NANG SUMUNOD na araw paggising ko ay isang text message ni Anne ang nagpadilim muli ng aking mundo.
"Daniel, thanks for everything. Mahal na mahal kita, babe, kaya lalayo na ako sa 'yo. You barely knew me. At sigurado akong kapag nakilala mo ang totoong pagkatao ko, isusumpa mo ang araw na nakilala mo ako. I love you, goodbye."
Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko'y isa ako sa mga biktima ng pelikulang chainsaw massacre. Walang nabuong mga salita sa mundo ang makakapaglarawan ng sakit na nararamdaman ko.
Ano ba'ng ibig sabihin ni Anne na hindi ko pa siya gano'n kakilala? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pinakita niya sa 'kin para masabi kong isa siyang napakabuting babae? At hindi pa ba sapat sa kanya ang pagmamahal ko para makasiguro siyang balang araw, ang apelyido ko'y magiging apelyido niya na rin?
Putang ina, bakit? Ang gulo, e. Ang gulo-gulo talaga!
I dialed Anne's number. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong sabihin sa kanyang kahit hindi ko man alam ang bawat detalye ng buhay niya, ang puso ko'y kilalang-kilala naman siya. Naisip ko ring baka kapag narinig niya ang boses ko na madalas niyang sabihin na boses anghel daw, ay magbago pa ang kanyang isipan. Mare-realize niyang impyerno ang katumbas kapag nawala ako sa buhay niya.
Pero unattended na ang number ni Anne.
Hindi ko namalayang nagbabagsakan na pala ang mga luha ko. Mga luhang bunga nang matinding sakit na nararamdaman ko no'n.
Anne, bakit?
Biglang kumulog at ilang sandali lamang ay umulan nang napakalakas. Sumasabay iyon sa paghihinagpis ko nang mga sandaling iyon.
Napasigaw ako at naibato ang cellphone sa dingding. Napayakap ako sa 'king mga tuhod. Pilit kong isiniksik ang ulo ko roon.
Ilang sandali ay may naramdaman akong parang hangin na yumakap sa 'kin. Hinagod niyon ang aking likuran. Subalit hindi ko na iyon pinansin pa.
*****
ANG mga lumipas na araw ay tila hangin lamang na dumaan sa 'king buhay. I was really depressed. Bakit lagi na lang akong iniiwan? Ano pa ba ang kulang sa 'kin?
"Nak, puwede ba kitang makausap?"
Napatingin ako kay nanay Lea sa may pintuan ng kwarto. Nakaupo lang ako no'n sa kama. Actually, hindi pa nila alam ang tungkol sa pag-iwan ni Anne sa 'kin. Ayokong pati sila ay maapektuhan pa.
Nang hindi ako sumagot ay pumasok na si nanay at umupo sa tabi ko.
"Nak, napapansin ka na namin ng tatay mo, may problema ka ba?" she asked.
"Wala, nay," mahina kong tugon.
"Bakit nandito ka na lang palagi sa kwarto mo? Dalawin mo si Anne o gumala ka kasama ang mga kaibigan mo."
"Nay, hindi ko ba nasabi sa inyong umuwi ng probinsiya si Anne? Pero babalik na siya sa Monday para mag-enroll. At saka, nay, wala akong mga kaibigan. Alam niyo naman siguro 'yon. Hindi ko na nga masyadong pinapansin ang mga kakilala kong itinuturing akong kaibigan."
Bumuntong-hininga si nanay. "Okay, nak. Akala namin may problema ka. Nagkukulong ka kasi rito sa kwarto mo, e." Ngumiti siya pero hindi ko sinuklian. Pati yata ang pagngiti ay nakalimutan ko na kung paano gawin.
"Hindi pa ba kayo sanay sa 'kin, nay? 'Di ba ito naman talaga ang kinalakhan kong buhay simula't sapol? Gusto ninyo ni tatay, bahay-school lang ako. Ayaw ninyong gumala ako, ayaw ninyong makipagbarkada ako," sabi kong may tonong panunumbat.
Natahimik si nanay Lea. Nakatitig lamang siya sa 'kin.
"Nak, hindi ko kagustuhan 'yon. Kagustuhan ng tatay mo. Pero naisip kong para din naman sa 'yo ang paghihigpit namin, e. May point naman ang tatay mo," mayamaya ay sabi niya.
"Nay, mamaya na tayo mag-usap. Matutulog po ako." Gusto ko talagang mapag-isa nang mga sandaling iyon.
Tumayo si nanay Lea. "Okay, nak. Pasensiya na sa abala," sabi niyang dumukwang at hinalikan ako sa tuktok ng ulo. Kapagkuwa'y lumabas na nga siya ng aking kwarto.
Nang gabing iyon ay hindi talaga ako makatulog. Alas onse na. Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isipan ko si Brad.
Kinuha ko ang cellphone sa bedside table. Binuksan ko ang facebook at hinanap ang profile ni Brad.
Naka-hubad siya ng damit at nasa likod ng ulo ang mga kamay. Nang-aakit talaga siya sa profile picture pa lang. Binasa ko ang mga comment, puro mga bakla. Lahat ay gustong matikman siya at nire-replyan naman niya ng "Twenty-thousand muna!"
Proud pa si Brad na ilagay kung ano ang kanyang trabaho. Macho Dancer at Katas Gay Bar.
Humiga ako at pumikit. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari sa 'min ni Brad. Kahit anong waksi ko sa isipan ay hindi ko talaga magawa. Nanaig pa rin ang animo'y palabas sa gay porn site na mga eksena namin ni Brad. Napabangon ako at sinabunutan ang sarili.
Shit!
May bigla akong naisip. Kinuha ko sa drawer ang ATM card na ibinigay sa 'kin ni mang Rodel. Nag-ayos ako ng aking sarili at walang paalam na lumabas ng bahay.
Matapos makapag-withdraw ng thirty-thousand ay dumiretso na ako sa Katas Gay Bar. Wala na akong pakialam no'n kahit pa may makakakilala sa 'kin.
Naghanap ako ng table. Pumuwesto ako sa pinakamadilim na bahagi ng naturang bar. Marami na rin ang mga parokyano. Karamihan ay mga baklang nagladlad na talaga. Meron ding mga matrona at tulad kong naguguluhan sa sarili.
Umorder ako ng beer. Ininom ko kaagad 'yon. Marami ang napapatingin sa 'kin pero hindi ko na lamang sila pinansin pa. Wala akong pakialam sa iniisip nila sa 'kin.
"Hi..."
Napalingon ako sa bumati. Isang matrona pala. Tingin ko'y nasa kwarenta na ang edad. Halatang napakayaman dahil sa mga alahas na suot. Labas na labas ang cleavage nito sa suot na tank-top.
Hindi ako tumugon. Sinuklian ko na lamang ang ngiti niya. Hinayaan ko rin siyang umupo sa upuang kaharap ko.
"H'wag kang ma-offend, ha. Are you gay?" tanong niya.
Tinitigan ko siya nang maigi. "Ano sa tingin mo?" ganting-tanong ko sa kanya.
"Actually, wala sa hitsura mo, e. Sobrang attracted nga ako sa 'yo. Pero sa panahon kasi ngayon, mahirap nang alamin kung straight o hindi ang isang lalaki. If you know what I mean..."
Hindi ko alam kung bakit pero may bigla akong naisip nang mga sandaling iyon. Siguro'y bunga na rin iyon nang pangungulila ko kay Anne. Dagdagan pang nakainom na ako.
Dumukwang ako palapit sa tenga niya at may ibinulong, "Kung gusto mong malaman ang sagot ko sa katanungan mo, sundan mo ako sa CR..."
Pagkasabi ko niyon ay tumayo na kaagad ako. Hindi ko na hinintay na tumugon siya. Naiihi rin naman ako no'n. Ang balak ko'y kantutin ang matrona sa CR. Hindi ako dapat mangamba kasi hindi naman siya bakla. Hindi eepekto ang sumpa sa kanya. I just want to have fun that time.
Lumingon ako. Hindi pa rin siya tumayo pero nakatingin sa 'kin. Sigurado akong susunod siya. Alam kong patay na patay sa akin ang matronang 'yon.
Pumasok na ako sa CR. Tamang-tama, maraming bakanteng cubicles. May isang baklang babaehan doon na nag-re-retouch. Tumingin siya sa 'kin.
"Hi..." bati niya.
"Hello," ganting-bati ko sa kanya.
"Ang pogi mo namang bakla. Alam mo, mga tipo mo ang gusto kong hadain," sabi niya at tumawa.
Napalunok ako ng laway sa kanyang sinabi.
"Hindi ako bakla," mariin kong sabi.
"So ano ang ginagawa mo sa isang gay bar?"
"Sumama ako sa pinsan kong dancer dito para matuto. Mag-a-apply rin kasi akong dancer," tugon ko sa kanya.
"Talaga? Wow... naman. Kunting palaki ng katawan puwedeng-puwede ka na. Tapos ang pogi-pogi mo pa. Naku, pagkakaguluhan ka tiyak dito."
Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na tumugon. Ipinakita ko sa kanya kung paano ko tinanggal ang butones ng aking pantalon. Maging ang pagbaba ng siper. Napakagat-labi siya.