Télécharger l’application
34.2% M2M SERIES / Chapter 130: Daniel (Chapter 39)

Chapitre 130: Daniel (Chapter 39)

PATI sa school ay hindi talaga ako nakapag-concentrate dahil sa problema namin. Iniisip ko pa rin kung paano ako makakatulong kina nanay at tatay.

Sabi kasi ni nanay na magdedemanda raw si mang Rodel 'pag hindi kami nakabayad sa buwang 'yon.

Pero wala talaga akong maisip na posibleng solusyon. Dagdagan pa ng personal problem ko tungkol sa mga baklang namatay na posibleng ako ang killer.

Para na akong mababaliw nang mga sandaling iyon.

"Daniel, lagi ka na lang talagang tulala, may problema ka ba?"

Napatingin ako kay Anne. Hindi ko man lang namalayang nasa harapan ko na pala siya. Nasa canteen na ako no'n at kasalukuyang nag-i-snack.

"Don't mind me, Anne," I told her. Nagpilit akong ngumiti.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Daniel, nalulungkot ako kapag malungkot ka. Kung may problema ka, don't hesitate to tell me. I'm a good listener," sabi niya.

"Thanks, Anne. Pero personal problem kasi 'to, e. H'wag mo na lang alamin."

Nagkibit-balikat na lamang siya. "Okay, Daniel," tipid niyang tugon.

We looked at each other. Hindi ko alam kung gaano katagal basta nauna akong nagbaba ng paningin.

"Daniel, pasyal tayo. Hindi raw papasok si Sir Karim kaya last subject na natin kanina," mayamaya ay sabi niya.

Alam ko na 'yon. Sa katunayan, naisip ko na noong umuwi. Pero pakiramdam ko kasi ay mas lalo akong malulungkot sa bahay kaya nag-decide akong mag-stay muna sa school.

"Where?" I asked.

"Kahit saan tayo abutin," nakangiti niyang tugon. "Sabihin na nating, it's a sort of adventure."

Ngumiti ako sa kanya. She's really nice. I could feel her sincerity.

"Ganyan nga, Daniel. Sana lagi ka na lang nakangiti."

"Thank you for being such a good friend of mine," I said seriously.

"I'm not just a friend. I'm your lover," sabi niya kapagkuwa'y ngumisi.

Muli kaming nagtitigan sa isa't isa. Ngumiti ako at ngumiti rin siya. Medyo gumaan naman ang kalooban ko nang mga sandaling iyon.

Sabay nga kaming lumabas ni Anne ng pamantasan. Wala akong ideya kung saan nga kami pupunta basta sunod lamang ako nang sunod sa kanya.

Naglakad lang talaga kami. Nang makaramdam ng pagod ay tumambay kami sa plasang nadaanan namin.

"Pawis na pawis ka, Daniel," puna niya sa 'kin.

"Oo nga, e. Ang init kasi, Anne," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hubarin mo muna kaya ang polo mo," she suggested.

"Wala akong sando, e."

"Edi mas mabuti. Makikita na kitang hubad," natatawa niyang sabi at natawa rin ako sa kakulitan niya.

Pero binaliwala ko lang ang kanyang sinabi. Nagkataon pang wala akong dalang panyo no'n. Pinunasan ko ang pawis sa noo gamit ang likod ng kanang kamay.

"Here."

Napatingin ako kay Anne na inilahad ang puting panyo sa 'kin.

"Hindi ko pa nagagamit 'yan. Baka marumi ako sa paningin mo, e," she added.

"Bakit mo naman naisip na marumi ka sa paningin ko, Anne?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

"Joke lang po," sabi niya at muling tumawa.

Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Siya na mismo ang nagpunas ng pawis ko sa noo. Pati mukha ko'y pinunasan na rin niya.

"Baka hahanap-hanapin ko na ang ginawa mo, lagot ka," sabi ko.

"Bakit ako malalagot, Daniel? Pangarap ko nga 'yon, e," seryoso niyang turan.

"Gano'n?" tipid kong tanong.

"Opo. Kaya nga hubarin mo na ang polo mo para mapunasan ko rin ang katawan mo. Pawis na pawis ka, e. Baka magkaubo ka pa niyan kapag natuyuan ka ng pawis."

Sumikdo naman ang puso ko sa pag-aalala niya. "Sige na nga," sabi ko. Kinindatan ko pa siya. Alam ko naman kasing gusto rin talaga niyang makita ang katawan ko no'n.

Tinanggal ko nga ang mga butones ng polo ko kapagkuwa'y hinubad nga iyon. Nakatitig lang si Anne sa 'kin.

"You're heaven on earth, Daniel. Ang swerte talaga ng babaeng mamahalin mo," seryoso niyang sabi.

"Sobra naman 'yon, Anne. Baka pumutok na atay ko, a," pabiro kong sabi sa kanya.

Hindi siya tumugon. Pinagmasdan lang niya ang hubad kong katawan kapagkuwa'y sa mukha at balik ulit sa katawan. Hindi naman ako naasiwa sa ginagawa niya sa totoo lang.

"Hoy, Anne! Ano na? Akala ko ba pupunasan mo ako ng pawis sa katawan?" mayamaya ay untag ko sa kanya.

Para naman siyang natauhan sa sinabi ko. "Sensya na, Daniel. Ang sarap mo kasing pagmasdan," sabi niya pagkuwa'y tumawa.

Natawa rin ako. Naisip kong parang bakla rin pala siya o sadyang masyado lang talaga akong hot kaya pati mga babae ay nababakla na rin sa 'kin. Mas lalo akong natawa sa kayabangan kong iyon.

Pinunasan nga ako ni Anne ng pawis sa buong katawan gamit ang dala niyang extra T-shirt.

Tawa ako nang tawa no'n. Inaamoy pa talaga niya ang T-shirt na pinangpunas sa 'kin. Gusto raw niyang maamoy ang pawis ko.

"Bakit ka nagtitiis sa T-shirt lang? Puwede namang ako mismo ang amoyin mo," pabiro kong sabi sa kanya.

Pero tinotoo naman niya kaya hinayaan ko na rin siya. Hindi pa niya pinaligtas pati mga kilikili ko.

"Ang bango mo pa rin, Daniel," she said after.

"Amoy baby ba?" panunukso ko sa kanya.

"Sinabi mo pa," natatawa niyang tugon.

Nanatili lamang akong hubad nang mga sandaling iyon. Inilagay ni Anne sa damuhan ang damit ko. Sa parteng naiinitan ng araw para matuyo raw.

May dumaan na nagtitinda ng ice cream. Nagyaya si Anne na bumili kami para daw malamigan ang katawan namin.

Libre na naman niya. Kahit labag na sa kalooban ko ay hindi talaga ako makatanggi.

"Anne, nakakahiya na talaga sa 'yo. Parang baliktad naman yata 'tong sitwasyon natin ngayon, e. Ako dapat ang nanglilibre sa 'yo kasi ako ang lalaki," sabi ko. Take note! 'Lalaki' talaga ang sinabi ko.

"Ano ba, Daniel? Okay lang talaga promise. Kulang pa nga ang lahat ng ito sa happiness na binibigay mo sa 'kin 'pag kasama kita, e," nakangiti niyang turan.

Bumuntong-hininga ako. Napatingin ako sa kanya. Sarap na sarap siya sa pagkain ng ice cream.

Napakapula ng kanyang mga labi at hindi ko alam kung bakit basta biglang pumasok sa isipan kong halikan siya.

"Ehem... gusto mo akong halikan, Daniel, 'no? Aminin..." pabiro niyang sabi. Napansin pala niyang nakatitig ako sa mga labi niya.

"Okay lang sa 'yo?" tanong ko. Medyo kumabog ang puso ko no'n.

"Kailangan mo pa talagang magtanong, Daniel? Oo naman," sagot ni Anne. Halata sa hitsura niya noon ang matinding pananabik sa binabalak kong gawin no'n.

Nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Kunti lang naman ang mga tao sa plasa.

Naisip ko rin noong wala ng ignorante sa kiss kaya okay lang ang gagawin namin.

Dahan-dahan ko ngang ibinaba ang mukha palapit sa kanya. I closed my eyes.

Then we kissed. Napakatamis nang halikang iyon at mas lalong pinatamis ng ice cream.

Nang mga sandaling iyon ay nagustuhan ko talaga ang pakikipaghalikan kay Anne. Mahirap mang aminin sa sarili pero totoong nasarapan ako.

Ilang sandali ay na-bad trip ako. Alam ninyo kung bakit? Bigla kasing pumasok sa isipan ko si Brad.

Habang patuloy ako sa pakikipaghalikan kay Anne, si Brad na ang iniisip kong kahalikan.

Putang ina! Akala ko pa naman no'n ay kaya kong buhayin ang straight version ng aking sarili. Hindi ko pala talaga kaya.

Baklang-bakla ka nga, Mr. Daniel Lopez!


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C130
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous