Télécharger l’application
64.28% BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 36: Chapter 35

Chapitre 36: Chapter 35

MATAMLAY na bumangon si Oshema at dumeretso sa banyo. Naghilamos. Sinipat niya ang sarili sa malaking wall mirror sa tapat niya. Namamaga ang mga mata niya. At masakit ang ulo niya. Wala pa yata sa kalahating oras ang naitulog niya pagkatapos niyang mapagod sa kaiiyak. Mula ng umalis si Joul sa suite nila ay hindi pa rin ito bumabalik. Sinubukan niyang maghintay rito pero nainip siya kaya nanood siya ng tv.

Sa kakalipat niya ng channel ay humantong siya sa isang international news kungsaan na-feature ang Filipina-Japanese model na si Mikah Jaruna. Naagaw agad ng balita ang atensiyon niya dahil namumukhaan niya ito.

Pero ang mas gumulantang sa kanya ay ang sinasabi sa balita tungkol sa boyfriend nito. Her boyfriend is Yzack Joul Gascon. Iilang picture footage ng dalawa ang ipinakita. Kung hindi magka-holding hands ang mga ito ay magkayakap at sa huling short video ay nasa isang dinner date ang mga ito at mapusok na naghahalikan.

Naalala din niyang sinabi ni Mikah sa kanya doon sa comfort room habang nasa pila sila na hinihintay nito ang boyfriend. Maaaring hindi siya ang pinuntahan ni Joul doon sa airport kundi ito. At nagkataon lang na nakita siya ng binata. Kaya pala nararamdaman niyang medyo hindi ito komportable na kasama siya. Siguro ay nangangamba ito na baka mahuli sila ni Mikah.

Kung girlfriend ni Joul ang dalagang iyon, ano pala siya sa buhay nito? Anong lugar niya? Palipasan ng oras? Pampawi ng inip at lumbay? Fling? Muling umagos ang mga luha sa mga mata ni Oshema na mabilis niyang pinalis sa likod ng palad.

No. Hindi ganoon ang kilala niyang Joul. Her Joul is a responsible and reliable boy. He would never do such terrible thing like hurting her this way. Something is wrong and she needs to confront it. Kahit hindi niya alam kung ano at papaano. Crying won't solve anything. Inayos niya ang sarili at lumabas ng banyo.

Saglit siyang nahinto nang madatnan sa loob ng suite si Joul. Nakaupo ito sa sofa at may tinitingnan sa cellphone na hawak nito. He's too focus and serious. Hindi man lang siya napansin. Doon siguro ito natulog kay Mikah. Huminga siya ng malalim at hinamig ang sarili. Nag-angat ito ng tingin sa gawi niya at agad tumayo. Sinalubong siya. A heart-melting smile is playing in the corner of his mouth as he strode with enough swag to let her know how confident he is.

"Morning, would you like to go down for breakfast?" Hinawakan nito ang kamay niya.

"Okay," matamlay niyang sagot. Mabilis niyang naiwasan ang halik nito sa paraang hindi nito mapapansin na sinasadya niya. Kunwari may inaayos siya sa hem ng suot niyang pantulog.

"What's wrong? Di ka ba nakatulog ng maayos?" Hinawakan nito ang baba niya at pilit hinahanap ang kanyang paningin. "Hey, your eyes are swollen. Are you crying?" Nahimigan niya ng pagkabahala ang tono nito.

Pero pinili niyang wag ng pansinin pa yon. "Okay lang ako. Kulang lang sa tulog kaya ganito." Kumawala siya rito at nagtungo sa kama. "Mauna ka ng kumain. Di pa ako gutom. Ipaakyat mo na lang rito ang pagkain ko." Binigyan niya ito ng tipid na ngiti.

Ang hirap magkunwari. Pakiramdam niya sasabog na ang puso niya sa sama ng loob. Habang ang utak niya ay ginagawa lahat ng paraan para pakalmahin ang kanyang kalooban.

"Oshema, anong problema?" Nakakunot ang noong tanong ng lalaki na lumapit sa kanya. "I'm sorry kung di ako nakabalik agad. May importante lang akong inasikaso."

"Alam ko, Joul. Di mo kailangang magpaliwanag." Pinilipit niya ang mga daliri. She's not good at lying. How can she ever convince him that everything is alright when it's really not.

Napaigtad siya ng tumabi sa kanya ang binata at ipinulupot sa kanya ang braso nito. "Bakit hindi ka sasabay sa akin sa breakfast?" Paanas nitong tanong. Kissing her bare shoulder.

She jerked out on purpose to make him stop. Hindi niya iyon sinasadya. Her body rejected the touch which is now becoming foreign and unfamiliar.Parang reflexes lang. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Joul. Kasunod ang mariin na pag-igting ng mga panga nito.

"Do we have something to talk about, Oshema?" Matigas ang bawat pagbigkas nito ng mga salita.

Inalis niya ang bara sa lalamunan at tumitig sa mga mata ng lalaki. It was then that she realized, her reflection in his eyes wasn't that vivid as it was to be. Now it's clouded with something strange. Darkness that she is unaware of.

"I'm sorry but i'm so confused. You're Joul but you're not Joul too. I don't know, maybe you've changed but you're not the Joul that i know anymore. My Joul would never hurt me. He would never do something awful to make me cry."

"What are you talking about? I'm Joul. Your Joul." Isang pagal na tawa ang kumawala sa lalamunan nito. Hindi senesryoso ang kanyang sinabi.

"Who is Mikah Jaruna then?" That question in on the tip of her tongue just waiting to be freed.

His laugh slowly faded and he fell awfully silent.

KUMATOK pa ng isang beses si Mikah at binuksan ang pinto ng silid ni Jairuz. Sumilip siya. Pero walang tao sa loob. Where is he? Baka nasa banyo. Pumasok na siya matapos luminga-linga sa paligid. Para naman siyang magnanakaw nito.

Isinara niya ang pinto. Mauupo na sana siya sa couch nang mapansin niyang bukas ang pinto ng banyo. Nakiramdam muna siya. Mukhang wala din doon sa loob ang binata. Napanguso siya at humigpit ang hawak sa bitbit na cellphone.

Where is that guy? Nandoon na kaya ito sa pantry para kumain? Hindi man lang siya pinuntahan sa cabin niya para yayain. Walang modo talaga. Hindi pa ito abswelto sa pagkidnap sa kanya tapos ngayon pinababayaan siya. Malakas ang loob kasi nasa gitna sila ng dagat. Hindi siya makakatakas.

Nakasimangot na lumabas siya ng kwarto. Hindi niya hahanapin ang lalaking iyon para lang isauli ang cellphone nito. Kung gusto nito mabawi ang phone pupunta ito sa kanya. Nungka na siya ang maghahanap. Ano iyon sinuswerte? Bakit ba siya nagmamaktol? God! It's ridiculous. Magkaka-wrinkles siya ng wala sa oras.

One of the men she saw yesterday at the conference with Jairuz is approaching in her way. What's his name again? Roelle? Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa talas ng kanyang memory. May kasama itong babae na tingin niya ay isang nurse base sa uniform na suot. Seryosong nag-uusap ang dalawa na halos hindi siya mapansin ng mga ito.

Tumikhim siya para kuhanin ang atensiyon ng mga kasalubong bago pa lumagpas sa kanya. "Goodmorning," ngumiti siya ng matamis. The smile she always gave to people when she wants something from them and get it without fail.

"Goodmorning, Ms. Jaruna." Bati pabalik ng lalaki habang ang nurse ay ngumiti din.

"Ahm, I wonder if you've seen Randall? I need to return his phone." Malambing niyang sabi.

"I haven't seen him yet this morning. Pero kung wala siya sa kanyang cabin, siguradong nandon na naman siya sa top deck." Sagot ni Roelle. Tumango naman ang kasama nitong babae.

"Thank you. Pupuntahan ko lang siya." Nilagpasan niya ang dalawa para umakyat sa top deck. Di sumagi sa isip niya na baka nandoon nga si Randall. Noong una siyang sumampa dito sa barko ay roon nila pinuntahan ang binata. Mukhang paborito nitong lugar iyon.

Teka nga. Saan na nga pala napunta yong sinabi niya kanina sa sarili na hindi niya hahanapin ang binata?

"Argh, Mikah, you're a goner. Never mind." Kastigo niya sa sarili.

May limang deck ang barko bago pa ang top deck. Hiningal siya sa kakaakyat sa hagdan. Nagsisi tuloy siya bakit hindi siya gumamit ng elevator. Buti na lang at nandoon nga ang hinahanap niya. Her efforts paid off.

Sinipat muna niya ang sarili at inayos ang kanyang buhok na pinaglalaruan ng hangin. Banayad siyang humakbang papalapit sa folding bed kungsaan nakahiga si Randall.

Sinilip niya kung tulog ito. His eyes are definitely close. Pero baka hindi naman ito tulog. Nakapatong ang isang kamay sa noo nito. Sa dibdib nito ay naroon at nakasampa ang tulog na pusa. Habang napapagitnaan ito ng dalawang kuneho na parehong tulog din. Are those his pets? Mahilig pala ito sa hayop? Di halata dahil sa magaspang nitong ugali. While watching him, something warm inside caressed her heart. Napangiti na lang siya.

Pero agad ding natauhan nang maalala kung bakit siya nandoon. Isasauli niya ang cellphone nito. Hiniram niya iyon kasi tinawagan niya si Yzack at para na rin sana itanong kung totoong kasama ng boyfriend ang girlfriend ni Jairuz. Kaso ay nawalan siya ng lakas ng loob.

Dumukwang siya. Pinagmasdan ng malapitan ang mukha ni Jairuz. Tulog ba talaga ito? Baka mamaya gising pala at mahuhuli siyang nanunubok. Nakakahiya.

At kung tulog nga ito papaano niya gigisingin? Ngumuso siya. Nagising ang mga kuneho. Tumingin sa kanya. Tayong-tayo ang malalaking mga tainga. Sunod na gumising ay ang pusa. Nag- unat. Pero namaluktot ulit.

Tumikhim siya. Natakot yata ang mga kuneho. Nagtalunan ang mga ito pasampa kay Jairuz. Noon ang lalaki nagising. Siya naman ay bahagyang nataranta na di niya malaman kung bakit. Inayos niya ang buhok. Nako-conscious siya baka sobrang gulo na niyon dahil sa hangin.

Sinanay muna ni jairuz ang mga mata sa liwanag. Ang kamay nitong nasa noo ay nalipat sa mga alaga at isa-isang hinaplos ang mga iyon. Then his eyes darted into her.

Tumikhim siya ulit. "Morning." She smiled to hide the embarrassment. Her cheeks feel hot. Di niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Nahihiya siya na nako-conscious. Maybe because this guy has the face of her boyfriend.

Bumangon ito. Inipon sa isang tabi ang pusa at mga kuneho. Hindi pala nag-aaway ang mga iyon? Pagkakaalam niya prey ng cats ang mga rabbits kaya di magkasundo ang mga iyon. But anyway those are big cats like puma. This is domestic cat.

"Morning," his voice is raspy but it sounded more masculine that way.

"I'm returning this." She handed him the phone. "Thank you."

Tumango ito. Kinuha ang cellphone at ibinaba sa tabi. Hinagod nito sa mga daliri ang buhok na ginugulo ng hangin. How can he looks so freaking hot in the morning with just a simple v-neck black shirt and a faded ripped jeans? Maaring magkamukha ito at si Yzack, pero mas malakas ang dating nito? There is something in him that draws out fear and desire in girls.

Pakiramdam niya umakyat sa kanyang lalamunan ang puso niya nang magtama ang mga mata nila. She was caught checking him out.

"Nagbreakfast ka na?" Tanong nito.

Umiling siya. Mamaya kukurutin niya talaga ang sarili. Why is she like this? Feeling so delly-dolly and girly.

"Gusto mong sumabay sa akin?" He inquired habang hinahaplos ang pusa na abala sa kakalambing rito. Bigla tuloy siyang nainis sa pusa. "Are you hungry?" Di niya alam kung siya ang tinatanong nito o ang pusa kasi doon ito nakatingin.

She pursed her lips. May gusto siyang sabihin pero saan na ba nagsuot ang dila niya? Nawala yata sa loob ng kanyang bibig. Before she could get around herself, he stood up, blocking the sunrise with his large frame. He slipped the phone on his pocket and turned to his pets and to her.

"Let's go? " He then took the lead and his pets followed him like a pack of wolves following their alpha.

Sumunod na rin siya matapos huminga ng malalim. Natutuwa siya sa dalawang kuneho na naghahabulan. Pero bigla na lang sinunggaban ng pusa ang mga ito at nasaktan yata yong mas maliit.

"Oh my, God!" Natutop niya ang bibig.

"Pepang, that's enough." Awat ni sa pusa na kinagat-kagat ang tainga ng kuneho. Tumigil naman agad ang pusa at naupo. Kakawag-kawag ang buntot. Para bang sinasabing biro lang yon. Pero mukhang sinumpong na yong kuneho at ayaw na tumalon. Kaya binuhat na lamang ito ng binata. Lumapit naman yong kapares nitong mas malaki na kuneho at gusto din yatang magpakarga. "It's okay, buddy. She's alright." Dumukwang si Randall at hinaplos ang ulo non.

"They're so cute." Komento na lang niya.

"This is Mimi," pakilala nito sa kargang kuneho. "The big one is Nonoy and the cat is Pepang. Alaga siya ng girlfriend ko." A quick smile hit on his lips.

Tumango siya. This guy is so void. Very elusive when it comes to showing his emotion. Nakita na niya itong nagalit pero alam niyang hindi pa iyon ang sukdulan.

" Mahilig din pala sa pets ang girlfriend mo. What's her name by the way?" Natanong din niya sa wakas.

Matagal bago ito sumagot.

"Oshema Yzabella." Malalim at magaspang ang boses nito na para bang may pinipigil na emosyon para di makawala. He must be in pain right now. Pero gustuhin man niyang makita iyon ay hindi niya kayang titigan ng matagal ang mga mata nito. Pakiramdam kasi niya unti-unti siyang nilulunod at sinasakal ng kanyang puso.

"Oshema Yzabella. It sounds so familiar. I must have heard it somewhere, di ko lang matandaan." Aniya na hinalukay ang isip kung saan nga ba niya narinig ang pangalan na iyon. Then suddenly it dawned to her.

Papunta sila noon si Yzack sa Martirez , sa airport ng Puerto Luiza, she met this very beautiful woman. Had even talked with her. She kindly offered her some wipes to use, kasi hindi dumating si Yzack na pinakiusapan niyang dalhan siya ng wipes. Tandang-tanda pa niya ang pag-uusap nila. Kung gaano niya ito kabilis nakagaanan ng loob. Pagkalabas niya ng ladies room noon ay agad siyang hinatak ni Jin kasi babalik na raw sila ng Manila. Hindi sumama sa kanila si Yzack dahil may importante daw itong inasikaso. Kahit tumutol siya pero wala din siyang nagawa. He left her with his bodyguard and even sent her home.

Talaga bang si Yzack ang kumuha sa girlfriend ni Jairuz? Kaya ba siya pinauwi noon ng kasintahan dahil sa babae? He really can do that to her? Lie and pretend as Jairuz? Di pa rin siya makapaniwala kahit may maliit na boses sa likod ng utak niya ang sumisigaw na tama ang kanyang nalalaman. Still she has to give Yzack the benefit of the doubt. Gusto niyang direktang malaman mula rito ang katotohanan.

"Can i borrow your phone again later?"

Tumitig sa kanya si Jairuz at marahang tumango. He then hit the elevator buttons with the side of his clenched fist and the platform welcomed them widely.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C36
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous