"NAY, bakit?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Bumangon ako.
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Ang tatay mo..." humahagulgol niyang sabi.
Kinabahan akong bigla. "Nay, ano'ng nangyari kay tatay?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Wala na siya, nak... pinatay ang tatay mo!"
Napanganga ako sa aking narinig mula kay nanay Lea. Pakiramdam ko'y nasabugan ako ng bomba. Ramdam ko ang panginginig ni nanay. Tila nabingi ako nang mga sandaling iyon. Bakit? Kagabi lang ang saya pa namin ni tatay.
Sunod-sunod na nagsibagsakan ang aking mga luha. Sumikip ang aking dibdib. Nahirapan akong huminga. Hindi ko maitikum ang aking bibig.
Para akong nasa loob ng kweba. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pintig ng aking puso. Sumasabay sa pagbagsak ng aking mga luha ang malalapot kong pawis. Nanginig ako sa matinding lamig.
Ano ang nangyari kay tatay? Ang huli kong naalala ay nasa sala kami. Lasing na lasing ako at nagkukwento si tatay sa akin tungkol sa kanila ni ninong Albert.
Ni hindi ko na natandaan kung natapos ko pa bang pakinggan ang kuwento niya. Siguro ay bigla ko na lamang siyang tinulugan dahil sa sobrang kalasingan.
Si tatay kaya ang naghatid sa akin dito sa kwarto? Wait... bakit naka-boxer lang ako? Bakit kakaiba ang amoy ko?
Nanlaki ang aking mga mata. Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa kaba. Naglaro sa aking isipan ang posibleng ginawa ni tatay sa akin nang tuluyan na akong lamunin ng kadiliman.
"Hindi..." malakas kong sigaw.
*****
AFTER SIX MONTHS.
Sabik na sabik akong makalabas sa mental hospital. Nang mamatay kasi si tatay Rey ay nawala raw ako sa katinuan. Ipinasok ako ni nanay sa mental kahit masakit sa kalooban niya. Pero regular naman niya akong dinadalaw roon.
Hindi ko alam kung bakit pinaabot pa ng mga doktor ng kalahating taon bago sila nag-decide na palabasin ako. Pakiramdam ko kasi ay normal lang naman ako at nasa tamang pag-iisip. Pero sabi nila, ganoon daw talaga mag-isip ang mga baliw. Akala nila'y normal pa rin.
Hindi talaga kapani-paniwala ang mga nangyari sa buhay ko. Pero tapos na ang lahat. Isinara ko na ang pangyayaring iyon sa aking buhay.
Handa na akong harapin ang panibagong umaga. Maaaring hindi ako tuluyang makalimot but atleast natanggap ko na. Gaya nga nang minsang nasabi ko, may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay dito sa mundo. Kung ano man 'yon, si God na ang nakakaalam.
"Daniel..."
Napanganga ako sa pamilyar na boses na 'yon. Paglingon ko, hindi nga ako nagkamali.
"Anne?"
Ngumiti lamang siya.
"Why are you here?" maang kong tanong sa kanya.
"Daniel, I'm really sorry sa pag-iwan ko sa 'yo," naiiyak niyang sabi sabay yakap sa 'kin nang mahigpit.
Para akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon nang mga sandaling iyon. Kaytagal niyang nawala.
Isa siya sa mga rason kung bakit mas lalong nagulo ang buhay ko no'n. Tapos muli siyang nagbabalik. Humihingi ng tawad. Ganoon na lang ba kadali ang lahat? Ganoon lang ba kadali ang magpatawad?
Naguluhan ako sa sitwasyong iyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hindi ako nakaimik. Hinayaan ko lamang siyang umiyak sa balikat ko.
May bigla akong naisip. Makakatulong si Anne sa muli kong pagharap sa kinabukasan. Alam kong mahal niya talaga ako. I could feel it. Bibigyan ko siya ng chance at kailanman, hinding-hindi na ako papayag na muli siyang mawala sa 'kin.
Kumalas ako mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa 'kin. Hilam sa luha ang kanyang mga mata. Pinahid ko ang kanyang mga luha.
"Daniel, I'm so sorry..." humihikbi niyang turan.
Nginitian ko siya. "You're forgiven," I told her.
Lalong bumalong ang mga luha ni Anne sa sinabi ko. "Mahal mo pa ba ako, Daniel?"
I looked at her seriously. Mahal ko pa nga ba siya? Pagkatapos kong nagdusa noon dahil sa pag-iwan niya sa 'kin, sa tingin niyo ba mahal ko pa rin siya?
"Anne, ayokong sagutin ang katanungan mo sa ngayon," tugon ko. "Pero maaari tayong mag-umpisa ng bago. Let's get to know each other again as if bago lang tayong magkakilala."
Ngumiti si Anne. Muli kaming nagyakap. "Thanks, babe. Sorry sa lahat."
Iyon nga ang ginawa namin. Mga dalawang buwan din ang ginugol namin para sa isa't isa. Nagkunwari talaga kaming bagong magkakilala. Until one day, nagising akong buo na ang puso't isipan.
Nagbalikan nga kami ni Anne. We were head-over-heels in love with each other. Hanggang sa naisipan na naming magpakasal. Pakiramdam ko talaga ay iyon na ang pinakamasayang sandali ng aking buhay.
Si nanay Lea naman ay sinuportahan ang bawat desisyon ko sa buhay. Ang tanging napuna lang niya ay sobrang bata pa raw namin ni Anne para magpatali sa isa't-isa. Pero wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan namin.
Nangako naman ako kay nanay na hindi ko naman siya pababayaan. At mas lalong hindi ko kakalimutan ang pangako ko sa kanyang ibibili ko siya ng mansyon.
Paminsan-minsan ay sumasagi sa isipan ko si tatay Rey. Nalungkot ako sa sinapit niya and at the same time, lagi ko pa ring natatanong ang Diyos kung bakit hinayaan niyang mangyari ang bagay na iyon.
Pero wala akong magagawa kasi tapos na, nangyari na. I should move on. Matagal ko na rin siyang napatawad. Maging si Brad at kuya Jin ay magsisilbi na lang na alaala. Iisipin ko na lamang ang masasayang sandali para mapalitan ang masakit kong karanasan sa piling nila.
"Mahal na mahal kita, babe," sabi ni Anne.
Nasa isang hotel room na kami noon at naglalambingan sa kama. Honeymoon, 'ika nga. Inisip namin na iyon talaga ang maging unang karanasan sa isa't-isa kahit ang totoo'y hindi mabilang kung ilang beses na kaming nagtalik.
"Mahal na mahal din kita, babe," nakangiti kong tugon sa kanya.
Pinagsaluhan namin ang isang halik na puno ng pagmamahalan. Suot pa ni Anne ang kanyang wedding gown. Ako naman ay wala ng pang-itaas.
Kapwa kami naghabol ng hangin pagkatapos nang maalab na halikang iyon.
May bigla akong naalala nang mga sandaling iyon. "Babe, ano pala 'yong tinext mo sa 'kin noon na kaya mo ako iiwan dahil hindi pa talaga kita kilala?
At kapag nalaman ko ang tungkol sa 'yo ay baka isumpa ko ang araw na nakilala kita?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang 'yong pumasok sa aking isipan.
Natigilan si Anne. Napanganga siya at bahagyang namutla. Labis akong nagtaka sa inaakto niya.
"Babe, okay ka lang?" Tinapik ko siya sa mukha.
Hinalikan niya ang aking kamay kapagkuwa'y ngumiti. "Ah... 'yon ba, babe? Puwede bukas na natin pag-usapan ang tungkol doon? Ang gusto ko ngayon, magpakalunod tayo sa sarap." Bigla niya ulit akong siniil ng halik sa mga labi.
Nagtalik kami nang nagtalik ni Anne nang gabing iyon. Kinalimutan namin ang lahat. Gaya ng sabi niya, nagpakalunod nga kami sa sarap at siyempre sa matinding pagmamahal namin para sa isa't-isa.
Sad to say, tinalo ako ni Anne. Nauna akong mapagod. Hindi ko na talaga kayang magpaputok kahit alam kong gusto pa niya. Nakahiga na lamang ako sa kama. Siya nama'y nakontento na lamang sa paglalaro ng alaga kong hirap na talagang gisingin pa.
Ang huli kong naalala bago ako tuluyang nakatulog ay sinusubo niya ang aking pagkalalaki.
Nang sumunod na araw ay nagising akong mag-isa sa kama. Napangiti ako. Sabi ko noon sa aking sarili, "This is it! Baby na lang ang kulang at magiging kompleto na ang binubuo kong pamilya kapiling si Anne."
Walang pagsidlan sa labis na kaligayahan ang puso ko nang mga sandaling iyon. Mabait pa rin talaga si God sa 'kin. Ayoko na siyang usisain pa tungkol sa mapapait kong karanasan. Magandang buhay naman pala ang kapalit.
Bumangon ako at tumayo sa kama. Naiihi kasi ako. Hubo't hubad pa ako no'n. Natawa ako nang makita ang aking pagkalalaki. Pulang-pula talaga iyon.
"Babe!" tawag ko.
Maraming beses na akong tumatawag pero hindi sumagot si Anne.
"Asan kaya 'yon? Ah... baka umorder ng breakfast namin," sabi ko sa sarili.
Naglakad na ako patungong comfort room. Pagpasok ko, natutop ko ng mga kamay ang aking bibig. Nanlaki ang aking mga mata sa nasaksihan.
Pakiramdam ko'y nagtakbuhan ang libo-libong daga sa aking dibdib. Nanginig ako na animo'y nasa northpole. Halos pumutok na ang puso ko no'n sa kakahabol ng hininga.
"No..." hiyaw ko. Sunod-sunod na bumagsak ang aking mga luha.
Si Anne. Putol-putol ang katawan sa bathtub. Nagsisigaw ako sa matinding takot. Ano'ng nangyari? Bakit? Bakit pati si Anne?
Tila nawala na naman ako sa katinuan. Sinuntok ko ang salamin sa dingding at nabasag iyon. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa luha. Gusto kong lapitan si Anne pero hindi ko kaya.
Diyos ko, bakit? Nanghina ang pakiramdam ko kaya napaupo ako sa sahig. Tumangis ako. Naliligo na ako sa pawis nang mga sandaling iyon.
Pinagmasdan ko ang walang kabuhay-buhay kong pagkalalaki. Kapagkuwa'y napatingin ako sa mga nagkalat na piraso ng nabasag na salamin. Malabo na ang lahat para sa 'kin. Hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin.
Hinawakan ko ng kaliwang kamay ang aking pagkalalaki. Sa kanang kamay naman ay hawak ko ang isang piraso ng basag na salamin. Pumikit ako. Animo'y pumasok ako sa madilim at mainit na mundo ng mga demonyo.
"Ah..." malakas kong sigaw.
- WAKAS -