Télécharger l’application
84.21% Reaching My Dream / Chapter 16: Chapter 15

Chapitre 16: Chapter 15

Wala kaming laro ni Justin sa hapon kaya tumambay na lang kami sa tent ng college namin. Madaming lumalapit na kakilala para makipag-usap sa amin lalong-lalo na kay Justin, Mr. Congeniality ang kaibigan ko. Lahat yata ng colleges, may kilala siya. Ganun siguro talaga kapag mayaman. Sikat din ang mga magulang niya dahil parehong sa university grumaduate ng college. Her mom was the class valedictorian of their batch while his dad is famous for being the student council president during their time.

"Hi, Nigel," tawag sa akin ni Brenna, isa sa mga babaeng nag-confess sa akin sa first year ko sa university.

Ngumiti lang ako sa kanya,

"Alam mo Yadao---"

Hindi na pinatapos pa ni Justin si Brenna na magsalita, "Hindi ko pa alam."

Umirap ang babae at umalis na kasama ng mga kaibigan niya.

Binatukan ako ni Justin, "Stop being friendly with girls, ayaw kong maantala ang paglayag ng ship ko."

"Nahiya naman ako sa pagiging friendly mo."

"Sila ang lumalapit sa akin, I have charisma. You know."

Hindi ko na lang pinatulan ang kalokohan ni Justin para sa aking peace of mind.

Umuwi kami ni Justin ng dorm para sa battle of the bands mamayang gabi, I texted Reanne bago ako natulog muna para may energy naman ako sa date ko mamaya.

To: Ailyn

Sabay na tayong pumunta ng oval mamaya, 7pm. See you.

From: Ailyn

Pwede 6:30? Doon na din tayo mag-dinner sa mga food stalls. Kasama ko pala sila Faye. Hehe

See you.

6:00 P.M na ako nagising kaya nagmadali na along maligo at mag-ayos para hindi maghintay sila Ailyn. Wala na si Justin sa room dahil dati siyang member ng banda ng university namin. He quitted noong second year kasi broken daw siya pero he promised the band to still help whenever they have activities. Hindi na namin tinanong pa kung ano talagang reason niya kahit hindi naman talaga siya broken that time. Behind his goofy personality is a mess.

Nagtext na ulit si Ailyn sa akin na nasa guard house na sila. Nagmadali na akong lumabas.

"Ang tagal mo ha, pa-impress masyado nampucha, Nigel," nagulat ako na kasama na nila si Justin.

"Bakit nandito ka? Hindi ka tumulong? Kakanta ka ba mamaya??"

"I quitted years ago."

"Pwede ka naman kumanta sa liveshow after ng battle of the bands."

"Huwag mo nang ipilit, Nigel! Nakalimutan ko na rin yata humawak ng mic."

"Kumakanta ka kuya Justin?" gulat na tanong ni Ailyn sa kanya.

"I used to. Tara na nga! Past is past, guys," nauna na siyang maglakad paalis.

Sabay kami ni Ailyn maglakad habang nagdadaldalan na si Justin at Faye habang si Aira at Ace ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

"Bakit siya tumigil kumanta?" curious na tanong sa ni Ailyn .

"Ewan ko sa kanya. After ng semestral break noong second year kami nag-quit na siya sa banda. Nanalo pa sila noon e pero sabi niya kailangan niya daw mag-focus sa acads."

"Sayang naman."

"Nahirapan pa nga silang humanap ng ipapalit sa kanya dahil walang makapantay sa level niya."

"Why I feel sad for him?"

"Don't be. Ayaw na ayaw niyang may naawa o nalulungkot para sa kanya."

Nag-usap pa kami tungkol sa mga barkada ko.

"Bakit hindi na nag-reach out si kuya Macky kay Nicole 'nung may phone na siya ulit?"

"Sabi niya sa amin dati, naglalandian lang daw naman sila. Ni hindi nga niya alam ang last name ni Nicole. We tried searching her on Facebook and Twitter pero wala kaming mahanap so he decided to just cut it off."

"Cut it off pa siya ha, kaya hanggang ngayon no label pa rin sila."

"Mukhang ayaw ngang mag-seryoso 'nung high school friend mo."

Nicole Angeline is one of Ailyn 's high school best friends. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin silang label ni Macky when in fact they found each other after one year of not talking anymore. Nanliligaw sa kanya si Macky, he would ditch his classes para lang masuportahan siya sa mga pageants niya.

Ngumiti lang siya sa sinabi ko, "Sana huwag magagalit si kuya Macky kay Nicole when time comes."

"Bakit?"

Ngumiti lang ulit siya, "Wala lang. Nevermind."

She seems uncomfortable talking about them kaya minabuti ko na lang na huwag nang kulitin pa siya. After all, it is Macky and Nicole's relationship.

Nagdesisyon kaming kumain na lang ng empanada para sa dinner. Wala na kasi masyadong tindang ulam ang mga food stalls na nandito for university games. Dahil open area ang oval para sa battle of the bands pinili ko na sa harap kami para mas maganda ang view, kailangan umupo sa damuhan para dito. College nila Ailyn ang unang tumugtog.

"Ailyn, crush mo," turo niya sa vocalist nila na player din ng volleyball.

"If you can't be an accountant, marry an accountant," tawang siko sa kanya ni Aira.

Kinurot ni Faye si Aira, "Ideal guy niya 'yung artsy, pwede din naman engineer."

"Ewan ko sa inyo, wala akong balak mag-asawa until stable na ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko."

They are talking like I am not here. Hearing her say those words kinda pains me. Kung sasagutin niya man ako if ever parang hindi kami aabot sakasal.

Tumingin siya sa akin, nahihiya na sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya, "Pasensiya ka na."

I nodded, "Is Dacanay your ideal guy?"

Nagulat siya sa tanong ko, "Crush ko lang siya kasi accountancy tapos talented pa. Alam mo yun? Major turn on."

"Then, anong ideal guy mo?"

Sasagot na sana siya nang bigla lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid, there is Justin greeting everyone good evening. Ito 'yung liveshow pwedeng kumanta kahit sino, pwedeng mag-request ng kanta and dedicate it to someone.

"Good evening, Stallions! Okay ba kayo dyan?"

The crowd roared again, ganyan kasikat si Justin. You can hear girls from the crowd shouting their admirations to him.

"I'm back on stage after almost two years. Thank you to my friends over there for encouraging me to sing again," turo niya sa direction namin.

Nandito kami lahat ng tropa kasama namin si Ailyn, Faye, Ace at Aira.

"This song is for you guys especially to my sailing ship, my ReGel!" tumawa siya.

Justin sings Tropa by Siakol. Everyone's singing with him. Pati kami ay nakikikanta sa kanya, he's enjoying it pero tumigil siya sa pagkanta sa hindi malamang rason. Natapos na ang unang kanta niya. For his second song, he sings Kundiman by Silent Sanctuary.

"This will be my last song, mahal na ibabayad ng cultural society sa akin if ever pero gusto ko tawagin ang aking best friend na si Nigel to sing with me."

"Gago!" sigaw ko, I sing pero hindi kasing galing niya.

Everyone is cheering for me too. Nahihiya ako dahil nandito siya, ayaw kong ma-turn off siya sa akin dahil baka magkalat lang ako sa stage.

"Go na!!!" pati siya ay nakiki-cheer na rin.

Nagkamot ko na lang ang ulo ko tsaka pumunta ng stage, inabutan ako ng mic ni Justin. We decided to sing We Could Happen by AJ Rafael. Nasa chorus na kami 'nung kanta nang bumaba si Justin sa stage, nagtungo siya sa direction nila Ailyn. Hinatak niya si Reanne at may binulong sa kanya. Nagpupumiglas pa siya nang magsalita si Justin, "This girl right here, is the one who makes my best friends feeling crazy and I hope they could happen."

Hinila na niya si Ailyn sa stage, gusto ko na lang tumigil sa pagkanta pero ayaw ko namang sirain ang gabi ni Justin, ako na lang ang kumanta habang siya ay hinatid si Ailyn sa akin. She is now beet red dahil siguro sa hiya. Hindi siya sanay sa attention at ayaw na ayaw niya 'yun.

Natapos 'yung kanta, nakatayo pa rin kami pareho sa stage. Walang nagsasalita sa amin pero rinig ang hiyawan ng mga taong naroon, may sumisigaw ng sana all, sagutin mo na at marami pang iba.

Hinila ko na si Ailyn pababa para bumalik sa dati naming pwesto, patapos na rin naman 'yung event kaya umuwi na kami. Ang awkward kasi ang extra tahimik niya tapos panay ang kalikot niya sa cellphone niya.

"Uh... Pasensiya na kanina."

She smiled at me awkwardly, "Okay lang."

"Sure ka?"

Tumawa siya, "Oo nga. Kailangan ko nang masanay, right? Sikat ng manliligaw ko e."

Ako naman ang natahimik at awkward na ngumiti ngayon. So, nag-sink in na talaga sa kanya na nanliligaw ako sa kanya.

"Thank you."

"Huh! Para saan?"

"For giving us a chance to happen."

Nasa kwarto na kami at mag-aalas dose na pero hindi pa rin ako makatulog dahil iniisip ko na ready na si Ailyn para sa attention matatatanggap niya every now and then dahil sa akin. Dahil hindi ako makatulog nagtingin muna ako ng my days sa messenger, nakita ko ang my day niya na video kaninang kumanta ako, nasa stage kaming dalawa nakalagay na caption doon ay 'There's no other, there's no other love. That I'd rather have, you know. There ain't no one, there ain't no one else. I want you for myself'. Mas nahulog lang ako lalo sa kanya.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C16
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous