Nagising ako mula sa isang bangungot at dahil na rin sa sinag ng araw na tumapat sa aking mata. I really hate lights to be honest. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si ate na nagluluto ng breakfast naming apat.
"Oh ang aga mo magising ngayon ah?" paasar niyang sabi sa akin. Tanghali na talaga kasi ako nagigising. Kapag weekends tapos walang pasok, siguro natutulog ako ng 4:00 nang umaga tapos gigising ako ng 2:00 ng hapon.
"Ang liwanag kasi e. Si Juno hindi pala sinara yung blinds," sabi ko.
Biglang lumabas si Juno sa banyo na basang-basa ang mukha. Halatang kagigising lang din at naghilamos. "Anong ako? Ikaw kaya huling natulog," sabi niya.
"Utot mo!" sabi ko habang pinapakyuhan siya.
"Mabango!"
"Oo nga pala ate, anong sitwasyon sa labas? Lumabas ka na ba?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa. Mamaya ako lalabas siguro. May aasikasuhin din ako sa campus e", sagot niya sa akin habang naghahain ng breakfast. Itlog, Hotdog, tapos cornbeef ang ulam. Your typical breakfast na napakasarap naman talaga lalo na pag sasamahan mo ng barakong kape, yung nanununtok ba.
"Sama ako ah! Gusto ko makita kung anong nangyari kagabi," sabi ni Ria na biglang sumulpot mula sa labas ng kwarto ni ate. Sabog pa yung buhok niya tapos may panis na laway pa sa bibig. Ang cute niya lang.
"Ako rin pasama. May bibilhin lang ako," sabi ko bilang palusot. Aba e kung sasama din lang si Ria, sasama na rin ako.
"Alangan namang maiwan ako dito? Pasama aba," pasagot ni Juno habang pinupunasan niya ang kaniyang mukha.
Tumawa na lamang si ate at pumayag na lumabas kaming apat. Salo-salo kaming kumain sa hapagkainan at nagdasal nang taimtim para magpasalamat sa pagkain.
Hindi ako kailanman naging relihiyoso. Yung facebook ko nga puro tadtad ng katarantaduhan na memes tapos Papuri sa Diyos remix pa ang ringtone ng cellphone ko.
Biglang pumasok sa isip ko yung signal kaya dali-dali kong tiningnan ang cellphone ko para lang madismaya ako kasi wala pa ring signal ang kahit ano hanggang ngayon. Binuksan ko rin ang tv ngunit wala talaga.
Pagkatapos namin maligo lahat at maghana para lumabas, agad-agad kaming sumakay ng elevator pababa ng condo.
Laking gulat namin nang makarating kami sa baba. Walang tao sa reception at lobby na dati rati ay punong-puno ng chismisan at mga bisita. Maging sa labas ay wala ring matanaw kahit isang tao man lamang sa paligid. Ang dati rating magulong daan ng Espana na punong-puno ng tao, ngayon ay parang isang abandonadong lugar na lamang. Naroroon pa rin ang mga sasakyan na magkakadikit sa isa't isa. Ang mga traffic lights na lahat ay kulay berde at bukas pa rin ang ilaw ng mga street lights.
"Anong nangyari? Nasan ang mga tao?" gulong-gulo na tanong ni ate.
Kahit ako hindi ko alam ang isasagot kaya't nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad. Pagdating namin Jhocson, naglakad kami ng kaunti paloob dahil nandoon yung kakilala ni ate.
Habang naglalakad kami, napansin naming may isang babaeng naglalakad papunta sa amin, si Zera, ang kaklase ni ate na pupuntahan namin. Sugatan siya at puno ng dugo tapos hindi rin makalakad nang maayos. "Tumakbo na kayo. Kailangan niyong umalis dito," sigaw niya habang paika-ika sa kaniyang paglalakad hanggang sa madapa.
"Zera okay ka lang?!" sigaw ni ate sa malayo.
Balak na sana namin siyang lapitan nang biglang dumating ang napakaraming tao sa likod niya, duguan, puro sugat ang mukha, yung iba hindi kompleto ang katawan. Sampu? Isang daan? Libo? Hindi ko mabilang sa sobrang dami nila. Tao? Tao nga ba?
Agad sinakmal ng mga nagtatakbuhang tao si Zera at kinagat ang balat niya at agad-agad namang napunit. Pinagtumpukan nila si Zera at pinagpyestahan na parang isang pagkain.
Sigaw na lamang ang narinig namin mula sa kinapepwestuhan niya dahil hindi na namin makita kung anong nangyayari.
Sisigaw na sana si Ria mula sa nasaksihang pangyayari pero agad kong natakpan ang bibig niya at ipinwesto ang aking daliri sa bibig para sabihing huwag siyang maingay.
Dahan-dahan kaming naglalakad papalayo sa kanila nang biglang makasipa si Juno ng lata at tumunog nang malakas. Tumigil sa pagkain ang mga nagtumpukan kay Zera at pumaling ng tingin sa amin sabay dali-dali nagtatakbo papunta sa kinalalagyan namin.
"Sh*t! Sh*t! Sh*t!, takbo!" pasigaw kong sabi sa kanila.
"Ano bang nangyayari ngayon? Ano yung mga yon? Para silang Zekes!," sigaw ni Juno. Zekes na kung tawagin ay 'zombies' sa movie na World War Z. Mahilig kami sa mga zombie movies kaya ayon, biniyayaan tuloy kami ng zombie.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari na ang dating pinapanood ko lang na Hollywood movies about zombies e siya nang humahabol sa amin at balak kaming gawing pulutan. Alam ba to ng gobyerno? Bakit hindi sila gumagawa ng aksyon dito?
Nagmamadali kaming tumakbo palayo sa kanila. Hindi pa ako nakakatakbo nang ganito kabilis. Siguro kung kasali ako sa track and field, malamang ako na ang gold placer. Para kaming nasa fun run, yun nga lang nilagyan ng zombie. Dala na rin siguro ng adrenaline rush kaya sobrang bilis naming tumakbo.
40 meters. Ganyan kalapit ang agwat namin sa horde ng zekes. Napakalapit diba? Kahit na bali-bali yung mga buto nila, napakabilis nila tumakbo. Oh how I wish na sana ganon na lang sa post Walking Dead series na naglalakad lang ang mga zombies tapos ang lalambot pa.
Ilang sasakyan na ang nalampasan namin nang biglang madapa si Juno. Pagkakalampa nga naman. Siguro kung normal na araw to at walang zombies na humahabol sa amin malamang pipicturan ko pa siya at tatawanan.
"Iwanan niyo na ako. Sige na tumakbo na kayo," sigaw niya.
Hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy sa pagtakbo matapos marinig ang mga sinabi niya.
"Hoy p*ta joke lang! Ito dapat yung part na sasabihan niyong hindi niyo kayang mawala ako tapos tutulungan niyo ako e!" sabay tayo at muling at muling takbo ni Juno.
20, 19, 18, 17, 16, 15, 14 meters! Papalapit na sila. Malapit na kami sa Condo at agad-agad kaming pumasok at isinara ang pinto.
Kahit sobrang hingal na hingal, pinilit naming itulak ni Juno ang malalaking furnitures sa loob ng condo para maihara sa pintuan at mapagtibay ito. Lahat na siguro ng makukuha naming gamit, nilagay namin sa may pintuan. Kahit nga yung flower vase nilagay ko e.
Nagpahinga kami nang saglit sa may lobby, tulala at hindi matanggap na ganito ang sitwasyon. Dapat nasa loob lang ako ng classroom ngayon, tulog at balak batuhin ng professor ko gamit ang kaniyang mahiwagang chalk.
"Ano nang gagawin natin ngayon? At anong nangyari sa kanila?" tanong ni ate sa amin habang hingal na hingal na nagpapahinga.
"I know you'll find it hard to believe pero..... mga zekes sila or zombies kung tawagin. Diba Juno? Nikko?" sagot ni Ria habang nakahiga sa sahig.
"Zekes? Zombies? Niloloko niyo ba ako?!", sagot ni ate sabay turo sa mga zombies sa labas na parang hinahalikan ang bubog na pinto.
"Ano pa bang maaaring paliwanag? Taong kumakain ng kapwa tao na wala sa tamang pag-iisip. Tingan mo nga ate, after all the things we've been through ngayon, hindi ka pa rin naniniwala na mga zekes sila?" sagot ko na may kaunting pagkainis. Wala na kasi talagang ibang maaaring paliwanag.
All of the precautions the government did na akala namin dahil sa covid, para dito pala. Yung total-lockdown at mas maraming sundalo kaysa health workers sa border ay para pala macontain ang buong Manila at walang makalabas na infected at para hindi na rin lumaganap ang virus; No signal or reception, kahit internet so we can't update on what's currently happening inside Manila at para hindi magpanic ang mga tao na nasa ibang lugar; ang bilyon-bilyong pagkakautang na para makahanap ng bakuna sa ganitong uri ng sakit; at malamang, pati ang mga balita na napapanood ng aming mga pamilya ngayon ay scripted para ipakita na maayos ang lagay sa manila.
All of those things and plan, para pala sa scheme nato. Fck the government! They abandoned us so we can't expect something from them.
"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Ria.
"Sa ngayon, kailangan muna natin maghanap ng makakain. Yung mga instant foods like sardines, tuna, basta kahit anong madaling lutuin at hindi madaling mapanis. May dining area naman itong condo so siguro maraming stocks ng pagkain doon. Yun nga lang sa 5th floor pa. Tapos kailangan din natin ng pamprotekta sa ating sarili. Mas mahaba, mas maganda para hindi makalapit sa atin," plano ko sa kanila.
Wow himala for the first time alam ko ang gagawin at solusyon sa mga problema. I guess nagbunga ang panonood ko ng mga zombie survival skills and tips sa youtube tuwing alas tres nang madaling araw. Ewan ko ba. Minsan talaga kung ano-ano na lang pinapanood ko sa youtube. Minsan yung nanghuhuli ng isda gamit ang mentos at softdrinks.
Nasa 5th floor pa ang dining area while parking lot and garage yung 2nd hanggang 4th floor. Sa ganitong mga sitwasyon, mas advisable na gamitin yung hagdan kahit nakakapagod. Kung elevator kasi baka pagbukas pa lang ng pinto, sakmalin na agad kayo ng mga zekes.
Dahan-dahan kaming umakyat sa hagdan nang tahimik, walang armas o gamit na kung ano. It's just ourselves from ground floor to 5th floor.
— Un nouveau chapitre arrive bientôt — Écrire un avis