Télécharger l’application
38% The Last Letter (COMPLETED) / Chapter 19: Finding Stealer 6

Chapitre 19: Finding Stealer 6

Hindi na ako nakatanggi pa sa pamimilit ni Faith. Wala na naman akong magagawa eh.

Tsaka, ako lang inaasahan niya. Simula nang tulungan ko siya no'ng nagkasakit siya ay naging mas malapit na kami sa isa't isa. At alam kong siya ang pinaka maaapektuhan sa gagawin kong pagpapakamatay.

Yes, I always think about suicide. I'm not afraid of doing it but I want to let them know that I appreciated them and I'm glad to know them when I'm still breathing.

Ayaw ko namang iwan sila nang basta-basta eh. Kahit papaano ay tinetreasure ko lahat ng memories namin.

"Ang dami mo namang pagkain dito. Last supper ba ito?" Pagbibiro ni Faith.

Tumawa ako, "pwede rin."

"Joke lang! 'Wag ka ngang ganyan!" Sabi niya at tumayo.

Nagulat ako. Magwa-walk out ba siya?

"Saan ka pupunta?"

Tumalikod ito, "bibili. Nagugutom na rin ako."

"Teka, 'di ko ito mauubos. Hati na lang tayo." Sabi ko at in-offer 'yong hindi ko pa nakakain. Humarap ito.

"Talaga? Yehey! Nakalibre ako." Humagikhik siya.

Bunso nga pala siya. Kaya ganyan ang personality niya.

Matapos naming kumain ay ilang minuto rin kaming nakatambay sa cafeteria. 1 hour vacant naman kami eh.

"Balita ko, sumali ka raw sa poster making?" Tanong niya.

"Ha? Oo."

"Bawal mangalumbaba rito." Sita ko sa kanya.

Agad naman itong umayos ng upo.

"Sana manalo ka!"

"Okay lang naman din kung hindi. Tsaka, hindi talaga ako confident sa poster ko."

"Wala pa nga eh. Be positive!"

"How?"

"Anong how ka diyan?"

"Wala." Tumawa na lang ako. Para akalain niyang nagbibiro lang ako.

"Tsaka, positive do attracts. Kapag naging positive ka, positive rin ang outcome!"

"Gano'n ba 'yon?"

Tumango ito.

"Alam mo, gusto ko ring matuto kung paano mag drawing. Simpleng bilog nga lang 'di ko pa ma-perfect. Hays."

"Practice lang." Sabi ko tsaka namataan ng mata ko ang papalapit naming class present with Wan.

"Samson! Buti nandito ka." Malungkot ito.

"Bakit?" Tinignan ko ang reaksiyon ni Wan. Para itong galit sa akin eh wala naman akong ginagawa.

"May masama akong balita." Sabi niya at umupo.

"Ano 'yon?" Ani Faith. Mas excited pa siyang malaman 'yon kaysa sa 'kin ha?

Ay, hindi pala siya mukhang excited.

"Kasi..."

"Kasi hindi na ipopost sa hallway 'yong entry mo." Mataray na sabat ni Wan. Bakit ba ang init ng dugo nito sa 'kin?

"Ha? Bakit naman? Unfair 'yon ah." Bakas sa boses ni Faith ang inis.

Medyo inis din ako pero at the same time, disappointed.

"Maganda naman 'yong poster mo, kaya lang, hindi maganda ang pinoportray nito. Ang negative ng approach niya." Malungkot na saad ni pres.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo pres, 'wag na siya eh." Sabat ulit ni Wan na ikinatayo ni Faith.

"Kasi gusto mong ikaw na lang ang ilaban." Hinawakan ko ang kamay ni Faith.

"Malamang, mas magaling naman ako kaysa kay Samson."

"Aha! Sabi na nga ba, naiinggit ka lang!" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Tama na. Okay lang naman kung hindi ipopost 'yon. Hindi ko rin naman kasi sinunod ang sinabi ni ma'am Marlyn." Sabi ko.

"Disqualify na poster mo." Sabi ni Wan at umalis na.

"Sorry, pres."

"It's okay. "Each day is a learning process and a never-ending battle. And failure is part of a process."

"Sorry talaga."

"Wala 'yon, maganda naman talaga ang poster mo. Kung ako ang judge, baka ipanalo ko 'yon. Inilaban pa namin 'yon ni sir Paul kaya lang mas madaming teacher ang agree na idisqualify ang poster mo. It promotes suicide raw."

Humingi ulit ako ng despensya. Nakakahiya at nakaka-disappoint. Parang nawalan ng saysay ang binigay na tiwala at suporta nila sa 'kin. Lalo na si Limuel, Gian at sir Paul.

Pero hindi pa rin ako agree sa ginawa ng teachers.

It's your own idea, it's your expression about art. Why is it always be positive? Why it can't be destructive? It's how I describe myself, I am an art.

"Nakakainis naman 'yon!"

Malungkot ko siyang tinignan, "Sorry."

"Sila ang dapat mag-sorry!"

Nag-ring na ang bell at kailangan na naming bumalik sa classroom. Huhusgahan na naman nila ako.

Nakadagdag na naman ito sa listahan ko ng sakit. Puro sakit na lang.

Ang ganda pa naman ng araw ko kanina. Ang bilis talaga.

I hate random sad days. Having a heavy heart and anxious mind is the worst.

Hinatid ako ni Faith sa classroom dahil ramdam niya ang disappointment sa buong sistema ko.

Nakakalungkot. I'm such a failure!

Nang makarating kami sa classroom ay agad ding umalis si Faith.

Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas lahat ng nasa loob ko dahil lumalakas na naman ito.

The monsters in my mind keeps screaming.

I hate it.

"Nabalitaan ko ang nangyari. Napaka-unfair naman no'n. Pinaghirapan mo 'yon tapos gano'n lang." Bulong ni Limuel nang makaupo ako sa tabi niya.

"Sorry." Puro sorry lang ang lumalabas sa bibig ko.

"You don't have to be sorry. You do your best. That's the matter."

Hindi ako nakinig sa klase matapos no'n. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari.

Ang nakapagbalik lang sa 'kin sa realidad ay ang tunog ng bell na hudyat na uwian na.

Hindi ko ring namalayang pumasok at lumabas na si sir Paul sa classroom.

Gusto kong umiyak. Kaya lang baka masabihan akong AO or too sensitive.

It's just a contest, may matatalo at mananalo. Pero, ako 'yong talo. Mas masakit kasi una pa lang, wala na akong laban.

"It's okay to cry."

Inilibot ko ang mga mata ko. Kaming dalawa na lang pala ni Limuel ang natitira rito.

Inayos ko na ang gamit ko at inilagay ito sa bag.

Hays. I want to cry.

"I said it's okay to cry." Sabi niya at tinitigan ako.

Is he mind-reader? Nababasa niya ba ang lahat ng gumugulo sa isip ko?

Napailing ako. Nahihibang na ata ako. Paanong may nakakabasa ng isip ko. Imposible! Hays.

"I know, you're sad and that's okay."

Mas lalong gusto kong umiyak sa sinabi niya.

Tumayo siya, "You are not overacting. You are not too sensitive. If it hurts you, it hurts you."


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C19
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous