CHAPTER XIV. Razor's Sacrifices
HAHAHAHA! Halakhak ni Zuki Takigawa nang marinig ito nang mga naroroon. Nakaramdam ang mga ito ng mas matinding panganib. Bumaba ang binata mula sa kaniyang pwesto nag bagsakan kasama niya ang bangkay ng kaniyang mga biktima. Ang kaniyang katawan ay nag labas nang itim na enerhiya. Ang aurang ito ang nagpa nganga sa mga kalaban niya.
Ang tinataglay na enerhiya niya ay enerhiya ng isang demon Rank ang binatang ito ay isang 1st level Demon Rank ngunit sa kalidad nang enerhiya nito at makapal na pundasyon nito ay maihahalintulad ang binata sa isang 4th level demon rank.
Ito ang nararamdaman nang mga naroroon base sa enerhiyang inilalabas ng binata. Lumipas ang ilang minuto ay may dumating na anim na indibidwal. At ang anim na ito ay ang mga komandante. Natuwa ang mga naunang nakapansin ng pag dating ng mga ito. At sa likod naman nang mga ito ay ang ilang mga mandirigma na kasa kasama nang mga ito at ang mga ito ay mas malakas sa mga mandirigmang mga naroroon.
Karamihan sa mga ito ay nasa 5th level angel rank hanggang 6th level angel rank. Samantala ang mga komandante na naroroon ay makikitaan nang madilim na ekspresyon. Hindi nila akalain na ganito nila aabutan ang kanilang mga kasamahan.
Nakakalat ang bangkay nang kanilang mga mandirigma. Mga putol na katawan nang mga ito ang makikita. Putol na kamay, paa, braso, at ulo na nakakalat sa paligid. Ang isa naman sa mga komandante ay hindi napigilan na masuka sa kaniyang nakikita.
Pinilit nitong pigilan ang masuka at ilang saglit pa ay huminahon na rin ito. Napapunas ito ng kaniyang bibig at mapait na ngumiti. Tumingin ang komandanteng ito sa binatilyo na ngayon ay may siyam na buntot.
Hinding hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo sa mga tauhan ko. Sabi nito at inlilabas nito ang kaniyang enerhiya. Nang mapansin naman ni Zuki ang matatalim na tingin ng babaeng komandante. Tama ang komandante na iyun ay isang babae. Makikita sa mga mata nito ang matinding galit.
Ang anim na komandante ay agad nag tipon sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay kinabibilangan ng dalawang lalake at isang babae. At dalawang babae at isang lalake. Ganun din ang ginawa ng mga mandirigmang kanilang kasama.
Nagtipon bilang dalawang grupo at sumama sa magkabilang grupo ng mga komandante. Samantala sa silid naman kung saan may maririnig na sunod sunod na pag putok ng baril. Kasalukuyang nag lalaban si Clemson at Razor at Reiss. Mabibilis na galawan ang ipina pamalas ni Clemson. Nakikipag laban siya ng harapan at malayuan sa parehong oras.
Si Reiss ang kaniyang nakakalaban sa malapitan. Nagagawa siyang sabayan ni Reiss sa harapan labanan lalo na dahil ang sandata nito ay hindi ganoon kabigat. Ngunit ang mga sandatang ito ni Reiss ay hindi mga ordinaryong Armaments sapagkat ang mga ito ay Mid-tier Angelic Armaments.
Si Razor naman ay patuloy lang na nag papaputok ng kaniyang baril. Inaatake niya si Clemson gamit ang kaniyang baril. Kapnsin pansin naman ang mantsa ng dugo sa kaniyang itim na kasuotan at makikita ang kanan nitong braso na nababalutan ng tela na may mantsa ng dugo.
Siya ay napinsala ng biglaang pag atake ng kanilang kalaban. Ramdam na ramdam pa ni Razor ang matinding sakit ng kaniyang sugat. Kaya naman si Reiss ang pomo protekta sa kaniya. Pinipigilan ni Reiss na makalapit sa kaniya ang kalaban.
Siya naman ay sumusuporta dito sa pamamagitan ng pag atake sa malayo. Ngayon ay gumagamit siya ng halos ng kaniyang enerhiya at ginagawa niyang bala ng enerhiya para sa kaniyang sandata.
CLANG!!! Isang malakas na pag tama ng mga talim ng sandata ni Reiss ang tumama sa espada ni Clemson. Si Clemson ay napaatras ng mga sandaling iyun nang Makita niya ang nagliliwanag na enerhiya na nag mumula sa sandata ni Razor.
Tikman mo ito!! sigaw ni razor at ang enerhiya na naipon sa kaniyang baril ay mabilis na kumawala iyun papunta sa kinaroroonan ni Clemson. Nagkaroon ng pagsabog sa silid na iyun. Nabalutan ng makapal na usok ang parting iyun ng silid. Si Reiss ay mabilis na bumalik sa tabi ni Razor at agad itong inalalayan na makatayo. Sapagkat nang kumawala ang enerhiya sa kaniyang sandata ay tumalsik ito at tumama sa pader sa likod nito.
Ayos kalang ba Razor? Nag aalalang tanong ni Reiss rito. Ayos lang ako kailangan lang ng pahinga! Sabi ni Razor at pinagmasdan niya ang pwesto ng lalakeng kanina pa nila nilalabanan. Noong unang minuto nilang pinasmasdan ang pwestong iyun ay nakahinga sila ng maluwag ngunit ng may biglang lumitaw na pigura sa gitna ng usok ay naalarma sila.
Hindi maaari!! Nagtatakang tanong ni Razor ng makita ng pigura ng binata na naglalakad palabas sa makapal na usok. Ang binata naman ay makikitaan ng pang hahamak sa harap ng kaniyang mga kalaban. Pinagpagan niya ang kaniyang damit na nagkaroon ng mga alikabok.
Sa kabila ng paglalakad niya ng parang walang nangyayari ay mababakas sa kaniyang kasuotan ang isang malaking sira sa gitnang bahagi nito. Ganun pa man ay walang mababakas na sugat sa katawan ng binata.
Nang Makita naman ni Binibining Reiss ang itsura ngayon ng binata. Ngayon lang niya napag tanto na hindi bahagi ng isang mahika ang mabilisang pag hilom ng mgasugat ng kaniyang kalaban sapagkat ang mabilisang pag hilomng mga sugat nito ay kakayahan ng isa sa makapangyarihang nilalang.
Ang lahi ng mga Bampira. Nabatid niya na Bampira ang binatilyong ito. Pinagmasdan niya ang napakaputi nitong kutis putting buhok at pulang mga mata at patulis na tenga. At nang biglaan ngang ngumisi ang binata ay mabilis na nakita ni Reiss ang pangil ng binata.
Walang duda. Bampira nga ang kanilang kaharap. Hinawakan niya ang balikat ni Razor at tumingin siya sa mga mata nito. Wala tayong laban sa kaniya. Hindi natin kayang harapin ang isang bampira. Sabi ni Reiss at puno ng pag aalala sa kalagayan ni Razor.
Si Razor naman ay kumapit sa braso ni Reiss at tumingin sa binata na ngayon ay naghahanda na para umatake. Reiss! Mauna kana!. Sabi ni Razor kay Reiss na siya naman na ipinag taka ng dalaga. Anong mauna! Nahihibang kana ba! Hindi nga natin matalong dalawa ang isang iyan tapos mag papa iwan ka! Tumama ba yang ulo mo sa pader? Tanong ni Reiss kay Razor.
Tsk! Basta mauna ka na. kailangan mong tawagin si pinunong Grim siya lang ang may kakayahan na tapatan ang halimaw na ito. Matapang at puno ng kompyansa sinambit ni Razor. Bumitaw siya sa braso ni Reiss at Hinawakan niya ng maigi ang kaniyang baril na kanina ay nasa sahig.
Umalis kana Reiss!!! Sigaw ni Razor at ang kaniyang baril ay muling nabalutan ng enerhiya. Nang Makita naman ni Clemson ang nag babadyang kahangalan ng isa niyang kalaban. Hinayaan niya lang na magtalo ang dalawa. At ang pag papaiwan ng nagngangalang Razor ay talaga naman na kahangalan.
Sa kabila ng kaniyang pang hahamak rito ay bigla niyang naalala ang kaniyang sariling kahangalan noong siya'y bata pa at kasama niyang nakikipag laban si Zerek sa mga Vicious Beast sa labas ng ginintuang Silid kung saan sila naninirahan.
Siya ay nag paiwan sa kabila ng panghihina. Sapagkat noon ay hindi pa niya taglay ang perpektong paghihilom na taglay ng mga purong bambira. Umalis noon si Zerek at ng bumalik ito ay kasama nito ang kaniyang amang heneral na si Elgar Morelock.
Pinabagsak nito ang kanilang mga kalaban sa pamamagitan lamang ng aura ng kaniyang enerhiya. Lubos niyang hinahangaan noon pa man ang kaniyang ama. Subalit nawala ang lahat nang tumuntong sa kanilang teretoryo ang babaeng nag ngangalang Saylsia Reiburt. Na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng angkan ng mga bampira at pagkaalipin ng ibang nilalang na nasa ikalawang palapag.
Nabalik sa realidad si Clemson ng Makita niya ang pag alis ni Binibining Reiss. Pinag masdan lamang ito ni Clemson at hinayaan na makatakas. Si Razor naman ay ngumiti ng mapait at nag salita.
Ngayon ikaw at ako nalang!. Sabi ni Razor at ang baril nito ay nahaluan ng berdeng enerhiya. Nang Makita naman ni Clemson ang kalidad ng enerhiyang iyun ay nabatid niya ang element nito. Ito ay element ng hangin.
Sa tingin mo ba! May magagawa ang binabalak niyo na tawagin ang inyong pinuno. Hindi mob a nararamdaman ang walang humpay na labanan sa buong palapag na ito!. Sigaw ni Clemson na nagbigay kilabot kay Razor.
Sa labas ng silid na ito! Ay may nagaganap na labanan. Kung ganun ay may kasamahan ang kanilang kalaban. Masyado siyang naging marahas upang mag paiwan. Siya ay may lubusan ng pinsala at ang kasalukuyan niyang enerhiya ay sapat nalang sa limang atake.
Inilabas na nga niya ang kaniyang taglay na element. Inihalo niya ang enerhiya ng kaniyang element sa kaniyang sandata. Ang kakayahan ng kaniyang baril ay mas tumaas pa kesa kanina. Subalit ang pagkunsumo nito ng enerhiya ay mas tumaas pa kesa kanina.
Kung ganun! Mukhang wala na akong pag pipilian! Sabi ni Razor at itinutok niya ang kaniyang baril sakaniyang kalaban. Inihanda ni Clemson ang kaniyang sarili. Inilabas niya ang kaniyang enerhiya. Nabalutan siya ng itim na aura na kumalat sa buo niyang katawa.
Ganun din ang kaniyang espada na ngayon ay mas naging itim pa dahil sa pagbalot ng itim na enerhiya. Ang itim na enerhiya na ito ay nakapaloob sa Ancient Shadow Bringer Technique na mayroong Elemento ng kadiliman. Ang teknik na regalo sa kaniya ni Zuki Takigawa.
Nang Makita ni Razor ang malakas na enerhiya na inilalabas ng binata ay wa siyang pag aalinlangan na tumingin sa mga mata nito. Wala akong Paki-alam kung isa kang bampira. Ako si Razor Scavenger isa sa sampung komandante na sumumpa sa aming pinuno. Na lumaban hanggang kamatayan, iligtas ang lahat kahit isakripisyo pa ang sarili nitong buhay!!!.
Sigaw ni Razor at ang kaniyang baril ay nagpakawala ng limang malalaking bala na pawang nababalutan ng berdeng enerhiya. Tanggapin mo ang huli kong atake!!!!! Wind Creation Skill: Syphr Giant Wind Bullets!!!!! Sigaw ni Razor at ang atakeng iyung ay mabilis na inatake si Clemson Morelock.
BANG!!!!! BANG!!!!! BANG!!!! BANG!!!!! BANG!!!!!
Limang magka kasunod na pagyanig ang naganap sa silid na iyun. Napahinto sa pag lipad si Reiss ng maramdaman niya ang napakalakas na pwersa mula sa Silid kung saan niya iniwan si Razor.
Razor! Kahit kalian! Engot ka talaga! Sigaw ng dalaga habang makikita sa kaniyang ekspresyon ang kaniyang kalungkutan. Simulat sapul palang ay alam niya na ang ugali ng kaniyang kaibigan. Gusto niyang manatili sa tabi nito ngunit pinaalis siya nito.
Bumagsak mula sa kaniyang mga mata ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Kahit kalian ang hina mo Reiss! Boses ng lalake na biglang pumasok sa kaniyang isipan. Bigla niyang naalala ang sinabing iyun ng binata sa kaniya ilang taon na ang lumipas.
Magkasama sila simula palang. Ngunit sa huling sandal nito ay walasiya sa tabi nito. Doon nga ay nangako siya sa kaniyang sarili. Sisingilin niya ng mas mahal ang misteryong binata na iyun.
Sa loob ng silid kung saan naganap ang limang magkakasunod na pagsabog. Makikita sa gitna nito ang dalawang lalake na nakatayo. Ang isang lalake ay walang suot na pang itaas na damit at nababalutan itong itimna enerhiya. Samantala ang isa namang lalake ay nakatayo sa harap ng lalake.
Ang dalawang ito ay walang iba kundi sina Clemson at Razor. Si Clemsonang lalakeng wala ng pang itaas na damit ngunit nababalutan parin ito ng itim na enerhiya. Subalit si Razor naman ay nakatayo sa harap ni Clemson at nakatingin sa Espada na nakatarak sa kaniyang tiyan.
Doon na nga napasuka ng malapot na dugo si Razor. Nararamdaman na niya ang matinding pagod. Ang kaniyang enerhiya ay unti unti nang humihina. Malinaw na malinaw niyang nasaksihan ang atake na ginawa ng kaniyang kalaban.
Ang kaniyang pinaka malakas na atake tinalo ng isang malakas na pag atake gamit ang nakakatakot na skill ng kaniyang kalaban. Ang atakeng iyun ng binata. Tinatawag iyun na Dark Shadow Dimension Slash. Sa pamamagitan lamang ng isang atake ay nagawa siyang tanunin ng binatang ito.
Naalala niya bigla si Binibining Reiss. Gusto niya pa itong Makita gusto niya na Makita na maging isang malakas na Adventurer ito balang araw. Subalit batid na niya na dito na magtatapos ang lahat. Ang kaniyang mata ay nandilim na at ang kaniyang pandinig ay nawawala na.
Ganito pala ang maranasan ang iyung sariling kamatayan. Samantala si Clemson ay nasa harap ni Razor. Kitang kita niya ang kalunos lunos na sinapit nito mula sa kaniyang atake. Duguan ito at batid na niya na hindi na ito magtatagal pa.
Hinugot niya ang kaniyang espada sa katawan ni Razor.doon ay bumulwak ang sariwa nitong dugo. Bumagsak ang katawan nito sa sahig. Tumalikod na si Clemson sa katawan ng lalake. Ayaw niya na Makita ang kalunos lunos na kalagayan nito.
Hindi niya nais na patayin ito. Subalit ito ang utos ng kanilang pinuno. Ang patayin ang bawat komandante sa palapag na ito. Naglakad na siya palabas ng silid. Ilang sigundo ang lumipas at palabas na siya ng silid ng bigla siyang napahinto.
Napalingon siya sa katawan ni Razor. Hindi siya pwedeng magkamali ng narinig. "MAHAL KITA REISS". Tila nanigas siya sa kaniyang narinig. Ito ang kaniyang narinig mula sa labi ni Razor Scavenger. Ang salitang winika nito ay para sa babaeng nag ngangalang Reiss Hovier….