Télécharger l’application
29.5% M2M SERIES / Chapter 112: Daniel (Chapter 21)

Chapitre 112: Daniel (Chapter 21)

"TOL, basket tayo," sabi ni Brad.

Nakaupo lang kami no'n sa harap ng gate namin habang naninigarilyo.

"Mayang kunti na," sabi ko naman na kinokontrol ang sariling hindi mapaubo. Hindi talaga ako sanay na mag-smoke sa totoo lang.

"Okay," pagsang-ayon naman ni Brad. "Baka makita ka ng nanay mo na naninigarilyo ka, ha." May pag-aalalang sabi niya.

"Okay lang 'yon. Hindi naman ako takot kay nanay, e. Malaking problema kung si tatay Rey ang makahuli sa 'kin," nakangiti kong sabi sa kanya.

Nag-concentrate kaming muli sa paninigarilyo. Patingin-tingin lang kami sa mga dumadaang tao.

"Tol, wala pa akong nakikitang magagandang chick dito sa lugar ninyo," mayamaya ay sabi ni Brad.

Napalingon ako sa kanya at ngumiti. Naging palagay na ang loob ko sa kanya nang mga oras na 'yon.

Biglang sumagi sa aking isipan ang mga ginawa ko sa kanya do'n sa kwarto.

'Di ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya habang parang wala sa sariling nakangiti.

"Tol, bakit? May dumi ba ako sa mukha?" nakakunot-noo niyang tanong sa 'kin.

Para naman akong nauntog sa bato dahil sa kanyang mga katanungan.

"So-sorry, may naaalala lang kasi ako sa 'yo, tol" sabi kong medyo nauutal pa.

"Gano'n? Ano naman 'yong naaalala mo sa 'kin, ha?"

"May nakilala rin kasi ako dati na tulad mo. Bagong kapitbahay tapos pareho rin kayo nang tinanong sa 'kin kung may magagandang chicks ba rito."

Palusot ko lang naman 'yon at nagdasal ako na sana ay bumenta sa kanya.

"Hindi ko naman tinanong kung may magagandang chicks ba rito, tol. Sinabi ko lang naman sa 'yo na so far wala pa akong nakitang magandang chickababes dito," sabi niya.

Tumawa ako. "Gano'n na rin 'yon, tol," sabi ko.

Tumawa rin siya. "Sino pala 'yong sinabi mong kakilala mo dati?" tanong niya.

"A, h'wag mo na siyang isipin. Wala na rin naman siya rito. Lumipat na siya I think six months ago dahil 'di raw niya makasundo ang kanyang tita. Nakitira lang kasi siya." Patuloy kong pagsisinungaling kay Brad.

Hindi na siya umimik kaya natahimik na lang din ako.

"Tol, may experience ka na ba sa mga bakla?" mayamaya ay tanong niya sa 'kin.

Napanganga naman ako sa tanong niyang iyon. Muling pumasok sa utak ko ang panghahalay noon sa akin ng pinsan kong bakla. Bata pa ako masyado no'n, e. Iwinaksi ko sa isipan yon'.

Bumuntong-hininga ako bago sumagot, "Wala pa. Saka parang 'di ko naman yata kaya 'yon, e. Maraming nanliligaw sa 'kin na mga bakla pero ayoko silang sakyan," sagot ko sa kanya.

Totoo naman kasing ang dami talagang nagpaparamdam sa akin na mga bakla.

Nasabi ko na naman siguro 'yon. Una na sa listahan si mang Rodel at pangalawa si Ruby.

"Masarap ba 'yon, tol?" Bigla kong tanong sa kanya.

Natawa siya sa tanong kong iyon. Itinapon niya ang upos ng sigarilyo sa daan.

"Bakit 'di mo subukan?" ganting-tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Bigla na namang sumakit ang dibdib ko sa narinig. "Kaya nga tinatanong kita, e. Para may ideya ako," sabi ko sa kanya.

"Hmmmm... masarap naman talaga 'yon pero mas masarap talaga 'pag babae, e," natatawa niyang sagot.

"Maraming beses ka na bang nagamit ng mga bakla?" tanong kong inihanda ang sarili sa kanyang isasagot.

"Unang experience ko no'ng fourteen ako. Katuwaan lang namin magbabarkada 'yon. For experience ba. Tapos nasundan nang nasundan kasi... ewan ko ba, nahihiya akong humindi lalo na 'pag kilala ko na ang mga bakla. Parang gift ko na lang din sa kanila 'yon. Naisip ko, kaysa naman salsalin ko lang edi ibigay ko na lang sa kanila ang tamod ko."

At tumawa siya habang ako naman ay parang sinasaksak na ang puso nang mga sandaling iyon.

Natameme lang ako at hindi na nag-react pa sa mga narinig ko mula sa kanya.

"Hoy, tol! Okay ka lang? Natulala ka na naman diyan."

Narinig kong sabi ni Brad. Lumingon ako sa kanya at nagpakawala nang isang pilit na ngiti.

"Okay lang ako, tol. Naisip ko lang kasi ang mga sinabi mo, e. Parang may point ka nga," sabi ko.

"Ang alin do'n, tol?"

"'Yong sabi mong kaysa salsalin lang edi ibigay na lang sa mga bakla."

"Baka gayahin mo ang ginagawa ko, tol, ha. Ako pa ang makaimpluwensya sa 'yo na mamakla rin," natatawa niyang sabi.

"E, bakit ayaw mong pagbigyan si mang Rodel?" tanong ko.

"'Di ba nasabi ko na sa 'yong ayoko 'yong dinadaan ako sa bastusan. Lalo na 'pag inoofferan ako ng pera."

Napatango-tango ako kapagkuwa'y tumayo akong bigla. Ewan, basta nasasaktan na talaga ako no'n. Ayoko nang makarinig pa ng mga kwento ni Brad tungkol sa mga bakla.

"Oh... saan ka na pupunta?" maang niyang tanong na tumayo rin.

"Kay mang Rodel. Bibigyan ko siya ng tips kung paano ka niya matitikman, tol," sabi kong hindi na makatingin pa sa kanya. Baka mabasa pa niya sa aking mga mata na nasasaktan ako.

"Loko-loko ka, tol, a. 'Yan ang h'wag na h'wag mong gagawin," natatawa pa rin niyang sabi.

Tumalikod na ako sa kanya at humakbang papasok sa gate namin.

"Saan ka na pupunta, tol? Akala ko ba maglalaro tayo ng basketbol?" nagtatakang tanong niya.

"Sorry, tol. Next time na lang. Bigla akong inantok, e," tugon ko at hindi na pinakinggan ang iba pa niyang sinabi.

Pumasok na ako sa bahay at tuluyang nagpunta sa aking kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama. Nanghina talaga akong bigla sa mga revelation ni Brad.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C112
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous