Télécharger l’application
18.18% Semira Boys Series: Uno Emir (Completed, Book 2) / Chapter 4: Kapitulo 3: Alien Invasion

Chapitre 4: Kapitulo 3: Alien Invasion

"Sir, uuwi na po muna kami. May mga nababalita kasi na mga UFO* sightings at nagkaroon pa ng nationwide blackout. Baka katapusan na ng mundo!" takot na takot na paglalahad ni Kasambahay 1. "Sasakupin na tayo ng mga aliens!"

(Unidentified Flying Object)

"Sorry po, Babalik muna ako sa probinsya. Kailangan din po ako ng aking pamilya."  pagpapaliwanag ni Kasambahay 2.

"Pasensya na po talaga. Sinusundo na ako ng asawa ko. Kung may mangyari raw na masama, at least magkasama na kami." pagpapaalam ni Kasambahay 3.

"Naiintindihan ko. Kung nais pa niyong bumalik at magtrabaho sa amin ay magsabi lang kayo. Tatanggapin ko kayong muli." paniniguro ni Uno.

"Thank you po, Sir!"

"Mag-iingat kayo."

Kahit na kalmado lang ang kanyang reaksyon, sa kaloob-looban niya ay nalulungkot siya.

Maiiwan na naman siyang mag-isa sa bahay.

Matagal na kasi siyang pinabayaan ng ina at nangibang-bansa. May sarili na rin itong pamilya kaya hindi na siya pinapansin nito. Ang ama naman ay inasikaso ang mga negosyo nila at bihira na rin siyang puntahan at kumustahin. Kapag siya naman ay dumadalaw sa opisina o penthouse nito ay nasa meeting iyon palagi o kaya nakikipaglaro ng golf kasama ang mga kabarkada.

Sa likod ng mayabang at spoiled brat na aura ay nais lamang niya ng atensyon at pagmamahal. Aminado siya na noong mas bata pa siya ay naging mapusok siya dahil sa paghahangad na makahanap ng pag-ibig sa mga babaeng nakarelasyon.

Sa kasamaang-palad, kapag fall na fall na siya sa babae ay doon naman siya ipagpapalit sa ibang lalaki.

Sa sobrang sawi niya ay nabiktima rin siya ng isang linggong pag-ibig.

"Lunes

Nang Tayo'y Magkakilala

Martes

Nang Tayo'y Muling Nagkita

Miyerkules

Nagtapat Ka Ng Yong Pag-Ibig

Huwebes

Ay Inibig Din Kita

Biyernes

Ay Puno Ng Pagmamahalan

Mga Puso Natin Ay Sadyang Nag-Aawitan

Sabado

Tayo'y Biglang Nagkatampuhan

At Pagsapit Ng Linggo Giliw Ako'y Iyong Iniwan

O Kay Bilis Ng Iyong Pagdating

Pag-Alis Mo'y Sadyang Kay Bilis Din

Natulog Akong Ikaw Ang Kapiling

Ngunit Wala Ka Nang Ako'y Gumising

O Kay Bilis Ng Iyong Pagdating

Pagalis Mo'y Sadyang Kay Bilis Din

Ang Pagsinta Mo Na Sadyang Kay Sarap

Sa Isang Iglap Lang...

Nawala Ring Lahat..."

Nagpantig ang tainga ni Uno sa pagkanta ng diehard fan ni Imelda Papin, na may pamaos-maos pa at panginginig ng boses ang biritan.

"Anak ng butete! Hahagisan ko na ng gulong ang bintana niyan kapag hindi pa tumigil!" nanggagalaiti sa inis na binalak niyang gawin sa oras na ulitin pa nito ang kanta.

Affected siya masyado sa madamdaming pag-awit ng kapitbahay.

Stressed na stressed na siya.

Pare-pareho lamang kasi ang mga babae, natanim sa kanyang isipan.

Habol lamang nila ang kayamanan at makalaglag-panty na katawan niya.

Isasara na sana niya ang gate nang may nakita siya na babaeng tumatakbo patungo sa kanya.

"Sir! Pwede bang magtanong? Wait lang!" humahangos na pagtawag ni Alfa. Kanina pa pala siya nagtatago sa isang sulok at nakikinig sa usapan nilang mag-aamo.

Hinanap talaga niya ang address ng lalaking may magandang puwet. Napag-alaman pa niya mula sa mga kapitbahay na isa pala itong tanyag na race car driver at nabibilang sa pamilya ng mga fafables na Semira.

Bahagyang kumunot ang noo ni Uno habang hinihintay na makarating ang babae sa harapan niya.

"Yes. How can I help you?" he asked with great concern, thinking what could have been bothering this beautiful young lady.

Ayan, pati si Author napapa-ingles.

Sosyal kasi talaga itong si Fafa Uno.

Kung minsan ay inglisero at nano-nosebleed ang mga pinsan kapag siya ay nagsalita na ng bayangang lenguwahe.

"Ang yummy, my gosh!" paghanga ni Alfa nang makita ng mas malapitan ang ultimate crush. Natulala siya sa mapupungay na mga mata nito. "The eyes...so mesmerizing! I like!"

"Miss..." pagtawag muli ni Uno sa atensyon niya.

"A...kailangan mo ba ng maid?" Nilabas niya ang mga papeles sa kanyang bag. Ni-ready niya ang lahat bago naglayas sa kanyang bahay at planeta. "Kumpleto po 'yan. May transcript of records, birth certificate at resume. Pati NBI clearance meron na rin! Pati urine at stool exam, nandiyan din ang resulta."

Nag-alinlangan si Uno na abutin ang mga papeles na naka-seal ng isang plastic envelope. Kinuha niya iyon at binuksan upang makita ang mga dokumentong dala ng babae. Pasimple niyang pinagmasdan ang aplikante.

Sa bilis ng mata niya sa magaganda, kaagad niyang napansin ang mala-anghel na itsura nito. Kahit na hindi kaputian ay nangingibabaw ang kanyang kagandahan. May pagka-pouty rin ang lips nito na tunay na kissable. Kung sa pangangatawan, kahit na siya ay naka-jeans at loose t-shirt, ay masasabi niya na every man's dream ang vital statistics.

"Sayang..." naisip niya habang panakaw na tumingin sa hazel eyes ni Alfa na napalilibutan ng mahahabang pilik. "Maganda sana pero mukhang bangag."

Nakanganga kasi si Alfa na tila ba na-startstruck ng isang artista. Namula rin ang mga pisngi nito nang magkatitigan sila sa mga mata.

Sa pagkakabukaka ng bibig ni girlash ay napagkamalan ng isang langaw na kweba ang ngalangala nito. Pumasok ito at nalunok pa niya. Nasamid siya at napaubo, dahilan upang lumabas sa ilong niya ang naliligaw na insekto. Lumipad ito palayo na tila ba walang nangyari.

Kaagad na na-turn-off si Uno dahil sa nakakadiring pangyayari.

"Excuse me..." hiyang-hiya na humingi ng paumanhin si Alfa habang pinupunasan ang ilong.

"Nagkita na ba tayo dati?" pag-uusisa niya.

"Ay, oo! Kitang-kita kit-" tuwang-tuwa na napabulalas si Alfa subalit natigilan din at napatakip pa ng bibig. "A! Kasi nakikita kita sa TV. Hahaha! Ganoon nga. Kitang-kita sa TV! Sikat ka pala, Boss!"

Hindi maipaliwanag ni Uno ang nararamdaman dahil para siyang nagagamitan ng hipnotismo. Habang tumatagal ay mas gumagaan ang loob niya sa kausap. Kapag ngumingiti ito, pati siya ay natutuwa sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sa katunayan ay nais na niyang kunin kaagad ang aplikante kahit hindi pa niya lubusang nababasa ang mga papeles.

"Alfa Starr?" tinawag niya ang pangalan nito. "Foreigner ka?"

"Hindi po. Half-half lang pero sa Cebu ako lumaki!" pagsisinungaling niya dahil kailangan niyang itago ang tunay na pagkatao. Pati tunay na apelyido niyang "Buenavista" ay pinalitan niya ng "Starr" upang hindi matunton ng mga magulang at kung sino man na magpapahanap sa kanya.  Hinayaan na niya na manatiling Alfa ang first name dahil good luck charm  para sa kanya ang pangalan dahil ang kahulugan nito ay "first".

Tumango-tango si Uno habang binabasa ang biodata ni Miss Alien. Bahagya siyang natuwa dahil pareho pa sila ng kahulugan ng pangalan.

Marahil ay magkakasundo sila, naisip pa niya.

"Sige, pag-iisipan ko." pagde-delay muna niya dahil gusto niya munang magpa-hard-to-get. Baka kasi isipin ng babae ay marupok siya."Bumalik ka pagkatapos ng dalawang araw."

"D-Dalawang araw?" nalungkot si Alfa dahil nais na sana niya ng matutuluyan. Kumakalam na rin ang sikmura niya at alalang-alala na siya sa alaga niyang si Fifi. Kanina pa kasi ito umiiyak dahil puro biskwit lang ang kinakain. Sanay pa naman itong kumakain ng bacon at cheese kaya nagrereklamo na. Walang-wala na kasi siya dahil tanging ang maliit na bag na naglalaman ng mga papeles at ilang mga abubot ang tanging naisalba niya nang lumubog ang spaceship na sinasakyan. "Sir, baka pwedeng now na, kahit walang sweldo 'yun two days magtatrabaho na ako sa iyo. Galing pa kasi ako sa napakalayong lugar at starving na ako. Kakapalan ko na ang face ko ha, may kaning-lamig ka ba diyan? Gutom na po kasi ako."

"Kaning-lamig?" nagulat si Uno dahil sa hinihingi nito. Tumango si Alfa at umasa ng magandang tugon. Kahit tutong pa iyon ay kakainin na niya. Napalunok pa siya ng maamoy ang nilulutong tocino ng kapitbahay.

Naawa si Uno dahil sa lahat ng hihilingin ng kakatwang babae ay kaning-lamig pa!

"Halika na nga!" pag-aya niya rito. "Marunong ka bang magsaing at magluto ng ulam? Pumili ka ng gusto mo sa ref at kainin mo."

"Salamat!" maluha-luhang sinambit ni Alfa.

Pinasunod siya sa loob ng bahay at pinakita ang maids' quarters kung saan siya maaaring manatili. Pagkatapos ay nagtungo na sila sa kusina upang magluto.

"Bukas ay tuturuan kita sa mga gagawin mo rito." pagpapaliwanag ni Uno sa bagong kasambahay. "Madali lang ang mga nais ko. Makinig ka lang mabuti."

Sa paningin niya ay mas lalong pumogi ang lalaking inaasam ng one million points.

Mukhang bad boy pero gentleman.

Tipong maginoo pero medyo bastos.

Dreamboy...

'Yan ang mga katangiang inaasam niya sa lalaki na nahanap na niya sa katauhan ni Uno.

Mas lalo siyang naging desidido na ligawan ang "one and only" true love niya."

"My loves, honeybunch, darling. sweerheart, babe, makukuha ko rin ang puso mo." pagbabalak ni Miss Alien na may kislap sa kanyang mga mata.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C4
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous