Ilang araw na masaya ang pakiramdam ko sa piling ni Joshede. Siguro ay nagme-make up naman ito sa ginawa kong pananakit ng damdamin ko kahit hindi ko naipaabot ng aking sama ng loob tungkol kay Rissa.
Ilang ulit ring nagsanib ang aming katawan bilang mag-asawa at para sa akin ay nagawa kong tanggapin na bahagi 'yon ng obligasyon ko kay Joshede bilang kasal ako sa kanya. Gusto kong isiping na may dapat na rin akong ikasya sa mga nangyayari. Mas gugustuhin ko pa ang kalagayan ko ngayon kesa naman 'yong napakasal ako sa anak ng kumpare ni Papa.
Ilang araw nang panatag ang kalooban ko at sa malas ay hindi nagiging threat si Rissa sa kasiyahang nadarama ko. Subalit temporary lang yata ang sayang ipinadarama sa akin ni Joshede dahil ng umagang ito ay hindi maganda sa paningin ko ang tagpong nabuglawan nang palabas na ako sa aming kwarto.
Bagong dating si Rissa at eksayted na sinalubong ito ni Joshede. Naudlot ang paglabas ko at buhat sa awang pinto ay pinapanood ang tagpong nabuglawan.
"Nice to see you, Rissa!"
Halik sa labi ang isinalubong ni Joshede sa kanya at ang babae naman ay kaagad na humalik at yumakap sa aking asawa.
Ang unang pumasok sa isipan ko ay ang maglit pero napag-isip-isip ko kaagad kung may karapatan ba akong gawin 'yon? Naririto at abot tenga ang ngiti ni Joshede nang makita si Rissa. At habang nakayapos siya sa leeg ni Joshede ay abot tenga ang mga ngiti na nag-eye to eye pa sila.
"Na-miss mo ba ako?"
"Of course! I do."
Napasimangot ako sa pinagtaguan ko. Teka, mukhang nakakaloko na ang dalawang ito. Hindi na ako natutuwa sa Joshede na ito. Sumusobra na siya. Dapat na niyang iwasan ang Rissa na ito.
Aba! May karapatan naman siguro akong magalit kung ganitong harap-harapan na nilang tinatapakan ang pagkatao ko. Matinding pagseselos at inis ay lakas-loob akong lumabas at nakapamaywang na hinarap ang dalawa. Wari ay hindi pa namalayan ang presensya ko kung kaya't malakas akong tumikhim.
"May bisita pala tayo," hindi ako natutuwang sabi ko.
"Ah, Rissa. Nakalimutan kong ipakilala sa 'yo ang... ang..."
"Magkakilala na kami, Joshede. Hindi ba nabanggit sa 'yo ni Rissa na nagpunta na siya rito minsan?" lakas loob kong sita.
Atleast, naipamukha ko sa mga ito na dapat lang naman na bigyan nila ako ng respeto.
Tinaasan ako ng kilay ni Rissa. "Sinabi mo na ba sa babaeng 'yan kung sino ako sa buhay mo, Jos?" tanong niya kay Joshede.
"Hindi ko alam na may gusto ka palang ipaabot sa asawa ko. I'm sorry. Wala pa siyang nasasabi sa akin. Ano ba 'yon?" pigil na pigil ang emosyong tanong ko.
"Bakit hindi ang asawa mo ang tanungin mo?"
"Ano ba ang ibig niyang sabihin, Joshede?" sita ko sa asawa ko.
Sa halip na ako ang paliwanagan ni Joshede ay si Rissa ang hinarap niya. "Let me explain, Rissa. Please...."
Kumunot ang noo ni Rissa. "You must have a valid reason for this kung ayaw mong magwala ako at baligtarin ko itong condo unit mo?" matapang na sabi ni Rissa.
"Ang init naman kaagad ng ulo mo. Let's go inside. Palalamigin ko lang 'yang ulo mo," ani Joshede.
Napanganga ako nang pumasok sila sa kwarto namin. Aba't ano bang gustong palabasin ng lalaking ito? Wala siyang damdamin na marunong masaktan? Talagang susugod na ako papasok ng kwarto pero naawat ako ni Manang Rosa.
"H'wag, ineng. Hayaan mo lang si Jos. Alam niya ang kanyang gingawa."
"Hindi po alam ng lalaking iyan ang ginagawa niya. Alam ba niya na nakakasakit siya ng damdamin? Imagine, pinapasok pa niya ang babaeng 'yong sa kwarto namin? Ganyan bang talaga ang amo mo, Manang? May pagka-manyakis!"
"Naku, nagkakamali ka ng akala kay Jos, Arci."
"Paano po akong magkakamali? Hayan po at harap-harapan na nila akong niloloko! Hindi na ako makakatagal sa ganitong klaseng set-up! Ayoko na!"
Sa bugso ng damdamin ay napaiyak na ako sa harapan ni Manang Rosa. "Sobra na ang lalaking 'yan. Por que ba naman walang pag-ibig na namamagitan sa amin noong una nang magpakasal kami ay gaganituhin na niya ako? Aba, tao ako huh! Baka akala ng Joshede na 'yan ay bato ako na walang pakiramdam!"
"Huminahon ka, Arci."
"Manang, ang sakit-sakit ng dibdib ko. Sobrang sakit," humahagulgol na sumbong ko kay Manang Rosa.
"Ipanatag mo ang loob mo, anak." Muling kalma niya sa akin.
"Hindi po mapapanatag ang kalooban ko sa nakikita ko, Manang Rosa."
Puro mga walang damdamin ata ang mga tao rito. Imagine, ipanatag ko raw ang aking kalooban. Mapapanatag ba ako nito na sa halip na ako ang kasama niya sa loob ng kwarto ay 'yung kinaiinisan ko pang babaeng 'yon?
Panay ang tingin ko sa pinto ng among kwarto. Inip na inip na ako sa paglabas ng mga nasa kwarto. Maya-maya ay bumukas na ang pinto at napasimangot na naman ako nang naghahalakhakang lumabas buhat roon sina Joshede at Rissa.
"Paano, Jos. Aalis na ako. Malinaw na sa akin ang lahat. Thanks for everything. Basta't tutupad ka lang sa usapan natin."
"Of course, Rissa."
"At welcome pa rin ako rito anytime na gustuhin kong pumunta kahit na may asawa ka na?"
"Usapan natin 'yan, hindi ba?"
"Okay. Aalis na ako, sweetheart."
Yumakap pa ito kay Joshede bago nagpaalam rin kay Manang Rosa. Samantalang ako, isang irap at nang-uuyam na tingin ang ipinukol niya. Seryosong Joshede na ang humarap sa akin nang nakaalis si Rissa.
Hindi ko na hinintay na kausapin ako ni Joshede. Luhaang pumasok ako sa loob ng kwarto at parang imbestigador na pinagmasdang mabuti ang loob lalo na nag kama. Hindi naman nalukot 'yun na kagaya sa iniisip ko. Pero imposible namang nag-usap lang ang dalawaang 'yon dito. Ang tagal nagkulong ng mga 'yon dito sa kwarto.
Patawarin ako dahil madumi ang isip ko pero sino ba ang mainiwala na walang ginawa ang dalawang yun sa kwartong ito? Gustuhin ko mang huwag umiyak ay hindi ko magawang awatin ang aking luha.
Parang may balon sa aking mga mata at hindi matigil-tigil ang pagtulo. Pero teka. Bakit ba ako papayag na api-apihin ni Joshede? Kasal na kami kung kaya't sa ayaw at sa gusto niya ay may karapatan na akong manita. Hindi naman ako nakikipaglokohan nang pasukin ko ang relasyong ito.
Nagpasya akong lumabas para kausapin si Joshede. Naudlot ang paglabas ko nang marinig ko ang masinsinang pag-uusap nina Joshede at Manang Rosa.
"Hindi ko nga alam kung paano kong ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko na talaga pwedeng iwanan itong isa. Mahal na mahal ko na kasi siya," sabi ni Joshede.
Ang duda ko, si Rissa ang tinutukoy niyang mahal na mahal na niya at siya ang prinoproblema niya para paliwanagan.
"Kung ako sa 'yo ay harapin mo ang problema. Ipaglaban mo kung sino ang talagang mahal mo. Talagang kailangang may masaktan. Kung sino ang mas mahal mo ay siya ang piliin mo."
"Mas dapat lang na piliin ko ang mas may karapatan, hindi ba Manang?" tanong ni Joshede.
"Oo naman." Sang-ayon ni Manang Rosa.
Masakit ang naririnig kong usapan pero kailangang tanggapin ko na kahit kasal na kami ni Joshede ay hindi ako ang tinutukoy na mas may karapatan dito kundi si Rissa.
Bumalong na naman ang masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko na naman maitigil ito. Kapag ganito ng ganito ang magiging sitwasyon at wala na akong gagawin kundi ang umiyak na lang nang umiyak, mas makakabuti siguro na mag-isip-isip na ako ng dapat kong gawin.
Kung si Rissa pa rin ang gusto ng lalaking 'yon, ano ang ginagawa ko rito? Nang oras ding ito ay nagkaroon ako ng pagpapasya. Hihiwalay na ako kay Joshede. Uuwi na lang ako ng Probinsya. Siguro naman ay dalawang kamay pa rin akong tatanggapin ng aking mga magulang kung sakali. Mas makabubuti para sa akin na habang maaga ay kalimutan ko na ang lalaking yun kaysa naman sa magtagal pa ang aming relasyon at lalo lamang siyang masaktan.
Nasa gayon akong pag-iisip nang marinig ko ang mga yabag ni Joshede. Dali-daling nagpahid ako ng luha at nahiga sa kama. Nag-pretend akong natutulog.
"Sweetheart..." marahang tawag niya sa akin ni Joshede sabay halik sa aking pisngi.
Neknek mo! Sweetheart'n mo ang mukha mo. Traydor! Gigolo! Playbol! Manloloko! Galit na galit na sa isip ko.
"Alam ko nasasaktan ka kanina. 'Yung tungkol kay Rissa. I'm sorry. Pero huwag kang mag-alala. Maaayos din ang lahat. Just give me enough time."
Hindi na kita bibigyan ng time na mag-isip. Tutulungan pa kitang maresolba ang problema mo, sabi ko sa isip ko. Walang kamalay-malay si Joshede sa aking mga balak. Ang plano ko, kapag pumasok si Joshede sa trabaho at namalemgke naman si Manang Rosa ay sasabayan ko na rin siya ng alis.
Hindi magiging madali para sa akin ang aking gagawin pero ito na lamang ang tanging paraan para matahimik na silang pare-pareho at para lubusang lumigaya na si Joshede. Napakahirap ng naging desisyon ko dahil sa sandaling oras ng pagsasama namin ay na-inlove na kaagad ako sa kanya. Madly inlove pa nga kung tutuusin. Hindi ko lang ma-express dahil sa mga limitasyong inoobserbahan ko.
Pero kung mabubuksan ko lang ang puso ni Joshede ay maipapaabot ko sa kanya na labis-labis ang pagmamahal ko sa kanya.
"Arci, galit ka ba?"
Umiling ako. Tinignan ako ni Joshede. "I'm sorry. I'm very sorry. Sana maintindihan mo ako."
Kasunod no'n ay inangkin ni Joshede ang mga labi ko. Alam ko na ang gustong gawin ng lalaking ito at hindi ko na pinagkait na ibigay ang gusto niya. Sa nalalapit kong pag-alis, magiging pabaon sa akin ang ganitong sandali. Ibinigay ko ang lahat-lahat ng mga sandaling yun at walang nahalata si Joshede sa tunay na nasa kalooban ko.
Paulit-ulit akong inangkin ni Joshede. Parang nahuhulaan niya ang nalalapit kong pag-alis sa bahay na ito. Parang hindi ko kayang iwanan si Joshede pero kailangang patigasan ko ang nabuong pasya. Masakit, pero ito na lamang ang tanging paraang naiisip ko para magkaroon kami ni Joshede ng kapayapaan.
Tutal, dito rin naman siguro mauuwi ang relasyon namin ni Joshede kung sakali ay mag-desisyon na siya na tuluyan nang pakisamahan si Rissa.
Nang araw na ito na nakapasok na si Joshede at nakaalis na si Manang Rosa patungong palengke ay tumakas na ako. Wala akong bitibit na kahit na ano maliban sa mga suot ko. Nagtuloy ako sa terminal ng bus. Bagama't may pagtatalo ang aking kalooban, pinamayani ko ang nabuong balak.
Nang umusad ang bus na sinasakyan ko ay muling pumatak ang aking mga luha. Tunay na iniiyakan ko ang pagkakalayo namin ni Joshede.
***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!