I don't know what to think anymore. Pero diba dapat I should be happy para sa kakambal ko? At isa pa,bakit ba ako makakaramdam ng ganito in the very first place. I should be quiet,I'll zip my mouth kung para naman ito sa kakambal ko.
"Huy Keeyo! Okay ka lang? Kanina ka pa tulala!" ang pagpuna sa akin ni Edge. Nandito kami sa garden at inililibot ko sya.
"H-huh? Ah! Oo! Okay lang ako,iniisip ko lang yung nalalapit na graduation." ang sagot ko naman.
"Alam ba ng kapatid mo yung tungkol kay Kaze? Nakakagulat noh?" ani Edge habang nakapamulsa.
"Hindi,at wala dapat may makaalam,kung paano ko itatago yung sayo,ganun din dapat tayo kay Kaze. Saka may kasunduan kami ni Kaze."
"Kasunduan? Anong kasunduan?"
"Wala,ipapakilala na lang kita sa pet namin. Konting tao pa lang ang nakakakita sa pet namin." ang pag iiba ko ng usapan.
"May pet kayo? Wow! Ako din dati nung bata pa may pet. Cute siguro pet nyo?" aniya habang sumusunod sa akin.
Pumunta kami sa pinaka likod ng bahay namin kung nasaan ang pet namin. Sa totoo lang,konti pa lang talaga ang nakakakita sa pet namin.
"Polar meet Edge,my friend!" masaya kong sabi.
"Shit! Pota! Ano yan?!" ang gulat at takot na reaksyon ni Edge at napaatras.
"Si Polar. Isang Polar Bear!"
"Paano yan napunta dito? Shit nakakatakot! Ang sama ng tingin sa akin." at nag growl si Polar,napapunta sa likuran ko bigla si Edge.
Lumapit ako sa kulungan ni Polar,malaki ito,at puno ng mga yelo,may swimming pool din sa loob na pwedeng languyan ni Polar.
"Binili yan ng lolo namin,maliit pa lang si Polar ay nandito na sya." ang paliwanag ko habang hinihimas ang ulo ni Polar. "Huwag ka ngang matakot,may rehas naman."
"Tinitingnan nya ako ng masama!" sabi ni Edge na ikinatawa ko.
"Kaze,meet our beloved pet,si Polar,our baby!" nadinig ko ang boses ni Keesha.
"Tang ina! Ano yan?" reaksyon ni Kaze na ikinatawa naming lahat. Nag growl na naman tuloy si Polar.
"Ayaw nya ng nagmumura!" nakangising sabi ni Keesha. I can't stand seeing them,kaya niyaya ko si Edge na bumalik na sa loob ng bahay.
"Puntahan ulit kita tom after ng tapos ng kanya kanya nating graduation practice!" masayang sabi ni Edge ng ihatid ko sya sa labas.
"Are you sure? Baka may trabaho ka pa mamayang gabi?"
"Nagpasa na ako ng resignation kanina bago kita puntahan. Diba sabi ko kailangan ko lang ng pang gastos? At saka ayaw kong magtagal dun. Tutal gagraduate na ako makakahanap na ako ng magandang trabaho."
"Tama yan! Oh ayan na yung taxi na pinatawag ko. See you tom!"
"Thanks for this day!" at sumakay na si Edge sa taxi at umalis na ito.
Pagpasok ko sa bahay ay nasa living room sina Kaze at Keesha. Napabuntong hininga ako,ang gwapo gwapo nya,bagay sila ng kakambal ko.
"Wui Keeyo tara dito!" ang pagtawag sa akin ni Keesha. Napalunok ako dahil nakatingin din sa akin si Kaze.
"Inaantok ako Keesha! Akyat na ako!" ani ko at tumakbo na paakyat sa hagdanan. Pagpasok ko sa kwarto ay humiga ako at napatingin sa kisame.
Parang nananadyang pumasok sa isip ko yung unang nangyari sa amin ni Kaze,at yung sa chocolate. Ewan ko ba,bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Kay kaze na nanggaling na kunwari hindi kami magkakilala. At saka hindi dapat ako nag iisip ng ganito,si Keesha ang gusto ni Kaze,at purely sex lang ang nangyari sa amin.
Napabalikwas ako ng bangon ng bumukas ang pinto at pumasok ang kakambal ko. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.
"Nako! Ikaw! Hindi mo sinasabing may suitor ka!" aniya at naupo sa kama ko.
"Hindi ko suitor si Edge! Kaibigan ko yon!" ang agad ko namang depensa.
"Yan din sinabi mo dati bout kay Budz! I know you!"
"Sus! Ikaw nga dyan eh! Kaya pala hindi ka mapakali!"
"Kyaaahh! Gwapo nya no? Ang baet pa! Tas isa pala sya sa mga gagraduate sa university natin na may honor! What do you think of him? Almost perfect diba?" at inalog alog pa nya ako.
"Teka! Nakakahilo!" at bumitiw naman sya at humagikgik. "Hindi ako magkocomment." sagot ko. Hay! Kung alam lang nya!
"Napaka unfair mo!" sabay hampas nito sa akin.
"Syempre no,nanliligaw pa lang sya sayo,magkocomment na agad ako?" aray!
"Sa bagay. Sige dyan ka na at mag online na ako." tumayo na sya at lumabas ng kwarto ko.
Napabuntong hininga ako. Naisip ko na tutal nag uumpisa pa lang at hindi pa naman malala nararamdaman ko para kay Kaze ay ititigil ko na ang kabaliwan ko. Kahit medyo masakit ay dapat suportahan ko si Keesha,and to think also na hinding hindi naman magkaka interes sa akin si Kaze.
Kinabukasan ay nalaman kong nauna na sa school si Keesha,ito na ang last practice ng graduation. Wala pa din ang parents namin,nasa bussiness trip siguro. Pero kampante naman ako na nandito sila sa araw ng graduation namin ni Keesha.
Pagdating sa school ay nakita ko ng nakapila na ang lahat. Kaya nagmadali akong pumunta sa mga ka blockmates ko. Nakipag kwentuhan muna ako sa kanila. Nang mapatingin ako sa isang direksyon ay nakita ko si Kaze,nakatingin sa akin,blanko ang expression ng mukha. Tumahip ang dibdib ko kaya agad kong binalik sa mga ka blockmates ko ang aking atensyon.
Why is he looking at me that way? Hindi ba nya alam na masamang tingnan ang ibang tao. Pero hayup,kahit umaga ang gwapo nya!
Natapos na din ang seremonyas sa practice. Ngayon pa lang ay kinongratulate na kami para sa graduation bukas.
Paglabas ko ng gymnasium ay agad kong tinext si Keesha kung nasaan sya para sabay kaming kumain.
Keesha:
Im with my friends. Mauna ka na din umuwi ^_^
Haay! Ang kakambal ko talaga! Kaya kahit wala akong kasama ay tinungo ko na ang cafeteria.
Nang makabili na ako ay naupo na ako sa napili kong pwesto at nagsimula ng kumain. Hanggang sa napatigil ako dahil may naglapag ng pagkain sa harapan ko at naupo.
Si Kaze!
Agad akong uminom ng soda para hindi magbara ang lalamunan ko. Natensyon ako dahil sa presensya na.
"Nasaan ang kakambal mo? Ive been looking for her pero hindi ko sya makita." aniya at tinitigan ako.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain. Diba sabi nya,pag nasa school huwag ko syang lalapitan at kakausapin?
"Hey?! Hindi ko alam na bingi ka na pala ngayon." pero hindi pa din ako sumagot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,parang lalabas ang puso ko.
"Okay! Alam kong sinabi ko na huwag mo akong kakausapin. But its the other way around. Sagutin mo ako." ang parang napipikon na sabi ni Kaze.
"Hindi ko alam eh." maikli kong sagot at isinubo na ang ulam kong hotdog.
"Kailangan ba talaga ganyan ka kumain ng hotdog?" salubong ang mga kilay na tanong ni Kaze. Napatingin tuloy ako sa paligid.
"Huh? Bakit? Mali bang kumain ng hotdog?"
"Hindi."
"Yun naman pala eh. Bakit?"
"Wala lang. May naalala lang ako. Para kasing ganyan din ang pagsubo mo sa akin." aniya at ngumisi.
Nanlaki ang mga mata ko at nabilaukan ako. Agad ko uling ininom ang soda.
Ano daw? My gawd! Napapraning ata tong Kaze na ito eh.
"Baliw ka! Baka gusto mong ipakain kita kay Polar!" namumula na ako panigurado. Bakit kasi pinaalala pa nya eh.
"Go ahead." nakangisi nyang sabi. Wala tuloy akong masabi. Tapos na din akong kumain kaya nag walk out na ako.
Hindi ako galit. Naiinis lang ako kasi,ako hindi ko sya pwedeng kausapin,pero sya anytime pwede nya akong kausapin. Ang unfair ni Kaze!
At dahil wala na din akong gagawin ay lumabas na ako ng campus. Hihintayin ko na lang si Edge. Ngayon pa lang nag iisip na ako kung saan kami pupunta.
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko dahil nakita ko ng bumaba ng jeep si Edge at naglakad palapit sa akin.
"Talagang dumating ka ah?!" nakangiti kong bati kay Edge ng makalapit sa akin.
"Syempre! Ako pa! Ngayon lang ako makakapag enjoy. Alam mo naman diba? Naikwento ko na sayo ang buhay ko."
"Huwag ka na ngang magdrama! Nood na lang tayo ng sine!"
"Anong papanoorin natin?" aniya pero hindi sa akin nakatingin,sa may likuran ko. "Uy tol Kaze! May lakad din kayo ng kambal nya?" nagulat ako kaya napalingon ako,si Kaze nga.
"Hindi ko nga makita eh. Kayo ba?" ang sagot ni Kaze na hindi ako tinitingnan. Ang lakas mang inis kahit wala naman talagang ginagawa.
"Ganun ba? Manonood daw kami ng sine ni Keeyo eh." sagot ni Edge. Kita kong parang iba ang tingin ni Kaze. Alam ko kung anong iniisip nya. Alam kong iniisip nya na nabingwit ko si Edge dun sa Strip Club nila at ginagastusan ko ito.
"Ang sweet. Pwede bang sumama?"
Nalaglag ang panga ko at napatingin kay Kaze. Bakit sya sasama? Magsasalita na sana ako ng maalala kong nasa school pa kami kaya tinikom ko na lang ulit ang bibig ko.
"Sige ba!" ang pagsang ayon ni Edge kaya wala na akong nagawa. Nang may dumaang taxi ay pinara ko na agad. Pero nagulat ako na sa frontseat naupo si Edge. Kaya ang ending kami ni Kaze ang magkatabi sa back seat.
Hindi ako makahinga ng maayos dahil magkatabi kami ni Kaze. Amoy na amoy ko sya,sobrang bango nya. Kaya walang ibang pumapasok sa isip ko kundi yung nangyari sa amin.
Nagulat ako ng kinuha nya ang kanang kamay ko at ipinatong sa harapan nya saka nya tinakpan ng folder na dala nya.
Halos mapigil ko ang paghinga ko. Bakit nya ginagawa ito?
"Ano bang meron ka at tuwing nadidikit ka sa akin ay nag iinit ako." bulong ni Kaze sa mismong tenga ko.
Na stifen ako. Napapikit ako. Naisip ko na baka fatal attraction lamang ito.