Charles' POV
"Ba't ba ang aga aga wala ka sa mood? Kanina ka pa ah? Ay hindi, simula pa nung isang araw nang makabalik tayo galing sa resort"
"Oo nga. Nakakahawa ang patay na atmosphere mo. Nakakapikon na tol. Seryoso. Ano bang nangyari?"
"Kakatapos lang ng vacation natin at ngayo'y nakabalik na tayo, mukhang lumala ang mood swings mo"
"Si Sephine kasi iniiwasan siya. HAHAHA" sabi ni Ken kaya naman nabigla si Rod
"Ha? Bakit? Bakit ka niya iniiwasan? Diba ang ganda na ng daloy ng relationship niyo? Parang nung vacation lang eh hindi kayo mapaghiwalay ah?" tanong ni Rod kaya naman bumugtong hiniga nalang ako
"Ang hirap din pala na wala ang taong sanay kang nandyan lagi sa tabi mo" sagot ko saka ako sumilip sa labas ng room, nasa third floor kami ngayon kaya naman kitang kita ang view ng school
I knew it. Dito lagi ang klase nila Ed sa garden every Wednesday afternoon eh. At kapag sinabi kong Ed, it means kasama niya si Rico at.. at si Sephine.
For a reason, iniiwasan ako ni Sephine. Since when? Ever since dumating kami galing sa trip namin sa beach resort nila Rod. Mga tatlong araw na all in all pero para sa akin, parang ilang taon ang tinagal.
Oo iniiwasan niya ako pero she's not that obvious about it. Kapag nagtatama ang tingin namin, at kapag nagkakasalisihan kami ay ngumingiti lang siya ng pilit at iiwas na ng tingin.
Kapag kinausap ko naman siya, she just answers with a nod or di kaya'y isang word at sentence lang.
Did.. I do something? Wait, I did, huh? I kissed her out of her own will.
Posible bang natakot ko siya or na-awkward'an siyang makasama ako after ng lahat ng nangyari sa aming dalawa sa amusement park?
"Ano nga bang ginawa mo?" nabigla ako saka ako napatingin kay Ken dahil sa tanong niya
Nang makita nila ang gulat kong reaksyon ay nagtawanan na sila.
"Ano nga? Anong ginawa mo? Hurry and just spill the beans already" tanong ni Rod kaya naman napasabunot ako sa buhok ko
"I.."
"You? You what?" tanong ni Ken kaya naman napatitig ako sa kawalan
"I kissed her," bulong ko
Bulong na tamang tama lang na marinig nung dalawa. As expected ay hindi sila nakapagreak kaagad. Mukhang hindi ata nila maipasok sa mga kokote nila ang mga sinabi ko.
Well, after all, even I can't believe I did that to Sephine! I must be nuts! I must be crazy! (A/J: Crazy for her, right? Hoho)
"Come again?" pagpapaulit ni Rod kaya naman huminga ako ng malalim
"Don't make me say it again, jerks. I kissed her. Nung gabing nawawala siya. I found her in the amusement park, right? We rode the Ferris wheel and even watched the fireworks display together. After that, I kissed her and confessed"
"HA?!" sabay nilang sigaw kaya naman ako na ang natawa
"Weh? Ikaw? Nanaginip ka ba?"
"Paano?! Kay Sephine? Di nga?"
Nandilim ang paningin ko sa mga sinasabi nila. Sa inis ko eh binatukan ko na silang dalawa.
"Sira! Bakit naman ako mananaginip ng ganon?! At oo! Si Sephine nga! Sino pa bang ibang babae ang makakaapekto sa akin ng ganito?! Ni halos di na ako makatulog sa kakaisip sa kanya at hindi makakain dahil iniiwasan ako. Sino pa bang ibang babae sa buhay ko na ako mismo ang kusang lumalapit ha?" patanong kong sagot dahilan kung bakit sila natigilan pero after ng ilang segundo ay agad na silang nagsisisigawan at nag-wild
Inikot ko ang paningin ko. Thank god no one else is here. I can't believe a day will come where I'd be talking about my love life. I actually and honestly thought that only girls would only talk about this kind of things.
Pagkatapos ng ilang minutong pagwa-wild nung dalawa, hindi rin naman nagtagal ay huminahon na sila at nagseryoso.
"I see. Hahaha. Man, it's just so unbelievable. So that actually happened huh?" hindi ako sumagot kay Rod saka tumingin ulit sa may bintana
Nabigla ako nang makita ko siyang nakatingin sa direksyon namin. Napatayo na ako't nginitian siya, pero sa hindi malamang dahilan ay agad din naman siyang nag-iwas kaya naman bumugtong hininga ako at umupo na ulit sa upuan ko
I pouted. Like a kid whose favorite toy was taken.
"I did it without thinking. Hindi ko naman sinasadya eh. I was caught by the moment. Parang pakiramdam ko kasi it's now or never" sagot ko saka ako natawa
Just seeing her smile like an angel that night at the Ferris wheel, the mood, the starry night sky and the fireworks? Nawala na ako sa tamang pag iisip.
She was just so breathtakingly beautiful. Starting from her ashy brows, high small nose, cherry-blossom colored lips up to her white dress that looks so alluringly sexy and not to mention her long curly hair. Kahit na napakalaki ng salamin niya, hindi 'yon naitago ang napakaganda niyang mga mata. Para bang napunta lahat ng mga bituin sa langit sa mga mata niya sa ganda nito.
Napatigil rin ako sa pagde-daydream nang bigla akong kausapin ni Rod.
"Charles, we've been wondering for awhile now. It's been 3 months since Sephine became an exchange student," hindi ko tinignan si Rod nang sabihin niya 'yon at agad nang pumikit
Hindi pa lumalabas sa bunganga niya ay alam ko na ang itatanong niya.
After all, I've been asking myself the same thing these past few days.
What am I asking myself?
Why do I feel like wanting to see her?
Why am I revealing my weaknesses to her?
Why do I want to touch her and to keep on talking with her?
Why do I feel safe and secured when I'm with her?
Why am I taking off my masks when I'm with her?
Why.. why do I feel a deep sense of contentment just with thinking about the idea 'I'm with her?'
Well, all questions seems so simple at first glance but to someone like me who haven't been in a relationship before, it's all so complicated.
"Do you like Sephine?"
Minulat ko na ang mga mata ko at tinignan na si Sephine na nasa baba at ngayo'y gumagawa ng class activity nila sa garden.
She's awesome. She has good hobbies. She's kind. She's humble. She's honest. She's unique and she's so.. different.
"You don't even have to tell us, Charles" natawa ako kaagad nang sabihin 'yun ni Ken saka sila nanghalumbaba sa table ko
"Am I really that obvious?" tanong ko at sabay naman silang tumayo
"We don't even have to ask just to know how hard you've fallen for her" hindi ako nakasagot dun
Nang hawakan ko palang si Sephine, nasagutan na ang mga katanungan sa isip ko na gustong gusto kong hanapan ng sagot.
Gusto ko siyang hawakan, halikan, alagaan at protektahan. Gusto kong ako ang dahilan ng mga magaganda niyang ngiti, gusto kong iniisip niya ako pag gising niya't pag tulog. Gusto ko siyang makasama.
Gusto ko siya.
"So anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Ken kaya naman nilabas ko na ang phone ko at tinignan ang wallpaper ko
Natigilan ako sandali nang makita ko ang wallpaper ko.
Wait, why is this still Josephine?
"Hahayaan ko na lang siya" sagot ko saka ko pinalitan ang wallpaper ko ng picture ni Sephine
Napangiti na ako kaagad nang makita ko 'yung namumula niyang pisngi. This picture was taken at the school festival when she was wearing a cute waitress uniform.
Ni-lock ko na nag phone ko't tinago na ito sa bulsa ko.
"Because once I decided to pursue her, she'll never be able to avoid me ever again,"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~