Télécharger l’application
22.69% No More Promises / Chapter 64: Chapter 63: Good luck charm

Chapitre 64: Chapter 63: Good luck charm

"Good morning.." nagulat ako ng bigla akong daanan ni Lance. Nakauniporme na ito. Umaalingasaw pa ang gamit na pabango. Sinarado ko ang pintuan ng kwarto saka sinundan ang likuran nya.

"Wala man lang bang, good morning too baby?.." mahina ngunit sapat lang para marinig ko iyon habang kami'y pababa ng hagdanan.

Nakagat ko ang labi sa di maitagong kaba at tuwa. Ang aga naman neto! Jusko!

"Hmm.. good morning too baby.." malambing na tinig iyon ni kuya Mark!. What the hell!! Natigilan ako sa paghakbang pababa saka sya tinignan. Nakangisi ito sa akin. Tapos ililipat sa baba ang paningin. Kay Lance yata. Di ako sigurado dahil nilamon ng talbog ng aking dibdib ang aking pandinig.

"Ahahahaha!. why speechless huh?. don't worry guys.. you're secret is safe to me.. hahaha.." humalakhak pa sya sa kabila ng nakakailang na katahimikan.

Wala akong maapuhap na tamang salita. Shit! Si kuya Mark to! Kapatid ni Lance at alam nya ang?. Susmi! Di ako makahinga ng maayos sa di maipaliwanag na kaba.

"Ano ba?. magsalita nga kayo?. mahahalata kayo nyan eh.. hahaha.." tawa pa nya. Humakbang sya pababa. Sumunod din ang mata ko sa kanya. Nasa harapan na nya si Lance na kamot na ang ulo. "Just be careful, baby bro.. hahaha.." tinapik nya Ito sa balikat ng dalawang beses.

"Tsk!. Ang ingay mo kuya.." iiling iling sya sa panganay nila.

Muling tumawa si kuya Mark saka sumulyap sakin. Isang tingin na nagsasabing, ayos lang ang lahat. Sana nga! Sana maayos nga ang lahat sa susunod pang mga araw. Kinakabahan ako.

"Tara na sa baba.. Joyce, puntahan mo na si Bamblebie, sabay na kayong bumaba.." utos nya. Tinanguan ko na lamang sya para di na pumangit pa ang mukha ng taong kaakbay nya. Masama na timpla ng mukha eh.

"Akin na yang bag mo.." natigilan ako ng marinig ang tinig ni Lance. Napabalik ako ng tingin sa kanya.

"Tsk!. Tsk!! Tsk!!.." umiiling si kuya Mark sa kapatid na nakatingala na sa akin.

Hindi ako nakapag-isip nang mag-umpisa na syang umakyat muli upnag kunin nga ang bag ko. "You're so cute, baby.." bulong nya ng kunin ang bag sakin habang di binibitawan ang nakakapanghina nyang titig. "Go to Bamblebie now.." binigyan nya muna ng isang marahang halik ang noo ko bago bumaba kasama ang kapatid nya.

Kita ko pa kung paano guluhin ng kanyang panganay ang maayos at makintab nitong buhok. Nag-asaran pa sila pababa hanggang sa nawala na sila sa aking paningin.

Minadali kong puntahan si Bamby. At, damn! Mabuti nalang talaga. Umalis na sila dahil nakasalubong ko na rin mismo si Bamby sa may hallway.

"Good morning bes.." bati nya.

"Good morning din bes.." ngiti ko.

"Saan punta mo?.." tanong nya.

"Ah.." nagkamot ako ng kilay. "Binilin ka sakin ni kuya Mark na puntahan na para sabay sabay na raw tayong kumain.."

"Ganun ba.. tara na.. kanina pa ako gutom. naamoy ko yung itlog na niluto eh.." anya sabay kawit ng braso nya saking braso.

Sabay nga kaming bumaba. Kumain ng almusal at pumasok ng school.

"Kuya, mauna na ako. Bes, diretso akong library. may irereview pa ako.."

Di na nya hinintay pa ang sasabihin ko at ni Lance. Basta tumakbo na sya palabas ng parking lot ng di kami nililingon.

"Paano ba yan?. Tayo na naman naiwan.." anya. Kinabahan tuloy ako bigla.

"Lance, may exam ngayon.." pag-iiba ko ng pag-uusapan.

Tumitig sya ng napakatagal sakin na para bang binabasa lahat ng sasabihin ko. "Alam ko.."

"Kailangan ko ng pumasok.." paalam ko. Iwas sa.mata nyang di maalis talaga sa akin. Nakakailang!.

"Sandali lang please.." hinawakan nya ako sa braso. Ngayon kasi. Pinaupo ako ni Bamby sa tabi nya. Nagbabasa kaai sya sa likod. Di raw sya makapagconcentrate pag katabi nya kuya nya.

"Kailangan ko pang magreview ulit.." paliwanag ko.

Tumango sya. "Wait lang..."

"Bakit?.."

"May exam ngayon diba?.." mabilis aong tumango. "Can you give me some good luck charm?.."

"Ano?!.." di makapaniwalang asik ko. Nagpacute lang sya. "Please!." nguso nya.

Mabilis ko nang dinampian ng halik ang kanyang labi. Segundo lamang iyon pero pakiramdam ko, para iyong isang oras. Mabilis nag-init ang aking mukha. Ramdam ko na ang pamumula.

"Hoy!. Boy gwapo!!. ang aga nyan ha!.." sumalubong samin ang nakangisi at nakakatuksong tingin samin nitong si Aron. Kakalabas nya rin sa kanyang kotse at sumabay pa samin.

Nag-usap sila't nag-asaran. Humiwalay ako ng lakad sa kanila subalit ang mata ni Lance ay di maalis sakin.

May good morning na sya. May good luck charm pa. Sana, tayo nalang talaga hanggang sa ating pagtanda!


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C64
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous