Télécharger l’application
47.87% No More Promises / Chapter 135: Chapter 24: Not enough

Chapitre 135: Chapter 24: Not enough

Napaatras ako ng marinig ang mga katagang iyon. Ayaw nya akong makita. Ayaw nya raw akong makausap. At mas lalong ayaw na raw nya sa akin. Pilit kong iniintindi ang bawat linyang sinabi nya pero hindi ko pa rin maintindihan. Wala akong maintindihan sa pinupunto nya.

Bakit ayaw na nya sakin?. Anong dahilan nya?. Bakit sumuko na sya gayong ako ay hindi sa kanya?. Andito pa naman akong lumalaban?. Bakit pipiliin nyang mag-isa kung lumaban?. Mas madali naman kung kaming dalawa ang lalaban?. Bakit sya ganito?. Joyce please! Don't do this!

"Joyce, paano naman ako?.." nanghihina ang tuhod kong sambit. Halos ibulong ko nalang ito sa pangangatog ng mga binti ko. Kailangan ko pa ngang humawak sa railings ng higaan nya. sa may paanan para may makapitan. Nang sa gayon ay di ako matumba. Ngunit kulang pa rin iyon. Kulang ang lakas nun para sandalan ko. "Hindi ko kayang wala ka.." noon ko lang rin naramdaman ang mainit na luha na naglandas na saking pisngi, pababa. Hindi ko man lang ito namalayan.

Lalaki ako pero daig ko pa ang babae kung magmakaawa sa kanya ngayon. Mas gugustuhin ko na rin ito kaysa magsisi dahil hindi ko sinubukan ang ipagpalaban ang sa amin.

Nakakainis lang isipin na ganun lang kadali sa kanya ang bumitaw. Na para bang wala kaming pinagsamahan. Nakakatampo! Nakakagalit! Pero di ko man lang magawang magalit sa kanya sa tuwing naiisip kong mas nahihirapan sya ngayon. Damn feelings! It's really complicated!

"Pwes, kayanin mo!.." lumingon sya sakin. At sa pagkakataong iyon. Noon ko lang nakita kung paano magalit ang maamo nyang mukha. Nagbabaga ng apoy ang mga mata nya. Kung kaya nito sigurong makalikha ng apoy, kanina pa ako naging abo rito. "Kayanin mo dahil tapos na tayo Lance. Tinatapos ko na ang kung anong meron tayo.." pagtatapos nya. Umawang ang labi ko. Ganun nalang yun?. Basta sinabi nyang tapos na ay tapos na talaga?. Paano nya nakayanang labanan ang totoong nararamdaman nya?. How did she do that?. Dahil ako?. Hindi ko magawang labanan ang lalong tumitinding pag-ibig ko sa kanya!

I can't even normalize my breathing habang kaharap sya ngayon tapos heto sya't bigla nalang sasabihing, tapos na ang lahat? What the heeeeellllllllllll!....

Nanginig ang labi nya't kinagat nya ito upang wag umiyak. Nag-iwas rin sya ng tingin. Namumula na. "Mahal kita Joyce.. Ganun nalang ba yun?.." gusto kong pagtawanan ang sarili ko sa oras na to. May kung sino ang bumubulong sa tainga ko na, wag ipilit ang sarili Lance. Let her breathe. But damn!! AYOKO! AYOKO sa binubulong nila. "Mahal na mahal kita Joyce.. mahal na mahal.." pagtataksil ko sa kung sinong bumubulong sa isip ko. Fight for your happiness! Fight for your heart! Just fight!!

"Umalis ka na Lance.." gigil nyang himig

Paano nga ba lumaban kung nag-iisa ka na lang?. Paano nga ba tumayo kung nangangatog na ang tuhod mo't wala nang makapitan?. Paano nga ba magmahal ng walang sinasaktan?.

Ang hirap! Kahit saang anggulo ko tignan. Walang ibang paraan kundi pumayag nalang sa gusto nyang lumayo na sa kanya.

"Ngunit mahal kita Joyce.. ayokong umalis!." pilit ko. Dahil kapag sinunod ko ang gusto nya. Paniguradong, tapos na talaga!

"Umalis ka na please.." pikit mata nyang sambit.

"Joyce, wag naman ganito.. umuwi ako just to see you tapos ganito lang?." umiiyak kong sumbat. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang sinusumbat ang ginagawa ko para sa kanya.

"Pwes, hindi kita kailangan Eugenio! Wala akong sinabi na kailangan kita, dahil simula pa lang.. nasanay na ako na wala ka.."

Lalong nanlabo ang paningin ko sa mga naririnig mula dito. "Alam ko naman na di mo ako priority e. Tanggap ko iyon.. kaya kung pwede lang.. umalis ka na.. hindi kita kailangan dito.." pag-uulit nya. Tuloy, sa ilang ulit nya ring pinapamukha sakin na ayaw na nya sakin. Nasasaktan na ako! Pakiramdam ko. May itinurok na punyal sa dibdib ko dahilan para manghina pa ako lalo.

"Pero kailangan mo ako.." halos ibulong ko na ito. Pikit mata. Hawak ng mariin ang bandang puso.

"Hindi ko kailangan ng isang tulad mo.. ayoko sa mga taong hindi marunong tumupad sa kanilang pangako." tuluyan na nga nya akong tinalikuran. Gusto ko pang marinig ang mga sasabihin nya dahil parang iyon lang ang gamot sa puso kong nagdurugo ngayon ngunit di na sya nagsalita ulit. Nilapitan ko pa sya't kinausap subalit, binalewala nya nalang iyon na parang wala akong kwenta sa kanya. It really breaks my heart. Gusto kong manuntok! Gusto kong sumigaw pero BAWAL DITO!! Kingina! Ang hirap magpigil ng galit at inis!

Pumikit ako ng mariin upang pawiin ang huling luhang pumatak saking mata bago ako nagpakawala ng malakas na buntong hininga. I open my eyes. Nakatalikod pa rin sya at di na gumalaw. Nakakuyom man ang mga kamao. Humakbang ako ng isa palapit sa kanya. Saka ako yumuko upang halikan ang buhok nya. "For this moment. Please let me do this.." bulong ko atsaka hinalikan ng matagal ang buhok nya. "I love you and will always do.. Always remember that baby.. I'm just one call away!.." humalik muli ako. "This is not our ending right?. I know.. but this time.. I'll let time heal our wounds.. I'll be back.. I'll come back to you at sa pagbabalik kong iyon.. umasa kang, wala nang iwanan. Mahal kita Joyce. Mahal na mahal.."

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko habang papalayo ng papalayo sa higaan nya. Kagat ang labing nakipagtanguan pa ako sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko man lang magawang suklian ang ngiti nilang nagbibigay lakas ng loob sakin na dapat taas noong maglakad ng diretso. Hindi ko iyon kaya sapagkat kaybigat ng dibdib ko. Para bang napunit ito ng ilang piraso dahilan para bumagal ang paghinga ko. Ganito pala ang pakiramdam neto. Kumikirot na di ko maipaliwanag kung saan banda ang masakit. Kung sana nakikita ko kung saan ang nagdurugo upang pwede ko lang itong tapalan ng band ais subalit, wala e. Nasa loob ko ito at hindi ko alam kung kailan ito maghihilom.

You are enough,

a thousand times enough baby. Ako ba, hindi sapat para sa'yo?.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C135
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous