Télécharger l’application
68.88% Stay with me [Tagalog] / Chapter 31: Chapter 30

Chapitre 31: Chapter 30

Rose

Nasorpresa ako ng biglaan akong yakapin ni Ana pagkabitaw ko sa kamay niya. Naramdaman ko ang medyo mabigat niyang mga braso sa balikat ko dala ng pagiging skinny niya.

Niyakap ko rin siya pabalik at napatikhim ako nang maramdaman kong nahihigpit na niya ang pagkakayakap. Agad naman itong bumitaw. "I'm sorry." Pinunasan nito ang mga luha na nagbabagsakan mula sa mga mata niya. "Masaya lang ako, kasi kahit mawawala na ako sa mundo. Maiiwan ko naman ang puso kong nabubuhay sa iyo," aniya.

Sumikip bigla ang dibdib ko at nalungkot ako sa sainabi niya. Hanggang ngayon ay napapatanong parin ako kung bakit niya gustong ibigay ang puso niya sa akin.

"Maiwan ko muna kayo," Paalam ni Ms. Jamilla sa'min. Nang maiwan kaming dalawa ay naupo kami sa upuan at sinimulan naming mag-usap. Nanatili akong tahimik at hinintay lamang siyang magsalita.

"I have a severe injury on one of the nerves on my brain," Pagsisimula nito.

"it's like an aneurysm na pwedeng pumutok anytime. Tinaningan na ako ng Doktor ko pero ang masaklap ay hindi namin alam kung kalian, probably, tomorrow? Later? No one knows." Umiiling-iling siya pero pinipilit paring ngumiti.

"I got this n'ong umattend ako ng party ng kaibigan ko. Napagtripan ako ng mga 'di kilalang grupo ng mga kalalakihan, they put something on my drinks para mahilo ako and…" she started to tremble as she reminisces what she had gone through.

"I was gang raped." Pagkasabi niyang iyon ay hindi na napigilan pa ang pag agos ng mga luha mula sa mga mata niya. Hirap siyang mag kwento pero sinubukan niya parin para maintindihan ko.

"Binaboy nila ako, hindi pa sila nakuntento, binugbog pa nila ako. Inabuso! Wala na silang itinira sa akin."

Nilapitan ko siya at hinaplos sa likod bilang pag-aalo rito. "Natamaan ng matindi ang ulo ko kaya ako nagka ganito. Iniisip ko nga bakit hindi na lang ako natuluyan? Bakit hinayaan pa akong mabuhay? Bakit hindi na lang ako nabaliw para nakalimutan ko ang masaklap na pangyayaring iyon sa buhay ko? Bakit kailangan kong dalhin sa alaala ang lahat?" tumingin ito sa akin sa kalagitnaan ng pagtangis niya at nang magtama ang aming mga paningin ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Pero n'ong malaman ko ang tungkol sa'yo. Naintindihan ko na kung bakit. Nabuhay pa ako dahil may kailangan akong gawin, at iyon ay ang dugtungan ang buhay mo."

Kinakapa ko ang sarili ko at humahagilap ako ng mga salitang isasagot dito kung ano baa ng maari kong sabihin para maipaabot ang matinding lungkot na nararamdaman ko para sa kanya. "Nalulungkot ako sa nangyari sa'yo, hindi ko rin magawang matuwa dahil nasasaktan ako sa sinapit mo."

Umiling-iling ito at hinawakan ako sa kamay. "No. you don't have to. Tanggap ko na ang lahat." She smiled.

"I decided to euthanize myself."

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Why are you going to do that?"

"Hindi ko na kaya Rose. I'm tired of living every day, suffering from the pain in my head. Pagod na ako Rose. Gusto ko nang magpahinga."

Nasasaktan ako. Bakit? Bakit ganoon ang nangyari kay Ana? Bakit napaka lupit ng tadhana para sa kanya? Dati akala ko, ako na ang pinaka kawawang tao sa mundo, pero may mas masaklap pa pala ang pinagdaanan kaysa sa akin. Seeing her made me pity her more. Napakabata pa niya pero parang nag mature na ang mukha niya, medyo halata na rin ang mga buto niya sahil sa kapayatan.

Sa ilang araw na inilagi ko sa bahay nina Ana aymas lalo kong naintindihan ang sinasabi niya. Almost every day ay sumisigaw siya sa sobrang sakit ng ulo. Para siyang tino torture nito sa sobrang sakit.

Nakakawang tingnan ang kanyang itsura na halos mabaliw na sa sobrang sakit na nararamdaman. May mga araw din na nagsusungit siya at naiintindihan naman naming iyon dahil sa hirap na pinagdadaanan niya. Minsan nga ay hindi na ako pinapalabas ni Yaya Shirley sa kwarto dahil baka raw ako naman ang takehin sa matinding emosyonng bumubuhos sa tuwing nakikita ko ang paghihirap ni Ana.

Panginoon ko, ang hiiling ko lamang ay magkaroon ng normal na buhay, pero hindi ko inaakalang sa ganitong paraan.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C31
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous