"Rasheeqa, you need to listen to me." halos hindi mapakali si Paul habang nakahawak sa magkabila kong braso. "Aalis ka ngayong gabi kaya kailangan mong iligpit lahat ng mga gamit mo. Hindi ka pwedeng maabutan ni Spruce."
"Kumalma ka nga, Paul. Bakit naman ako aalis—"
"Because Spruce will surely kill you kapag nakita ka niya. So please, makinig ka na lang sakin."
Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Paul. Anong papatayin? Bakit ako papatayin?
"B-Bakit niya gagawin yon? B-Buntis ako and I am planning to tell him na siya ang ama ng ipinagbubuntis ko." sagot ko sa kanya na mas lalong nakapagbigla sa kanya.
"Fvck!"
Napasabunot siya sa kanyang buhok at gulong gulo na nagpabalik balik ng lakad.
"Nalaman ni Spruce na kasabwat ka daw sa pagpapabagsak ng kompanya niya—"
"What the hell are you talking about? Anong kasabwat? Sa tingin mo ba ay magagawa ko iyon sa kanya?" putol ko.
"Alam kong hindi mo magagawa 'yon. Pero may mga ebidensya siya, Rasheeqa. Ikaw ang itinuturo ng mga Montemayor Corp na espiya nila kaya gano'n na lang ang galit sayo ni Spruce. Pakinggan mo na lang ang plano ko kung ayaw mong madamay ang anak niyo sa gulo." paliwanag niya dahilan mapaawang ang bibig ko.
Talagang hindi nila ako titigilan pero hindi ako papayag na bilugin nila ang utak ni Spruce.
"But that was all in the past. Nagbago na ako, Paul. Binago niya ako."
Binago niya ako to the point na hindi ko na kilala ang dating ako.
"Meet me this evening sa airport. Nakahanda na ang lahat at siguraduhin mong hindi ka niya maaabutan."
Paul tapped my shoulder once again before he left.
Kinakabahan ako pero may tiwala ako kay Spruce. Mahal niya ako at alam kong hindi niya ako kayang patayin kagaya ng sinabi ng kaibigan ko.
Dumiretso ako sa bahay ni Spruce hindi para kunin ang mga gamit ko. Gusto ko siyang makausap at ipaliwanag sa kanya ang sinasabing espiya ako ng Montemayor corp. Hindi nila ako pwedeng siraan sa taong mahal ko.
Pasado alas sais na nang gabi nang makarinig ako nang pagbukas ng pinto. Kaagad akong lumabas sa kwarto ni Spruce para salubungin siya.
"uhmmm baby. I want to feel you inside me."
Halos magpintig ang tenga ko dahil sa narinig. Mas lalo kong binilasan ang paglakad papunta sa main door at bumungad sakin ang isang eksena na kailanman ay hindi ko inisip na magagawa niya sakin 'to.
"Spruce" tawag ko na ikinatigil naman nito ang paghalik sa kasama niyang babae. "You're drunk.." mahina kong sambit nang magkasalubong ang aming tingin.
"What made you think that I am drunk? Did you spy on me, again?"
"L-Let me explain." sagot ko aakmang lalapit sana sa kanya nang bigla niya akong pinigil.
"Why would I fvcking listen to your nonsense explanation? Alam ko na ang lahat at hindi ko kailangan ng paliwanag mo." seryosong sabi niya at ramdam ko ang galit sa bawat katagang binibitawan niya. "We are even. Ginamit lang din kita kagaya ng ginawa mo sakin at hindi na kita kailangan ngayon, kaya makakaalis ka na." kaagad siyang umiwas ng tingin at nilagpasan ako.
"You want me to leave you alone?" tanong ko at ramdam kong tumigil siya sa paglalakad.
"Yeah, and don't show me your face ever again."
Parang may kung anong pumiga sa puso dahilan para magpakawala ako ng luha sa'king mga mata.
Bumaling ako sa kanya at tinitigan siya na nakatalikod. "But you told me you love me and made me promised not to leave you no matter what." hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya yon.
"Love is different from lust and that was all part of my plan, Rasheeqa." pinigilan kong huwag panlambutan ng tuhod kahit na nanginginig na ako.
Hahakbang na sana siya nang muli kong tinawag ang atensyon niya. "I will bother you no more but C-Can you do me a favor? Please?" I tried not to sound affected upon hearing his word pero hindi e. Ang lakas ng epekto sakin.
Nanatili siyang tikom ang bibig kaya ako na lang ang nagsalita. "I still love you Spruce kahit na sabihin mong ginamit mo lang ako—"
"LEAVE!" puno ng autoridad ang boses niya
"Ipangako mong hinding hindi mo guguluhin ang buhay ko kahit kailan dahil pipilitin kong kalimutan ka. Promise me this one, Spruce."
"Why would I do that?" binalingan niya ako at kitang-kita ko kung paano sumilay ang ngisi sa mga labi niya. "Sino ka sa tingin mo para sabihin yan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Hindi na kita kailangan kaya wala na akong dahilan para guluhin ang magulo mong buhay." sagot niya at tuluyang pumasok sa kanyang kwarto.
Nakita kong sumunod ang babaeng kasama niya kaya nakaramdam na naman ako ng inis.
Hindi ko maipapangakong hinding hindi mo na ako makikita pero kung dumating man ang panahon na magkita ulit tayo, pinapangako kong hindi na ako ang Rasheeqa na nakilala mo. Kaya kong mabuhay kasama ang anak natin na wala ka.