Year 20xx
"Is it done already?" tanong ni Mr. Weeks
"Yes Mr. Weeks." Sagot naman ng isang empleyado na malapit sa machine kung saan tinitingnan at kinikilatis talagang mabuti ni Mr. Weeks.
Tumango-tango naman ito saka nagsalita.
"I'm looking forward for this Invention to be successful." Ngiting panalo nitong sabi saka tinapik-tapik yung gilid ng tinawag nilang "Evo-Credo Machine"
Maraming nagkalat na mga bakal ang kung anu-ano pa na ginagamit sa pagwewelding. First time ko kasi pumasok dito at nakakamangha naman talaga ang laki at lawak nito. Nasa pinakailalim lower ground ito ng mismong kumpanya. hindi ko din talaga akalain na may ganitong lugar pala na nag-eexist dito. Nasasakop ang kabuuan ng buong building. Malamang, dito nila ginagawa ang gaya ng machine na nasa harap mismo namin ngayon.
Nakahilera kaming mga Empleyado ng Production at Marketing Department ngayon di kalayuan sa likuran ni Mr. Weeks.
"I gotta go now. I'll come again tomorrow early to check for the final output of our lovely "EVO-CREDO MACHINE" I trust you all so much so I'm expecting this invention to be successful. and also I want you..." Tinuro nito yung isang lalaki na mukhang pilipino rin na medyo napapanot na. Siya "ata" ang pinakahead sa project na ito.
"...Mr. Edano, to find someone who would help us to test this invention we've planned for a long time. Keen and choose a good one." huminto ito sa pagsasalita at seryosong tiningnan yung medyo panot na Edano pala ang pangalan. Hehe. Tumango at ngumiti nama Si Mr. Edano bilang sagot.
"You have to gather until next week. We will try it on the 13th day of February. Our lucky day."
Patuloy pa sila nag-usap pero habang tumatagal ay mas lalong hindi ko lang sila naiintindihan. Kung tungkol saan ba ang pinagsasabi nila kaya nagtanong ako sa kabati ko,
"D'you understand what are they talking about Trina?" Pabulong ko na tanong dito. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at may mapupungay na mata. Sya si trina. Kaibigan ko dito at kasama sa department. Nauna lang ako sa kanya ng isang buwan magtrabaho dito.
"Our boss is talking about the machine in front of us."
Yeah. Great Trina! Alam kong yun yon pero di ko padin magets kung ano bang klase at meron yung makinang yon.
"H-hehe, what I mean is. What was that machine's all about?"
"I don't know either. But I heard that it was a machine for human being haha. not sure. Just heard it to some of the gossip ladies at the lobby." Bulong nya saka nagkibit balikat.
Napapaisip naman ako sa sinabi nya. Makes me wonder kung ano talaga ang silbi ng bagay na yon. Kung ano maiiambag non sa mundong ibabaw hehe. Paano pala kung isa yon na Aircraft. Bagong style lang ganon. kung nainvent nga nila yung "otho" eh yun pa kaya! Kilala sa Innovative Inventions ang Schuckk Corporationa and one of their best Invention that was boom to the public are personalizing a cars. Yes. they are the one who started the idea. and more other known innovations pa.
"Are you alright A?" Natauhan ako ng tapikin ako ni trina sa balikat dahilan para magulat ako. Hindi ko manlang namalayan na nandito na pala kami ulit sa opisina.
"A-ah... Y-yes of course. why?"
naghihinalang tumingin sya sa akin
"hhm.. lunch break already. Do you wanna join with pete and I?" Nakangiting nyang tanong
"Di na! ah este... I m-mean. No thanks hehe. I don't want to ruin your quality time with pete" kinindatan ko sya. Naintindihan nya naman yon kaya umalis na sya. Manliligaw ni Trina si Pete a week lang ng makapasok sya dito sa company. Ganon lang siguro talaga ang mga americans, madaling mafall. Pero dahil magkaiba sila ng department,bibihira lang kung magsama sila dito sa loob ng mismong kumpanya. Nasa lab department kasi si pete samantalang sa marketing department naman si trina kung saan magkasama kami.
Matapos ko kumaen ay bumalik na ako sa table ko. Wala pa ang iba sa mga kasama ko kaya kinuha ko na muna ang handpod ko at sinimulang maglaro ng mario. Hihi. Its my favorite game since magkaisip ako. Gustong gusto ko kase kapag tinatapakan ko
yung mga salbaheng snails na nagiging reason para mamatay si mario. Iniisip kong ako si mario habang ying snails naman eh yung mga taong dinadown ako at sinisiraan ako kaya dapat ko silang tapakan. Bat ba. hehe
-------------------
Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito mula sa bag at tiningnan kung sino ang nakaalala sa akin.
Tumatawag ang pinakamamahal kong ina...
"Cassandraaaaaaaaa!" Agad kong inilayo ang telepono sa tainga ko. Napakalakas ba naman kasi! Si mama talaga!
"Oh ma?! Baket why? May gyera na ba sa pilipinas? o sa loob ng bahay natin?!"
"Kailan ba ang balik mo dito?!" Wow. Feeling ata ni mama nagbabakasyon lang ako.
"Ma. Nagtatrabaho kaya ako dito no?!" Kuno't noong sagot ko.
"Alam ko! Aba eh paano ba naman, napaka kapal din pala ng pagmumukha niyong... ano bang ngalan ng batang yon.... Ah! Yung bespren mong si ano bang pangalan non..."
"madami ako bestfriend ma. Rhon, Jade, Claire, Celly, Francis... sino sa kan--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil dumaldal na ulet si mama.
"Ayon Francis nga! Iyong lalaking yon! halos araw araw kung dumaan dito. ABA! Kulang nalang dito na matulog yong batang iyon. Ako na lamang ang nahihiya sa kanya. Dinaig pa ang nobyo mo eh!" Bulyaw nya ulet saken. Meydo nakalayo na yung cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nya.
"Ma! Wala akong boyfriend. San mo naman nakuha yan?! Tsk."
"Ayon na nga eh. Wala kang boypren, dinaig pa kung sakaling meron!"
"Ha?"
'Wala akong boypren, dinaig pa kung sakaling meron ?
Di ko magets ???...
Tas sabi nya kanina 'dinaig pa ang boypren ko?!' Ang gulo GULO talaga ni mama!
"Aba wala! Napakabagal mong umintindi. Dinaig mo pa si pipay! Kailan nga ang balik mo dito?!"
At sino naman yung pipay na sinasabi nya?... tsk
"Hindi ko pa alam ma! Alam mo namang bago pa lang ako dito eh."
"Hay nako! Bumalik ka na! Dito ka nalang maghanap ng trabaho. Napakaraming pwedeng pasukan dito sa pilipinas eh!"
"Butinga nakapasok ako dito. Tsk." Bulong ko.
"Aba pumuputak ka pa dyan ha! Edi sana hindi ka na nagpatulong pa kay Cyrill!!"
Halos 30 minutes din akong sinermonan ni mama sa tawag. Jusko hindi talaga ako tatantanan ng sermon nya hanggang dito sa trabaho ko! Dito ako nagtatrabaho sa Salt Lake City in Utah at halos maga-anim na buwan palang ng makapasok ako sa kompanyang ito sa tulong ng pinsan kong si Cyrill. Apat na taon na sya dito at dahil naman iyon sa tulong ng kaibigan nyang nagtatrabaho dito.
Pinipilit ni mama na umuwi ako kahit isang araw man lang daw para masabihan si Fracis. Siguro iniisip nya ako boss dito no. Tsk tsk. Ayaw naman daw ipahiya ni mama ang kaibigan kong iyon kaya mas gugustuhin nya pang ako ang kumausap doon. Baka kasi mawalan ng self confidence pag sya nagsermon. Masyadong prangka si mama at ALAM na ALAM ko yon.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit lagi lagi pumupunta sa bahay si Francis. Hindi ko naman sya matext kasi nagpalit na sya ng contact number. Bibihira lang rin kung makapagbukas ng social media accounts ko para maimessage sya dahil palagi akong may uwi na paper workS sa apartment ko. Hindi ko kailangang magreklamo sa maraming trabahong ginagawa ko dahil sa laki ng kikitain ko sa darating na sahuran. Kahit baguhan lang ako ay masyadong mahalaga ang turing sa akin ng mga empleyado dito. Masyadong pinapahalagahan ng bawat isa ang mga trabahong ginagawa dito dahil sa laki ng kinikita. At sa buong bansang ito, ang kompanyang ito ang nangunguna sa laki ng kitaan pagdating sa perang dolyar. Masyadong maunlad ang kompanyang ito dahil sa mga produktong ibinibenta neto at sa dami ng business partner ni Mr. Weeks. Masyado nyang iniingatan ang reputasyon at ang bago nga nyang nais maimbento ay yung nakita lang namin kaninang umaga na machine.
Kaya napapasalamat talaga ako dahil nakapasok ako dito at utang na loob ko iyon kay cyrill.
"Kunot na kunot yung noo mo dyan ah?" Biro ni Renji. Nakadungaw sya ngayon sa harapan ko. May harang naman iyon na medyo mataas na transparent partition. Kasamahan ko si Renji sa trabaho at isa rin syang pilipino. Mas matanda sa akin ng apat taon, halos tatlong taon na rin syang empleyado dito. Galing sa magandang eskwelahan sa pilipinas.
"Hehe..."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil CRUSH ko sya!!! Masyado syang gwapo para hindi ko hangaan no. Nalove at first sight yata ako sa kanya nung unang pasok ko dito. At ngayon kinakausap nya ako!
Masyado rin syang busy kaya bibihira lang rin kung kumausap sya ng kapwa nya kaempleyado. Sabagay, halos lahat naman kami ay busy eh....
"Kanina pa kita nakikita sa table ko na kunot na kunot yang noo mo dahil ata sa kausap mo sa cellphone." Nagpipigil ng tawa nyang sabi.
Dalawang table sa harap ko ang pagitan ng table namin ni renji.
Kunot noo naman akong tumingin sa kanya. So, ibig sabihin kanina nya pa ako tinitingnan?! Ano chismoso sya ganon?! Tsk tsk o baka crush nya ako secretly?!
"Medyo may kalakasan din kase yung boses mo. Hehe. Pasensya na kung narinig ko yung ilan sa pasigaw mong sinabi. Mabuti nalang at ako palang ang pilipinong nandito sa office." Aniya at nagpalinga linga sa paligid.
Tiningnan ko rin ang ilan sa mga nasa table na abalang abala at kami pa nga lang na dalawang pilipino ang narito.
Nasa lima rin kasi kaming Pilipino dito sa marketing department.
Nahiya naman ako sa sinabi nyang iyon. MY GOOOOOSH! Narinig nya yung pakikipagbangayan ko kay mama! Feeling ko namumula na ako dahil sa hiya!
"A-akala ko kasi ako p-palang yung tao dito. Hehe. Pasensya na."
"No. It's alright. Lumapit lang ako para may ibalita sayo." Masuyo syang ngumiti saken.
Sheeeeeeeeemay ang gwapo talaga!!
Pasulyap sulyap lang ako sa kanya saka yuyuko dahil nahihiya paden ako sa narinig nya kanina at sa hindi ko maintindihang ikinikilos ko ngayon! Nakita ko yung report sa gilid ng table ko at kinuha ko yon.magpapanggap nalang ako na busy para di nya mapansin yung pamumula ko.
"T-tungkol saan ba yon?" Sabi ko habang inililipat lipat yung page ng report.
"Good news yon para sa ating mga Pilipino dito kaso busy ka na ata? Sa susunod ko nalang sasabihin."
Nanlalaki naman yung mata kong napahinto sa paglilipat ng page at dahan dahang tumingin sa kanya! No no noooooo... Ito na yung chance para makapag usap kami ng matagal. I have to grab the oppurtunity!!
"O-oy.. i m-mean hindi pa naman ako busy lov--- ah este renj. Ano ba yon? Hehe. para sa ating pilipino lang ba talaga kamo?" Naeexcite tuloy ako.
Para lang daw sa aming mga Pilipino?! Project siguro yon.
"Oo haha." Umayos sya ng tayo at ginilid yung mga paper works ko para maupo sa table habang ako naman nagpipigil na lang ng kilig dahil sa sibrang lapit namin dalawa! Nakatingin lang ako sa ilong nyang matangos. Hindi ko na kasi makakayanan kung sa mata nya pa ako titingin eh. Nababaliw na ata ako! Help meeeee kyaaaaaaa
"Kinausap ako kanina ni Mr. Edano about sa project na ginagawa nila. Kailangan nya raw ng mga pwedeng maisama para sa proyektong yon. May tiwala naman sa kanya si boss kaya sya na ang papipiliin kung sino ang mga gusto nya isama." Mahabang sabi nya. Napakunot naman yung noo ko kasi hindi ko maintindihan kung ano ang pinupunto nya.
"Wait hindi ko maintindihan... ano bang pinopoint out mo?" Tiningnan ko sya ng deretso sa mata. Hindi ko alam pero bigla nalang nawala yung pagkailang ko sa kanya. Maybe bacause we talk about serious thing? Nacu-curious ako.
"Gusto ni Mr. Edano na sa pilipinas masubukan yung project na ginawa nila. At dahil gusto nya na sa pilipinas yon subukan, gusto rin nya na ang mga kapwa pilipino nya ang makakasama sa trabaho. Iilan lang naman tayong mga pilipino ang empleyado dito kaya gusto nyang isama tayo sa project na yon." Mahabang pagpapaliwanag nito.
Bigla namang nanlambot ang puso ko sa nalaman ko! Kung sinuswerte nga naman.. ang ipinuputok ng uhog ni mama ay matutupad na!
"Kailan naman daw iyon loves--- ah eh Renj?" Ano ba caaaasss! Masyado nang napaghahalataan eh. Tsk.
Napakunot sya ng kilay sa pag-asta ko na parang lumalande pero nawala ito nang may lumapit sa amin na isa ring pilipino.
Save by the bell ba ituu? Psh.
"Nako nako. Pinapasahod ko kayo dito hindi para magtsismisan ano!?" Palahaw ni Mia na parehong nasa baywang ang mga kamay. Bigla naman itong natawa dahil sa reaksyon namin ni renji. Nagkatinginan kami saka nagtatakang tumingin muli kay mia.
At Ano namang karapatan ng uhog na to para bungangaan kami? Eh tsismosa rin naman sya.
"Joke lang! Haha. Hhm huhulaan ko kung anong pinag-uusapan nyong dalawa!.... hhhmmm tungkol sa mayayabang na kasamahan natin dito no?!" Sabi nya saka tumawa.
Happy eh
-.-
"Tuleg! tungkol to sa bagong project.." Si renji
"Ah.. hehe.... balita ko yun daw ang magpapabago sa takbo ng mundo ah?!"
"Korni naman nyan mia hahahaha." Paanong yon ang 'magpapabago sa takbo ng mundo?' Duh.
"Kj mo naman cass! Tss. Wait eto pa! yon daw ang magsisilbing tulay para mas maging kilala at magclam ng reputation 'tong kumpanya naten." Proud na sabi ni mia.
Respetado naman na to ah.. -.-
"Wow. Totoo ba yan mia?!"
Patola naman si renji.
-_-
"Eh san mo naman nakuha yang mga sinasabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Magsasalita pa sana si mia kaso tinawag sya ng amerikano sa kabilang table para magpatulong. AT dahil wala na ang presensya ni mia, naging awkward na ulet ang atmosphere sa pagitan namin ni renji. Wala akong magawa kundi magsalita para mabasag ang nakakailang na sitwasyon naming dalawa.
"Well, hhm back to our topic kanina renj, kailan nga ba yung tinutukoy mo?" Sinikap ko na hindi mautal. Tsk.
"Ah. A-ayon nga. Hindi pa siguro alam ni mia ang tungkol doon..."
What a great answer renji. Wala iyon sa tinanong ko no! Gusto ko sana matawa kaso wag nalang pala
-.-
"Hindi pa sigurado yung sinabi ni Mr. Ando sa akin. Ang alam nya nga eh sa susunod pa namang buwan yon. Nagulat din sila sa sinabi kanina ni Mr. Weeks. Nagnemeeting sila ngayon sa conference room kaya sa tingin ko possible pa na maadjust padin yung petsa."
**************
Kakaiba yung nararamdaman ko ngayon at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Paano ba naman kagabi yung panaginip ko sobrang weird. Nasa intramuros ako kasama ang isang lalaki na walang mukha! Napakasweet raw namin habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Kung sana si renji yon matutuwa pa ako.
-.-
"Have you done the report I requested you to do alexa?" natatarantang kinuha ko ang blue folder na nakapatong sa iba ko pang paper works para isubmit sa aking supervisor. Di ko namalayan na nasa harap ko pala si Mr. Wong. mabuti nalang at may kinakausap rin sya sa kabilang table kaya di nya napansin ang pagkatulala ko.
Nang maiabot ko na sa kanya ang folder ay umalis na rin sya at dumiretso sa right side ng department namin kung saan sya nakapwesto. Malalamang pwesto 'yon ng supervisor dahil naiiba ang kulay ng divider nito at mas malawak kung tutuusin.
In'on ko na ang computer ko at nagsimula nang magtrabaho. Habang seryoso akong nagtatype ay nagbeep ang phone ko na nasa tabi lang naman ng tumbler ko. Tiningnan ko kung sino ang nakaalala sa akin at OMG! I can't believe kung sino ang nagtext sa'ken! Si renji my love. Hindi na ako magtataka kung paano sya nagkaroon ng phone number ko dahil malamang kinuha nya yon kay trina. Pero what makes he think to have my phone number? Well.. Siguro may gusto na rin sya sa akin?!
Binasa ko ulit yung text nya...
"Magkita tayo mamayang lunch. May nalaman ako. Renji here."
-385*****
Pero parang walang sign sa text nya na gusto nya rin ako. Hay nako umaasa ka na naman alexa cassandra!
Nang matapos ko ang ilan sa mga paperworks ko, nagdecide na rin ako mag break to have my lunch. Wala naman sinabing meeting spot si renj kaya balak ko na antayin nalang sya sa pantry. Malamang na doon naman ang daan pagpasok ng mga employee.
Matapos ko umorder ay pumwesto na ako sa pantry at nagsimulang kumain.
"Hey cass" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni mia. May kasama syang co-workers namin at naupo sa tabi ko.
"Are you alright eating alone here A?" tanong ni samuel. "A" ang tawag sa akin ng mga american co workers ko rito. Hindi ko rin alam kung bakit at paano. Maybe dahil sa name ko na 'alexa' but when I ask them, they have their own meaning of it daw. Ewan basta ganon na lang bigla eh. Siguro some sort of bully ang "A" na yon.
-.-
"Of course. I am responsible on my own." sagot ko rito sabay tawa. Biro ko yon pero walang natawa sa kanila maliban kay mia na palatawa talaga.
"You, guys d'you eat lunch?" tanong ko nalang ulit sa kanila.
"Nah. Were just cheat chatting about kristen stewart rumors." si abigayle
"Yeah. We'ren't hungry yet A. Do you want to come with us after work? We're going to the bar to unwind" si amber naman
Ang ganda ng location nila to unwind infairness...
-?-
"I'll pass right now guys. There's a lot of things to do here and at home. Maybe next time when all things go right hahaha." natatawa namang tumango nalang sila. Nagpaalamanan na kami at nagpatuloy na ako sa pagkain. Kanina ko pa inaantay si renji pero wala padin hanggang sa makabalik nalang ako sa table ko. Nagpatuloy sa trabaho hanggang sa nangibabaw abg ingay sa loob ng department namin.
"Of course. All of these workers are under my supervision Mr. Greg. Guys, to indroduce to you our very own one of the board of directors Mr. Greg Hwang"
Agad naman kami nagsitayuan para igalang si Mr. Greg.
"Hello ladies and gentlemen. I have a big announcement to you all that will make you feel mix of emotions. But right now, I'll talk to Mr. Edano and later on you will know the big big BIG announcement." Sabi nya na inemphasize pa yung word na 'big'.
Ano naman kaya yon?
"May I excuse myself right now diligent empolyees." Ani Mr. Greg saka humarap kay sir Wong. Nakakagulat kasi mabait pala sya!? Nag excuse pa. Nagsiupuan naman na kaming lahat at nang umalis na ng tuluyan si Mr. Hwang ay nagsimulang magbulung bulungan kami kung bakit bumisita dito sa department namin ang isa sa mga BOD.
"I never thought that one of the tigers here in the company will visit us. Its unexplainable!" Ani ng isa kong kasamahan sa katabi nyang cubicle.
Nagulat naman ako ng may biglang magsalita sa tabi ko ng pabulong "may maganda akong balita sayo." Nilingon ko ito at nakita ko sa renji.
Matapos ang trabaho ay dumiretso kami sa pavillion para kumain ng dinner kasami ko si renji mia at Carmen. Si carmen ay sa ibang department nakaassign kaya bibira lang kung magkita kami.
"Next week na pala yung binigay na deadline kay Mr. Edano to pick people from different department to help him sa project yon no." Napalingon naman ako sa sinabing iyon ni carmen. Sa pagkaka alala ko nga ang sabi ni Mr. Weeks na sa friday the 13th nga iyon and next friday na nga!
"Yeah. But I'm still wondering kung bakit hindi nagrerequest ng meeting si Mr. Ando and I think wala pa ata syang napipili?" Ani mia.
"Maybe he want a subordinates na may panot din. Hahahahahahahaha." Dugtong pa nya na tumingin isa isa sa amin. Inaantay siguro na may tumawa.
Wala namang natawa sa biro nyang 'yon kaya nagpatuloy nalang sya sa pagkain.
"Korni ng joke mo." Si renji.
"But to be serious, wala pa nga silang nilalabas na list about it diba. And kung susubukan na nila yon by next week, dapat for this week may final list na." Dugtong nya
"Yeah. Pero I think they've discussed about it naman na. May four days pa naman next week to make it finalize eh. Right?" Sabi ko nalang to make our discussion calm.
"Yeah. I agree. Diba mia?" si carmen
"Aba. Oo naman! Mananahimik nalang ako dito kasi ayaw nyo ng mga joke ko." Seryosong sabi nya na nagroll eyes pa habang kumakain.
"What a fish!" Sigaw ni renji. Napatingin tuloy yung ilan sa mga malalapit na table sa amin saka nagbulong-bulungan. Nasisiraan na ata ng ulo tong si renji. Kung di ko lang to gusto kinotongan ko na to eh.
"Ang ingay mo naman renji! Napatingin tuloy yung iba sa atin nakakahiya ka!!!!" Pabulong na bulyaw ni carmen sa kanya. Habang si mia naman ay nagpipigil na ng tawa. Napapahapo nalang akong tinitingnan sila. Mga ugaling pinoy talaga! Namimiss ko na tuloy ang pilipinas..
-!!!!-
"Paano ba naman unang una isang beses ka palang naman nagjojoke mia. Saka hindi bagay sayo para kang ewan hahahaha." Pabulong ding sagot ni renji.
"Hoy renji Inocencio! Hindi lang naman ito ang unang beses ng pagjojoke ko at saka hindi ako parang ewan. Ang cute ko kahit saang anggulo tingnan!... O ikaw bat parang di mo na kami kilala dyan alexa cassandra ritchell monez?! Hahahaha." Pang aasar ni mia sa akin
"Ah eh sino nga ulit kayo?" Biro ko at nagtawanan kaming lahat. Napatingin ako kay renji at sobrang gwapo nya sa pagtawa nyang 'yon. Nakakahipnitismo yung pagtawa nya para saken pero bago pa nila mahalata umiwas na ako ng tingin. Aasarin lang nila ako saka ayoko na malaman nila. Bakit ba.
-.-
"Sa tingin ko.... Kelangan na natin umalis dito. Nakakahiya kayo pinagtitinginan na tayo" natatawa tawang bulong ko sa kanila.
"Ay. Ang kapal. Hahaha. Ikaw din naman nakikisali kunyari kapa! Umalis na nga tayo dito baka magulat tayo nasa diaryo na mga muka natin." Sagot ni carmen sabay tawa na may pagpipigil.
Nasisiraan na 'to ng ulo. Haha
-.-
Nang makauwi ako sa pad agad kong kinuha ang mga papeles na inilagay ko sa attache case at inayos ng magkakasunod sa table ko. inaayos ko ang ilan sa mga papeles na binigay sa akin kanina ni Mr. Wong. Kailangan ko raw 'to tapusin on or before 10th day of february. Habang sinasalansan ko yung papeles biglang may nahulog na maliit at nakatuping papel galing don. Kinuha ko naman yon at binasa.
"BE CAREFUL TO YOUR DECISION"
Ayan yung nakasulat.
So Weird.
Idinikit ko nalang yon sa planner ko. I guess hindi naman na siguro yon kailangan ni Mr. Wong.