Wala pang gabi pero kumakalam na ang tyan ko.
Pagkatapos kong bumili ng manok na barbeque ay pumunta naman ako sa fashion Circle. This time,bibili na ako ng mga kailangan para sa pagpapaganda.
Pulbos lang at lip balm ang binili ko. Naisip ko kasi na hindi din maganda kung make up ang gagamitin ko. Ayaw ko magmukhang trying hard.
"Uy! Kiji!" boses iyon ni Adz kaya agad akong lumingon. Kaso kasama nya si Chance at yung isa pang lalaki na panay ang tawa nung nakaraan. Nabadtrip agad ako.
"Uy,Adz ikaw pala yan. Nagpunta ako sa inyo kanina,pero walang tao." ani ko ng lumapit sila. Ganun pa din si Chance,naka bandage pa din mga kamay nya.
"Bakit ka nagpunta?" ani Adz. "Ay,nga pala ito si Maroe,isa pa naming tropa."
"Hi Kiji?! Iba na itsura mo ah?" ani nung Maroe. Ngumiti lang ako,ramdam kong nakatingin si Chance,pero hindi ko sya papansinin.
"Hello." sabi ko lang at bumaling kay Adz. "Gusto ko lang na magpasalamat ng personal. Alam mo na kung bakit."
"I see." nakangiting sabi ni Adz. "Effective nga. Just keep on using it. Bibigyan pa kita,marami pa kaming ganon sa bahay."
"Nako! Huwag na--"
"Wala naman akong napansing nagbago sa kanya. Pangit pa din naman sya." ang pagsingit ni Chance. Huminga ako ng malalim para pigilan ang galit ko. Sinuway sya ni Adz pero nakatitig pa din sa akin ang gago.
"O sige na,Adz uwi na ako. At saka nice meeting you Maroe!" tumalikod na ako at tumakbo.
Bwisit na Chance yan. Bakit ko ba sya nagustuhan? Kailan nya ba ako ituturing ng maayos? Kailan nya ba ako papakisamahan ng maganda?
Araw ng linggo at tapos na kami nina Mama at Papa sa pag general cleaning sa bahay. Ngayon ay nakahiga lang ako sa higaan at nag iisip ng susunod na gagawin.
"Alam ko na. Magsisimba na lang ako." agad akong tumayo na at lumabas ng kwarto.
Pagkatapos maligo at magbihis ay sumakay na ako ng trycicle,pinadiretso ko na ito sa simbahan,bale sa sto.Tomas ito dumaan.
Pagpasok ko sa simbahan ay tahimik,since mamaya pa namang alas sinco ang misa. Magdadasal na lang ako at dederetso sa SM Megamall,nakaka miss din mag gala mag isa.
Lumuhod na ako at nagdasal,para sa pag aaral ko,sa pamilya,mga kaibigan at para sa mga galit sa akin.
Pagsakay ko ng jeep ay nag isip na agad ako ng unang pupuntahan sa Megamall. Pagdating ng jeep sa kapasigan ay may sumakay. Napanganga ako ng makilala ang mga ito.
Si Chance at ang girlfriend nya! Hindi agad nila ako napansin dahil nasa may unahan ako. Napansin ko din na wala na syang bandage,magaling na ang bastos.
Hindi ko na ulit sila tinapunan ng tingin buong byahe,napaka PDA ng mga impakto. Ang swerte talaga ng impakta kay Chance.
Pero ang nakakabwiset ay ang magkaroon ng trabaho sa loob ng jeep. Nagiging taga abot ako ng bayad at sukli,kaya paniguradong nakita na nila ako.
Panay pa pasakay ni manong kahit siksikan na. Yung katabi ko pang tomboy kung maka bukaka kala mo may maiipit na bayag!
Gusto ko sanang sabihan si Manong driver na:
"Gusto ko lang pong ipaalala sa inyo,jeep ito hindi lata ng sardinas!"
Kaso ayaw ko namang mag maldita. Kaya nasa Crossing pa lang ay bumaba na ako at nagmadaling maglakad. Ayaw kong tuluyan pang mabwisit.
Kaso ang haba ng pila sa entrance,sa babae talaga ako pumila. At kung swerte ka,kasunod ko pa si Chance at ang girlfriend nya. Holding hands pa ang mga timawa,akala nila natutuwa ako sa kanila?
"Hi Kiji!" sabi nung babae ng sabayan nila akong maglakad. Nilingon ko lang sila,ngumiti ako ng pilit. Hindi ko makalimutan yung eksena nila sa classroom eh.
"Mag isa ka? Hindi mo kasama si Khaim." pagsabat pa ng magaling na si Chance.
Hindi ko pa din sila pinansin. Dumiretso ako sa escalator pababa. Gusto kong malayo sa kanila dahil hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko.