Télécharger l’application
23.07% BAHAGI NG ATING KABANATA (On-going) / Chapter 3: KABANATA II Pag-amin sa ilalim ng buwan

Chapitre 3: KABANATA II Pag-amin sa ilalim ng buwan

Walang umimik sa aming dalawa. Walang kapagurang tinahak namin ang hindi gaanong madilim na labasan. Mula rito sa aming tinahak ay natatanaw namin ni Eliza ang umaaninag na liwanag ng buwan at mga kumikislap na mga bituin.

Kasalukuyan kaming lakad-takbo at hindi inaalintana ang kapaguran. Lilisanin na namin ang paggawaan ng kastilyero.

Mababakas ang ubod na kasiyahan na nagmumula kay Eliza. Walang-humpay itong namamayani kasabay ng gabi.

"Gayon man, ay unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto," bulong ko sa aking sarili habang inaalala ang binasa. "Ano Diego?" Biglaan kaming napatigil sa aming lakad-takbo ng nagtanong siya.

"Gayon man, ay unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto," pag-uulit ko. Tila ay hindi siya napakibo ng marating nalang namin ang napakaaya-ayang tanawin. "Kung gayon ay ito ang mga tinutukoy mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto?" Kusa akong tumango. Naiba ang aking gawi nang masilayan ang kumukutikutitap na mga alitaptap na pumapaligid sa amin.

Sa kabila ng kagandahan ng mga alitaptap ay ibinalik ko sa kaniya ang pagtuon at hinawakan uli ang mga kamay ni Eliza. "Ngunit, ang karilagan mo ang pinakanamumutawi Eliza. Ang iyong kahanga-hangang karilagan ang siyang pinakakumikinang sa lahat."

"Hindi kita maintindihan Diego."

"Eliza," kasabay ng paghigpit na hawak ng kaniyang mga kamay. Hindi na ako magkibit-balikat pang hindi aminin sa kaniya ang aking naramdaman simula ng pagkabata.

"Imumungkahi ko pagkatapos ng ating sayaw. Binibing Eliza pwede ba kitang maisayaw?" Kagalakan ang aking nadarama ng tumango siya.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang siya ay isinasayaw. Ganito pala ang pakiramdam ng pag-ibig.

Nagsilbing musika ang mga liriko't tugtog na nanggaling sa kalikasan. Ang dalagang ito na nasa harapan ko ay hindi lamang basta-bastang dalaga kundi siya ay aking iniibig.

"Eliza, puwede bang simulan natin ang ating kabanata?" Kahit man ay dalawa ang patutunguhan nitong aking pag-amin, sasagutin niya ako o makakaranas ako ng sawimpalad.

"Ikaw ba ay umaamin sa iyong pag-ibig sa akin Diego?" Kusa nalang hindi gumagalaw ang aking bibig. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng pag-amin? "Sa katunayan Diego, hindi ko makaligtaan ang ating mga ala-ala simula noong tayo ay bata pa. Nais ko ring imungkahi sa iyo na kung ano ang nararamdaman mo, ay sa akin ay ganon."

"Hindi ba mali ang napakinggan ko Eliza?"

"Walang balutan ng kasinunggalingan, Ginoo."

"Kung gayo'y ngayon ay sisimulan kong ligawan ang iyong Ina't Ama aking Binibini, ang bugtong kong iniibig." Mas nagsadya ang mga alitaptap, mas lalong kumukutikutitap.

Sabay naming sinindihan ang mga paputok at mas umaninag ang langit. Nagbabadya ng kasiyahan sa nasaksihang pag-iibigan.

Lumuhod ako sa harap ni Eliza at ang mga kamay niya ay hinalikan. "Kahit man ay kapopootan ng mga lihim na kaaway ang ating pag-iibigan Eliza. Pakatandaan mo sana'y pangwalang-katapusan ang pag-ibig ko sa iyo. Pakatandaan mo."


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous