The Killer App 4: Basketball
"Girl, ang weird niya. Akala ko talaga bubugbugin na niya ako or what," kiniwento ni Heaven kay Dorothy sa telepono ang nangyari sa kanila ni Topaz.
"Girl, alam ko sakit lang sa ulo ang lalaking iyan." sagot naman ni Dorothy sa kaniya.
Tumihaya si Heaven at ginalawgalaw niya ang paa niya at inikot-ikot ang buhok gamit ang daliri.
"Alam ko naman iyon, as if naman na gusto ko siya."
"Ramdam ko, gusto mo siya. Ganyan-ganyan ka rin kay Terrence e."
"Uy, nakamove on na ako sa isang iyon. Besides, sabi nga ni Dalton, nagmamahalan silang dalawa, ano namang laban ko doon."
"Mahina ka kasi, puro ka lang kasi tingin, pangarap. Girl, lumabas ka kasi sa kahon mo, ilipad mo iyang pakpak mo."
"Sige na, ang dami mo nang sinasabi. Goodnight na, i love you bes!"
"Che! I love you, too!" saka na ibinaba ni Heaven ang tawag niya sa kaibigan. Pero, hindi parin maalis sa isipan niya si Topaz kaya, hinanap niya ito sa social media. Pero, wala siyang makita sa facebook, maging sa twitter at Instagram wala rin siyang account. Nakakapagtaka, papaano na ang isang binata na katulad niya ay walang social media account? Nakakapagtaka naman iyon?
…
Naisipan ng mga kagrupo ni Topaz na doon nalang magpractice ng kanilang performance sa isang subject nila sa basketball court, since kakaunti lang naman ang mga tao ng oras na iyon, pero hindi inaasahan nila nang biglang dumating ang mga basketball team at nagyayabang na para bang pagmamay-ari nila ang lugar na iyon. Sigaw ng sigaw naman ang mga taga-suporta nila na mga cheerleaders at nagsimula na sila maglaro, naiingayan na si Topaz at nirequest nito na sa iba nalang sila magpractice, ngunit biglang gumulong ang bola sa kaniyang paanan.
"Uy, pretty boy. Paabot naman ng bola!" utos pa ni Mikee sa kaniya. Pero, hindi siya pinakinggan ni Topaz at akmang tatayo na sana at muli siyang tinawag nito.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko…" bigla nalang dinampot ni Topaz, ang bola at marahas itong hinagis at laking gulat ng mga tao ng oras na iyon nang biglang pumasok ang bola sa basketball net, saka naglakad palabas ng covered court ang binata.
…
Lumabas si Mikee ng alas otso ng gabi, mula sa kanilang tahanan at pumunta ito sa basketball court na hindi kalayuan sa subdivision nila at nang makarating ito ay iniwan niya ang gamit niya. Ang kaniyang cellphone, Jacket, towel at Isang malaking tumbler na may lamang tubig. Saka naglaro ito ng mag-isa.
Kilalang Team-captain si Mikee ng kanilang Academy, at isa sa pinaka-magaling sa larangan na iyon. Kaya ganoon na lamang ang inis niya noong biglang maipasok ni Topaz ng ganoon lang ang bola mula sa malayo.
"Akala mo kung sino, napaka-yabang!" pilit niyang ishinushoot ang bola pero hindi ito napasok kaya nafufrustrate siya at nagsisigaw nang may mapansin siyang isang tao na tila nakatitig sa kaniya mula sa malayo.
Madilim at madamo sa bahaging iyon na kinatatayuan ng taong nakatingin kay Mikee. Inaninag niya ng husto ito, at hindi nga siya nagkakamali sa kaniyang nakikita. Kahit may kaba ng minutong iyon, at lakas loob niyang tinawag ang taong nakatayo lang sa bahaging iyon at tila nakatitig sa kaniya.
"Hoy, lumabas ka diyan." tawag pa niya dito, hanggang sa mapuwing ang mga mata niya nang humangin ng medyo malakas at natamaan ng buhangin ang mga mata nga nito.
"Shit!" inis pa niyang sambit, saka niya pinunasan ang kaniyang mga mata gamit ang daliri niya at muling pinagmasdan ang taong nakatayo sa kaniyang harapan at bigla nalang itong nawala.
"Weird!" sabi niya at tumalikod na siya para kunin ang mga gamit niya nang pagtalikod ay biglang nanghina ang mga tuhod nito, at napaupo ito sa sahig. Takot na takot si Mikee ng minutong iyon, dahil bukod sa hawak na ng taong iyon ang bola niya at panay ang dribble nito gamit ang kanang kamay, sa kaliwa naman ay may bitbit itong isang matalas na kutsilyo.
For 20,000 Pesos. Pakainin mo ng bola ng basketball si Mikee Salazar at itali mo ang hubad niyang katawan sa ring ng covered court. At lagyan ng signage na "I raped, Vivian Filomena!"
"Uy, please. Huwag mo akong patayin please." garalgal at halos maihi na sa sobrang takot si Mikee. Hindi niya magawang sumigaw dahil alam niya na walang nakatira doon ss bahay na malapit sa court, kaya wala ring kwenta at baka mas lalo pang mainis ang Killer na ito sa kaniya.
Pero dahan-dahan paring naglakakad palapit ang Killer kay Mikee. Hanggang sa maabutan na siya nito, sinaksak ng Killer ang paa ni Mikee at napasigaw siya ng malakas. Tapos, muli siyang nagmakaawa sa Killer na huwag itong patayin.
"Nirape mo ba si Vivian?" tanong ng Killer kay Mikee.
"Vivian?" pagtataka pa niya sa sinasabi nito hanggang sa itarak naman nito sa kaliwang paa niya ang kutsilyo at napangiwi siya sa sobrang sakit. Ang dami nang dugo na tumutulo ng oras na iyon. At nanghihina na si Mikee.
"Uulitin ko, ni-rape mo ba si Vivian?"
"Oo! Ni-rape ko, si Vivian. Ni-rape ko siya!"
Ito ang ingay na umaalingaw-ngaw sa covered court habang nakatali ang katawan ni Mikee sa ibabaw ng basketball ring nang nakahubad at may lamang gutay-gutay na bola ng basketball sa kaniyang bibig.
Nakatingala lang ang mga kaibigan ni Mikee sa kaniya ng oras na iyon, hanggang sa dumating na ang mga kapulisan,para kunin ang walang buhay ng katawan ni Mikee.
13 stab wounds, at bruises sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Halatang pinahirapan ito, bago siya pinatay.
"Guys, hindi kaya naghihiganti na iyong mga taong nabully natin dati?" takot na sabi ni Dorothy ng minutong iyon. Nasa Casa Cafe sila, na pagmamay-ari ng pamilya ni Bryne.
"That's impossible!" inis na sagot ni Miles. Sabay hawak sa kamay ng kasintahan niyang si Princess.
"Come to think of it, Miles. May point si Dorothy, una si Penelope, tapos si Terrence, at ngayon si Mikee naman. At bakit hindi namin alam na may masama pala siyang ginawa kay Vivian? Grabe, kawawa naman siya." naawa si Heaven sa dating kaklase na si Vivian.
"Saan ba ang simpatya mo, doon sa mahirap na si Vivian o kay Mikee na kaibigan mo?" pagtataray pang sabi ni Princess kay Heaven.
"Princess, mali ang nagawa ni Mikee at alam mo iyon."
"Kahit na, he's our friend. Okay, kaibigan natin siya at wala na siya ngayon." doon na lumabas ang luha sa mga mata ni Princess ng minutong iyon, saka siya niyakap ng mahigpit ni Miles para pakalmahin.