Télécharger l’application
37.5% Lethal High: School for Sinners / Chapter 6: Kabanata 4

Chapitre 6: Kabanata 4

Huminga muna ako nang malalim tsaka tiningnan ang mga ginagawa nila. I guess, wala na rin naman kaming magagawa, desisyon na rin naman ni Asmodues na paalisin kami.

"Alhena, let's go," dagdag pa ni Dexter, ngumiti naman ako kay Asmodues sabay bow nang kaunti, kailangan pa rin naming respetuhin ang mas nakakataas sa amin kahit na ang sama-sama ng mga ugali ng mga mokong na 'to. Napakabullsh*t.

"Mauuna na kami," paalam uli ni Dexter at hinila na ako papalabas sa classroom nila, nagsimula na rin naman kaming lumakad papunta sa sarili naming classroom.

Patuloy lang kami sa paglakad hangga't sa huminto ako sa tapat ng classroom ng Class B, naging dahilan ito kung bakit sabay na napatingin sa akin sina Dexter at Rhia.

"Alhena, kapag nagmadali tayo ngayon, baka maabutan pa natin ang klase natin," paalala sa akin ni Dexter ngunit hindi ko siya hinayaan na pigilan ako at kinatok na ang pintuan ng classroom ng Class B, bumukas naman kaagad iyon at tumambad nga sa amin ang nakangiting mukha ni President Niana.

How pathetic.

"Ano uli ang kailangan niyo?" tanong niya. Lumapit naman ako sa kan'ya at kinuha ang isang piraso ng buhok niya tsaka binunot ito. Kumunot ang noo niya at masama akong tiningnan.

Hmm, good for her.

"What the hell is your problem, b*tch?!" Hindi ko mapigilan na mapangisi dahil sa pinalabas niyang ugali, karapat-dapat nga siyang estudyante ng Class B, ang sama-sama ng ugali niya e.

"Bago niyo gawin ang ginawa niyo sa amin, siguraduhin niyo munang walang matalino sa klase namin. Baka mapahiya kayo bigla," nakangiti kong sabi at tinalikuran na siya, narinig ko pa ang pagmura niya pero hindi ko na lang siya pinansin. Wala akong panahon makipag-away sa tulad niya.

Ito pa lamang ang simula, marami pang mangyayari.

° ° °

"Hoy, Alhena! Paano mo nga kasi nalaman na ang Class B ang gumawa no'n sa 'tin?" pangungulit sa akin ni Rhia. Huminga na lang ako nang malalim at sumimsim sa binili kong kape. Nakatingin din sa akin si Dexter na para bang naghihintay lamang sa mga sasabihin ko.

Huminga nang malalim at kinuha ang ballpen at papel ko. Isinulat ko doon ang mga napansin ko sa bawat classroom na pinuntahan namin.

"Class C. Closed windows, unused red paints, naka-on ang aircon, at ang klase nila ay between 10:00-12:00. Imposibleng sila ang gumawa dahil ang teacher mismo ang nagpo-provide ng mga materials sa klase natin dahil libre na 'yon ng eskwelahan. Ang Class A? Open windows, walang red paint, at kasalukuyan na nagte-take up ng Art class. As I've said before, imposible namang sila ang gumawa no'n sa 'tin," paliwanag ko, mabuti na lang at kaming tatlo lang ang customer sa loob ng café na 'to, dahil kung hindi, baka kumalat na sa buong eskwelahan na pinagchichismisan namin sila.

"How can you say so? Hindi malabo na ang Class A ang gumawa no'n sa 'tin," komento ni Dexter, tinaasan ko naman siya ng kilay at umiling.

Hanggang dito ba naman ay pinagtatanggol niya pa rin ang Niana niya.

"Nakita mo naman ang reaksyon ni President Niana, diba? At hindi mo ba nakita ang classroom ng Class A? Wala silang ginamit na pulang pinta, bukas din ang mga bintana nila pero hindi ito kasing bango ng classroom ng Class B," sabi ko, kumunot din ang noo ni Dexter at uminom din sa binili niyang tea.

"And your point is?"

"Simple lang naman, kung nakita at naamoy mo kanina, sobrang bango ng classroom ng Class B, nakabukas na ang aircon nila na nasa fan mode at nakabukas pa ang mga bintana, parang may amoy silang ayaw nating maamoy, and that is.."

"Ang amoy ng mga pinta," sagot ni Rhia, tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Pero pwede naman nilang hindi pagtakpan 'yon, sinabi na nilang nag-take na sila ng Art Class, diba?"

"They're simply lying. Sinabi nila 'yon dahil akala nila, pagdudahan natin ang klaseng tapos na sa Art class, which is so obvious. At sinabi rin nilang ubos na ang red paint nila dahil nga ginamit na nila ito sa Art class nila, pero ang totoo, kung mapapansin mo sa ginawa natin. Walang red paint dahil tatlong kulay lamang ang pinagamit sa atin. Yellow, green, and black. Kung sasabihin niyo namang posibleng hinalo ito, it's not possible dahil primary color ang red. Kung tatanungin niyo kung saan naman nila nakuha ang pulang pinta nila, pumunta tayo ngayon sa teacher ng Class A at tanungin natin kung nando'n pa ba ang red paint nila o wala na. Stealing is a crime, pero hindi sila makukulong dahil nasa loob tayo ng eskwelahan na 'to," paliwanag ko sa kanila. Tumango na lang silang dalawa, mukhang nagsang-ayon din sila sa conclusion ko.

"Saan naman nila tinago 'yung red paints?" dagdag pang tanong ni Dexter, tiningnan ko si Rhia at sinenyasan siya na ilabas 'yung maliit niyang notebook na pinagsulatan niya ng mga impormasyon tungkol doon sa tatlong classrooms na pinuntahan namin kanina.

"Ano ba ang mga gamit sa loob ng classroom ng Class B ang makikita mo na pwedeng pagtaguan ng mga pinta?" tanong ko kay Rhia, dali-dali niya namang binuklit 'yung notebook niya.

"Lamesa, cabinet, blackboard, white board, at mga upuan." Inilapag ni Dexter ang inumin niya sa lamesa at ngumisi. Mukhang alam niya na rin kung ano ang ginawa nila.

Finally, hindi na lang ako ang mag-isang mage-explain.

"Hiding paints inside a cabinet is too obvious, the reason why nakabukas ang aircon at ang mga binata nila is amoy 'yung pinta sa buong classroom, ibig sabihin... nakatago 'yon sa lugar kung saan kitang-kita natin but we didn't even bother to check it. At 'yan ay ang likod ng blackboard." Nagthumbs up ako bilang pagsang-ayon, hindi naman talaga masyadong mahirap intindihin ang gustong gawin ng Class B. Ang problema lang sa kanila, minamaliit nila palagi ang mga kalaban nila.

Never underestimate your enemy.

"Paanong walang nakakita sa kanila?" tanong naman ni Rhia.

"Wala namang manghihinala sa isang class president na may dala-dalang bag, kahit sabihin na nating nandito siya sa building natin, wala pa ring magdududa dahil mataas ang estado niya sa eskwelahan natin. At isa pa, ang klase lang nila 'yung ang president na mismo ang nagbukas ng pintuan, ibig sabihin, cautious sila. Sumagi na sa isipan nila na maaaring mangyari 'yon."

Nabalot na ng katahimikan ang loob ng café. Dito kami madalas tumambay dahil kaunti lamang ang mga taong pumupunta rito, hindi naman kasi 'to masyadong sikat kahit na katabi lamang 'to ng Lethal High. Mas pipiliin kasi nila 'yung mamahalin ang mga inumin at laging pinupuntahan ng mga tao, gusto nila 'yung pang mayaman talaga.

Ilang minuto rin kaming gano'n hangga't sa binasag na nga ng cellphone ni Rhia ang katahimikan na bumabalot sa amin.

"Ay hala! Pinapatawag na ako ni Ma'am Amorsolo, okay lang ba kung iwan ko muna kayong dalawa rito? Kailangan ko talaga siyang makausap e," paalam ni Rhia at nagsimula nang magligpit ng mga gamit niya.

"Okay lang, sigurado naman akong ipaparecord ka lang no'n ng mga quizzes natin at ng sandamakmak nating mga papel. Good luck na lang," sabi ko. 'Yan ang mahirap sa pagiging secretary, kailangan alam mo ang lahat at kailangan palagi ka ring nasa tabi ng mga teachers para alam mo 'yung mga kailangan nila. Nakakapagod.

"Let me know if she's abusing you already. Ang dali lang namang magpatalsik ng teacher sa eskwelahan na 'to, lalo na kapag isa kang class president," pagmamayabang ni Dexter habang itinataas-baba ang kan'yang makakapal na kilay.

Gwapo na sana, matalino na rin at medyo friendly, kaso mayabang lang talaga ang isang 'to. Prinsipe na sana, naging palaka pa.

"Oh sige, sige. Bye na!" paalam niya sabay takbo papalabas ng café, tumunog 'yung bell na nasa pintuan no'ng umalis siya. Pakatapos niyang umalis, muli na namang nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Mas okay nga 'to e, makakapagpahinga ako nang maayos, mas gusto ko pa rin kasi ang tahimik na paligid.

"Handa ka na bang magbago ang buhay mo?" pagbabasag ni Dexter sa katahimikan, kunot-noo ko naman siyang tiningnan.

D*mn, akala ko magiging okay na ang lahat nang umalis na si Rhia, pero naalala kong buhay pa pala ang peste sa buhay ko.

"What do you mean?"

"Pinamukha mo sa kanila na hindi lang dapat tapak-tapakan ang klase natin, sa tingin mo ba papayag na lang silang maging gano'n ang sitwasyon? Magiging target na nila tayo. Hindi sila papayag na maging gano'n ang sistema," wika niya. Huminga naman ako nang malalim at ipinikit ang aking mga mata. pero ang sa 'kin lang, h'wag naman muna silang maghihanti dahil sa ginawa ko, hindi pa nga kami nakakapaghiganti nang tuluyan e.

Tsaka sa pagkakaalam ko, dapat si Dexter ang mas maging handa sa aming dalawa. Siya ang president namin kaya karapat-dapat lang na siya ang umako ng mga responsabilidad sa klase namin.

"Ikaw dapat ang maging handa, nakakalimutan mo 'atang ikaw ang president sa ating dalawa," pagtataray ko sa kan'ya. Ngumiti naman siya at napailing-iling, sinimula niya na ring paglaruan ang inumin niya.

Mukhang malalim ang iniisip niya, kitang-kita kasi sa mga mata at sa paraan ng kan'yang paggalaw. Naging matamlay siya bigla. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang iniisip niya pero ayoko namang mahimasok sa buhay niya.

"Alhena?" Tiningan ko na lamang si Dexter para hintayin ang susunod niyang sabihin. "Alam mo ba ang tungkol sa 8 sinners?"

8 sinners? Wala pa akong narinig tungkol diyan, isa na naman 'ata 'yon sa mga topics na pinagchichismisan dito sa eskwelahan.

"Bakit? Ano ba ang meron diyan?"

"Sila ang walong estudyante na kinalaban ang buong eskwelahan, sila ang pumatay sa dating dean sampung taon na ang nakakalipas. Kaya medyo bago pa lamang si Dean Basillia no'ng pumasok tayo sa eskwelahan na 'to ngayong taon," pagkukuwento niya. Hindi ko man lang alam na may ganitong nangyari sa Lethal High.

Na-curious tuloy ako, ano naman kaya ang dahilan kung bakit nila pinatay ang dating dean, natuklasan ba nila ang totoong pakay ng mga taong nasa likod ng eskwelahan na 'to? Fudge, I'm curious!

"Nasaan ba sila?" tanong ko kay Dexter, nagkibit-balikat na lamang siya bilang sagot na naging dahilan ng pagkadismaya ko.

Sayang, gusto ko pa naman silang makausap.

"Basta ang alam ko, nakaalis na sila rito sa eskwelahan. Pero ito ang sabi-sabi, galit na galit sila dahil sa pagkamatay ng isa nilang miyembro, hindi pumayag ang may-ari ng school na'to na hindi ipaghiganti ang dating dean, kaya naman pinatay nila ang isa sa kanila kahit na nasa labas na sila ng eskwelahan na 'to. Naiwang mag-isa ang anak ng miyembrong namatay, matinding galit ang naramdaman ng mga natitirang miyembro kaya ipinadala nila sa eskwelahan na 'to ang mga anak nila para makapaghiganti." Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kwento ni Dexter. It sounds exciting! Gusto kong subaybayan ang gagawin ng 8 sinners na 'yan.

"I want to meet them." Tiningnan ako ni Dexter nang diretso sa aking mga mata, lumapit siya nang lumapit sa 'kin hangga't sa maramdaman ko na nga ang hininga niya. Takte, hahalikan niya ba ako?!

Agad akong napapikit at napasigaw dahil sa malakas niyang pagpitik sa aking noo.

"You're getting too excited, Alhena. Tsaka bago mo sabihin 'yan, sabihin mo muna sa 'kin ang dahilan kung bakit hindi mo pa sinasabi kung bakit may nakahalong dugo do'n sa pulang pinta." Hinimas-himas ko ang noo ko habang tinitingnan siya nang masama, pwede niya namang sabihin 'yon sa 'kin nang hindi pinipitik ang noo ko.

"Ayokong marinig ni Rhia 'yon. She had enough, baka lalo siyang kabahan kapag nalaman niyang may nakahalong dugo do'n sa ginamit nilang pinta." Napatango-tango na lamang siya at inubos na 'yung tsaa niya.

"Kanino ba galing 'yung dugo na 'yon? Masyadong maraming dugo ang nakuha sa kan'ya dahil dalawang beses nag-vandal ang klase nila sa classroom natin. Sigurado akong nanghihina at namumutla siya ngayon," dagdag pa niyang tanong. Kung dugo lang naman ang pag-uusapan, isang tao lang naman ang nasa isip ko.

"Do'n sa lalaking nasa unahan nakaupo, nakita kong may benda ang kaliwa niyang kamay at pilit niya rin 'yong tinatago. Medyo namumutla rin siya at no'ng nagsimula na akong tingnan ang buong pangangatawan niya, agad siyang umiwas at lumabas sa classroom," sagot ko. Ngumiti siya nang napakalawak at mahinang tinapik ang balikat ko.

"Congratulations, Detective Alhena. You solved your first case," pang-aasar niya, inirapan ko na lamang siya bilang tugon kaya natawa na naman siya.

Tawa lang siya nang tawa pero halatang nasa isip niya na ngayon kung ano ba ang dapat gawin para makapaghiganti kami sa Class B, at kahit na hindi niya man sabihin sa 'kin, alam kong sumasagi rin sa isip niya at tungkol sa 8 sinners.

Maaaring may alam sila sa eskwelahan na 'to. Kailangan ko silang makausap.

— — —

Philippians 3:7–9

But whatever were gains to me I now consider loss for the sake of Christ. What is more, I consider everything a loss because of the surprassing worth of knowing Christ Jesus, my LORD, for whose sake I have lost all things. I consider them garbage, that I may gain Christ and be found in Him, not having righteousness  of my own that comes from the law, but that which is through faith in Christ—the righteousness that comes from God on the basis of faith.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C6
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous