MULING dinala ni Jairuz sa bibig ang hawak na kopita at inubos ang laman. Hindi niya inalis ang paningin sa babaeng masayang nakikipag-usap sa iilang mga kamag-anak.
Mula ng dumating siya hanggang sa pormal na nag-umpisa ang party at ngayong halos patapos na ay tinutupak ang puso niya. Anumang buhos niya ng alak sa nag-aalburuto niyang dibdib, hindi man lang nababawasan ang inis na kanyang nararamdaman. Mas lalo pa yatang lumala habang lumalalim ang gabi at nakikita niyang nasa ibang mga bisig si Oshema. Binabakuran ng kanyang kapatid. Para walang makalapit, kabilang siya.
The dress she's wearing; it is exactly the one she wore in his dream. She stands out tonight. Her dark make-up brought out her elegant yet unpretentious personality. She can be very sweet at times but she can also be a fearsome huntress.
And he became one of her preys. Para siyang nahulog muli sa kanyang panaginip kahit gising. Ang kaibahan lamang, hindi siya kundi ibang lalaki ang sinusuyo nito ngayon.
He has to contain the anger building inside him and endure the pain even if it will have to tear him into pieces over and over.
Yzack came back after leaving her for few minutes. Natanaw niyang may binulong ang kapatid kay Oshema kasama ang damping halik sa pisngi ng babae. Umiwas siya ng tingin at kinagat ang dila.
"Are you okay?" Tanong ni Jin na tanging kasama niya sa kanilang mesa matapos silang iwan ng kanyang ina para puntahan si Kyruz.
Umiling siya. Tumayo. "This place is suffocating. Sa labas lang ako. Stay here and wait for my mother." Instruct niya sa bodyguard at naglakad palabas.
Nasa pinto na siya nang matanaw niyang nilapitan ni Gwendel Ongpauco si Oshema. May sinabi ito at tumango ang babae saka umalis. Hindi isinama si Yzack.
A chance for him.
Hindi siya tumuloy sa paglabas at hinabol ng tingin si Oshema. Tinungo nito ang pinto palabas ng garden. Bumuga siya ng hangin at nagpasyang sundan ang babae.
Nasulyapan niya si Gwendel na nakatingin sa kanya habang pabalik ito sa mesa kungsaan naroon ang mga kaibigan nito. Tinanguan siya nito. Gumanti din siya ng tango.
He remembered Gwendel Ongpauco. Schoolmate niya ito. Hindi niya lang matandaan kung nagkaroon sila ng pagkakataong maging magkaibigan. His only memory of the guy was a little vague. Popular ito sa school. A heartthrob. Minsan pasimuno din ng gulo gaya niya pero may sarili itong grupo habang siya ay nag-iisa lang kung makipagrambulan.
Ang mga kaibigan nitong sina Neil, Jayvee at Roven na pinakilala ni Yzack sa kanya kanina ay hindi niya matandaan. Mga ninong daw ni Kyruz. It's strange. Pakiramdam niya kilala niya ang tatlo pero wala siyang maalala. Maybe they're part of his lost memories. Gustuhin man niya, hindi niya pwedeng pilitin ang utak na makaalala.
Narating niya ang garden malapit sa pool at mabilis niyang nahanap si Oshema. Pero hindi ito nag-iisa. Kausap nito ang pamangkin na si Vanessa na lasing yata. Nagkubli siya sa pinakamalapit na puno.
"Nag-away ba kayo ni Gwendel?" Dinig niyang tanong ni Oshema.
"No, ate. I'm just having a good time. Wooohhh!" Sagot ni Vanessa na sinamahan pa ng hiyaw. Sumayaw ito kasabay ang mabilis na beat ng tugtugin mula sa loob ng bahay habang itinataas ang hawak na bote ng inumin.
"Tama na nga iyan. Akin na 'yang alak." Pilit inaagaw ni Oshema ang bote pero ayaw ibigay ni Vanessa.
"Ate naman, pati ba ito aagawin mo sa akin? Ang dami mo ng kinuha sa akin, ah!" Singhal ng dalaga at nagsimulang umiyak.
"Van, ano bang sinasabi mo? Tama na." Niyakap ng babae si Vanessa pero tinulak ito ng dalaga.
"I hate you! Akala ko napatawad na kita. Pero ang hirap pala. Until now, they only have their eyes on you. Kahit si Gwendel ikaw pa rin ang mahal. Wala siyang ibang makita kundi ikaw. Gaya din ng impostor na nandoon sa loob!"
"I'm sorry, pero nagkakamali ka. Gwendel doesn't love me anymore. He's inlove with you, Vanessa. Believe me. He cares for you."
Gwendel Ongpauco was in-love with Oshema? Bahagya niyang ipinilig ang ulo at napapikit.
"'Yung kaisa-isang lalaking minahal ko, isinuko ko sa iyo pero anong ginawa mo? Pinamimigay mo lang sa iba kasi naduwag ka! Duwag ka!" Tungayaw ni Vanessa.
"Tama na, Van. Kapag nalaman ng mommy mo na nagkakaganito ka, malulungkot iyon. Maselan ang kalagayan niya ngayon." Nanatiling mahinahon si Oshema na inaalo ang pamangkin.
Doon lang kumalma ang dalaga at nagtatangis ng iyak. "I hate being like this. I'm so confused. I thought I'm done with him but why? Why did I still care for him so much?"
Niyakap ito ni Oshema.
Hindi niya masundan ang tinutungo ng usapan ng dalawa. Pinagseselosan yata ni Vanessa si Oshema dahil kay Gwendel. Pero pakiramdam niya may iba pang lalaking nauugnay sa usapan maliban kay Gwendel. Mabilis siyang lumigid sa kabilang parte ng puno nang matanaw si Gwendel na parating.
"How is she?" Tanong ng lalaki.
"She's not okay." Sagot ni Oshema.
"I think she needs to rest." Pahayag ni Gwendel.
Tumango ang babae. "Ikaw na ang bahala sa kanya."
"Umalis ka! Hindi kita kailangan. Go to your bitch girlfriend!" Tinatabig ni Vanessa si Gwendel at susuray-suray na naglakad patungo sa kabilang direksiyon.
Mabilis itong nasalo ng lalaki nang matisod at muntik na madapa. He then carried her. "Such a spoiled brat you are. You shouldn't drink when you can't handle your alcohol. Nawawalan ka ng manners." Kastigo nito sa lasing na dalagang tuluyan ng pinabagsak ng alak.
"Thank you, Gwen. Pakihatid na lang siya sa kanyang room." Pakiusap ni Oshema.
Tumango ang lalaki at naglakad paalis.
HINATID ni Oshema ng tanaw sina Gwendel at Vanessa na pumasok ng bahay. Lumapit sa malaking puno ang babae at sumandal roon. Tiningala ang buwan na nagsasabog ng maputlang liwanag. Napasinghap ang babae at muntik ng mapalundag nang may humawak sa kamay niyang namamahinga sa kanyang tagiliran.
"Beautiful, isn't it?" Nagsalita ang lalaking nakatayo sa kanyang tabi.
Nanlaki ang mga mata niya habang nakamaang kay Jairuz. What is he doing here? When did he got here? Bigla siyang kinilabutan. Bumaling ito sa kanya at mariin siyang tinititigan. Parang umakyat na naman sa kanyang lalamunan ang kanyang puso.
Nagtungo ito sa harap niya. Ikinatang ang braso sa ibabaw ng kanyang ulo at hinawakan ang kanyang baba.
"I love your dress." Anas nito bago sinakop ang kanyang mga labi.
Nanulas ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata at nanigas na lang siya na tila estatuwa. Masakit sa puso ang saya na nadarama niya. His kiss went deeper and she responded to it with equal intensity and passion. She could taste the wine in his mouth, a combined mint and grapes. Naliliyo siya sa tamis na dulot niyon. Napaungol siya at kumapit sa damit ni Jairuz habang patuloy na gumaganti ng halik. He growled. Tinapos nito ang halikan nila bago pa sila maubusan ng hangin. Saglit na nagulat ang lalaki nang makitang umiiyak siya.
"You don't like it?" Nilukob ng pagkabahala ang mga mata nito. Hindi nito malaman kung hihingi ng tawad o hayaan na lang siya.
"No," ngumiti siya at pinunasan sa likod ng palad ang basang pisngi. "Of course, I like it. Naiyak lang ako sa saya." Inabot niya ang mukha nito at marahang hinaplos.
Tumango ito pero naiwan sa mga mata ang pag-aalala. Hinawakan nito ang kamay niya at hinagkan.
They went into the deeper part of the garden. Hugging one another while looking up to the moon. Naupo sila sa may paanan ng apple mango. Nasa harapan siya ng lalaki at nakapalibot sa kanya ang mga braso nito. Sumandal ito sa katawan ng puno at kinabig siya pasandal naman sa malapad nitong dibdib.
"Alam mo, gusto kong maging tulad ng buwan." Itinuro niya sa nguso ang buwan na nakatunghay sa kanila.
"Talaga?" Bahagya itong natawa.
Tumango siya at natawa din. "Tuwing gumuguhit kami dati sa school, lagi kong ginuguhit ang buwan. Naisip ko kasi na kahit hindi maganda ang pagkakaguhit ko, matutuwa pa rin ang teacher at bibigyan ako ng mataas na marka kasi buwan iyon, eh. Kahit hindi perpektong bilog, hindi iyon mapapansin dahil sa sobrang ganda ng liwanag na isinasabog nito."
"Pero ang buwan ay nanghihiram lang ng liwanag sa araw."
"Tama. Hiram lang ang liwanag niya pero tuwing pinagmamasdan ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko. Nanghiram kasi siya ng liwanag para alisin ang kadiliman."
He chuckled. "You've suddenly become so mysterious. It's creepy."
"Am I?" Pumihit siya paharap rito. Matagal na naghinang ang mga mata nila. Umusod siya at nagtagpo ang kanilang mga labi.
HINATID ni Jairuz si Oshema sa bahagi ng gallery kungsaan walang gaanong mga tao. Nang makapasok sa loob ng bahay ang babae ay nagtungo siya sa kanyang sasakyan para doon na lamang hintayin ang ina at si Jin. Almost two in the morning. It's time to head home.
Binuksan niya ang pinto ng Sweptail pero may nagsara niyon muli buhat sa likod niya. Marahas siyang napalingon.
"Jin's been looking for you. Where have you been?" It's Yzack pinning the door of the car.
He could sense the animosity rising in their midst. Ipinasok niya sa bulsa ng pantalon ang kamay. A stance of submission. Hindi naman sa takot siyang malaman nito ang namamagitan sa kanila ni Oshema pero ang maghamon ng gulo sa kapatid ay isang bagay na hindi niya kailangan sa ngayon.
"Just getting some fresh air." Lying is futile but even so, it's a matter of choice in order to maintain his ground. Kahit malinaw na hindi naniniwala si Yzack.
"I'll be very blunt, Randall. And I am not going to say this twice. Stay away from my woman. The next time I saw you holding my possession, will be off to hell." Babala nito.
Kinagat niya ang dila at tumango. "I'll keep that in mind, Yzack." Sinalubong niya ang matatalim nitong mga titig.
Alam ni Jairuz kung ano ang pupuntahan ng kapusukan niya. Kasiraan para sa kanyang pamilya. In less than two months, he already crossed the line, invading a charted territory.
It all started in that simple kiss at the restaurant. Nasundan ang halik na iyon. Dalawang beses. Tatlong beses. Hanggang sa hindi na niya mabilang. Sa tuwing may pagkakataon, hindi siya nag-aalangang sunggaban iyon. Mas lalo siyang nanggigigil dahil pinagbabawal.
He betrayed his brother. He cheated his girlfriend. But there was not a single regret in his heart. Kahit na alam niyang ang lahat ay may kabayaran sa wastong panahon, hindi siya nakadama ng pangamba. If this is just a passing attraction, who knows?
Right now, he refused to let this fleeting happiness come to an end. Even if it makes him the world's most stupid villain.
"It's done!" Masayang ipinakita ni Oshema sa kanya ang tinahi nitong pajama para kay Kyruz. Kulay asul iyon. With teddy bears print.
Tumango siya. Ngumiti. "Good job. Siguradong bagay iyan sa kanya." Nasa loob sila ng nursery at kanina pa niya pinanonood ang babae.
Her remarkable devotion as a mother and her wittiness as a woman is bewitching him. Araw-araw lalo itong gumaganda. Yzack is a lucky bastard to have her promise of forever. Pero hihiramin muna niya ang pag-ibig nito at ang walang hanggan na pinangako nito sa piling ng kanyang kapatid tulad ng buwan na nanghihiram ng liwanag sa araw.
Lumapit ito sa natutulog na sanggol sa crib at isinukat sa baby ang pajama. Lumapit din siya at sumilip.
"It looks good on him." He commended.
"Um," ang tamis ng ngiti nito. It melts his heart. "Bagay na bagay." She's like a little girl giggling.
Kinabig niya ito at hinalikan sa noo. Then he claimed her lips in a deep, searing kiss. This is one of their stolen moments that he wanted to cherish once all of this will be over. Pero hangga't kaya niyang pigilan na huwag matapos ang lahat, pipigilan niya. Hindi niya tatapusin ang namamagitan sa kanila kahit pa ang mayroon sila ay isang magandang pagkakamali.
Niyakap niya ng mahigpit ang babae habang naghahabol ng hininga at sinikap pahupain ang nagniningas na apoy sa katawan. They both knew their boundaries and limitations. Yet, sometimes sticking to the rules is very antagonizing.
"Randall?" Anas nitong ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib.
"Hmn?" He moved a little closer, pressing his body against her. He is getting so fucking hard and it is killing him.
"Let's go to my room. Dalhin natin si baby."
Ang sinabing iyon ng babae ay nagsilbing gatilyo na nagpasabog sa kanya at pumatid sa natitirang himlayan ng kanyang pagtitimpi.
Kinarga niya ang natutulog na sanggol at nagtungo sila sa kwarto ng mag-ina. Parehong wala sina Yzack at Mikah. Yzack is in Japan for the board meeting of Yokohama Power. Si Mikah naman ay nasa Cebu para sa promotion ng concert nito at music video. Ang alam ng dalaga ay umuwi siya sa penthouse para doon muna mag-stay habang wala ito.
Nilapag niya sa crib si Kyruz at ni-lock naman ni Oshema ang pinto. That was the cue he is waiting for.
NASADLAK sa nakapinid na pinto ang marupok na katawan ni Oshema habang sinusuyo siya ni Jairuz ng mga nagbabagang halik. Ang mga labi ng lalaki na naglalakbay sa kanyang leeg papunta sa kanyang mga balikat ay may bahid ng pagmamadali at panggigigil, habang abala ang mga kamay nito sa magaspang na pagtanggal sa kanyang damit.
Alam niyang matagal na itong nagtitimpi kaya ngayon na ibinigay niya ang pahintulot na kailangan nito ay hindi nito magawang maging mahinahon.
His gorgeous eyes feasted on her naked body when he brought her to the bed. She saw adoration, tenderness and lust burning in there. Parang hinalukay ng libo-libong paru-paro ang kanyang sikmura. This man is her husband. With no memories of her. A complete stranger so it seems. Pero sa mga sandaling iyon, pag-aari niyang ito muli.
"Damn it, you're one hell of beautiful woman, Oshema." Nakaigting ang mga panga na usal nito.
"Take me, Randall. I am yours." Buong pagmamahal niyang hinatak ito papunta sa kanya.
He cursed some more before devouring her lips. Sana hindi na magtapos ang magandang panaginip niyang iyon. Narito muli siya. Bihag at nakakulong sa malalakas na mga bisig ng asawa. Ang kulungan na gusto niyang tirhan hanggang sa katapusan ng kanyang buhay.
Umarko ang katawan ni Oshema habang sinasamba ng mga halik. She can't barely keep her mind in the right zone. Kailangan niyang maging attentive at ikulit sa isipan ang bawat halik at haplos at ang ligayang nadarama upang balang araw ay may mababalikan siya at wala siyang pagsisisihan sa sandaling magtatapos ang lahat.