Télécharger l’application
66.66% My Brother's Bestfriend / Chapter 20: Chapter 20❤️?

Chapitre 20: Chapter 20❤️?

Papasok na ako ng school ng sumulpot sa bahay namin si kuya harry kaya sinabay ako nito papasok ng school. Hindi ko kasabay si kuya kasi tanghali pa pasok nya, hindi din sila magkacourse ni kuya kasi civil engineering si kuya samantalang si kuya jesthle naman ay architecture ang course.

"hmm.. Kamusta ang first day mo kahapon?" tanong sakin ni kuya harry na nakangiti habang katabi ko sya ngayon. Tumabi ako sa kanya kasi ayaw ko na magmukhang driver sya.. Nakakahiya kaya kasi nakikisakay lang ako. "hmm.. Okay naman po. Malayong malayo sa highschool life kasi naman sobrang daming tao tapos kung sino sino pa makakasalamuha ko. Pero mababait naman" sabi ko dito habang nakatingin sa dinadaanan namin. Ngayon ko lang napansin ang gwapo pala nito sa malapitan kaya pag tumingin ako dito feeling ko magbablush ako.

"maigi naman kung ganon! Wag ka masyado maglalapit sa mga boys kasi minsan nanamantala lang ang iba" sabi nito habang nagmamaneho. "grabe! Parehas pala kayo ni kuya! Akala ko kung di ko sya makakasabay ngayon walang sermon ako maririnig hahaha…. MeRon din pala!" asar ko dito na kinatawa din nito.

Natigil lang pagtawa namin ng tumunog ang cellphone nito. "wait lang ah.. May natawag." kinuha nito ang cellphone sa bulsa at sinagot ito. "hello? Ano? Nasan ka ba? Ah.. Hindi pa naman papunta palang.. Ah sige!" at pinatay nito ang cellphone at binalik sa bulsa.

"okay lang ba kung may dadaanan tayo?" tanong nito sakin.. Syempre oo nalang ako kasi nakikisabay lang naman ako at medyo maaga pa naman. "oo naman po… Maaga pa naman eh" sabi ko dito. "hays! Natanda ako sa pag "po" mo eh.. Wag kana nga mangupo.. Ituring mo lang ako na parang kasing edad mo okay?" Napatingin naman ito sa salamin na hinihintay ang sagot ko.. "h-huh? Ah.. Eh.. Nakakahiya naman kapag may nakarinig na iba.. iisipin nila na bastos ako" pag aalangan na sabi ko dito habang nakatungo.

"nakakatanda kasi eh.. Ilang taon lang naman agwat ko sayo diba? Hays.. Sige na oh.." sabi nito na naka pout, ang cute pa naman tingnan nito. Hays.. Siguro kung ito ang una kong nakilala.. Sya siguro ang magugustuhan ko at hindi si jesthle hays.. Sorry bes! Cute lang ang isang to.. Pero loyal ako sayo kaya di ko ito magugustuhan. "hays.. Sige na nga" nakangiting sabi ko dito na kinangiti din nito sakin.

Tumigil ang kotse sa isang talyer at may nagbukas ng pinto sa hulihan kaya napatingin ako kung sino..

"oh! Pare! Swerte mo at papasok palang ako.. Kasama ko nga pala si win" bati nito sa pumasok sa loob ng sasakyan. Tumingin ito sakin.. Yung tingin na nagtataka, siguro nagtataka ito kung bakit nandito ako sa kotse ni kuya harry? "tsk!" sabi nito at umirap sakin.. Bumaling naman ito ng tingin kay kuya harry "nasiraan ako" simpleng sabi lang nito habang kumportableng nakaupo sabay pikit ng mata.

Tss.. Feeling naman nya gusto ko sya makita? Mukhang may papikit pikit pa ng mata eh kung tusukin ko kaya mata nito?! Tumingin ako kay kuya harry at nagkibit balikat lang ito sabay paandar ng sasakyan nito. May sasakyan na din pala ito.. Siguro si kuya nalang wala sa magkakabarkada?

"anong oras nga pala ang out mo?" napatigil ako sa pagiisip ng magtanong sakin si kuya harry.sinilip ko ang notebook ko kasi nakasingit ang schedule ko dito.. "ahm.. 5:00 ang out ko." sabay turo ko sa sched ko na sinilip lang nito para iconfirm. "4:30 out ko.. Tatambay lang ako sa library para hintayin ka." sabi nito na kinabigla ko.

Napatingin naman ako sa salamin ngayon na feeling ko may nakatingin sakin ngayon kaya nakita ko na nakamulat na ito ngayon.. Oo si jesthle.. Si jesthle na iniiwasan ko kaya nakakabadtrip lang na makita ko sya ng ganito kaumaga. Masama tingin nito na kinairap ko naman dito para makabawi. "ahm.. Hala! Hindi kaya nakakahiya sayo?" sabi ko dito kasi hinatid na nga nya ako tapos pati ba naman sa paguwi? "ano ka ba.. Okay lang yun wala naman akong gagawin atsaka 30mins. Lang naman aantayin ko bago ka magout diba? Plus.. Makakaless ka ng pamasahe diba?" nakangiting sabi nito sakin na may kasamang kindat pa. Argh! Ang gwapo nito talaga.. Na kinaiwas ko ng tingin.

"tsk! Ang ingay!" napatingin naman kami ni kuya harry sa nagreklamo na halata mong irita sa itsura nya ngayon. Haller! Hindi naman to natutulog noh! Lumapit ng bahagya si kuya harry sakin para bumulong "hayaan mo isang yan.. Meron ata?" napatawa naman kaming dalawa na lalong kinainis nung isa.

Hindi ko namalayan na nasa school na pala  kami.. Unang bumaba si sungit na may kasamang pagdadabog pa. Pabagsak na sinira ang pinto ng kotse na kinagulat ko. "hayaan mo na yun.. Laging parang may sapi ang isang yun!" sabi ni kuya harry.. Bumaba na ito at saktong bubuksan ko na ang pinto ng pinagbuksan ako nito. Wow! Gentleman.. Ahem! Type ko na sya para kay bes.. Ayiii!!!!

Bago kami maghiwalay ni kuya harry ay nagpasalamat ako dito at niremind nya ako na hihintayin nya ako sa parking mamayang uwian. Hays! Swerte ko talaga  ngayon kasi makakaless ako sa gastos samatalang may pagkamalas kasi sinadya na naman ng tadhana na asarin na naman ako ngayong araw ni jesthle!

Nasa room na ako ng mabungaran ko na may kakwentuhan si bes na isang estyudante na siguro classmate din namin? "oh! Nandito na pala sya!" sabi nito ng makita ako.. Hinila ako nito ng maibaba ko ang bag ko. "bes sya nga pala si Mary joy classmate natin tapos joy ito naman si winnie bestfriend ko simula elementary" pagpapakilala samin nito.

"hi! Ako nga pala si mary joy.. Joy nalang!" masayang bati nito sakin sabay abot ng kamay. "hello win nalang!parang wala ka kahapon?" puna ko dito kasi di ko sya napansin kahapon. "ah! Wala ako kahapon kasi absent ako! May pinanood kasi ako!" sabi nito na halata mong masaya sa pinanood nito. Ahm.. Mukhang mabait naman ito at madaling makagaanan ng loob.

Pagdating ni deo at beks ay pinakilala din namin si joy.. Wala kasi syang friend pa " hala! Grabe! Solid ang friendship nyo kasi magkakasama kayo ngayon!" sabi nito samin na tuwang tuwa. "hays.. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha ng mga ito eh!" sabi ni rica dito na kinatawa namin. "oh? Mukhang hindi ka masaya?" puna ko kay deo.

"pano ako magiging masaya? Eh babae na naman napadagdag satin eh lalo tuloy akong mapagkakamalan na bakla nito eh!" nakamangot na sabi nito samin. "alam mo! Maglantad ka na din kasi para hindi ka mahirapan… Eh Di belong ka na samin!" pang aasar ni rica kay deo. Madaling nilapitan naman nito si bakla at sinakal ito gamit ang mga braso habang nakakawit sa leeg nito.

Masaya naman ang naging araw namin  at syempre dahil na din may napadagdag sa grupo namin na isang baliw din na adik na adik sa kpop! Kaya pala absent ay nanood lang na KPoP! Jusko! Ang mga pinagsasabi nya samin ay di namin kilala na kinaloka namin.

Naglalakad kaming lima palabas ng room sa last subject namin ng hilahin ko sa tabi ko si bes. "bes! Maya nalimutan pala ako sabihin sayo…" syempre gusto ko sabihin dito na kay kuya harry ako sasabay kasi ayaw ko isipin nito na taksil ako noh! "ano yun?" nakakunot noo ito habang naglalakad kami.

"Kay kuya harry ako sasabay ngayon.. I mean sa kotse nya! Sinabi ko sayo kasi baka magisip ka pa ng kung ano eh!" bulong ko dito habang nagkekwentuhan ang tatlong nauuna maglakad samin. "talaga? Sayang sana ako din maranasan ko na ihatid nya din ako" malungkot na sabi nito. "okay lang na sumabay ka.. Wala naman sakin yun eh" sabi pa nya sakin. Hays! Buti nalang tunay na kaibigan ko ito.. Kundi baka nagselos na sakin ito.

Habang ang tatlo ay may sariling usapan ay kami naman ni she ay meron din.. Kinwento ko ang nangyari kaninang maga na kasabay namin  si asungot na jesthle. Tawang tawa naman ito kahit na wala namang nakakatawa sa pambibwisit ni jesthle sakin.

Nang nasa gate na kami ay kanya kanyang paalam kami kasi syempre ang nakakotse lang naman samin ay si she.. Kaya yung tatlo ay commute din. Papunta na ako sa parking lot para hanapin ang sasakyan ni kuya harry ng makita ko ito na naka sandal habang hawak ang cellphone. Wow! Ang cool nyang tingnan! Para syang nasa pictorial kung titingnan.. Alam mo yung tipong.. Maghapon na ang nagdaan pero parang ang fresh parin nya.. Just wow!

Napatingin ito sa akin habang papunta ako sa kinatatayuan nya ng ngumiti ito sakin. "sakto pala dating ko.. Ay! Nga pala nalimutan ko kunin number mo" sabi pa nito na kakamot kamot ngayon habang inaabot ang cellphone sakin. Inabot ko naman ito para ilagay ang number ko pag balik ko sa kanya ng cellphone ay ang laki naman ng ngiti nito sakin. Umikot na ito para pagbuksan ako ng pinto ng papasok na ako ay may tumabig sakin kaya napaatras ako na kinagulat naman ni kuya harry. Pagtingin namin ay si jesthle na seryosong nakaupo na ngayon sa dapat na uupuan ko.

"oh! Akala ko ba nakauwi kana? Bakit nasa school ka pa?" takang tanong nito kay jesthle.. "tsk! Naglaro pa ako ng basketball" nagkatingin lang kami ni kuya harry at napatingin nalang ulit dito. Eh?mukha naman hindi sya naglaro ng basketball… ni hindi nga ito pawisan eh! Siguro mambibwisit na naman ito sakin?

"a-ah.. Ahm.. Sa likod ka nalang" malumanay na sabi sakin ni kuya harry at dali-dali itong pumunta sa likod para pagbuksan ako ng pinto. Ng makapasok na ako ay kitang kita ko sa mirror kung pano ito nag smirk sakin. See? Nandito lang to para asarin ako! Ginantihan ko lang ito ng irap! Bwisit na ito.. Akala nya nakakatuwa pa sya!

Habang nasa byahe kami ay walang umiimik saming tatlo habang ako naman ay parang maiistiff neck na ata dahil ayaw kong mapatingin sa gawi ni jesthle dahil naasar lang ako sa tuwing makikita ko ito.

"ahem!" napatingin naman ako kay kuya harry pati ito kasi kita ko sa side ng mata ko. "ahm.. Anong oras pasok mo bukas?" tanong nito sakin. Hinalungkat ko naman ang gamit ko para tingnan ang schedule kasi di ko memorise kaya need ko pa tingnan. "ahm 9:00.." sabi ko dito. Samantalang yung isa ay nakatingin lang sakin sabay smirk yung tipong may pinaplano na naman baliw na ito kaya tinaasan ko ito ng kilay at hindi na pinansin pa.

Nasa tapat na kami ng bahay ng pinagbuksan ako ng pinto ni kuya harry at nagpasalamat ng taos puso kasi sobrang nakatipid ako today. Niyaya ko ito pumasok sa loob pero tumanggi ito kasi need pa daw nyang ihatid ng bahay si jesthle na prenteng nakaupo ngayon na feel na feel na kanya ang sasakyan.. Kapal talaga ng mukha! Bago umalis ay inasar na naman ako ng nakakalokong ngiti ni jesthle kaya ginantihan ko ito ng B*tch face!

A/N: guys.. Walang nagcocomment man lang.. Gusto nyo po ba ang flow ng story?


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C20
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous