Télécharger l’application
27.27% Pahimakas: If You're Real / Chapter 3: Chapter 2

Chapitre 3: Chapter 2

Di pa rin maalis sa isipan ko yung biglang paglitaw ng sulat sa papel ko kagabi. Hayyyssst... Baka pagod lang talaga ako. Puyat lang yata. Ikaw ba namang matulog ng alas-3 at magising ng maaga, aba! Don't touch me, I'm immortal. Nagising na lang ako sa katotohanan na nakasakay nga pala kami ngayon ng tren. Kasama ko si Med para lang pumunta sa mall. Bibili daw sya ng libro, sana ol!

Buti na lamang ay napakaunti ng tao dito. Maluwang at sarap na sarap ako sa pag-upo dito sa upuan na balot ng plastik. Halos wala pa nga yata kami sa sampu dito. Sa paglilibot-libot ng mga mata ko, di ko maiwasang magtaka at maawa. Nakakaawa ang kalagayan ng tren na to. Sa tingin ko, kailangan nang ipagawa ang tren na to. Nangangalawang na yung hawakan, putol-putol na yung sabitan ng kamay kapag nakatayo ka at yung foam ng upuan, sira na din. Sino ba kasing isip-aso na kakagatin tong foam ng upuan. Hindi naman to mukhang diaper.

Nabaling ang atensyon ko kay Med na nasa tabihan ko lang. Medyo umiwas ako ng tingin nang mapansin kong palinga-linga sya at nagcross pa sya ng paa habang nagbabasa na naman sa wattpad. Napapansin ko na parang ayaw ipakita sa iba ang binabasa nya. Ano na naman kayang kagagahan ang sumanib dito at ganito to.

Nagpalinga-linga na naman sya. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Di nya yata pansin na katabi nya ko. Hello, di ako multo. Pagkatapos ng paglinga-linga ay pinagpatuloy ang pagbabasa. Ano ba kasing binabasa ng bruhang to. Sa inis ko...

"Cathy!!!!"sigaw nya habang inaagaw sakin ang cellphone nya. Ako naman, tudo layo sa kanya ng cellphone, nariyan ang pag angat ko papalayo sa kanya. Pagtago sa likod ko. Paglalagay ko sa pwetan ko. At syempre, nilagay ko din sa p**** ko. Hoy! Naghuhugas naman ako, di naman ako katulad nung isang karakter na halos isang beses sa dalwang linggo lang naghuhugas. Kati-kati nun, yayks!

"Ano ba tong binabasa mo?"naiiritang kong tanong at binigyan ko sya ng humanda-ka-sakin-pag-kahayupan-to-look. Napatigil lang sya at pinaglaruan ang mga daliri nya. Tss, bata. "Ehh... Wag mo nang basahin." Eh? Makulit ako e kaya sinimulan kong basahin. " Ohh.. Sir... F*** me! Harder please! *Moan* Ughhhh...."

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko yun. Agad namang tinakpan ni Med ang bibig ko. Napansin kong saan nakatingin ang kahat ng sakay ng tren. Oh Nooooooooo!!!!!!!!!! Nalaksan ko ang pagbabasa. Baliw talaga tong si Med. Sa kainosentehang taglay, may tinataging libog! Pinindot ko ang exit at nakita ko na punong-puno ang library nya ng Series of Possessive. Binilang ko, kumpleto amp***!

"Inosente ako ha, wala akong alam dyan" sabay tingin sa kawalan na parang walang alam. Tss... " Inosente? Pero puno ng SP sa library, sino ka? Ako?" Hawot lang, di ako nagbabasa nyan. Baka ikaw reader, wala akong alam dyan. "Hehehehe..."

Napatingin na lang ako bigla nang marinig kong kinikikig tong si kuya sa gilid ko. Nagbabasa din. Habang yung iba, naglalaro ng Mobile Legends, nanonood sa YouTube, at naglalaro ng kung ano-ano pa, tong magkabilaan pala, nagbabasa. Pag-untugin ko kaya mga ulo ng dalwang to. Kaso, di ko pala kilala tong lalaking nasa kaliwa ko. Tama kaliwa nga, hayyyssst... 19 years na akong nabubuhay sa mundong ibabaw pero di ko parin malaman kung nasaan ang kaliwa at nasaan ang kanan.

"I'm too excited na mabili na ang buong set nyan!" di ko alam kung nang iinis ba sya, nambwibwisit o nang-iinggit. Binigyan ko sya ng pakihanap-ng-paki-ko-look. " Ano nga palang meron sa libro na wala dito sa app?" tanong ko.

"Mas malinaw daw yung kwento then, may paglilinaw. May mga pictures daw ni Baby Teo ko" with matching kilig pa yan habang nagkukwento. Ah, ganun? Aagawin mo asawa ko? Minsan, masarap talagang makipagkwentuhan about sa wattpad pero please naman, walang agawan ng asawa! Fictional character na nga lang minamahal ko, may kaagaw pa ko! "Hubby ka dyan, akin lang yun!" pambabara ko.

"Anong iyo?"inis nyang tanong. "Kasal kayo? Kasal kayo? Kabit ka lang, remember?" bawi ko sabay ngisi. "Sus! Edi sayo na! Wala ka na ngang jowa, di ka mo naman makakasama yan!" Natameme na lang ako. Buset! Kung pwede lang talaga! Kung pwede lang, nasakal ko na 'tong kaibigan kong to!

••••

Sa bookstore, Nilibot ng mga mata ko ang buong lugar. Andaming libro at ansarap bilhin lahat pero di ko mabili kasi....Wala-Akong-Pera. Napatingin ako sa isang bahagi ng shelves, nakita ko ang iba't ibang libro. Na-curious ako sa title. Ganun naman dapat di ba? Unang basa palang sa title, dapat mapapaisip ka as reader. Kaya ayoko ng fairytales at romances, lalo na yung erotic. Yak! Ayokong isipin kumpaano nila gawin yung isang scene. Di naman ako nagbabasa nun, di ko nga alam yung inches inches na yan. Paano ba nila masasabi na 9 inches o 10 inches yun e hindi naman yata sila gumagamit ng ruler, foot rule daw dapat ang tawag dun sabi ni Sir, habang nag-aano di ba? Alam nyo na yun, wag nyo na akong gayahin na feeling inosente.

Chocolate syrup, ice cubes, wine at ano ano pa. Then, yung mga kubo lang daw at magha hikibg lang daw. Lahat ng yan ay narinig ko lang kay Med. Wag kanyong ano. "Nakapili ka na ba?"panggugulat ni Med. Di ko napansin na nasa likod ko lang pala sya. Buti na lang di ako magugulatin. "Sabi ko,kung nakapili ka nang libro, bibilhin ko. Libre ko."

Libre ko

Libre ko

Libre ko

Paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko. Nabingi ako sa sinabi nya, wait Seryoso??? " Seryoso? Naku, nakakahiya naman." pakipot ko. Bakit? Nakakahiya naman talaga. "Wag ka nang mahiya, pili ka na. Kahit anong gusto mo."nabingi na naman ako sa sinabi nya. P*** preeeeeennnnnddddd!!!! Nananaginip ba ko? Aray! Tunay pala! Ininda ko ang pasimple kong kurot sa tagiliran ko.

"Sabi kasi ni Mama, ilibre daw kita tsaka thank you daw nya yun sayo kasi ikaw lang daw naging kaibigan ko na tumagal. Then, pamasko nya na din. Wala kasi syang regalo sya kahapon nung umuwi sya kaya sabi ko sa kanya, ako nang bahala." Ugaaaaaaaagggggggg!!!!!

Swerte ko naman kay Tita Swerty. Bagay talaga name nya, napakaswerty. Lilibre ako ng libro. Naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko at di ko maibuka ang bibig ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang racecar sa bilis kung dumaloy ang mga dugo ko. Sa sobrang tuwa ko at pagkagulat, di ko namalayan na kinakaladkad na pala ako ni Med.

Bago ko malimutan, she's Med Pelaez. Kaedad ko at my ultimate bestfriend. Di pa ko iniiwan nyan, napakahumble nya kahit napakahambog ko. Alam nya pag may problema ako at alam nya din kung anong solusyon para mawala ang problema at galit ko—Pagkain.

Mag-isa palagi yang si Med. Pumanaw na si Tito James kaya mag-isang pinalaki at binuhay ni Tita Swerty si Med. Nag abroad sya at alam nyo na ang rason. Mahilig sa books kaya di nagkakajowa kasi mas nakakainlove pa daw yung mga fictional character kesa sa mga lalaki na pinapaboran ko. Buti pa nga yung fictional characters, pag sinabing 'I Love You' kikiligin ka talaga e sa realidad? Ang I love You katulad lang ng sentence na 'I am okay' na napakadaling pekiin. Naging friends kami nang simulan ko syang batuhin ng bola ng basketball. Naglalaro kasi nun si Kuya Harley then hiniram ko yung bola at binato sa kanya. "Ano bang gusto mong bilhin?"

"Huh? Hehe..."nahihiya kong sagot sabay kinuha ko yung pinakamurang libro. Nakakahiya kasi, libre tas ammahal ng bibilhin ko. Pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, siguro mas pipiliin mong bilhin yung mahal. Umamin ka. "Huh? Yan lang? Ang Diary ng Slight na Malandi?" Anong ibig sabihin nya ng yun lang?

" Oo e," I lied. Actually, gusto ko talagang bilhin yung Una't Huli. Lagpas isang libo kasi yung isang set kaya ito na lang na wala pang tig-100 ang pinili ko.

"Sige, sabi mo e." ngumiti lang ako ng pilit at sinundan syang maglakad papuntang counter. Nadaanan namin ang isang lalaki na nakasalamin. "Puro wattpad, wala naman kayong natutunan." bulong niya. Dahil nakaturn on ang kademonyitahan ko, sinagot ko. "Ikaw nga, puro siya di ka naman mahal." napansin kong natahimik siya at dinaanan lang namin siya. Nang nasa harapan niya na ako, bigla kong flinip ang buhok ko. Nganga ka besh?

Napadaan kami sa section na puro Wattpad books ang nakalagay at isa lang ang kumuha ng atensyon ko, ang paborito kong libro— Una't Huli. Nang malagpasan namin ang librong yun, di ko mapigilang mapalingon. Sana mabili ko yun. Sana bigyan ako ni Mama ng 500, tas si Tita Ursa, isang libo at ni Papa ng kahit 5o0 lang. Hehe...

"Good morning, Ma'am!"bati samin nung babae sa counter. Ewan ko kubg anong tawag sa kanila. Nilagay ni Med ang librong binili nya. Isang Math book, isang encyclopedia at isang dictionary. "Seryoso? Math book? Encyclopedia pati dictionary?" bulong ko kay Med. "Oo"

•••••

Train Station

Nakaupo ako ngayon at nakikipagtitigan sa babaeng nasa cover ng libro. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?"sabi nung babaeng nasa cover. Di na lang ako umimik. "Kawawa ka naman, di mo nabili yung gusto mo. Kasi, hindi sa lahat ng pagkakataon, mapapasayo yung gusto mo. Baka wala ka nun kaya di sya mapasayo." Ewan ko lang ko natatanga ba ako o sadyang sabog lang.

" Pahawak nga, Cathy."sabay abot ni Med ng isang eco bag. Hayp ambigat! Ano bang laman nito? Dumbbell?

Kinuha ko naman yung eco bag at nilagay sa lap ko. Nilibot ko naman ng tingin ang paligid ko. Napatingin ako sa babae kasi parang nakikipag-away sya sa kausap nya sa cellphone.

"NASAAN KA BA? UMUWI KA NA NGA!"sigaw nung babae.

Nakatingin lang ako sa babae habang busy naman sya sa pakikipag-usap sa kung sinuman. Pinakinggan ko lang sya, wala akong magawa e. Lowbat cp ko. Busy naman si Med kakabasa ng kung anuman.

"Maaari bang umupo?"tanong ng parang matanda yata. Nilingunan ko sya at ngumiti sakin. Ang creepy ha, ang creepy ng nguti ni Lola. But, wag kayo! Amputi pa ng ngipin nya at pantay pa. "Maaari ba akong umupo, Binibini?" Gosh! Iba talaga pag tinatawag na binibini. Ok, serious mode. Ipinagtataka ko lang, anlaki nung space dun sa ibang upuan. Dun sa dulo, isa lang nakaupo. Sa kabilang dulo naman, walang nakaupo. Bakit dito? Hayyyssst... Sige na nga.

"Opo!"nakangiting sabi ko. Umurong ako ng kaunti para makaupo sya. Pinagmasdan ko sya. Siguro mga 80-90 years old na sya. She's wearing a black blazer o ewan, basta nakadamit! Ang haba ng suot nyang itim na palda at di ko na nga makita yung paa nya sa sobrang haba. palda. "Ikaw na pala..." pabitin nya sabay tingin sa ecobag na hawak ko. Tumingin sya sa mga mata ko at nakita ko ang masigla nyang mukha. Nakakatakot na yung ngiti nya ha. "Ang alin po?"

"Ikaw na pala ang susunod." kalmado nyang sabi sabay hawi ng ecobag. Dahil sa pagkakahawi nya, nakita ko ang laman ng ecobag. Ang buong set ng Una't Huli. Namilog ang mata ko sa pagkabigla. Dinampi nya ang mga kamay nya sa buong set ng libro at marahan nyang hinimas ang unahang cover ng libro. "Ang pangarap ay matutupad dahil sa isang hiling ." Seriously? Nakashabu ba sya? Sabi ko na e. Sasabihan ko sana sya ng tama na ang paghihithit.

"Ikaw ang magpapabago sa takbo ng nakasulat sa libro." seryoso nyang sabi sa akin. Napatulala lang ako sa kanya. Gosh! Ang creepy nung tingin nya. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa sinabi nya." S-sino pong d-darating?" Nauutal kong tanong. "Malalaman mo, sa takdang oras. Sa araw ng una't walang hanggang panahon." Ano daw? Una't walang hanggang panahon? Kelan yun? First and endless time? Tama ba? Tanungin ko nga kung ano ibig sabihin nun.

"Cathy, hoy!"panggugulo ni Med habang ginagalaw ang balikat ko. Sasapakin ko tong babaeng to, alam nang may kausap ako. Nilingunan ko sya at tinanong. "Bakit ba? Alam mo namang may kausap ako di ba?"naiirita kong tanong. "Relax, wait, huh ? Wala ka namang kausap ah" seriously?

Binalik ko ang tingin ko sa matanda at nandun naman sya. Biglang dumilim ang paligid at nagsimulang lutuan. Napadaan pala kami sa subway kaya dumilim. Kasabay din nito ang paglaho nung matanda. Paano sya naglaho? Multo ba sya? Baka totoo yung sinasabi nilang may multo sa tren na to. Napatingin na lang ako sa isang set ng Una't Huli.

_______________________________

—•••—

"A friend to all is a friend to none."

Mr. Ios

—•••—


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous