Télécharger l’application
45.95% M2M SERIES / Chapter 175: Jin (Chapter 20)

Chapitre 175: Jin (Chapter 20)

"TOL, kailan ka ba available para sa kambal ko?" tanong ni Jin kay Kurt. Kapwa sila pawisan no'n at nagpapahinga. Kakatapos lamang nilang naglaro ng basketball.

Tumawa si Kurt. "Seryoso pala talaga ang problema mo na 'yan sa kambal mo ha," sabi nitong nagpapahid ng pawis gamit ang damit na hinubad.

"Tol, sobrang seryoso 'to, okay. Kailangang matigil na si Din sa kabaliwan niya sa 'kin. Nandidiri na ako sa pinaggagawa niya, e," sabi naman niya.

"Okay nga. So ano'ng plano mo? Paano mo ba ako ise-set-up sa kambal mo?"

"Bakit 'di ka sumama ngayon sa amin?"

Nagkibit-balikat lang si Kurt. "Sure. Ano naman ang gagawin natin sa inyo?"

"Wala lang. Tambay-tambay tayo sa bahay tapos ikaw na ang bahalang umakit kay Din. Nasa bahay na siguro 'yon ngayon, e."

Ngumiti sa kanya si Kurt. "Kung hindi lang kita kaibigan hindi talaga kita mapagbibigyan diyan sa kagustuhan mo, e. Mahal kaya ang gatas ngayon, tol."

Napabuntong-hininga si Jin. Naisip niyang bigyan na lamang ito ng pera kasi alam naman niyang iyon talaga ang gusto nito. Dumukot nga siya sa bulsa ng suot na pantalon at kumuha ng isang libo mula sa binigay ni Glen sa kanya.

"Oh, ano 'yan, tol?" maang na tanong ni Kurt. Inilahad na kasi niya ang pera sa harapan nito.

"Para hindi ka na magdalawang-isip pa, tol," tugon niya.

Natawa si Kurt. "Loko-loko ka talaga. Hindi ka na mabiro, e. Buti pang ibili na lang natin 'yan ng alak. Mag-iinuman na lang tayo sa inyo at ako na ang bahala para madiligan na 'yang kambal mo," sabi nito.

Natawa rin siya at tumayo na. "Taralets!" sabi niya.

Lumabas na nga sila ng basketball court at naglakad-lakad na. Bumili sila sa tindahan ng dalawang bote ng Emperador. Siyempre siya ang gumastos. Bumili na rin sila ng kropeks na pangpulutan.

"Hi, Jin."

Napalingon siya sa bumati sa kanya. Si Angelie pala. Kababata niya rin ito at matagal ng patay na patay sa kanya. Gusto siya nitong maging kasintahan, iyon nga lang hindi talaga niya sinasakyan. Pero hindi naman niya ipinagdadamot ang katawan sa babaeng ito.

Maraming beses na niya itong nakatalik. Madalas pa ay ito mismo ang nagpapakita ng motibo. Maganda rin naman si Angelie at napaka-sexy. Iyon nga lang, hindi talaga ito ang tipo niya sa isang babae na maging kasintahan.

"Hello, Angelie." Si Kurt ang tumugon sa bati nito. Batid niyang may pagtingin ang kaibigan kay Angelie. Minsan na itong nanligaw pero binasted. Ni hindi pa nga ito naka-score sa dalaga. Para sa kanya lang talaga ito.

Nginitian niya si Angelie at muling tumalikod para bayaran ang mga binili sa tindahan.

"Hello, Kurt," narinig niyang sabi ni Angelie.

"Ang ganda mo talaga, Angelie," sabi ni Kurt. Napangiti siya kasi dumidiskarte na naman ito sa dalaga.

"Salamat, Kurt. Gwapo ka rin pero sorry ka na lang kasi si Jin talaga ang my one and only ko," prangkang sabi ni Angelie.

Humarap siya sa mga ito. "Alam niyo, bagay kayong dalawa. Bakit 'di na lang si Kurt ang mahalin mo, Angelie? Taken na ako, e," nakangiti niyang sabi. Ngumiti rin si Kurt sa kanya.

"Wala akong pakialam kung taken ka na Jin. Sapat na sa akin na nakakapiling kita paminsan-minsan. Nakakaadik ang flavor mo, e," sabi ni Angelie.

Napabuntong-hininga siya. Napakalandi talaga ng babaeng ito. "Hindi ka pa ba sawa sa flavor ko, Angelie? Bakit 'di mo tikman si Kurt? Lagpas langit mararating mo sa galing nito," sabi niyang inakbayan pa ang kaibigan.

Nameywang si Angelie at sinipat si Kurt mula ulo hanggang paa.

"Oh, bakit mo ako tinitingnan ng ganyan, Angelie? Siguro na-realize mong pogi rin ako, 'no?" sabi ni Kurt.

"Pogi ka naman talaga, Kurt. May sinabi ba akong pangit ka?" sabi ni Angelie.

"Iyon naman pala, e. Bakit 'di mo tikman ang poging 'to, Angelie? Hinding-hindi ka magsisisi," natatawang sabi ni Jin.

Napabuntong-hininga si Angelie. "Okay na, pero ayokong makipagrelasyon sa 'yo, Kurt. Hanggang sex lang ang kaya kong ibigay sa 'yo," prangkang sabi ni Angelie.

Napapailing na lamang si Jin sa pinagsasabi ng dalaga. Hindi talaga ka-respe-respeto. Naalala niyang third year high school sila noon nang makuha niya ang virginity nito. Habol kasi ito nang habol sa kanya kaya napagbigyan niya at magmula noon ay palagi na talaga itong nagpapagamit sa kanya.

Nililigawan din siya ni Angelie pero hindi talaga niya ma-take na makipagrelasyon sa kagaya nito. Hindi niya alam kung bakit kasi may dating din naman talaga ang babaeng ito sa totoo lang.

"Pero sa ngayon, ikaw muna Jin ang gusto kong makapiling. Puwede ka ba ngayon?" tanong ni Angelie na lumapit sa kanya at hinalikan siya bigla sa mga labi. Pinagbigyan niya naman ito. Hanggang smack kiss lang naman kasi hindi siya rumesponde.

"Ang daya naman, oh. So kailan pala ako, Angelie?" tanong ni Kurt.

"Basta, darating tayo diyan, Kurt," tugon nito, "by the way, mukhang mag-iinoman kayo, a. Puwede bang sumali sa inyo?"

Nagtinginan sila ni Kurt. May biglang naisip si Jin nang mga sandaling iyon.

"Sige, join ka, Angelie. Mag-iinoman kami sa amin lang naman," sabi niya. Naisip niyang gawing partner si Angelie at si Kurt naman ang magiging partner ni Din. Ibinulong niya iyon sa kaibigan at naintindihan naman agad nito ang ibig niyang sabihin.

Kaya dinala nga nila si Angelie. Dumiretso sila sa likod ng bahay. May ginawa kasi siyang tambayan doon.

"Dito muna kayo saglit ha. Lulutuin ko lang 'tong kropeks at magpapaalam ako nang maayos kina nanay at tatay. At saka, yayayain ko rin ang kambal ko," paalam niya sa mga ito.

"Talaga? Umiinom din pala si Din?" tanong ni Angelie.

"Minsan lang, bakit?" maang niyang tanong dito.

"E, kasi crush ko rin ang kapatid mo, 'no. Normal, iisa lang naman ang hitsura ninyo. Kaya nga lang suplado. Ayaw talaga akong pansinin."

Nagtawanan sila ni Kurt. Normal, bakla ang kambal niya kaya imposibleng pansinin nito si Angelie.

"H'wag mo ng pangarapin ang kambal ko, Angelie. Mga high class na babae ang type no'n. Hinding-hindi 'yon papatol sa 'yo," natatawa niyang sabi.

"So low class pala ang tingin mo sa akin, ha?" Parang nilamukos na papel ang mukha ni Angelie no'n.

"Ano ba? Joke lang 'yon ni utol," natatawang sabi Kurt.

Hindi talaga naapektuhan si Jin sa naging reaksiyon ni Angelie sa kanyang sinabi at tumalikod na. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay nila.

"Nay, may mga kaibigan akong dinala sa likod. Mag-iinoman kami ng kunti," sabi niyang lumapit sa ina at nagmano rito.

"H'wag kayong masyadong magpakalasing ha. Siyanga pala, bakit ang aga mong umuwi? Hindi pa nga umuuwi ang tatay mo, e," sabi ng kanyang ina. Kasalukuyan itong nagsasaing sa munti nilang kusina.

Saka niya naalalang sumama nga pala siya kay Glen at hindi na pinabalik sa trabaho.

"Oo nga, nay, e. Maaga akong umuwi. Wala namang bantay," sabi niya.

"Hay naku, hindi tama 'yang ginagawa mo, Jin. Paano kung may magsumbong sa amo ninyo?"

"Nay, h'wag kang mag-alala. Walang magsusumbong," nakangiti niyang sabi.

"Kaw bahala. Sabi mo, e."

"Nay, nakauwi na ba si Din?" Inilapag niya sa mesa ang hawak na kropek.

"Kakauwi lang din. Dumiretso sa kwarto. Siyanga pala, Jin, wala ka bang napapansin sa kambal mo?"

Napabuntong-hininga siya. "Wala naman, nay. Bakit ano bang napansin mo sa kanya?"

"Madalas ko makitang nakatulala at malungkot, e."

Alam niyang siya ang rason ng mga nangyayari kay Din. Nagkibit-balikat na lamang siya. "Nay, busy lang 'yon sa pag-aaral niya. H'wag mo ng intindihin. Kaya nga yayayain kong makipag-inuman sa amin ng mga kaibigan ko ngayon, e, para naman mag-enjoy siya kahit papaano. Masyado na siyang stress sa pag-aaral."

"Pero kunti lang ang ipainom mo diyan sa kambal mo ha. Hindi 'yan sanay at may pasok pa bukas."

"Opo, nay. Siyanga pala, nay, baka naman puwedeng ikaw na lang ang magluto nitong pangpulutan namin."

"Sige, ako na ang bahala rito," mabilis namang tugon ng kanyang nanay Adela.

Niyakap niya ito sandali kapagkuwa'y dumiretso na sa kwarto ni Din. Kumatok siya sa pintuan.

"Bukas 'yan!"

Narinig niyang sabi ni Din kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakita niyang nakaupo ito sa upuang nasa may bintana.

"Din, may mga dinala akong kaibigan..."

"Alam ko. Nakita ko sila," putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

"Tara... sali ka sa amin, Din. Inoman tayo," imbita niya rito.

Pero hindi umimik si Din. Nakatingin lang ito sa labas.

"Din, ipapakilala kita sa kaibigan kong pogi pa sa akin."

"Si Kurt?" tanong nito. "Kilala ko na siya. Mas pogi ka pa sa kanya, Jin. Walang tatalo sa 'yo."

"Alam kong kilala mo na siya pero ayaw mo bang maging pormal ang pagkakakilala ninyo?" Nabuwesit siya no'n kasi inuunahan na siya ni Din na posibleng hindi nito magustuhan si Kurt.

"Jin, ipinamimigay mo ba ako sa kanya?"

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Jin, ikaw lang ang gusto ko. H'wag mo na akong ipakilala pa sa kung sinu-sinong lalaki. Naiintindihan mo? Ikaw lang ang gusto ko! Ikaw lang!" sabi ni Din na humarap sa kanya. Luhaan ang mga mata nito.

Para naman siyang tinamaan ng kidlat nang mga sandaling iyon. Mukhang mabibigo ang kanyang plano.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C175
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous