From that day on. Pumasok na muli ako. Pinahiram ako ni Winly ng pera at ang sabi pa nya ay wag ko na raw bayaran. Hindi naman ako pumayag. Nagpilitan kami ng gusto at sa huli ay sya ang nanalo. Ang dalawang libo na binigay nya ay pinagkasya ko sa mga kailangan sa school at sa bahay. Bumili ako ng kaunting grocery na alam kong importante sa lahat. Kahit kapiraso lamang ang mga ito, ay ayos na sa akin.
Ang hindi ko alam. Dumating sila ni Karen, isang gabi. May bitbit na supot ng mga grocery at kung anu ano pa.
"Hayst!. Nakakainis talaga yung isang professor namin. Ako ba naman lagi tinatawag.." pagdadabog nitong bakla habang isa isang inaalis sa supot ang mga pinamili.
"Eh, baka type ka?." ngiwi lang ni Karen sa kanya. Kinuha nito ang isang supot sa isang paper bag at tumalikod samin upang ilagat sa maliit na lababo. Nilagay nya ito sa palanggana saka binabad ng tubig.
"Kinaiinisan pa kamo, baka pwede pa." anya naman.
"Bakit naman?. May ginawa ka ba para kainisan ka nya?." I asked from nowhere. Naglakad ako't tinulungan si Karen sa paghahanda ng lulutuin.
"Wala naman. Pero ramdam kong ayaw nya talaga sa akin." nguso pa nya. Huminto ito sa ginagawa saka tumingin sa itaas ng matagal habang nag-iisip.
"Ano ba sya?. Girl, boy, bakla o tomboy?." tanong ni Karen habang mahinang humalakhak.
"Bakla." sagot nito tapos nagdabog muli sya't nagkamot ng ulo.
"Ay dai!. Baka nga may nagawa kang mali. Kadugo mo pala eh."
"Iyon nga. Hindi ko alam kung may nagawa akong mali o wala. Gusto ko tuloy idrop subject nya."
"Hoy! Nababaliw ka na ba?. Para dun lang?. Kung ayaw nya sa'yo, e di ireverse psychology mo sya. Do your best pa lalo. Ipakita mo sa kanya na hindi nya deserve yung treatment na ginagawa nya sa'yo." ani Karen na pinamaywangan pa sya. Sumandal ito sa sink saka humarap kay Winly.
"Tama sya Win. Kung susukuan mo nalang ang pagsubok nya sa'yo, he'll say na takot ka nga sa kanya." dagdag ko naman. Tama nga naman kasi yung sinabi ni Karen. Kung ayaw sa'yo ng isang tao, ipakita mong hindi mo sya deserve. Not in a bad way. In a good way naman. Yung tipong, wag mo ng pansinin o kausapin. Kung kailangan lang siguro, dun mo sya kakausapin. Hindi na yung kagaya ng dati.
"Tama sya girl. Hindi lang iyon. Pagtatawanan ka pa. Sasabihing, mas maganda sya sa'yo.." pang-aasar ni Karen sa kanya.
"Ay girl!. Haha! Yan ang hindi pwede! Anong laban nya sa mukhang to?. Polbo lang sapat na. E sya?. Sangkatutak na kolorete sa mukha. Psh!. Palaka!.."
"Wahahahahhahaha.." hindi tuloy namin maiwasang matawa ni Karen. Para kaming mga timang na nakaturo nalang sa mukha nya. Tapos sya naman, namaywang nalang habang ang mataas nyang mga kilay ay kumurba pa pataas.
Ang taray!
"Oh bat ganyan mukha mo?. hahahaha." si Karen ang nagsalita. Inginuso ang hindi na nitong maipinta na mukha.
"Kung makatawa kayo wagas ha?. Alam nyo ba na mas maganda pa ako sa inyo?."
Sa naging tanong nyang iyon. Lalo pa kaming natawa ni Karen. Hawak ko na ang tyan ko sa sakit nito sa kakatawa. Si Karen naman ay nakaupo na talaga sa sahig. Kulang nalang mahiga dahil sa kakatawa.
"Sige lang. Pagtawanan nyo lang ako. May araw din kayong dalawa sa akin. Lalo ka na Karen ha. Humanda ka."
"Uy, bat ako lang?. Dalawa kami dito woi!." angil nito sa kanya.
"Wag na yang si drama queen. Parating na ang karma nyan."
"Wala namang ganyanan hoy!?." agap ko. Itinaas nito ang palad sa mismong mukha ko saka nagsalita.
"Hep!. Wag kang nega. Lalasingin lang naman kita ng todo ngayon tapos sasabihn ko kay Papa Lance.."
"Uy, Win ha?."
"Oh ha? Bat di ka makatawa?."
"E kasi naman, di na biro yan." nguso ko.
"Di nga din naman ako nagbibiro rito." seryoso nyang sambit. Tumayo ako ng maayos saka sya pinalo sa braso. Tinitigan sa mata atsaka pinamaywangan sya.
"Bat ka takot?. Iyon lang naman sasabihn ko. Wala ng iba."
"Kahit na. Ayokong istorbohin sya Win."
"Tsk. Heto na naman tayo sa kumplikado mong prinsipyo. Karen, umayos ka na nga. Madaling araw na naman tayo aabutin nito. Maghanda ka na para makapagsimula na tayo." utos nito sa isa na para bang sya ang boss nito. Hindi naman kumontra ang isa. Agad itong sumunod at ginawa ang mga lulutuin sa mesa.
Hindi na ako nagtanong pa kung bakit sila andito. Actually, nakaugalian na nilang tumambay dito lalo na kapag gusto nilang mag-isip o magpahinga. Simula ng pasukin kasi namin ang college life, para na kaming mga kabayo na kailangan humabol ng humabol kahit minsan ay hindi naman kailangan maghabol. Kakapusin ng hininga. Tipong tubig nalang, sapat na.
Kaya sa tuwing andito tong dalawa. Hindi ko na kailangan pang magtanong. Matik na ang inuman kapag narito sila.
Matapos magluto nI Karen. Kumain kami ng kaunti bago nag-inuman.
"Tumawag na ba sila sa'yo te?." tanong ni Karen habang pumapapak na ng pakpak ng manok. Medyo lasing na ito. Katabi nito si Winly na kakalapag ng basong bagong tungga.
"Hindi pa." may pagkadismaya kong sambit.
"Bat ganun?. Sabi nilang tatawag sila sa'yo eh." nag-isip pang dagdag nitong ni Karen.
"Baka mamaya te. Wait lang pwede?."
"E, malapit nang mag-alas-dyes te." tinignan pa nito ang orasan na nakasabit sa itaas ng maliit na ref.
"Hayaan nyo na. Tatawag din ang mga iyon." sabi ko nalang. Gusto kong umasa pero masasaktan lang ako kung patuloy akong aasa sa wala. Mas mabuti nang wag mag-isip na iniisip nga nila ako. Hahayaan ko nalang sila.
Pero, hindi ko talaga maikakaila na namimiss ko na sila. Lalo na si Ali. Kuya Rozen at kuya Ryle.
At dala na siguro ng tama ng alak sa akin. Basta ko nalang inilabas ang cellphone ko saka hinanap ang pangalan ng dalawa kong kapatid na lalaki sa messenger. Gumawa ako ng group chat namin tatlo at direkta na akong tumawag sa kanila. Habang nagririmg ang call. Subsob na rin ang mukha ni Winly sa mesa. Si Karen naman ay, humilata na sa sofa. Nag-unat na rin ako't hinayaan ang sariling humiga sa sahig. Ang lamig nito ay agad na nanuot sa likod ko. It feels so good.
"Hello?." at sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Si kuya Ryle ang unang sumagot. "Joyce?." gulat nitong tawag sa akin.
"Kuya!?." I called him. Ramdam kong umiiyak ang puso ko nang dahil lang sa pagtawag ko sa kanya. "I miss you na po." and in a span second of time. Nag-init agad ang gilid ng mata ko. "Kailan kayo uuwi?. Papa is not with me anymore. I feel so empty." umiiyak ko ng sumbong. Buong puso kong inilabas ang luha na para sa kanya.
"Joyce?. My goodness!." isang boses ang biglang nagsalita. Nang imulat ko ang aking mga mata. Si Kuya Rozen ang nasa kabilang bahagi.
"Kuya?!. Uwi na po kayo please.." I cried. Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang umiyak. Pareho silang tahimik na dalawa. Hinayaan nila akong umiyak sa harapan nila.
"Roz, anong nangyayari?." I heard kuya Ryle asked him this.
"Joyce, tsk!. My goodness! What happened to you?. I've been contacting you?. Nagpalit ka ba ng simcard mo?." kuya Rozen ask. Ignoring my other kuya's question.
Umiling lang ako. "Bat di kita matawagan?." he added.
"Hindi ko po alam."
"Kailan ka pa huling naglod ha?."
"I don't remember what month is that." I answered honestly.
"Month?. E kung ganun, sira na yan." hinawakan nito ang noo saka suminghap
"Tumawag na ba si Papa sa'yo?." muli, isang iling ang isinagot ko.
"Jesus christ!."
"Tsk." halos sabay nilang singhal na dalawa.
Tapos mahabang katahimikan ang naganap bago naisipan ni kuya Ryle na patayin ang tawag. "We'll be back okay. I miss you." anya tapos pinatay na ng tuluyan ang linya nya. Si kuya Rozen naman ay kumaway lang bago nagpaalam. "I'll be back. Standby okay?." tumango lang ako saka ngumiti. Then, his line went black.
Doon lang ako nakaramdam ng pag-asa. Pag-asang, dito na babalik ang lahat.