Télécharger l’application
17.24% Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 5: CHAPTER THREE

Chapitre 5: CHAPTER THREE

    BUSY sa ginagawa niyang report si Mazelyn nang galit na dumating ang boss niya. Sinundan niya ito ng tingin. Nagsalubong ang mga kilay niya, nagtataka siya kung bakit galit na naman ang binata. Umagang-umaga ay namumula na naman ang mukha nito. Napatayo siya sa kina-uupuan ng makarinig ng bagay na nabasag mula sa loob ng opisina. Walang pagdadalawang-isip na sumugod siya papasok sa opisina nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang basag ang center table na gawa sa salamin. Magulo din ang table nito at basag na ang laptop nito.

    Napa-atras siya nang lumingon ito sa kanya. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Napalunok siya ng sariling laway ng makita ang naga-apoy nitong mga mata.

    "Who told you to enter?" sigaw nito na halos bumasag sa ear drum niya. Naka-mega phone yata ang Boss niya kapag galit.

    Lalo siyang napaatras. Mukha na siyang lulutuin ng amo niya ng mga oras na iyon sa uri ng galit nito. May nabuhay na takot sa puso niya. "A-ano p-po? M-may narinig po akong nabasag. A-akala ko po kung napano kayo." Hindi niya naitago ang panginginig. Simula ng masugatan siya dahil dito ay naging ganito na ang pakiramdam niya sa binata.

    Naglakad palapit sa kanya si Shilo. "You always go in my way, Ms. Reyes. Bakit ba ang hilig mong maki-alam? Tapos matatakot ka naman pagnakikitang galit ako."

    Patuloy lang siya sa paglayo rito na nakayuko. Hanggang sa napasandal siya sa pader. Ikinulong siya ni Shilo sa pagitan nang pagtukod ng isang kamay sa pader na kinasasandalan niya. Lalong nagbigay iyon ng tension sa katawan niya. She finds their position uncomfortable. Umiba din ang tibok ng puso niya. 

    "Tell me, Ms. Reyes. Why you doing this? You are sticking on my own business." 

"Naga-alala lang naman ako sayo, Sir Wang."

    "Nag-alala?" tumawa ng patuya si Shilo. "That's new. Someone worried over me." 

Marahas nitong iniangat ang kanyang mukha gamit ang isang kamay. Nagsalubong ang mga titig nila. Napahawak siya sa pader ng maramdaman ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Shilo stares penetrate her whole being. Gusto man niyang umiwas ng tingin dito ay hindi niya magawa dahil hawak pa rin nito ang kanyang baba.

"I don't need your worries, Ms. Reyes. Know your boundaries. You are just my secretary. Kapag nagwala man ako dito sa loob ng opisina ko, basagin ko man ang lahat ng gamit ko at masugatan man ako, dapat wala kang paki-alam. Continue your work as if you don't hear anything and don't enter my office without my permission. Do you understand?" may bahid ng pagbabantang sabi nito.

Tumungo siya. May nagbabantang luha sa kanyang mga mata. Bawat salitang lumabas sa labi nito ay parang patalim na bumabaon sa puso niya. It was painful hearing those words from the person she likes and also hearing those words from him makes her realize that she is just his secretary. Na isa lang siyang hamak na sekretarya nito. Na hindi siya parte ng buhay nito. Marahas nitong binitawan ang kanyang mukha. Tumalikod ito sa kanya ngunit hindi naman lumayo.

"I don't care if you are close to my brother or to Carila. Just don't show up that worried face of yours on me again. It's pathetic. Lahat kayong mga taong nakapaligid sa akin ay mga nagbabalat kayo. Nag-aalala ka sa akin? Alam ko naman na hindi iyan totoo." Ngumisi si Shilo. "Natatakot ka lang naman na tanggalin kita sa trabaho mo kaya kailangan magpakita ka ng pag-aalala sa akin. You stay on my side acting nice towards me, so that I can't throw you out of this company. How disgusting it is?" Patuyang dagdag nitong sabi.

Parang naman siyang binuhusan ng malamig na tubig. Bakit pakiramdam niya ay sinakal ang puso niya sa sinabi nito? Unti-unting nalaglag ang mga luha niyang kanina pa pinipigilan. Sa loob ng tatlong taon niyang pagtatrabaho kay Shilo ay ngayon lang siya umiyak. Those words is more painful that those years of him throwing things at her. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho niya sa pamilya Wang ngayon niya lang narinig iyon mula kay Shilo. Sa mga sinabi nito ay parang dinurog ang puso niya ng pa-ulit-ulit. What did she do to deserve such pain? Anong karapatan nitong husgahan siya? Napahawak siya sa dibdib ng makaramdam ng paninikip doon.

"You are my boss. I care for you. Tatlong taon na akong nagtatrabaho sayo, Mr. Wang. At kahit kailan walang halong pagbabalat kayo ang pagsisilbi ko sa iyo. Ano naman ang mapapala ko, di ba? Ang manatili sa posisyon na ito. Ang maging sekretarya ng taong lagi nalang galit, namamato ng kung ano-ano at parang walang paki-alam sa nararamdaman ng ibang tao. Lagi po kayong nakasigaw, lahat po kami ay takot sa inyo pero kahit ganoon ay hindi ko na isip na umalis. Mahal ko po ang trabaho ko kaya may paki-alam ako sa taong pinagsisilbihan ko."  Depensa niya rito. Hindi niya na kaya ang sinabi nito patungkol sa kanya. Hindi nito alam ang paghihirap niya. Araw-araw itong galit at nakasigaw, buti nga at hindi pa siya nagkakasakit sa puso dahil dito.

Lumingon ito ng may nakaka-insultong ngiti sa labi. "Dapat na ba akong magpasalamat sayo dahil hindi mo pa ako iniiwan?"

Hindi siya nakaimik sa tanong nito. Wala naman siyang ibig sabihin sa sinabi. Gusto niya lang malaman nito na hindi siya katulad ng ibang kasama nila sa trabaho. She cares for him. Hindi dahil sa boss niya ito kundi dahil sa gusto niya si Shilo ngunit iba yata ang pagkakaintindi nito sa kanyang mga sinabi.

"Ms. Reyes, always put on your mind. Sinasahuran kita kaya dapat mo naman talagang gawin ang trabaho mo, pero hindi kasama doon ang pag-aalala mo. Kung galit man ako at laging nakasigaw, then that's the thing you need to endure as my secretary. Kaya tigilan mo ako sa kakaiyak mo dahil hindi nakakatuwa." Sigaw nito at sinuntok ang pader sa gilid niya.

Yumuko na lang siya at pilit na pinapakalma ang sarili. Alam niyang galit ito kaya walang maitutulong kung magpapaliwanag siya. Hindi nito paniniwalaan anuman ang sabihin niya. Ayaw man niyang isipin nito na kagaya siya ng ibang tao ay hindi niya pwedeng ipilit dito ang mga salita niya. Ang taong galit kahit anong paliwanag ang gawin ay nakasara ang isipan sa mga bagay-bagay. Sarili lang nito ang paniniwalaan.

"Call the maintained and clean up my office. Make sure it will return to its previous look."

Narinig niya ang mga yapag nitong paalis. Saka lang niya hinayaan ang nanginginig na mga tuhod na  tumiklop, napaupo siya sa sahig at doon ay tuluyan na siyang napaiyak ng malakas. Sobrang bigat ng dibdib niya. Bakit ba napakabitter nito sa buhay? Ganoon na ba ito kagalit sa mundo para manakit ito ng damdamin ng ibang tao?

Hanggang kailan kaya siya tatagal sa tabi nito. Unti-unti na kasing nadudurog ang puso niya. Natatakot siya na isang araw ay magigising nalang nawala na ang pag-ibig na inalagaan para dito. 

HINDI nakapasok kinabukasan si Maze dahil sa nagkasakit ang kanyang kapatid. Sinugod niya ito sa ospital dahil sa hika nito. Bata palang si China ay may asthma na ang kapatid, kaya nga ingat na ingat siya rito. Nalaman niya na sumali ito sa isang school activity na naging dahilan nang pag-atake ng sakit nito. Buti na lang talaga at umuwi siya ng maaga kagabi. Naabutan niyang nakahiga ito sa sofa at hinahabol ang paghinga.

"Maze, bumili ako ng orange para kay China." Ipinatong ni Christian ang dala nitong plastic sa may mesang naruroon.

"Maraming salamat." Tumingin siya kay Christian at ngumiti.

Christian is one of her friends. Noong unang lipat nila sa lugar kung saan sila tumutuloy ngayon ay ang pamilya nito ang una niyang naging malapit na kaibigan. Magkasing edad lang sila ni Christian. Mabait ito sa pamilya niya at aaminin niya. Nililigawan siya ng binata noon pa ngunit hindi niya ito masagot dahil wala siyang nararamdaman dito. Ayaw niyang lukuhin ito. Naging vocal naman siya kay Christian pero talagang mapilit ang binata kaya hinayaan na lang niya. 

Hindi niya alam ang gagawin kagabi kung wala si Christian. Ito ang tinawag niya para maisugod nila sa ospital ang kapatid. Hindi din ito umalis hanggang hindi nalalaman na okay na si China. Kakabalik lang nga nito at halatang galing sa pamamasada. Taxi driver kasi ito. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Christian dahil kapos sa buhay ang pamilya nito.

"Walang anuman." Tumayo ito sa may mesa. "Kamusta na si China? Makakalabas ba siya ngayong araw?"

Tumungo siya bilang sagot. "Stable na daw ang paghinga niya kaya pwede ko na siyang ilabas pagkagising."

"Buti naman kung ganoon." 

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Nanatiling nakatingin silang pareho kay China na natutulog.

"Oo nga pala, nagpaalam ka ba sa opisina niyo?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. Ngayon niya lang naalala na hindi pala siya nakapagpaalam kay Joshua o kay Sir Shilo. Nakalimutan na niya sa sobrang pag-aalala sa kapatid. It's already 10am. Siguradong nagtataka na ang mga kaofficemate niya kung bakit wala pa siya. Hindi naman niya kasi ugaling mahuli sa trabaho. Sa uri ba naman ng boss na meron siya. Talagang kailangan laging on-time siya pumasok.  Agad niyang kinuha ang phone sa kanyang bag ngunit wala siyang nahagilap na kahit anong phone. Napatapik niya ang palad sa kanyang noo ng maalalang hindi niya pala dala ang kanyang mobile phone. Sa pagmamadali nila kagabi ay hindi na niya iyon nakuha sa center table ng sala.

"Patay ako nito." Bulong niya.

"Bakit, Maze? May problema ba?" Lumapit sa kanya si Christian.

"Nakalimutan ko ang phone ko sa bahay."

Nakita niyang kinuha ni Christain ang phone nito sa bulsa at ibinigay sa kanya. "Tawagan mo na. Wag kang mag-alala may load iyan."

Nahihiyang tinganggap niya iyon. "Salamat."

Buti na lang talaga ang memories niya ang phone number ni Joshua. Nakadalawang ring palang ay sinagot na nito.

"Hello. Who's this?" bungad ni Joshua.

"Good morning, Sir Joshua. Si Mazelyn po ito."

"Oh! Maze, buti at tumawag ka. Kagagaling lang dito ni Shilo sa opisina ko. Tinatanong niya kung bakit wala ka pa daw ngayon sa opisina."

"Si Sir Wang?" gulat niyang tanong. "Hinanap niya po ako?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

Pagkatapos ng sinabi nito kahapon ay hindi niya iniisip na hahanapin siya ng kanyang masungit na amo. Biglang sumigla ang puso niya. Hindi niya din napigilan ang gumuhit na ngiti sa mga labi. Hinanap siya ni Shilo. Pakiramdam niya ay nabuo na ang kanyang araw ng malaman na hinanap siya nito.

"Oo. Himala nga at hindi galit. Mukhang kalmado siya ngayon."

"Talaga sir. Iyon lang po ba ang tinanong niya?" hindi niya napigilan ang excitement na nararamdaman.

"Wala naman siyang sinabi. Sinabi ko sa kanya na hindi ka nagpaalam na hindi ka papasok ngayon."

Bigla siyang napasimangot. Nawala na parang bula ang excitement na naramdaman niya. Akala pa naman niya ay hinanap siya nito dahil sa nangyari kahapon. Umasa na naman siya na may paki-alam sa kanya ang boss niyang mukhang angel ang mukha pero dragon naman ang ugali.

"Bakit nga pala wala ka ngayong araw , Maze?"

"May sakit ang kapatid ko. Sinugod ko siya sa ospital kagabi. Pasensya na kung ngayon lang ako tumawag para magpaalam na maga-absent. Naiwan ko din kasi ang phone ko sa bahay."

"Kaya pala hindi ka agad na kapag paalam. Okay na ba ang kapatid mo?"

"Okay na siya. Baka mamaya makakalabas na siya ng ospital. Pero baka di pa ako makapasok bukas. Kailangan ko munang bantayan siya sa bahay."

"Ganoon ba." Tumahimik bigla sa kabilang linya. "Sige Maze. Ako na ang bahala dito. Magpahinga ka nalang para makalabas ka na agad ng ospital. Wag mo na munang alalahanin ang boss mo, ako na ang magsasabi sa kanya."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Tama ba ang pagkaka-intindi niya sa sinabi ni Sir Joshua? Siya ang nasa ospital. "Sir, kapatid ko ang..."

"Sige, Maze. Pagaling ka. Bye." Huling sabi nito at binabaan na siya ng phone.

Puno ng pagtataka siyang napatingin sa phone. Bakit ganoon kung magsalita si Sir Joshua. Tinamaan na naman ba ito nang pagkabaliw nito? Minsan kasi ay parang wala sa sarili si Sir Joshua. Parang hindi HR head nila. Kung baga may maluwag na turnilyo sa utak. Kung ano ang maisipan nitong kalukuhan ay ginagawa nito. Kagaya na lang noong isang araw, pinagtripan na naman nito si Anniza. Sabi nito ay pupunta ito ng Paris, iyon pala ay pumunta ng concert ni Vice Ganda. Oh di ba, baliw lang. Tapos ng tanungin nila kung bakit concert pa ni Vice Ganda. Sagot ba naman nito, wala na daw nakakatawang bagay na nangyayari sa buhay nito kaya sinubukan niyang pumunta ng concert ni Vice para tumawa.

Napakamot na lang siya ng batok. Mukhang pinagtripan na naman siya nito. Nakangiting ibinalik niya kay Christian ang phone nito.

"Salamat."

"Walang anuman, Maze. Alam mo naman na malakas ka sa akin."

Yumuko na lang siya pagkatapos ngumiti ng bahagya rito. Alam naman niya kung anong ibig sabihin nito. At ayaw na niyang pag-usapan iyon. Nais na talaga niyang layuan siya ng kaibigan. Ayaw niyang bigyan ito dahilan na umasa pa dahil nga sa alam niya ang pakiramdam na umaasa  sa wala at naghihintay na matutugunan ang nararamdaman.

PAGKALABAS ng taxi ay agad na napansin ni Maze ang kotseng nakaparada sa tindahan ni Aling Wilma. Inalalayan niya si China na makalabas ng taxi habang kinukuha naman ni Christian ang gamit nila sa likod ng taxi. Nang mailabas ni Christian ang gamit nila ay naglakad na sila papasok. Ngunit napatigil siya sa paglalakad nang makalapit sa tindahan ni Aling Wilma. May tatlong lalaki kasing nag-iinuman doon. Puro mga matatandang naghahanap ng alak sa katawan ngunit may isang lalaki na sobrang gwapo para mapagkamalang tambay sa lugar nila. Katabi nito si Roxie na kilala sa lugar nila na bayarang babae.

Nanlaki ang mga mata niya ng magtagpo ang mga mata nila ng lalaking katabi ni Roxie. Muntik na silang mabuwal ni China kung hindi siya nakasandal sa pader. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang boss niya ay nakikipag-inuman sa mga matatandang lalaki sa lugar nila? Shilo Chauzo Wang, Vice President of Meili De Hua Group of Companies is drinking an alcohol with the people he doesn't know. Halatang marami na itong nainum dahil pulang-pula ang mukha nito.

"Sir Wang, anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng makabawi sa pagkagulat.

Napatingin sa gawi niya si Sir Shilo. Ngumiti ito. Para naman may dumaan na mga paru-paru ng makita niya ang ngiting iyon.

"Oh! Ikaw ba iyan, Ms. Reyes?" tumayo ito at tinabig ang kamay ni Roxie na nakahawak sa braso ng kanyang boss.

Lumapit ito sa kanya na gumigiwang. Mukhang lasing na lasing na ito basi na rin sa uri ng paglakad ng kanyang boss. Nag-aalala siyang baka matumba ito bigla. Ikinaluwang ng loob niya ng hindi naman nangyari. Nakalapit ito sa kanya at agad nitong itinukod ang kamay sa pader na sinasandalan niya.

"Okay ka na ba?" tanong nito sa nag-aalalang boses.

"Sir Wang, okay lang po kayo?" balik tanong niya.

Tumayo si China ng maayos at lumapit kay Christian. Agad naman niyang hinawakan si Shilo sa braso ng muntik na itong matumba. Amoy na amoy niya ang alak dito. Wala na ito sa katinuan dahil may nakikita siyang pag-aalala sa lasing nitong mga mata. Inalalayan niya itong maka-upo pero sadyang matigas ang ulo ng boss niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso.

"Okay lang ako, Ms. Reyes. Ikaw dapat ang tanungin ko. Di ba kakalabas mo lang ng ospital? Okay ka na ba? Anong sabi ng doctor? Ano daw ang sakit mo?" sunod-sunod na tanong nito. Tumingin pa ito sa kanya mula paa hanggang ulo. Hindi maitago sa mga mata nito ang pag-aalala.

Napuno naman siya ng pagtataka. Anong pinagsasabi nito? At saka, siya na ospital? Sino naman nagsabi rito na na-ospital siya? Nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala ang conversation nila ni Sir Joshua. Kung ganoon ay naruroon si Sir Shilo ng maka-usap niya si Sir Joshua o sinabi ni Sir Joshua na nasa ospital siya. At ang baliw na HR Head nila, pinaglaruan na naman sila ni Shilo. Sira-ulo talaga kahit kailan si Sir Joshua. Naguguluhan tuloy siya sa asal ng isang ito na nasa harap niya. Boss niya ba talaga ang kaharap niya? Hindi ganoon ang boss niyang dragon. Wala kasing bakas ng amo niyang galit sa mundo. Para itong maamong tupa na naligaw sa lugar nila. Napabuntong hininga siya ng mapatagping  ma-aaring dahil sa alak kaya ganoon ang asta ng kanyang amo. Sigurado siya na kapag wala na ito sa impluwensya ng alak ay galit siya nitong tatanungin kung bakit hindi siya pumasok. Pero habang nasa ganoon itong sitwasyon ay susulitin niya ang sandali. Hindi niya alam kung kailan iyon mauulit.

"Okay lang po ako sir."Ngumiti siya rito.

"Maze, boss mo ba iyan?" biglang tanong ni Aling Wilma.

Tumingin siya rito at ganoon din si Shilo. "Siya iyong hinahanap ko kanina sa inyo."

"Naku, hijo! Sana sinabi mong si Mazelyn pala ang hinahanap mo. Hindi ka na sana namin pina-inum." Sabi ng isang lalaking kasama ni Shilo nag-iinuman kanina. "Pasensya ka na, Maze. Hindi namin alam na boss mo pala siya."

"Okay lang po, Mang Kaloy. Wag na lang po sanang  mauulit ito." Narinig niyang sabi ni Christian. Ito na ang naka-alalay kay China.

"Kanina pa po kayo nag-iinuman?" Kalmado niyang tanong. Hindi naman niya kayang magalit sa mga ito. May sariling isip si Shilo. Kapag ayaw nito ay hindi nito gagawin. Kaya nga nagtataka siya kung bakit nakipag-inuman ito sa mga matatandang lalaki na sanay sa inuman sa lugar nila.

"Wala pa naman isang oras, Maze. Sadyang mabilis lang malasing si Singkit." Sagot ni Roxie. Nakatingin pa rin ito kay Shilo.

Napabuntong hininga siya. Kasalanan talaga ito ni Joshua. Bakit naman kasi na isipan nitong pagtripan si Sir Shilo? May gira na naman sa opisina nito bukas. Hinawakan niya sa braso si Sir Shilo at inalalayan ito.

"Aling Wilma, aalis na po kami. Kung anuman po ang kinuha ng boss ko sa tindahan niyo, pakilista na lang po muna at babayaran ko bukas."

"Sige Mazelyn." Ngumiti ang matanda. Alam niya ang gagawin nito. Lahat ng ininum at kinain ng mga tambay ay ililista nito. Sa ugali ba naman nito, kaya nga ayaw niyang bumibili rito.

Naglakad na sila paloob. Naka-alalay siya sa boss niyang tahimik na naka-akbay sa kanya. Hindi naman nito masyadong isinasandal ang sarili sa kanya kaya hindi niya masyadong maramdaman ang bigat nito. May ibinubulong itong hindi niya maintindihan. Mukhang tuluyan ng itong tinamaan ng alak na ininum. Naramdaman niya ang mabagal nitong paglalakad kaya masyado na silang malayo kay China at Christian. Siguro ay nahihilo ito kaya mabagal lang itong maglakad. Sana pala si Christian na lang ang umalalay kay Sir Shilo.

"I love you." Narinig niyang bulong ni Shilo.

Napatigil siya sa paglalakad. Sinilip niya si Shilo. Bukas ang mga mata nito at nakatingin sa may unahan. Nakakatayo naman ito ngunit hindi tuwid. May nakita siyang lungkot sa mga mata nito. Parang may naalala ito na nagpapalungkot sa binata ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakarinig niya kanina o sadyang lasing lang si Shilo kaya kung ano-ano ang pinagsasabi.

Biglang pumatak ang mga luha nito at tuluyang nabuwag sa pagkakatayo. Napatili siya ng umupo si Sir Shilo sa semento.

"Why? Bakit siya ang pinili mo?" sabi nito. "Ang tagal mo akong na kasama pero siya pa rin ang pinili at minahal mo." 

Nagtataka siyang napatingin dito. Yumuko siya para magpantay ang tingin nila. Nakita niya ang sakit at pighati sa mukha't mga mata ni Shilo. He looks like a child who is lost in the middle of the night. Puno ng luha ang mga mata nito at kay lakas ng pag-iyak. Nasasaktan siyang makitang ganito si Shilo. Walang pagdadalawang-isip na niyakap niya ito. Patuloy sa pag-iyak si Shilo at sa mga sandaling iyon sa kanyang bisig ito umiyak.

"Tahan na po, Sir Wang." Hinagod niya ang buhok nito.

"Bakit? Hindi ba ako karapat dapat na mahalin? Everything I have is already gone. He already took everything to me. My dream position and the girl I love. Lahat na lang gusto niyang kunin. Sana naman nagtira siya para sa akin."

Hinigpitan niya ang pagyakap dito. Hindi niya  alam kung sino ang tinutukoy nito. Pero nasasaktan siya sa kaalamang nasasaktan ito. Na kahit mukha itong matapang sa paningin ng lahat ngunit nasasaktan naman ang puso nito. He looks like a heartless guy but not. Shilo is broken man inside. At sa kaalamang may babae itong minamahal ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Sino kayang maswerteng babaeng minahal nito? Anong klaseng babae ba ang gusto ni Shilo para magkaganito ang binata?

"I love you." Sabi nito na lalong sumugat sa kanyang puso. Alam niya na hindi para sa kanya ang mga katagang iyon. Mga salitang noon pa niya pinapangarap na marinig mula rito ngunit kahit kailan ay hindi na mapapasakanya dahil pag-aari na iyon ng iba.

"I love you too." Bulong niya ng unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha. Naramdaman niyang humigpit ang mga yakap sa kanya ni Shilo.

Lalong bumuhos ang mga luha niya. Alam niyang dahil sa kalasingan kaya siya nakakalapit ng ganoon kay Shilo. Kaya kahit durog ang puso niya ng mga sandaling iyon ay susulitin niya ang pagkakataon. She seated there and feels his hug. Hinayaan niya ang sariling iparamdam rito ang nararamdaman dahil bukas balik na naman siya sa katutuhanan na isa lang siyang empleyada nito at wala siyang karapatan na mahalin ang kanyang amo.

Ngayon niya lang lubos na naisip na kahit anong gawin niya ay hindi mapapasakanya si Shilo. Sa loob ng tatlong taon na kasama niya ito kahit minsan ay hindi siya nito tinapuan ng paghanga. Kahit simpleng ngiti ay hindi nito magawa.  Mukha siyang tanga na umasa na isang araw ay papansinin siya nito. Na kahit magtiis siya sa kasungitan nito ay hindi siya nito pag-uukulan ng kahit anuman. And it hits her big time. Parang sinasakal ang puso niya sa kaalaman na ang taong bukod tangin pinag-ukulan niya ng pansin ay pagmamay-ari na ng iba. Na kaya pala ito ganoon ay dahil sa babaeng minamahal. At isa siyang dakilang tanga na umaasa.

"I'm here, Shilo. Please! Look at me. See me as a person who loves you." Puno ng paki-usap niyang sabi rito.

Ngunit walang katugunan mula kay Shilo. Naramdaman niya nalang na lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Bakit ganoon? Bakit pakiramdaman niya ay kailangan niya na rin pakawalan ang nararamdaman para rito? Dapat na ba siyang sumuko sa pagmamahal dito?


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C5
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous