Télécharger l’application
93.1% Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 27: CHALTER TWENTY-FIVE

Chapitre 27: CHALTER TWENTY-FIVE

💜💜💜

    ILANG BESES pa na humugot ng malalim na hininga si Maze. Ang bilis ng tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon. Nakatingin siya sa salamin at sinipat ang sarili. Today is the day she been waiting. Tatlong buwan din niya hinintay ang araw na iyon. Ang araw na magiging kanya na talaga si Shilo. Kinakabahan siya mula pa kagabi. Marami siyang na isip na scenario at puro iyon hindi maganda. Maybe it the wedding jitters. 

    "Ate Maze, okay ka lang ba?" narinig niyang tanong ni China.

    Napalingon siya sa kapatid. Napangiti siya ng makita ang ayos nito. Isa ito sa mga kinuha nilang abay ni Shilo. Partner nito ang asawa na si Christian. She is wearing pitch tube dress. Siya naman ay isang princess type white wedding dress ang suot.  Off shoulder ang style ng gown at pansin na pansin ang cleavage niya. Pansin din ang kurte ng baywang niya. Balloon style sa ibaba at nilagyan ng iba't-ibang kulay ng bulaklak. Mahaba ang damit niya na likuran at maraming bulaklak ang inilagay ang mananahi doon. Ang mas nakakaagaw pansin sa wedding dress niya ay ang likod niyang kitang-kita dahil natatakpan lang iyon ng lace. Pinili niya talagang mabuti ang wedding dress niya. Ngayon pa lang ay na excited na siyang makita ang reaksyon ng kanyang magiging asawa.

    "I'm okay. You look wonderful." Nilapitan niya ang kapatid at niyakap.

    "Mas maganda ka, Ate Maze." Nanganak na ito noong nakaraang buwan kaya maliit na ang tiyan ng kapatid.

    "Thank you." Huminga siya ng malalim.

    "Kinakabahan ka ba, Ate?" natatawang tanong ni China.

    Tumungo siya. "Kagabi pa ako hindi mapalagay. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko at mga hindi magaganda iyon." Puno ng pag-aalalang sabi niya.

    Nahinang tumawa si China. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa kama para ma-upo. "Ate, mahal ka ni Shilo. Marami kayong pinagdaanan para makuha ang happy-ever-after niyo kayo siguradong pupunta iyon. Wag ka ng mag-alala pa." 

    "Hindi ko lang talaga mapigilan."

    "Hay naku, Ate Maze." Binitiwan ni Chena ang kamay niya. May kinuha ito sa maliit nitong hand bag. Isang maliit na papel at ibinigay sa kanya. "Here. Basahin mo para kumalma ka."

    Nagsalubong ang kilay niya at tinanggap iyon. Binundol ng kaba ang puso niya ng makitang sulat iyon mula kay Shilo. Binasa niya iyon sa nanginginig na kamay.

    My Wife,

        I love you so much. See you in the wedding hall. I can't wait to marry you, Mazey. Wag mo akong takasan ha. I already wait too much to be with you forever.

    You hubby for a lifetime,

        Shilo. 

    Napangiti siya sa nabasang sulat. Napalitan ang kaba ng ligaya. Hindi nga dapat siya mag-isip ng masama dahil magpapakasal talaga sila ni Shilo. Pakakasalan siya nito dahil mahal nila ang isa't-isa. Ito na ang hinihintay nilang happy-ever-after.

    "Okay ka na?" natatawang tanong ni China.

    Tumingin siya sa kapatid at tumungo. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Thank you."

    Gumanti naman ng yakap si China. Masaya siya dahil kasama niya ng mga sandaling iyon ang mga taong malalapit sa buhay niya. Masasaksihan ng mga ito ang pag-iisang dibdib nila ni Shilo. Naghiwalay lang sila ng dumating ang kanyang ina kasama ang wedding coordinator at sinabing oras na para umalis sila. Tinulungan siya ng mga ito na makababa sa wedding hall. Sa maliit na simbahan ng hotel gaganapin ang kasal nila ni Shilo. Pinili nila iyon dahil iilan lang naman ang bisita na inibintahan nila. After the scandal that the Wang Family facing three months ago. They decided to make their wedding simple and private. Ayaw ni Shilo na bigyan ang media ng dahilan para pag-usapan ng masama ang kasal nila. Nagpakasal naman sila dahil sa pagmamahal, hindi para pagtakpan ang ginawang kasalanan ni Kuya Shan.

    "Handa ka na ba, anak?" tanong ng kanyang ina. Ito ang maghahatid sa kanya sa altar. 

    Tumungo siya sa ina. Nagbigay hudyat ang wedding coordinator sa dalawang lalaki na siyang magbubukas ng pinto ng simbahan. Pinuno niya ng hanging ang dibdib bago naglakad papalapit sa pinto na unti-unting binuksan. Isang napakagandang kanta ang sumalubong sa kanya ng tuluyang makapasok sa maliit na simbahan na iyon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa bulaklak na hawak ng tumingin siya sa may altar. Bumilis ang tibok ng puso niya at nang init ang kanyang mga mata ng makita kung paano lumiwanag ang mukha ng taong minahal niya ng sobra. Nakita niyang tinapik ni Joshua ang balikat ni Shilo, ito ang best man. 

    Nagsimula siyang naglakad. Hindi niya inaalis ang tingin kay Shilo. Nang mga sandaling iyon ay wala siyang ibang nakikita kung hindi ang lalaking nagbigay ng saya, lungkot, pighati at pagmamahal sa kanya. Hindi niya akalain na darating ang araw na iyon. Ang araw na talagang papakasalan niya ang taong minamahal. Kung pwede lang sana bilisan ang bawat hakbang ay ginawa na niya. Gusto na niyang mahawakan si Shilo at sabihin dito na masaya siyang ikakasal. Sasabihin niya din dito na sa wakas ay ikakasal na siya sa lalaking ilang taon na niyang pinagdarasal na makasama habang buhay. Ito ang huling lalaking pag-aalayan niya ng sarili, ng puso at kaluluwa. Si Shilo ang taong tinadhana sa kanya. 

Lumipas pa ang ilang sandali ay tuluyan na siyang nakalapit kay Shilo. Humalik ito sa pisngi ng kanyang ina.

"Ingatan mo sana ang aking princesa, Shilo." Narinig niyang sinabi ng kanyang ina. Napansin niya ang namumuong luha sa mga mata nito.

"I will, Tita. I will treasure her and make her my queen." Nakatingin sa kanya si Shilo habang sinasabi ang mga katagang iyon. 

May munting kamay na humaplos sa kanyang puso dahil sa mga katagang sinabi ng binata. May namumuong luha sa kanyang mga mata. Kinagat niya ang labi para pigilan ang emosyong nararamdaman. Hindi siya pwedeng umiyak. Masisira ang kagandahan niya. Hinarap niya ang ina at niyakap ng mahigpit.

"I'm happy for you, anak. Hangad ko ang kaligayahan mo." Tuluyan pumatak ang mga luha ng kanyang ina.

Pinunasan niya iyon. "Thank you for everything, Mommy."

Tumungo ang kanyang ina. Hinawakan nito ang kamay niya at ibinigay kay Shilo. Ngumiti ang kanyang ina sa kanilang dalawa ni Shilo bago ito tumalikod para umupo sa upuang nakalaan dito. Tumingin siya kay Shilo. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Unang umiwas ang mapapagasawa niya. Inalalayan siya nito na makatayo sa harap ng altar. Pinisil ni Shilo ang kamay niya bago iyon binitawan.

Nagsimula ang kasal. At habang nagsasalita ang Pari na magkakasal sa kanila ay naglalakbay naman ang kanyang isipan sa nakaraan. Ang unang araw na nakilala niya ito, ang unang araw na lumapit siya dito, ang pagbalot niya sa sugat nito, ang araw na umiyak siya sa harap nito, unang ngiti nito sa kanya, ang kanilang unang halik, simula ng kanilang pagkakaibigan at ang araw na iniwan siya nito. Naalala niya din ang muli nilang pagkikita pagkalipas ng limang taon, ang pagtatapat nito at pagyaya ng kasal sa kanya. Para iyong movie film na dumaloy sa kanyang isipan. Habang dumadaloy iyon ay napupuno naman ang puso niya ng saya. Sa kabila ng pinagdaanan nila ni Shilo ay narito silang dalawa sa harap ng Panginoon at na ngangako na magsasama ng habang buhay. 

Natigil ang mga ala-ala ng tinawag sila ni Father para magpalitan ng singsing at vows. Si Shilo ang unang nagsuot ng singsing sa kanya.

"I, Shilo Chauzo Wang, take you, Kaze Alexa Lu to be my lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

"I, Kaze Alexa Lu, take you, Shilo Chauzo Wang to be my lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

"Now, I may present to everyone. Mr. and Mrs. Shilo Chauzo Wang. You may now kiss the bride." 

Ngumiti sila kay Father bago hinarap muli ang isa't-isa. Itinaas ni Shilo ang suot niyang belo. Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanyang asawa ng makita nito ang kanyang mukha. Marahang hinaplos ni Shilo ang kanyang mukha.

"You are the most beautiful bride I ever saw, Mrs. Wang." Puno ng paghangang sabi ni Shilo.

"You also the most charming groom in the world right now, Mr. Wang." Ganti niya sa binata.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Shilo bago nito sinakop ang kanyang labi. Narinig nila ang malakas na palakpakan ng mga taong dumalo sa kasal nila ngunit walang paki-alam ang bagong kasal. Mas nilaliman pa ni Shilo ang paghalik kay Maze. Binabawi ang ilang araw na hindi nakasama ang babaeng mahal na ngayon ay kanyang asawa.

MASAYANG binati ni Shilo at Maze ang mga bisita nila sa kasal. Halos lahat ng mga taong malapit sa kanila ay naruroon. Maliban kay Ate Carila at Kuya Shan. Hindi na sila nakalapit kay Ate Carila dahil nag file ng TRO si Harry. Ang tanging pwede lang nilang lapitan ay si Sheldon. Si Kuya Shan naman ay nasa rehab. At umaasa silang magiging maayos na din ito. Nasa kasal din nila ang dalawang taong naging malapit sa kanya sa U.S, si Cathy at Sancho na hindi pa rin magkasundo. Noong una ay akala ni Shilo, magnobyo si Sancho at Cathy pero sinabi niyang hindi. Ganoon lang talaga ang dalawa sa isa't-isa. Kasama din kasi ni Sancho ng mga sandaling iyon ang sekretarya nito na si Angel.

    "Are you okay?" tanong ni Maze kay Angel ng kumuha ito ng wine.

    Doon lang siya nabigyan ng pagkakataon na lapitan ito. Bantay sarado kasi si Sancho sa sekretarya nito na ipinagtaka nila. Tatlong buwan din siyang walang balita sa kaibigan. Naging busy si Sancho sa panghawak sa business ng ama nito. Nalaman niya nga noong nakaraang linggo na pumunta ito sa probinsya para puntahan ang secretary nito na nagresign. Kaya nga nagulat sila nang pumunta ito sa kasal niya. Ang sabi kasi nito ay matatagalan ito sa probinsya at hindi makakapunta sa kasal niya. Ito dapat ang best man at si Cathy ang bridesmaid ngunit wala nga ang binata kaya si Joshua na lang ang pinili nila ni Shilo at si Anniza na kahit malaki ang tiyan ang pinili nilang bridesmaid.

    "Yes!" sagot nito at ngumiti ng bahagya.

    "I hope you enjoy my wedding."

    Tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng maliit na ngiti. Alam niyang naiilang ito sa kanya. Ngayon niya lang din naman nakilala ng personal ang babae pero alam niya kung ano ito sa buhay ni Sancho. Natigilan siya ng makita ang lungkot na rumehistro sa mukha nito. Sinundan niya ang tingin nito. Doon niya nakita si Sancho at Cathy na nagbabangayan pa rin ng mga sandaling iyon. Ngumiti siya. Sancho should be happy if he sees what she saw earlier.

"Do you know what I realize when I forgive and love my husband." Bulong niya dito.

Tumingin sa kanya si Angel. Binigyan siya nito ng nagtatanong na tingin. Ngumiti lang siya dito at hinawakan sa kamay.

"Kung mahal mo ang isang tao kahit ano pa ang ginagawa niyang mali ay patatawarin mo siya. Forgive and forget will free you from the pain in your heart." Tinuro niya ang puso nito. "Sundin mo sana ito habang maaga pa." dagdag niya bago ito iniwan at pinuntahan ang mga kaibigan.

Papalapit palang siya ay naririnig na niya ang bangayan ng dalawa. Hindi na natigil ang mga ito. Napailing na lang siya.

    "...shouldn't ask her like that. Anong plano mo ngayon sa kanya? Habang buhay na lang ba kayong magsasama ng walang kasal?" tanong ni Cathy.

    "Don't ask me like that. Dapat buhay mo ang paki-alaman mo. May balak ka bang sabihin sa kanya ang totoo mong pagkatao ha?" ganti ni Sancho.

    "You guys still fighting?" Umupo siya sa upuan na pinapagitnaan ng dalawa. "It's my wedding guys. Bawal kayong dalawa magkalat."

    Sumimangot si Cathy at inirapan si Sancho. Ganoon din ang ginawa ng lalaki. Napangiti nalang siya at napailing. Wala ng pag-asa na magkakaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa. They are forever on war. Magsasalita na sana siya ng biglang tumayo si Cathy na nanlalaki ang mga mata. Takot na takot itong tumingin sa kanya.

    "Kaze, congratulations sa kasal mo. Sana magkaroon agad kayo ng baby ni Shilo. Wag mong kalimutan na gawin akong ninang." Humalik ito sa kanyang pisngi at nagmamadaling umalis.

    "Anong nangyari doon?" takang tanong niya kay Sancho. Nagkibit balikat na lang si Sancho bilang sagot.

    Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang papalabas na ng venue na si Cathy. Something is wrong with Cathy. Tatayo na sana siya ng may biglang humalik sa kanya buhok. Napatingala siya at nakita ang nakangiting si Shilo.

    "Hi, my wife." Sabi nito.

    Ngumiti siya at hinalikan ito sa labi.

    "Gross." Narinig niyang sabi ni Sancho. Inis niyang tiningnan ang kaibigan.

    "You should find a girlfriend." Sabi ni Shilo.

    "I already have one." Sagot ni Sancho at tumayo sa pagkakaupo. Hawak nito ang isang kopita.

    "I know. Pero gawin mo siyang girlfriend at hindi isang…" Siniku niya si Shilo para tumigil ito sa pagsasalita. Mag-aaway na naman kasi ang dalawa kapag nagkataon.

    Hindi pinansin ni Sancho ang sinabi ni Shilo. Ngumisi pa nga ang lalaki. "I won't do the same thing what you do, Shilo. Hindi ako gagawa ng kwento at aarte para makuha ang babaeng gusto ko."

    Napakagat siya sa labi. Hindi pa rin nagkakasundo ang dalawa. Kahit ano yatang gawin niya ay hindi na magkakaayos ang dalawang ito. Hindi matapos-tapos ang gira sa pagitan ng asawa at kaibigan.

    "You are saying those things to me as if you are not. You are acting jerk right now, Sancho. Take my advice. Try confessing to her o makes her fall to you.." Sabi ni Shilo at hinawakan siya sa kamay. "Good luck."

    Napasunod naman siya sa asawa ng umalis sila sa harap ng kaibigan. Asawa.... Hindi niya magilan ngumiti pagnaaalalang kasal na sila ni Shilo. She is now official Mrs. Shilo Chauzo Wang. Sa wakas may karapatan na din siya sa taong mahal na mahal niya. Natigilan siya ng makita ang isang pamilyar na lugar. Lumipas man ang panahon hindi siya maaring magkamali kung nasaan sila ni Shilo. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Kaya nga nila pinili doon ay dahil sobrang special sa kanila ang lugar na iyon.

    "What are we doing here?" tanong niya. "Should we go back to the reception? Baka hanapin tayo."

    Lumingon si Shilo at ngumiti. Hinila lang siya nito. Tumigil sila sa isang lalaki na pamilyar sa kanya. Napakaganda ng ngiti ng lalaki sa kanya na ikinasimangot ni Shilo.

    "Don't smile at my wife like that." Sabi ni Shilo.

    Tumingin ang lalaki kay Shilo. "Sorry about that, Shilo. Mas lalong gumanda si Maze. Parang hindi siya ang babaeng nakilala ko anim na taon na ang nakakaraan."

    Sinulyapan siya ni Shilo. "Ya. She is more beautiful than before." Malamlam ang mga matang sabi ni Shilo.

    Hindi naman niya napigilan na di kiligin sa sinabi ng asawa. Hinampas niya ito sa braso. "Stop kidding around."

    "I'm not." Hinawakan ni Shilo ang baba niya.

    "Common guys, single here." Sabi ni Gab na napatigil sa kanila.

    Nahihiyang yumuko siya para itago ang pamumula ng mukha. Tumikhim si Shilo. "We want to go inside."

    "Of course, boss!" Ani Gabby at inutusan ang isang staff na buksan ang glass door.

    Ngumiti siya kay Gabby bago sila lumapit sa staff. Pumasok sila sa loob kung saan makikita ang fountain kung saan siya unang humiling na mahalin siya ni Shilo. Inalalayan siya ni Shilo na makapasok sa lugar. Buti na lang talaga at hindi ang wedding gown niya ang suot ng mga sandaling iyon. Nagbihis kasi siya pagkatapos ng kasal. Isang white dress na hanggang tuhod ang suot niya. Hindi din iyon off shoulder kaya nakakagalaw siya ng maayos.

    "You know your way. Enjoy. And congratulation on your wedding." Sabi ni Gabby at iniwan sila doon ni Shilo.

    Tumungo si Shilo at ngumiti naman siya bilang tugon. Magkahawak kamay sila ni Shilo habang lumalapit sa fountain. Gabi na ng mga sandaling iyon. Kanina pa rin naman tapos ang wedding event. Malalapit lang nilang kaibigan kanina ang naiwan sa reception. 

    "I have something to ask you, Maze."

    Tumigil sila ni Shilo sa paglalakad. Humarap siya sa asawa at tiningnan ito sa mga mata. "Ano iyon?"

    "What do you wish that night?"

    Natigilan siya sa tanong nito. "I wish that night?"

    Tumungo si Shilo bilang tugon.

    Nag-iwas siya ng tingin dito. Sasabihin niya ba rito ang hiniling niya ng gabing iyon? Well, wala na din naman siyang maitatago rito. They are already married. 

Ibinalik niya ang tingin kay Shilo at nagniningning ang mga mata na tinitigan ito sa mga mata. "I wish that night to be your woman until the world ends."

    Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Shilo sa sinabi niya. He's reaction is priceless. Hindi ito nakapaniwala sa sinabi niya. "Are you sure?"

    Tumawa siya. "Yes. I told you. Nahulog ang loob ko sa iyo sa tatlong taon na pagtatrabaho ko bilang sekretarya mo kahit ang sungit-sungit mo."

Mahinang tumawa si Shilo at inilagay ang mga braso sa kanyang baywang. "I have a confession to make."

Nagsalubong ang kilay niya. May hindi pa ba siya nalalaman tungkol sa asawa.

"I already like you when you were eight. I fall to you the moment you cry in front of me. Nang umiyak ka sa harap ko, una kong naalala ay iyong batang Kaze na lagi kong kalaro noon."

    Nagulat man sa sinabi nito ay ngumiti din siya. Eight years old siya ng una siyang nagustuhan ni Shilo. Kung ganoon ay ito ang unang nagkagusto sa kanilang dalawa. Wala man siyang maalala sa kabataan niya ay tinanggap na lang niya dahil ang mas importante naman ay iyong ngayon at bukas na kasama niya ang taong mahal.

    "I also have one more confession to make."

    "What is it? Meron pa bang mas nakakagulat sa sinabi mo ngayon."

    Tumawa ng mahina si Shilo. "You are the first person I ask for marriage." Sabi ni Shilo na kinasalubong ng kilay niya.

    "But...."

    "You were nine when I ask your hand to be my bride. I even ask your hand to your father. It maybe a child promise but right now I'm happy that I keep that promise."

    Nanlaki ang mga mata niya. Tatanungin niya sana kung seryuso ito sa sinabi ngunit hindi niya nagawa dahil nakikita niya naman sa mata nito ang sagot. Shilo is dead serious at that moment. Kung ganoon ay noon pa talaga siya nito gusto. Kung sakaling hindi siya kinuha ng kinilalang ina ay iba ang naging tagpo ng kwento nila. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Pinaghiwalay silang dalawa ngunit pinagtagpo ulit. Muli man silang nagkalayo ngunit bumalik pa rin sa bisig ng isa't-isa. At ngayon nga ay nakamit na nila ang nais. Hindi na sila muling magkakalayo sa isa't-isa. Thinking about what they been through before they finally get their happy ever after makes her cry.

    "You're already love me?" na-iiyak niyang sabi.

    Pinunasan ni Shilo ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. "I always love you, Maze. You are the girl I want to spend my life with. You are my destiny."

    Ngumiti siya bago hinawakan sa batok si Shilo. Hinila niya ito para mahalikan sa labi. Agad naman tinugon ni Shilo ang kanyang halik. Lalo nitong inilapit ang katawan sa kanya. Love always finds its way. Kahit anong mangyari, kahit subukan ng tadhana, kung talagang para sa isa't isa ang dalawang tao, sila parin hanggang sa huli. Everything happens for a reason. Maaring wala pang sagot ang bawat tanong ngayon pero sa dulo ng bawat kabanata ay may sagot na lilitaw. Pagkatapos ng bagyo ay may magandang bahaghari na magpapakita at muling liliwanag ang buhay ng isang tao

    At ngayon nga, nakita niya na ang sarili niyang bahaghari at liwanag. Hawak na niya ang sarili ang sariling kaligayahan. Hindi na niya iyon pakakawalan pa. There's nothing she can wish for. A happy ending is finally coming and new chapter will now start.

Pinutol niya ang pinagsasaluhan nilang halik ni Shilo. Tinitigan niya ito sa mga mata bago ngumiti ng napakatamis.

"I also have my own confession to make." bulong niya.

Si Shilo naman ang nagsalubong ang kilay ng sandaling iyon.

"I'm pregnant." sabi niya.

Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Shilo ngunit mas nagulat siya sa sumunod na nangyari. Bigla na lang nawalan ng malay si Shilo. Nahimatay ito dahil sa ibinalita niya. What an epic reaction from the man she loves?

____END_____


L’AVIS DES CRÉATEURS
HanjMie HanjMie

Maraming-maraming salamat sa pagbabasa. May special chapter pa po, sana ay abangan niyo.

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C27
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous