Télécharger l’application
41.66% Her Secretary is a Billionaire (Tagalog, English) / Chapter 15: Chapter fourteen

Chapitre 15: Chapter fourteen

"We cannot live for ourselves alone. Our lives are connected by a thousand invisible threads, and along these sympathetic fibers, our actions run as causes and return to us as results."

---Human Melville

Hmmm, anong oras na kaya? Feeling ko gabi na eh parang ang tagal ko nang natulog. Napabangon na lamang ako bigla ng may tumawag sa pangalan ko.

"A-ahh ma'am kamusta po ang pakiramdam nyo?" Tanong ng isang ito na parang nahihiya pa

"I'm okay, nasaan pala tayo? Parang di ko familiar ang lugar na 'to." Sagot ko habang tinitignan ang kabuohan ng kwarto na kung saan ako nakatulog.

"Ka-kasi po ma'am, diba nahimatay ka sa office mo. Akala ko po eh nahihilo lang kayo, buti na lang at bumalik ako sa office niyo at nakita kitang parang babagsak na kaya po tinulungan kita at dito na rin po kita itinuloy sa inuupuhan ko pong bahay. Kaya medyo masikip po nang konti ang kwarto."

"Ah ganon ba, pasensya ka na naabala ka pa pero salamat ha siguro sa pagod lang 'yon kaya nahilo ako kanina." Pinanuod ko lang siya, para kasing may kakaiba sa kanya

"What time is it? I need to go home right now." Pahabol kong tanong sa kanya.

9 pm na po ma'am, ganon na po kayo katagal na natulog. Gusto niyo po ihatid kita, medyo malayo layo rin kasi itong lugar na ito ma'am. Baka mapano po kayo sa daan at isa pa ma'am delikado po dito pag ganitong oras na." Mahabang lintya niya.

"Okay. Hindi mo ba nakita yong bag ko kanina Timothy?"

"Ah nakita ko po kanina sa opisina niyo kaso lang po hindi ko na nadala eh nag alala na po kasi ako sa inyo. Wala na po kasing tao kanina ma'am. Pasensya na po." Sabay yuko ng ulo niya.

"Mr. Timothy, don't say sorry. Of course I want to say thank you baka kung di mo ako nakita malamang nilalamig na ako doon."

"Welcome po ma'am. Ihatid na po kita sa inyo baka hinahanap kana nila ma'am Maire baka nag aalala na yon."

Tango na lamang ang naging sagot ko, pagod na siguro ako sa katratrabaho kanina. Tatayo na sana ako ng biglang matapilok ang kaliwa kong paa kaya nawalan ako ng balanse.

Napaangat ako ng tingin ng mapansin kong may matipunong nakasalo sakin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero ako na ang unang bumitaw. Para kasing nakakalusaw ang kanyang mga titig.

"Ah-ahh thank you again." Sabay iwas ko ng tingin sa kanya, ang mga mata niya parang may sinasabi eh. Ba't nauutal ako, buti nalang at di niya na ito napansin.

Isang buntong hininga lang ang sinagot nito sa akin. Kaya naman tinahak na namin ang daaan papunta sa labas. Habang tinatahak namin yung daan papunta sa kotse niya panay naman ang tingin ko sa mga naka display sa loob ng bahay na ito.

Bago kami makalabas ng bahay, sinabi ko muna sa kanya ang address ng bahay namin nila mama baka hindi niya alam.

Kahit maliit malinis naman, okay na rin naman kaso lang parang walang tao. Ang tahimik kasi, nang makalabas na kami sa gate ng bahay sinigurado niya muna na naka lock ang pinto. Mahirap na daw baka manakawan pa eh wala nga siyang gaanong gamit sa bahay.

Habang nasa biyahe kami di ko mapigilan ang magtanong. Tutal sekretarya ko naman siya, ito na ang tamang oras para makausap siya. About his life.

"Mr. Timothy, Can I ask you?" Bakit kinakabahan ako pag kami lang dalawa ang magkasama. This is so strange for me.

"Ma'am you're asking already, hahahaha."

I think narinig ko na ang boses na iyon, na tuwing tumatawa siya eh parang ang gaan sa pakiramdam. Kilala ko nga ba ang taong ito?

"Pilosopo." Sambit ko sa kanya.

"Joke lang po ma'am. You can ask some random question about me." Ngiti ngiti niyang sagot sakin, parang naka drugs lang.

"May kasama ka ba sa bahay mo? I mean your family? Where are they? Ang tahimik kasi ng bahay mo." Parang kasing gusto na malaman ng sistema ko kung bakit wala siyang kasama sa bahay.

"Wala po eh, broken family kasi kami. Ako lang yong ka isa-isang anak nila nanay at tatay. Naghiwalay sila dahil may malaking kasalanan si tatay at yon nga po iniwan siya ni nanay at binilin niya ako sa tiya ko."

Mababakas ang kalungkutan sa kanyang mukha at kita ko rin iyon sa kanyang mga mata. Kaya pala ang tahimik niya at parang ayaw na ayaw niya sa mga kababaihan, matanong nga.

"I'm sorry, Mr. Timothy medyo personal na yung tanong ko. Pasensya na."

Isang matipid lang na ngiti ang kanyang sagot sa akin.

"Medyo ayaw mo sa mga kababaihan ha, pansin ko iyon noong una kang pumasok as my secretary at talagang sinigawan mo pa sila."

"Ayaw ko lang po talaga sa kanila, ang ingay kasi at parang di mapagkakatiwalaan." Habang sinasabi niya iyon, nakatingin na pala siya sakin. Bakit may ipinapahiwatig ba siya? tanong ko sa aking isipan.

Isang tango na lamang ang sinagot ko sa kanya medyo inaantok na naman kasi ako. Pansin ko lang ngayon parang ang hilig ko ng matulog. Pagod lang siguro ito. Kung saan saan pumunta ang usapan namin hanggang sa napaisip na naman ako tunggkol sa panaginip ko habang nandoon ako sa opisina ko. Panaginip lang pala. Nasabi ko na lang sa hangin.

Napabalik lang ako sa reyalidad ng makita kong nasa labas na pala kami ng bahay namin.

"Ma'am, bahay niyo po 'yan? Ang ganda naman." Kita ko sa kanyang mga mata na parang kumikislap kislap ang mga ito dahil sa pagka mangha.

"Yeah. Thank you Mr. Timothy. Pasok ka kaya muna para naman mapakilala kita kina daddy as my new secretary."

Alok ko sa kanya pero tumanggi lang ito dahil daw baka maka istorbo lang siya at gabi na rin may dapat pa daw siyang aasikasuhin. Nag paalam na lamang ito at sabay paharurot sa kanyang hiniram na kotse sa kanyang kaibigan. Naikwento niya kasi kanina.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nakasalubong ko pa si Nay Carren isa rin siyang kasambahay dito sa bahay. Mabait naman siya kaya magkasundo rin kami.

"Iha, ba't ngayon ka lang? kanina ka pa hinahap ng mama at papa mo. May mahalaga daw kayong pag uusapan. Umakyat kana muna at para makausap mo sila, pumunta ka daw sa library nag aantay na 'yon. Sige na iha alam kong pagod kana." Sermon sakin ni Manang Edes, napabuntong hininga na lamang ako at tumango.

Pumunta muna ako sa kwarto at dali daling nag shower at nagpalit ng damit. Dahan dahan na tinahak ko ang library. Kumatok ako ng isang beses at tumumbad sakin sinMommy. How I miss her kaya yinakap ko siya ng mahigpit. Nakisali rin si daddy kaya napatawa na lang ako kasi naman naiinggit na naman si daddy.

"Mom, dad di na po ako makahinga." Pag rereklamo ko sa kanilang dalawa. Agad namang inalis nina mommy at daddy ang kanilang mga braso na nakapulupot sa beywang ko.

"Sorry baby, namiss ka lang naman namin. Diba Daddy?" Si mommy parang bata na naman.

"Yes baby, tama naman ang mommy mo. Naging busy kasi nitong nagdaang araw." Nalungkot na naman si dad, kaya mabilis ko ktong yinakap at binigyan ng isang matamis na halik sa pisngi ganun din kay mommy.

"Sorry po daddy, mommy. Promise po babawi ako sa inyo."

"Huwag na iha, may sasabihin sa'yo ang daddy mo." Medyo naging seryoso si mommy.

"Ano po yon dad?"

"We're going to Paris this midnight together with your mom, we need to visit our branch there. Okay? Lumalago na kasi ito at kailangan na naroon kami para sa bagong itatayong mga branch."

"How long dad?" Aalis na naman sila para magtrabaho.

" Two months iha, but be careful always. Gusto mo bang kumuha ako ng ilan kong tauhan para bantayan ka? Ang mahalaga samin ng mommy mo ay ang kaligtasan mo iha. Okay ba yon baby?" Bini baby pa ako ni dad eh 24 na nga ako.

"Dad , I'm 24 years old so stop calling me baby." Naka nguso kong sagot kay daddy.

"I don't want to, dad. I can take care of myself, kayo rin po mag iingat kayo doon. Call me if may problema."

"Your my only daughter, nag aalala lang naman ako iha. Okay hindi na kita tatawaging baby, darling na lang." Pinagloloko na naman ako ni dad.

"Dad! Malaki na po ako, Mlaire na lang po dad. Okay? Sige na kasi daddy." Paglalambing ko para pumayag.

"Whatever young lady, sabay na tayong lumabas. I'm hungry all over again." Napatawa na lang kami pareho ni mom dahil ganun pa din si dad. Madaling magutom.

Sabay sabay kaming nag hapunan dahil gutom na naman si daddy, Si Emma na ang nagligpit dahil inaantok na rin kasi ako.

Pumunta muna kami sa sala at nag kwentuhan lang ng kahit ano. Mamimiss ko sila pareho. Nagkukulitan na naman silang dalawa parang mga teenager lang kong kumilos.

"Iha, libre lang maiinggit."

Si dad talaga kahit kailan parang bata, nag good night nalang ako sa kanilang dalawa at kailangan ko pang gumising mamayang alas tres.

Nang maramdaman ko na ang malambot na kama, napapikit ako dahil sumasakit yong ulo ko. Buti naman at nawala kaagad. Bumalik na naman sa aking isipan ang nangyari kanina sa opisina. Anong pinapahiwatig ng panaginip na yon? At sino si Mr. Grill? Bakit may dalang baril ang mga tauhan niya.

Panaginip lang ba ang nangyari kanina o totoo att ng hinimatay ako at nandoon ang sekretarya ko.

Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa mga taong gusto akong mapabagsak.

Hindi ko alam ang maaari nilang gawin but I will assure one thing that no one can get my company away from me.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng mag ring ang telepono sa side table. Sino na naman maya to, alas dyes na nang gabi at istorbo pa.

"Yes?" Mataray na tanong ko, istorbo!

Imbis na sumagot ito isang malalim na buntong hininga ang tanging narinig ko galing sa kabilang linya. Ibaba ko na sana ang telepono ng magsalita ang istorbong nilalang na ito.

"Ms. Mlaire Andrea Villachin, How are you?" Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang boses na iyon.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C15
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous