NASA labas na ako ng naturang condominium building. Tumigil ako saglit at lumingon. Hilam na hilam sa luha ang aking mga mata. I realized that life is really far from the movies. Ang iniisip ko kasi no'n ay may Brad na hahabulin ako at pipigilang umalis gaya ng mga nakikita ko sa pelikula. But it never happened.
Nagpahid ako ng mga luha at tuluyang nilisan ang lugar na iyon. Nagpara ako ng taxi. Pagsakay ko, saka ko naalalang naiwan pala ang binili kong red wine sa condo ni Brad. Pero ano ba ang dapat kong gawin? Bumalik? No way! Hindi na puwede. Hinding-hindi na talaga. Sana lang dinggin ako ng Panginoon na makalimutan agad si Brad. Isa siyang bangungot na nangyari sa buhay ko.
Matapos ang mga sinabi niya sa 'kin, wala ng rason para kumapit pa ako sa kanya. Napakalaking katangahan na iyon kapag patuloy pa akong nagpaka-martyr.
Sinabi niya kasing ayaw na niyang tumigil sa trabahong merun siya. Hindi na raw niya iiwan ang pagma-macho dancer hangga't may karisma pa siya sa mga bakla at matrona. Malaki raw kasi ang kinikita niya gabi-gabi at nagpapakasarap pa siya sa romansa ng mga gumagamit sa kanya.
Nandiri ako sa kanyang mga sinabi and at the same time ay parang sumabog ang dibdib ko sa sobrang sakit.
Naglalaro pa sa isipan ko ang mga huli niyang sinabi. Kailanman ay hinding-hindi ko matatanggap iyon.
"Tol, h'wag ka ngang umiyak diyan. Hindi na ako madadala sa mga dramang ganyan, e. Kung gusto mo akong gamitin ngayon, dapat may twenty thousand ka riyan."
Napapatingin na sa akin ang drayber sa rearview mirror. Alam kong nagtataka ito kasi patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Mga alas sais y medya ng gabi nang dumating ako sa lugar namin. Dumiretso ako sa bahay ni mang Rodel.
"Daniel, kanina pa ako naghihintay sa 'yo, e," nakangiti niyang sabi. Pero biglang parang nilamukos na papel ang mukha niya nang mapansing namamaga ang mga mata ko. "Daniel, okay ka lang?" tanong niya.
Hindi ako tumugon. Sa halip ay niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak ako sa kanyang balikat. Hinagod naman niya ang aking likuran at inalo ako. Tanong siya nang tanong kung ano ang problema ko pero hindi ko talaga siya sinasagot. Umiiyak lang ako nang mga sandaling iyon at ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman.
Nang mahimasmasan ako ay saka ako nagsalita, "Happy birthday, mang Rodel."
"Salamat, Daniel. I hope okay ka na. Kain na tayo," sabi niya.
"Ito lang ang maibibigay kong regalo sa 'yo, mang Rodel."
Naghubad agad ako ng damit. Isinunod ko ang aking pantalon at brief. Nagmistula akong tinalupang saging sa harapan niya. Kapagkuwa'y sumandal ako sa likod ng pinto at inilagay sa likod ng ulo ang dalawang mga kamay.
"Angkinin mo na ako. Happy birthday," pahikbi-hikbi kong sabi sa kanya.
"Sure ka, Daniel?" aniyang titig na titig sa aking kahubaran.
"No more questions, please!" Napalakas ang boses ko nang sabihin iyon.
Agad namang tumalima si mang Rodel at inangkin niya nga ako. Bigay todo siya sa pagpapaligayang ginawa sa akin. Halos lahat ng bahagi ng aking katawan ay hindi nakaligtas sa eksperto niyang dila at bibig.
Nang mga sandaling iyon habang ginagamit niya ako ay patuloy pa rin sa pagbalong ang aking mga luha. Putang ina ang sakit talaga ng ginawa sa akin ni Brad. Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit na nararamdaman ko no'n. Hindi sapat ang ginagawa ni mang Rodel sa 'kin para makalimot kahit sandali lang.
"AKIN lang ang katas mo, Daniel! Akin lang! Hindi ako makakapayag na may ibang bakla na makakatikim ng katas mo!"
Bigla akong nagising. Shit! Naulit na naman ang panaginip na 'yon. Ano'ng ibig sabihin nang sinabing iyon ng pinsan kong bakla?
Naliligo ako sa pawis at sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Napatingin ako sa wall clock. Alas sais na pala ng umaga.
Paano ako nakauwi sa 'min? Ang huli kong naalala ay kasama ko si mang Rodel nang nagdaang gabi. Napanganga ako at nanlaki ang mga mata. Nahirapan akong huminga.
Bumangon ako at tumayo sa kama. Lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
Asan ang mga magulang ko?
"Nay! Tay!" pasigaw kong tawag sa kanila.
Pero walang sumasagot. Naisipan kong lumabas ng bahay. Nagtaka ako sa dami ng tao sa daan. Ano'ng nangyari? Muling umusbong ang matinding kaba sa aking dibdib. Lumabas ako ng gate namin. Nakita ko si nanay Lea. Lumapit kaagad ako sa kanya.
"Nay, ano'ng nangyari?" naguguluhan kong tanong.
Tumigil siya saglit sa pakikipag-usap sa kapitbahay namin.
"Si Rodel kasi, nak. Nakita kanina sa harap ng tindahan niya. Ipinako ang mga kamay at paa. Wala ng buhay," tugon ni nanay Lea.
Napanganga ako sa narinig mula sa kanya. Nanlamig ang buo kong katawan. Bakit? Bakit nangyari na naman 'to? Bakit nabiktima si mang Rodel? Akala ko ba coincidence lang ang lahat. Akala ko ba tapos na 'to. Bakit nangyari na naman?
"Nak, okay ka lang? Namumutla ka."
Napatingin ako kay nanay Lea. "O-okay lang ako, nay. Hindi lang ako makapaniwala kasi bumili pa ako kagabi ng softdrink sa kanya, e," medyo nauutal kong tugon. "Nay, asan pala si tatay?"
"Sumama ang tatay mo sa pinagdalhan kay Rodel. Kumain ka na kaya. Baka nagugutom ka, e" nag-aalalang sabi ni nanay Lea.
"Sige-sige, nay," sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti.
Pumasok nga ako sa bahay namin. Kahit pilitin ko ang sariling lunukin ang pagkain ay hindi ko talaga kaya. Katawan ko na mismo ang ayaw iyong tanggapin.
Bumalik na lamang ako sa 'king kwarto at agad na humiga sa kama. Tumulo ang mga luha ko. Hanggang sa umiyak na ako nang umiyak. Walang pagsidlan ang utak ko sa dami nang iniisip.
Si Brad. Dahil sa mga nalaman ko tungkol sa kanya at sa napakasakit na katagang sinabi niya sa 'kin.
Si Anne. Dahil parang nagulo na ang puso ko nang makita ko ulit si Brad at hindi ko na alam kung may lugar pa ba siya sa puso ko.
Si mang Rodel. Dahil sa pagpanaw niyang hindi ko alam kung ako ba talaga ang may kagagawan.
Napasigaw ako. Pakiramdam ko kasi ay sasabog na ako nang mga sandaling iyon. Hindi ko na kaya! Putang ina!
Bumangon ako at umupo. Sumandal ako sa headboard ng kama. Niyakap ko ang aking mga tuhod at nagpatuloy sa pag-iyak.
Bakit nangyayari sa 'kin ang lahat ng ito?
"Akin lang ang katas mo, Daniel! Akin lang! Hindi ako makakapayag na may ibang bakla na makakatikim ng katas mo!"
Muling sumagi sa isipan ko ang sinabing iyon ng pinsan kong bakla sa panaginip. Parang may bombelyang biglang bumukas sa utak ko.
Tama.
Nang nagtalik kami ni Ruby ay nilabasan ako sa bibig niya at natikman ang aking katas kaya pumanaw siya. Ganoon din ang nangyari sa batang bakla at kay Yanyan.
Kay mang Rodel naman, noong una kaming nagtalik ay nakaligtas siya dahil nilabasan ako sa loob ng kanyang pwet. Pero nang nagdaang gabi, sa bibig niya ako nilabasan.
Natutop ko ng mga kamay ang aking bibig. Hindi ako makapaniwala sa matinding realisasyong 'yon. Pero ano ba talaga ang nangyayari sa 'kin? Isang klase ng sumpa? Sumpang ibinigay ng pinsan kong bakla noon?
Asan na ba siya? Ano'ng pangalan niya?
Lalong sumakit ang ulo ko sa dami ng mga katanungan sa aking isipan. Kunti lamang kasi ang naalala ko sa pinsan kong iyon. Pati pangalan nga ay hindi ko na alam.
Si nanay naman kasi ayaw magkwento. Ni ayaw ngang sabihin sa akin ang pangalan. Naisip kong si tatay na lang ang tanungin. Tutal sa aking panaginip ay kasali siya. Binugbog niya ang pinsan kong 'yon. Alam kong may koneksiyon ang lahat sa mga nangyayaring patayan.
Tama. Kailangan ko nang malaman ang buong katotohanan sa lalong madaling panahon.