*****
Kinabukasan ay nagmadali ako kumilos para makapagcommute ng hindi nahihirapan sa pagsakay mahirap din pag natraffic ako. Nagulat ako kasi kasabay kong nag almusal si kuya napatingin ako sa orasan at nakita kong 8:00 na sakto. " anong oras pasok mo?" tanong ni kuya sakin ngayon habang nakain.
"9:00 kuya." sagot ko dito na kinakunot noo nito "eh bakit ang aga mo ata gumayak?" parang asar ang tono nito. "eh! Magcocommute ako.. Baka matraffic ako noh!" sabi ko dito habang nanguya ng kanin. "ah! Akala ko may manliligaw na sayong susundo eh!" sabi nito na nakatingin sakin habang nanguya ng pagkain.
"tss! Ang utak mo talaga kuya" sabi ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain. Naunang gumayak si kuya paalis ng bahay habang ako ay iniwan nya habang nagsisipilyo pa. Nagpaalam ako kay nanay bago umalis ng bahay, paglabas ko ng bahay ay nakita ko si kuya na may kausap sa kotse. Hmm.. Hindi naman ito ang kotse ni kuya harry kasi red ang kulay non.. Samatalang ang kotse na nasa harap namin ay kulay blue. Wow! Ang ganda naman ng kulay nito.
Napatingin sakin si kuya at nakamangot "kahit kailan talaga ang bagal mo kumilos!" sabi nito sakin. "hala! Akala ko nga nauna kana sa school eh! Hindi mo naman sinabi na hihintayin mo ako.." pag papaliwang ko kay kuya. Hindi na ito sumagot at sumakay na ito ng kotse.. Ako naman ay napatulala ng makita ko kung kanino tong kotse na nasa harap ko.
"ano? Tutunganga ka pa ba?" sita ni kuya sakin kaya nagmadali ako sumakay ng kotse. Nung una ayaw ko talaga sumakay.. Kaso pag di ako sumakay magtataka naman si kuya. Hays! Just great! Sira na naman ang umaga ko. Pagsakay na pagsakay ko ay nakita ko na naman ang mga ngiti nito na nakaloloko.. Tsk! Ano bang gusto nito? Nakakaasar na!
Nagkekwentuhan lang sila ni kuya habang nasa byahe ng magvibrate ang cellphone ko.. Tiningnan ko naman ang phone ko kung sino.unregistered number kaya tiningnan ko agad kung sino.
"hi! It's me harry! Nakaalis ka na pala ng bahay nyo. Dumaan ako para sana sunduin ka eh.. Sabi ng mama mo maaga ka daw gumayak"
Yan yung nabasa kong message na kinabahala ko.. Hala! Nakakahiya naman.. Hindi naman kasi ito nagsabi na susunduin nya ako kasi tinanong lang nya ang klase ko ngayong araw pero di nya sinabi na susunduin nya ako. Nagmadali ako magtype para magsorry dito.
"hello!sorry kung dumaan ka pa samin… Kahapon kasi time lang yung tinanong mo kaya di ko ineexpect na susunduin mo ako today! Sorry talaga! Ingat ka pagpasok"
Binasa ko ulit ito bago isend, napabuntong hininga naman ako ng magsend at napasandal sa upuan. Napatingin ako kay kuya na busy sa pagtetext ngayon samantalang ang driver namin ay masama na naman ang tingin na binibigay sakin. Kung ang tingin ay nakakamatay..? Siguro matagal na akong patay!
Sinamaan ko din ito ng tingin na -anong tinitingin mo look- pero hindi ito nagpatinag kaya ako nalang nagbawi ng tingin kasi hindi ito titigil hanggat hindi ako ang nasuko jusko!ayaw ko pang mamatay noh! Nagdadrive pa naman sya, Napakamalas talaga ng araw na ito…
Napatingin ako sa cellphone ko ngayon na hindi parin nagrereply si kuya harry.. Siguro busy na ito sa pagdadrive kaya hindi na nakapagreply.. Babawi nalang ako pag nagkasabay ulit kami.
Pag stop namin sa parking lot ay nauna na akong bumaba ng kotse para magpaalam kay kuya at dali dali na naglakad para hindi na ako mabwisit ng dahil kay jesthle.
Pagpasok ko ng room ay nakita ko ang apat habang may tinitingnan, hindi naman nila namalayan na dumating na ako kaya ginulat ko ang mga ito " si maam nandyan na!" sigaw ko sa mga ito at nagmadali na magsibalikan sa upuan, napatingin ang apat sakin at siningkitan ako ng mga mata. "oh.. Ang seryoso nyo kasi" sabi ko sa mga ito at natatawa parin sa naging reaksyon kanina. "pinakaba mo naman kami eh!" reklamo ni joy na sumangayon ang mga ito.
"ano ba yan?" tanong ko sa mga ito.. "halika dito! Ito na yung tinutukoy ni joy! Ang gagwapo!" impit na tili ni she habang niyaya ako na lumapit. Lumapit ako para tingnan kung sino ang tinutukoy ng mga ito.. Hahaha kala ko naman kung sino.. Yung kpop pala na sinasabi nito. Ang kilala ko lang naman sa kpop ay si sandara park eh! Pati yung bigbang..
"see? Ang gwapo diba?" sabi ni joy na kilig na kilig. Pinagmasdan ko ang tinutukoy nito.. Hah! Infareness ang hahot at gwapo nga nila! Napatingin naman ako kay deo na naguusisa din katulad namin.."oh?wag ko sabihin na nababakla ka na din?"turo ko kay deo na natatawa. "tsk! Di ako nababakla.. Tinitingnan ko lang pananamit nila at hairstyle! Ang astig kaya!" defensive na reaksyon nito..
"anong pangalan ng grupo nila?" tanong ko kay joy. "BTS! AHHHH!" palirit ng mga ito sakin na pati mga classmates ko ay napapatingin sa gawi namin. Si joy lang tinanong ko pero tatlo ang sumagot! Talo pa ang sabayang bigkas!
"gwapo yung V!" sabi ko sa mga ito.. As in literal na gwapo.. Very attractive kasi sya tingnan. "ako gusto ko si jimin" sabi naman ni joy. Kanya kanya kaming gusto.. Si bakla ang gusto si jungkook si she naman ay si jin. "eh ikaw? Sinong gusto mo?" tanong ko kay deo habang yung tatlo nagaabang ng sagot.
"syempre.. Tinatanong pa ba yan? Eh di sarili ko!" pag mamalaking sabi nito habang kaming apat ay nagsuka sukahan ang reaksyon. Grabe! Ang self confidence nito.. Nasobrahan!
Every vacant namin ay nilalamon na kami ng KPop kahit ibang classmates namin ay nahawaan na namin sa pag ka kpop.. Goodluck nalang samin pag nagexam kami kung may papasok sa utak namin. Lahat kaming mga magkakaklase ay BTS member ang wallpaper namin. Hays! namimiss ko talaga ang highschool life.
Ang subject namin ngayon bago magtanghalian ay ethics. Tinuturuan kami ng tamang asal at tamang pagaayos ng sarili. Mukhang magiging gusto ko ang subject nato.. Pero ang math ang pinaka hate ko.. Kala ko pag nagHRM ako hindi ko na makikita si math yun pala kahit anong course.. May math! So sad ☹️.
"yes! Buti naman at tapos na!"
"gutom na ako!"
"mamaya pasahan nyo ako ng picture ng bts ah?"
Kanya kanyang usapan na kami ng lumabas na si maam at ngayon naman ay papunta na kami sa canteen.
"ahhh!!!! Tara na! Nandyan na sila!"
"wow! Ang gagwapo talaga nila!"
"Be mineeee!!!!!"
Nakita ko ang iba na nagtatakbuhan papunta sa canteen na akala mo naman ay nakakita ng artista. "tingnan natin kung sino ang nasa canteen ngayon?" sabi ni joy na hila-hila kami. "mukhang mga sikat eh!baka kamukha ng bts" pahabol pa nito at nagmadali magpunta sa canteen.
Pagdating naman namin ay wala kaming nakita na artista o kung sino man na sikat..kundi tropa lang nina kuya na pinagtitinginan ang table. " ay iba din win! Sikat talaga sila! At mas gumwapo lahat sila!" yungyog ni bakla sa balikat ko habang kilig na kilig na nakatingin kay na kuya. "maghunos dili ka nga dyan!" sabi ko dito at kinurot pa sa tagiliran nya para naman tumigil.
"sila pala! Ahm.. Infareness ang gagwapo nga!" mahaliparot na sabi ni joy samin. "tsk! Maghanap nga muna tayo ng mauupuan bago kayo magtsismisan dyan" naiiyamot na sabi ni deo samin. Kaya naghanap hanap na muna kami kaso habang naghahanap kami ay napansin nila ang grupo namin at tinawag kami ng tropa ni kuya.
"brad! Kapatid mo oh.." sabi ni kuya james
"Win! Dito!" kaway samin ni kuya jasper
"hoy! Lapitan natin sila! Tinatawag ka oh.."higit sakin ni bakla sa table nina kuya habang yung tatlo ay nakasunod na samin. "yari ka talaga sakin mamaya bakla!" may diin na sabi ko dito habang papunta kay na kuya.
"h-hello!" naiilang na sabi ko kay na kuya.
"kakain na din ba kayo?" nakangiting tanong ni kuya harry. "ah.. Hehehe.. Oo eh!ah sige na!" sabi ko sa mga ito na tatalikod na sana "may vacant seat pa dito" pahabol ni kuya. Nagmadali umupo si bakla at joy sa tinuro ni kuya kaya wala na akong magawa pa. "umupo na tayo.." bulong sakin ni she na natatawa. Pagkaupong pagkaupo ko ay sinamaan ko ng tingin ang dalawa na hindi naman ako pinansin kundi tumingin na naman sa mga kaibigan ni kuya.. Kaasar talaga!
"order muna kami ng makakain guys.." malanding sabi ni bakla sa mga ito na tumango lang ang mga ito. "grabe! Ang gagwapo nila! Pano nyo sila nakilala?" tanong ni joy samin. "ah.. Yung isa don ay kuya ni win" paliwanag ni she.
"HALA! talaga?! Sino don?!"parang nagulantang ito sa nalaman. "mamaya ituturo namin sayo!" sabi ni she dito.hindi ko nalang pinansin sila at pumila na ako para makapili na ng makakain. Bumili ako ng adobong pusit at half na gulay na may kanin.. Magkasabay kaming bumalik ni deo sa lamesa samantalang yung tatlo ay nagkekwentuhan parin. Katapat ko sa upuan si deo ng iabot nito ang juice "hala! Para san yan?" sabi ko dito, napatingin na pala ang grupo ni kuya samin kasi napalakas ang boses ko. " nalimutan mo bumili ng maiinom baka mamaya mabulunan ka na naman" napatingin naman ako sa inorder ko. Oo nga noh.. Nalimutan ko na bumili kanina ng maiinom kasi siksikan. "salamat.. Siksikan kasi kanina" paliwanag ko dito habang sya naman ay nakangiti sakin.
Dumating na yung tatlo na nagdadaldalan parin kaya kumain nalang ako ng tahimik habang may nararamdaman naman ako na parang may nakatingin sakin, nang sulyapan ko ang pwesto nina kuya ay nakita ko na nakatingin si kuya harry kaya nginitian ko lang ito at umiwas na ito ng tingin samantalang pagtingin ko sa tapat nito ay nakatingin ng masama sakin si jesthle kaya inirapan ko naman ito. Problema na naman ng isang toh? Sapakin kita dyan eh!
"grabe! Ang lalakas ng loob"
"akala mo ang gaganda!"
"as if naman na papatulan sila!"
"eww.. Look at them.. They're ugly! Ang feeler!"
Bulong bulungan ngayon.. Siguro kami tinutukoy ng mga ito! Kung alam nyo lang na napilitan lang kami umupo dito gawa ni kuya.. Baka manahimik kayo!
"sis! Tayo ata ang pinaguusapan nila?"sabi ni joy na nakangiwi na ngayon. "hala! Oo nga!" si she na nakatingin sa paligid ngayon. "hayaan nyo na sila.. Inggit lang sa beauty natin ang mga yan!" sabi ni beks na pinagiirapan ang mga nakatingin samin. Kaya ayaw ko na lapitan sina kuya kasi ganito ang kahihinatnan eh.. Hays!
"kasalan nyo tong dalawa eh!" sabi ni deo habang dinuduro si joy at bakla. "bakit naman? Eh kapatid naman ni win ang nagsabi ah.." depensa ni bakla dito. "eh hindi naman nila alam ang totoo oh…Kaya ganyan mga pinagsasabi ng mga yan!" sabi nito habang masamang tumingin sa dalawa.
"okay lang yan! Ganto talaga sa college life… hindi naiiwasan ang mga gantong tagpo" singit ni kuya james sa dalawang nagaaway ngayon na natatawa pa.
"masasanay din kayo! Ang magpaepekto.. Talo!" dugtong pa ni kuya harry. Kaya tumigil na ang dalawa sa pagaaway at kumain nalang. Kahit nakaalis na sina kuya ay masasama parin ang tingin samin ng mga girls habang pinag-uusapan kami.
"grabe! Ang daming war freak dito!" reklamo ni joy habang nakatambay kami sa study table. "kung nalaman lang agad siguro nila na kapatid mo ang isa sa mga yun.. Naku! Matatahi ang bunganga ng mga yun!" dugtong pa nito.
"tara na nga lang manood ng BTS!kesa naman masira ang mood natin ng mga empakta!" sabi ni she.. Nanood na lang ang mga ito, samantalang kami ni deo ay nagsoundtrip nalang habang naka ubob sa lamesa. Inantok na kami sa dami ng kinain namin kanina habang sila ay nagtsi-tsimisan parin sa mga kpop idol.